[GMA Network/TAPE Inc] Eat Bulaga: Juan for All, All for Juan! Magbayanihan Tayo ! - Page 37 | Showbiz - TV | PinoyExchange

Page 37 of 83 First ... 27 36 37 38 47 ... Last
Results 721 to 740 of 1656
  1. #721
    Opening Prod : Alden and Maine para sa 100th weeksary ng ALDUB.

    Batang Pinoy Henyo : Bossing at Henyo Master. Pinakilala ang mga lalahok sa grand finals sa Sabado. Kasama din mga batang henyo mula sa Visayas at Mindanao. Pero wild card muna today, Cool Boyz Trops vs GG Trops.

    panel : Bossing, Henyo Master at Allan K

    Kap's Barangay Amateur Singing Contest : Nasa Candava, Pampanga ang JoWaPao. Singing Industrial Engineer vs Singing Factory Worker

    Sugod Bahay : Naglalako ng prutas ang sugod bahay winner. Kaakibat niya ang asawa niya. Motor ang gamit, hiniram sa tatay. Mataas ang baha sa lugar nila, lagpas tao. Buwan bago humupa ang baha. Namamangka kapag mataas ang tubig.

    Jackpot en Poy : Henyo Master at Luane. Mga Filipino Viners ang contestants today. Renman Dimasupil vs Jay Asuncion vs JM Guanzon vs Kate Antonio. Si Ruffa Gutierrez ang referee ngayon.

  2. #722
    Nyek! Yon lang pala kaya magkasama ang TVJ at Broadway Boys. Nakalimutan ko pa na Father's Day na pala ngayong Sabado.

    Grand Finals na rin pala ng PH. Sana hindi ulit PH ang kapalit. Ilagay na yon Boom version nila kung pwede.

    Ang pangit naman ng opening prod ng AlDub kanina. Walang kalatoy latoy at parang hindi pinag-isipan ang prod. Hay naku! Hoy JF, magtrabaho ka naman at huwag puro buntot kay Maine.

    Naku po! May balak pa talaga si 'creative genius' ibalik ang KS. Sana mali yon narinig ko kay Maine doon sa KS US commercial.

    At yon hinihiling ko EB, sana andyan si Hannah at Sanya ngayong Sabado.

  3. #723
    Music Hero, The Vocal Battle : Kathrina Batac (featured today, nanalo na siya nung isang linggo) . Raffy Roque vs Dom Rodriguez

    panel : Tito Sen, Henyo Master at Allan K

    Sugod Bahay : Nasa barangay Pulo, Valenzuela City sina Maine at JoWaPao. Depressed mga anak ng sugod bahay winner. Mga lagpas 30 years old walang mga trabaho. Ang hihilig nilang bumulong today lol.

    Jackpot en Poy : Henyo Master at Luane Dy. Mga anak ng mga artista ang contestants today. Kaila Estrada vs Nicole de Leon vs Diego Gutierrez vs Michelle Dee. Si Gov Lloyd ang referee today.

  4. #724
    You poke my heart!!
    Join Date
    Dec 2004
    Location
    MD USA
    Pinagpupuyatan ko talaga tong YT live stream ng EB. Galing ng Pinoy Henyo Kids! Exciting!

    Akala ko kuha na nung group 1, nakahabol pa yung last. Ayos din ang order nila. Dulo dulo yung magagaling!

    Pinoy Henyo pa din ang kapalit! Pinoy-Foreigner naman ang flavor!

    Sana Broadway Boys na sunod para makatulog na ko.

  5. #725
    Opening Prod : Happy father's Day Prod nina Maine at Tatay Dub, Alden at Daddy Bae, Kenneth at Daddy Glenn, Baste at Daddy Sol at Blaster at Daddy A.

    Batang Pinoy Henyo Grand Finals : Bossing at Henyo Master . Elite Trops vs Funky Trops vs Hype Girls Trops vs GG Trops vs V-Kids Trops vs Kagay-anon Trops

    panel : TVJ at Allan K

    Sugod Bahay : Walang trabaho ang sugod bahay winner. Housewide siya. Nag-aalaga ng tatay at special child na pamangkin. Araw araw na nanonood ng Eat Bulaga ang winner.

    TVJ and Broadway Boys : Kinanta ang mga classic hits ng TVJ ng Broadway Boys. Maganda ang blending ng mga boses nila.

  6. #726
    15 year pexer, break that! stingray1059's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    legazpi city
    akala ko ibabalik foriegnoy.. i merge lang pala sa pinoy henyo..

  7. #727
    Another variation pala uli ng Pinoy Henyo. Sana binalik nalang nila uli yung Foreignoy, or much better kung totally new segment yung nilatag nila.

    Nakaka-umay na for me ang Pinoy Henyo, pwede namang mag-daily concert si Baste during Jackpot En Poy eh.

  8. #728
    Quote Originally Posted by stingray1059 View Post
    akala ko ibabalik foriegnoy.. i merge lang pala sa pinoy henyo..
    Quote Originally Posted by biantot View Post
    Another variation pala uli ng Pinoy Henyo. Sana binalik nalang nila uli yung Foreignoy, or much better kung totally new segment yung nilatag nila.

    Nakaka-umay na for me ang Pinoy Henyo, pwede namang mag-daily concert si Baste during Jackpot En Poy eh.
    Magaling kumanta yung isang Foreignoy champion na kumanta kanina, si Bobby (sp?) from Nigeria. May boses talaga.

  9. #729
    Foreignoy Pinoy Henyo : Henyo Master at Allan K. Edward (Iran) at Tia (Philippines) vs Lee (Korea) at Vam (Philippines) vs Jeremy (England) at Clarisse (Philippines)

    panel : Henyo Master, Allan K at Ruby

    Sugod Bahay : Nasa Maragondon, Cavite sina Maine, Wally at Paulo. Kasama nila si Kim Yung Wa (sp?) 10 years na siyang nandito sa Pinas. Instant Pinoy Henyo sa barangay lol. At may medalya pa harharharhar. Hiwalay sa asawa ang sugod bahay winner. Eighteen years old nung nag-asawa. Nakadalawang asawa na si sugod bahay winner, dalawa ang panganay. Yung unang asawa nagabroad tapos hindi na nagbalik. Yung pangalawa hindi nakuntento naghanap ng iba. Nasa kanya ang pangalawang panganay. Dating installer ng makinarya sa Makati. Yung magulang may-ari ng bakery. Ayan, gagawa sila ng tinapay lol. Ayan naglalagayan sila ng harina sa noo lol. Hahahaha gumawa ng smiley face na tinapay si Maine lol.

    Jackpot en Poy : Henyo Master at Luane Dy. Mga Celebrity Dads ang contestants today. Marco Alcaraz vs Niņo Muhlach vs Troy Montero vs Mr. Robert Seņa. Si Gov Lloyd ang referee today.

  10. #730
    You poke my heart!!
    Join Date
    Dec 2004
    Location
    MD USA
    Seryoso ba yang mga new segments at new location? Parang hindi naman. Ilang taon na ba natin inaantay ang bagong location na yan? Si Wil ang dali dali nagpatayo para sa show nya!

  11. #731
    Quote Originally Posted by randy orton View Post
    Seryoso ba yang mga new segments at new location? Parang hindi naman. Ilang taon na ba natin inaantay ang bagong location na yan? Si Wil ang dali dali nagpatayo para sa show nya!
    Yung location yes. 99% finished na yung pinapatayo ni Mr. Tony Tuviera na APT Studio sa may Rizal, I guess naghihintay nalang sila ng tamang timing para lumipat, that's why I theorized na possible na lilipat sila sa APT Studio sa 38th Anniversary Celebration ng EB.

    Yung sa segments, theory ko lang din na sa bagong studio na sila magla-launch ng mga new segments, kaya siguro nila pinapatagal yung Pinoy Henyo at Jackpot En Poy. Yung BOOM! sure na yan since nabili na ng TAPE yung franchise niya, baka sa bagong studio na rin nila i-launch ito.

  12. #732
    You poke my heart!!
    Join Date
    Dec 2004
    Location
    MD USA
    July na ang 38th nila. Pag hindi pa lumipat. Baka 40th na ang tamang panahon na hinihintay nila.

  13. #733
    Ang "LAME" naman ng Foreignoy PH. Buti na lang maganda yon dalawang babae na asawa.

    Yon location naman daw eh gawa na at nadaanan na ng kakilala ko dyan. Maganda daw pero malayo. Sana nga sa anniversary na sila lumipat.

  14. #734


    Natawa ako sa reaksyon nina Maine sa mushroom bread. Akala siguro nila bastos yung ginagawang tinapay ni Wally.

  15. #735
    Foriegnoy Pinoy Henyo : Henyo Master at Allan K. Julian (Germany) at Mari vs Maria (Russia) at Erza vs Igor (Russia) at Claire.

    panel : Henyo Master, Allan K at Ruby

    Sugod Bahay: Si Maine may paandar sa barangay lol. Kunwari may ulan may patubig galing sa pagdidilig lang. Nasa Sta. Mesa , Manila sila. Dating ofw yung asawa ng sugod bahay winner. Kaya lang nagkarecession sa Qatar. Dating may breast cancer ang sugod bahay winner pero cancer free na. Kailangan lang ng monitoring. Kambal ang anak nila.

    Jackpot en Poy : Henyo Master at Luane Dy. Mga dentista ang contestants today. Ezequiel Algabre vs Miguel Librojo vs Aaron Rivera vs Martin Velayo. Si Ruffa Gutierrez ang referee today.

  16. #736
    I searched sa Google Play Store. Hindi na pala available doon yung Eat Bulaga! Mobile app. I remember January 2015 ni-launch ng EB yun.

    Naalala ko minsan nag-laro ako doon ng Pinoy Henyo game, in fairness masaya siyang laruin, but I downloaded the EB Mobile App because of the EB throwback videos. Kaya lang, madalang lang sila mag-upload ng EB throwback videos sa EB Mobile App, mga three to four videos a week lang sila mag-upload, then dumating yung time na hindi na sila nagu-upload ng EB throwback videos, so I decided to uninstall the app.

    But I guess nawala na sa Play Store yung EB Mobile App dahil flop siya. Napansin ko na 100,000+ lang ang nag-download nun, although I remember na laging pina-plug ng EB yung app nila during 2015, meron pa silang papremyo sa makakalaro ng Pinoy Henyo game sa EB Mobile app with the EB Dabarkads themselves. Dapat hinype ng EB yung app nila nung kasagsagan ng Kalyeserye at AlDub to bring in more new downloaders.

  17. #737
    You poke my heart!!
    Join Date
    Dec 2004
    Location
    MD USA
    Akala ko spontaneous na si Ryzza sa mini interviews nya sa Pinoy Henyo. Dinig na dinig na naman ang coach nya while interviewing the Foreignoys. Mag ear piece na kasi para hindi distracting!

  18. #738
    Sawang sawa na ako panoorin tong Pinoy Henyo pero sige basta laging may itsura yon babae na kasali

    Napapansin ko rin na madalas na rin nakafocus sa mga babae sa studio na maganda kapag kumakanta si Baste kaya sige ok na ako sa PH.

  19. #739
    Foriegnoy Pinoy Henyo : Bossing at Ruby. Ross (Brazil) at April vs Jee (Korea) at Danilo vs Aaron (Australia) at Julius

    panel : TVJ

    Sugod Bahay : Nasa Sampaloc , Manila sina Alden, Maine , Paulo at Wally. Maraming maraming maraming maraming salamat po. Walang walang walang walang ano man lol. May anak na special child ang sugod bahay winner. Kinupkop sila ng isang good samaritan. Pupunta sila sa Eat Bulaga ngayong Sabado.

    Jackpot en Poy : Henyo Master at Ruby. Mga Bibidahing Kontrabida ang contestants today. Si Hara Pirena kasama sa mga kalahok. Glaiza de Castro vs Jay Manalo vs Bettina Castro vs Alessandra de Rossi. Si Gov Lloyd ang referee today.

  20. #740
    Quote Originally Posted by biantot View Post
    I searched sa Google Play Store. Hindi na pala available doon yung Eat Bulaga! Mobile app. I remember January 2015 ni-launch ng EB yun.

    Naalala ko minsan nag-laro ako doon ng Pinoy Henyo game, in fairness masaya siyang laruin, but I downloaded the EB Mobile App because of the EB throwback videos. Kaya lang, madalang lang sila mag-upload ng EB throwback videos sa EB Mobile App, mga three to four videos a week lang sila mag-upload, then dumating yung time na hindi na sila nagu-upload ng EB throwback videos, so I decided to uninstall the app.

    But I guess nawala na sa Play Store yung EB Mobile App dahil flop siya. Napansin ko na 100,000+ lang ang nag-download nun, although I remember na laging pina-plug ng EB yung app nila during 2015, meron pa silang papremyo sa makakalaro ng Pinoy Henyo game sa EB Mobile app with the EB Dabarkads themselves. Dapat hinype ng EB yung app nila nung kasagsagan ng Kalyeserye at AlDub to bring in more new downloaders.

    Edited to add : sorry sorry magkaibang app pala ang tinutukoy natin EB Mobile app pala ang tinutukoy mo akala ko yung ALDUB app

    Eto ang official ALDUB Game ( Ang Xurpas incidentally ay connected sa PinoyExchange dahil ang isa sa mga founder ng Xurpas na gumawa nitong ALDUBYou - Ang Hamon ni Lola ay siya ding isa sa mga founder ng PinoyExchange) :

    https://play.google.com/store/apps/d...ldubgame&hl=en

    Played more than 6 million times!

    Join Alden, Yaya Dub and Lola Nidora in this exciting kalyeserye game!

    Help Alden safely cross the busy streets of Manila! Join the rest of the AldubNation and watch out for cars, jeepneys and even Frankie's car. Keep your eye out for Mystery Boxes, which will contain special prizes for you! Be the ultimate Aldub fan - be with the whole Kalyeserye cast 24/7!

    Unlock special events and kilig AlDub moments every 7 levels. Keep on playing to see which new date of Alden and Maine will appear in the game!

    Exclusively available to TNT and Smart subscribers.

    Internet connection required.

    Got questions? Suggestions? Email the team at [email protected]

    DTI-FTEB SPD 2486 series of 2016


Page 37 of 83 First ... 27 36 37 38 47 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •