Kwentong Biyenan | Family, Friends and Society | PinoyExchange

X

Page 1 of 3 1 2 ... Last
Results 1 to 20 of 41
  1. #1

    Kwentong Biyenan

    Normal ba na nakiki-alam ang biyenan at siya ang nagpapasya sa mag-asawa kung dapat silang mag-hiwalay?

    Nag-away kami recently ng asawa ko sa loob ng kwarto, at bigla bigla ang biyenan ko na nabisita lang ay parang tangke na sumusugod at sinasabi eh mag-hiwalay na raw kami. Hindi naman alam ang kwento. Naiintindihan ko na kinakampihan talaga ng magulang ang anak pero kelangan talaga makialam sa outcome ng relasyon? Hindi naman kami nagsasakitan physically para may manghimasok bigla. May times naman talagang nag-aaway ang mag-asawa. Pero kelangan talagang umepal?

    Ang hirap kasi eh akala mo na kung sinong napakahusay na tao. Parating nagkekwento na lagi siyang inaaway ng mga kapatid ng asawa niya, dahil may ugali raw ang mga iyon. Ang hindi lang niya nare-realize eh siya itong masama ang ugali. Kaya galit sa kanya ang mga yon eh dahil sobra sobra ang kayabangan niya. Paanong hindi maiinis ang mga tao sa kanya, eh laging ipinagmamayabang na mayaman siya. Tapos halos lahat ng taong sikat eh kamag-anak niya.

    Pero yung biyenan kong lalake eh mabait naman. Di ko lang alam paano niya natagalan yung asawa niya.

    Kwento naman kayo, kung meron.

  2. #2
    lie and die tidge's Avatar
    Join Date
    Sep 2001
    Location
    kung saan may inum
    himingi ka ng advice sa byenan mong lalaki, kung ano ang secrete nya sa relationship

  3. #3
    ok naman *** ng biyenan ko lalake.. hndi nmn sya nkikialam **** mag asawa kng may d *** npgkkasunduan. *** nko biyenan na babae kasi bgo pa *** *** ikasal namatay na sya. unfortunately d nya naexperience mging lola sa anak nmin ni misis. last year nadiagnosed na may cancer sa colon ang biyenan ko.. malamang nkuha nya un sa kakayosi kc tnubuan sya ng bukol sa bituka. pasalamat sa Diyos nanyari un nandto na ko sa abroad.naawa *** ako kay misis kc gsto nya ko matulungan kaso bata pa anak ntin mhrap ipagkatiwala sa pnahon ngayon. sabi ko *** nmn problema skin basta kaya ko.. auko din pbyaan pmilya nya. ang problema kc nasanla un bhay ng kpatid ng biyenan ko.. nsa hosptal ang titulo and need ko mbyran din un. ang sa akin lang sna tulungan ako ng mga kapatid ng biyenan ko kasi humingi din ako ng tulong sa knla. mhrap pro Diyos na ang bhala sa lhat. i know part *** ng success ang nanyyari ****. d nmin maabot kng anu un goal nmin kng d kami mggng matatag sa mga obstacles na dmrating. thanks sa mga bumasa. Godbless

  4. #4
    Quote Originally Posted by tooannoyed View Post
    Normal ba na nakiki-alam ang biyenan at siya ang nagpapasya sa mag-asawa kung dapat silang mag-hiwalay?

    Nag-away kami recently ng asawa ko sa loob ng kwarto, at bigla bigla ang biyenan ko na nabisita lang ay parang tangke na sumusugod at sinasabi eh mag-hiwalay na raw kami. Hindi naman alam ang kwento. Naiintindihan ko na kinakampihan talaga ng magulang ang anak pero kelangan talaga makialam sa outcome ng relasyon? Hindi naman kami nagsasakitan physically para may manghimasok bigla. May times naman talagang nag-aaway ang mag-asawa. Pero kelangan talagang umepal?

    Ang hirap kasi eh akala mo na kung sinong napakahusay na tao. Parating nagkekwento na lagi siyang inaaway ng mga kapatid ng asawa niya, dahil may ugali raw ang mga iyon. Ang hindi lang niya nare-realize eh siya itong masama ang ugali. Kaya galit sa kanya ang mga yon eh dahil sobra sobra ang kayabangan niya. Paanong hindi maiinis ang mga tao sa kanya, eh laging ipinagmamayabang na mayaman siya. Tapos halos lahat ng taong sikat eh kamag-anak niya.

    Pero yung biyenan kong lalake eh mabait naman. Di ko lang alam paano niya natagalan yung asawa niya.

    Kwento naman kayo, kung meron.
    Pamamahay mo patakaran mo. Babalaan mo si biyenan - kung makikialam siya hindi na siya maaaring magpunta sa inyo.

    #SentidoKumon

  5. #5
    Quote Originally Posted by panis_na_puto View Post
    Pamamahay mo patakaran mo. Babalaan mo si biyenan - kung makikialam siya hindi na siya maaaring magpunta sa inyo.

    #SentidoKumon

    The key word is RESPECT.

    If you can not respect your in laws, esp parent in laws, then you have married the wrong person. At bakit mo naman aawayin yung asawa mo in the presence of your in laws? that is rude. Tatanda ka rin magkakamanugang. Sana di ka nila bastusin.

  6. #6
    Quote Originally Posted by madulimay View Post

    Pumasok na nga sa loob ng silid ang mag-asawa. Bakit manghihimasok pa ang biyenan sa loob ng silid? Sino siya para gawin iyon?

    Balang araw kung magkaroon ako ng manugang hindi ko pakikialaman ang diskusyon/away ng mag-asawa. Hindi ko papanigan ang aking anak. Bahal silang lutasin ang kanilang suliranin. Papasok lang ako kung hihingan ng payo!

    #SentidoKumonPaMore

  7. #7
    Quote Originally Posted by panis_na_puto View Post
    Pumasok na nga sa loob ng silid ang mag-asawa. Bakit manghihimasok pa ang biyenan sa loob ng silid? Sino siya para gawin iyon?

    Balang araw kung magkaroon ako ng manugang hindi ko pakikialaman ang diskusyon/away ng mag-asawa. Hindi ko papanigan ang aking anak. Bahal silang lutasin ang kanilang suliranin. Papasok lang ako kung hihingan ng payo!

    #SentidoKumonPaMore

    Kung may sentido kumon ka, dapat alam mong rumespeto sa biyenan. Ang biyenan ay magulang ng asawa mo. If kaya mo silang bastusin meaning to say wala ka rin pagpapahalaga sa pagkatao ng asawa mo. Kahit nasa kwarto, if dinig sa kabahayan ang pag-aaway at sa presence pa ng biyenan, bastos yun. If you have to argue, do it discreetly. Mas malala siguro if present din ang mga anak. Imagine the torture it brings to the innocent children. Seeing their mom go full beast mode against their father and worst their grandma. Tatatak sa murang isip ng mga bata na ang kanilang ina ay walang paggalang sa kapwa. All these for what? for your own selfish pride. tsk tsk tsk.....

    Kung sa bagay, these are things you will never understand.

  8. #8

    Teka muna, bakit naging argumentum ad hominem ang usapan?

    Maski bali-baligtarin, pamamahay ng mag-asawa kaya patakaran nila. Si biyenan huwag dapat manghimasok!

    Sentido kumon: si biyenan dapat magbigay din ng respeto upang mabigyan ng respeto!

  9. #9
    Don't matter J05's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    Point A to B
    @toannoyed,

    I think it is not right naman na makialam ang in-laws sa away ninyo mag-asawa.
    They (in-laws or biyenan) should respect you as Husband ng anak nila.

    Labas na sila sa discussion nyo about Husband and Wife problems, unless kung hihingi kayo ng advise.

    Buti nalang Single pa ko

    Anyways, if someday akoy magiging mother in-law sa mga ganyang situasyon
    sila na bahala sa problema nila labas na ko dyan.

    Aba'y I need to rest naman ah.
    They are old enough to discuss and resolve their own problems.

    Cheers.

  10. #10
    Don't matter J05's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    Point A to B
    @ Madulimay,

    I agree with Sir PNP

    I think you mis-interpret him, however please re-read TS situation.

    Husband and Wife if arguing they need to resolve their own problems, if they can't reach conclusion on how to resolve problems eh pwede naman silang magtanong sa marriage counselor.

    But you know kung ako yung biyenan bat ako mang hihimasok at papasok sa room ng mag-asawa?
    They are discussing their own problems, let them find the best solution as possible.

    Anyway, di naman siguro sila ng susuntukan at nag babasagan ng mukha - nag di-diskussion lang naman.

  11. #11
    Again the keyword is RESPECT.

    Respect your elders. Mula pagkabata yan na ang pangaral sa atin. (Pardon me if iba ang turo sa inyo). It doesn't matter kung nasa bahay ng mag-asawa or sa bahay ng biyenan.
    Mas nakatatanda ang biyenan. If you can not do that, to respect your spouse's parents, then maybe tama yun biyenan when she said na maghiwalay na lang kayo. Don't let pride eat you up. As I've said, if you need to argue, do it discreetly. Hindi magandang mag-away ang mag-asawa sa presence ng magulang (may it be your own parents or your spouse's parents). Kahit nakatago pa sa kwarto if maririnig naman na nagsisigawan kayo, maaalarm ang parents.

    And shaming your biyenan here in Pex, kahit pa anonymus, is wrong. Soliciting opinions that go against one's in-laws to reaffirm your misdoings is wrong. Treat your in-laws like your own parents. Nung ikinasal kayo, sabi sa simbahan, pinagbuklod na kayo para maging iisa. What is yours is his, what is his is yours. Kahit imbiyerna ka kay biyenan, pakisamahan mo. Kung nagtitiis ka, nagtitiis din siya sa iyo.

    If you love and respect your spouse, learn to love and respect his/her parents. It may not be easy but it surely can be done.

    Ang nakakatakot niyan, yung ugaling ayaw mo sa in-laws mo mapapansin mong taglay mo rin pag ikaw na ang biyenan. INGAT.

    #justsaying

  12. #12
    dependi yan kung gaano ka laki yung pinag awayan . punta ka nalang sa biyenan mong lalaki baka maka tulong sya anak rin naman nya rin eh

  13. #13

    Respect the privacy

    The key word is respect we need to understand our in laws besides.. over protective lang talaga sila.. pag dating ng panahon mauunawaan mo din sila. God bless u..

  14. #14
    Quote Originally Posted by madulimay View Post
    Again the keyword is RESPECT.

    Respect your elders. Mula pagkabata yan na ang pangaral sa atin. (Pardon me if iba ang turo sa inyo). It doesn't matter kung nasa bahay ng mag-asawa or sa bahay ng biyenan.
    Mas nakatatanda ang biyenan. If you can not do that, to respect your spouse's parents, then maybe tama yun biyenan when she said na maghiwalay na lang kayo. Don't let pride eat you up. As I've said, if you need to argue, do it discreetly. Hindi magandang mag-away ang mag-asawa sa presence ng magulang (may it be your own parents or your spouse's parents). Kahit nakatago pa sa kwarto if maririnig naman na nagsisigawan kayo, maaalarm ang parents.

    And shaming your biyenan here in Pex, kahit pa anonymus, is wrong. Soliciting opinions that go against one's in-laws to reaffirm your misdoings is wrong. Treat your in-laws like your own parents. Nung ikinasal kayo, sabi sa simbahan, pinagbuklod na kayo para maging iisa. What is yours is his, what is his is yours. Kahit imbiyerna ka kay biyenan, pakisamahan mo. Kung nagtitiis ka, nagtitiis din siya sa iyo.

    If you love and respect your spouse, learn to love and respect his/her parents. It may not be easy but it surely can be done.

    Ang nakakatakot niyan, yung ugaling ayaw mo sa in-laws mo mapapansin mong taglay mo rin pag ikaw na ang biyenan. INGAT.

    #justsaying
    Sentido kumon lang naman ang kailangang gamitin. Maaari namang mangatuwiran sa biyenan nang magalang. Sabihin nang malumanay, "Inay, pabayaan na ninyo kaming mag-asawa mag-usap ukol dito...."

    Nasa paraan lang kung paano sabihin.

  15. #15
    no. 1 rule, wag na wag tumira kasama ang biyenan.

    gulo yan

  16. #16
    Don't matter J05's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    Point A to B
    ^Rule No. 1-a

    Wag na wag makikitira sa anak na may asawa

    Kase:
    1. Gagawing ka lang nanny ng mga kuting (apo)
    2. Taga luto kasi si hipag walang ganang magluto ->naglilihi.
    3. baka ikaw pa paglihian ..naks
    4. Wala ng time maki pag date kasi lagi ka taga bantay ng apo
    5. Taga pik-up ng apo sa school **** ..
    6. Wala ng time maka pag shopping kasi si apo buntot ng buntot.
    7. Pag mag travel sila iiwan nila ang apo sayo kasi free service naks.

    * Mas mainam nang tumira sa ikapitong bundok

  17. #17
    Quote Originally Posted by Datkilab View Post
    no. 1 rule, wag na wag tumira kasama ang biyenan.

    gulo yan
    Quote Originally Posted by J05 View Post
    ^Rule No. 1-a

    Wag na wag makikitira sa anak na may asawa

    Kase:
    1. Gagawing ka lang nanny ng mga kuting (apo)
    2. Taga luto kasi si hipag walang ganang magluto ->naglilihi.
    3. baka ikaw pa paglihian ..naks
    4. Wala ng time maki pag date kasi lagi ka taga bantay ng apo
    5. Taga pik-up ng apo sa school **** ..
    6. Wala ng time maka pag shopping kasi si apo buntot ng buntot.
    7. Pag mag travel sila iiwan nila ang apo sayo kasi free service naks.

    * Mas mainam nang tumira sa ikapitong bundok
    Iba ang nagsasarili walang katumbas na salapi. BASURA ang NAKIKITIRA!

  18. #18
    I was on my ojt days when i first met my mil. Di pa kami kasal noon. And my only time to see my husband was during early mornings. At dahil doon pinagiisipan ako lagi ng masama ni mil. P0kp0k daw ako kasi ganoong oras daw ako lagi nakikipagtagpo sa anak nya.

    Tapos dumating *** time na nanirahan ako sa kanila at di pinagpbabayad ng upa o share sa bills, so pag nagkakapera ako namimili ako ng groceries para di naman nakakahiya. Nung minsan nagtaka ako kasi naubos agad *** suka, edi tinanong ko yun sa asawa ko. Kinagabihan naalala ko na naghiwalay ako ng suka para lagyan ng sili, sinabi ko rin un sa asawa ko. Kinabukasan ng umaga ewan ko kung bakit hinanapan ng asawa ko ng suka si mil. Edi nag beast mode si mil. Sabi nya binibilangan ko raw sya. Noong time na un nagbabalak na kami magpakasal.

    After a few days nong nangyari un sinabihan ako ni mil na makipaghiwalay na sa anak nya kasi hinahanapan na raw nya ng ibang aasawahin *** anak nya, take note: "*** kayang buhayin ang anak ko". Sa isip ko, "babae ba yang anak mo para buhayin ng maaasawa?". Nasa 20s ako noon at 30s ang asawa ko. An hinahanap ni mil na maaasawa ng anak nya eh nasa 40s. Parang napaka oportunista tuloy ng dating ni mil.

    Nitong kasal na kami ng anak nya at may anak na kami, nagkaayos din kami dahil sa apo nya at nagkalinawan kung anong nangyari sa "nawawalang suka". Tapos inamin nya na ganoon nga syang magisip sa akin, na p0kp0k daw ako. Noong una tinatawanan ko lang. Ayoko mapikon. Inintindi ko. Kaso noong paulit-ulit na, naiinsulto na ako. Kung naging masamang tao ako siguro inulit ulit ko rin ipaalala sa kanya na produkto ng one night stand *** anak nya na ni hindi nya alam pangalan nung tatay ng asawa ko. E kaso di pa naman ako ganoon kasama. Higit pa sa karapat dapat sakanya un respeto at pagmamahal na binibigay ko sa kanya.

    Tapos paulit-ulit din nyang niyayabang sa akin na nakaya daw nya palakihin *** anak nya na magisa. Kakayanin ko rin daw palakihin *** anak ko magisa. Ang dating sa akin wag ko na asahan *** anak nya kasi kakayanin ko naman daw magisa. Nasasktan na talaga ako.

    Dito kami naninirahan ng asawa ko sa mama ko. Nakakahiya man aminin pero kasi hindi pa kasi namin kaya bumukod. Dito kami sa mama ko kasi mas comfortable ako dito kumilos at well ventilated ang bahay at di ako kapos sa kain. Dito rin sa amin nabinyagan si baby last year. Every other week sinusugal kong ibyahe si baby ng 3hrs para lang makasama ni mil si baby kasi alam kon sabik na sabik sya sa apo nya.

    Nitong new year pumunta kami kila mil para makasama nya apo nya. Prublema ko kay mil karga sya ng karga kay baby. Konting kibot konting iyak kinakarga sinasayaw inaalog. Minsan kahit di umiiyak ganoon parin ang ginagawa. Sinabihan sya na sya ng asawa ko pero sige parin sya. It came to the point na ang hirap nan alagaan si baby kasi naghahanap na ng karga.

    Tapos ito nga dun kami nag new year. Natapik ko *** sofa sa inis kasi ayaw matulog ni baby. Sabi ni mil wag daw ako magalit sa bata kasi bata un. E ako naman punong puno na mg inis. Naipon *** inis ko mula dun sa p0kp0k issue, nagsalita na ako. Di naman ako nagtaas ng boses pero pinilit kong magpaliwag sa mahinahon na paraan.

    Sabi ko "hindi ako nagagalit kay baby, naiinis lang ako kasi ang hirap nang patulugin, nasanay kasi sa karga". Tas ayan na nag ultimate beast mode na si mil, "edi hindi ko na kakargahin yang bata! Wala kang utang na loob pinagluluto kita at inaalagaan ko anak mo tapos sasagutin mo ako?!". Dahil sa sigaw nya di na ako nakapagtimpi at napasigaw na rin ako,

    "talagang hindi na kasi di mo na makikita to apo amo! Wala akong utang na loob dahil doon? Sinusugal kong ibyahe tong bata para lang makasama mo (dati kasi pinagpilitan nya na dun kami ni baby sa kanila) tapos ako pa ang walang utang na loob? Kung pwede wag nyo akong turuan sa pagpapalaki sa anak ko kasi hindi ko naman ipapahamak ang anak ko. (Mas marunong pang pang humawak ng baby *** asawa ko kaysa kay mil, halos mabali likod ng anak ko pag si mil ang nagkakarga kay baby). Ako ang makakasama nyang lumaki, hindi ikaw. Pag nasanay yan sa karga, ako ang mahihirapan sa pagaalaga at hindi ikaw. Hindi rin ako *** makakaramdam ng discomfort pag nagiiiyak si baby at di makatulog, *** apo mo ang mahihirapan. Noong kinasal kami at nanganak ako hanggang sa makalabas kami ng ospital at binyag ng apo mo ni anino mo hindi nagpakita, may narinig ka ba sa akin? Inintindi ko lahat un tapos ganito mo lang akong tatratuhin? *** sinasabi mo sa akin dati na di dapat sumasagot sa biyenan, masyado mong sinasamantala. Palibhasa di mo naranasan mgkaroon ng biyenan. Di mo naranasan *** hirap makisama lalo na kung ang biyenan ay kasing ugali mo.
    Pasensya na po di ako kasing lakas at tatag nyo, hindi ko kayang magpalaki ng bata ng magisa. Kaya kung hanggang ngayon eh di ka parin sumusuko na paghiwalayin kami ng anak mo, kayong bahala, sino bang mawawalan ng apo? Hindi ako ang mawawalan dito."

    Di na sya nakapag salita at nagiiyak na lang. Nilayasan ko sila. Umuwi ako dito samin dala si baby at dalawang malaking bagahe(mga gamit namin ni baby). Di ko na hinintay asawa ko kasi alam kong mas kailangan sya ng mama nya.

    Alam kong ang harsh at sumobra ako sa pag sagot ko kay mil. Pero di ako nagsisisi. Kailangan ko rin gawin un. Un lang nagiisang paraan ko para makinig sya at umaasa ako ng marerealize din nya *** mali nya. May plano naman ako mag sorry pag narealize na nya *** mali nya. E kaso until now galit parin sya sa akin, meaning di nya naiintindihan *** mali nya.

    Sa mga makakabasa nito sana naman walang mam bash sa akin. Tao lang naman ako nasaaktan at napupuno rin. Pinilit ko naman magtimpi kaso pati anak ko involved na kaya di ko na napigilan sarili ko.

    -potato1821

  19. #19
    ^^Ang kuwento mo ay leccion sa lahat na dapat ANG MAG-ASAWA'Y NAGSASARILI.

  20. #20
    Given na iyon. Pero ang kwento ko tungkol sa biyenan ko at hindi prublema sa pakikitira sa magulang. 😂 pasensya na. Nakalagay kasi "kwentong biyenan", un pala kwento ng mga perpekto. Edi kwento mo buhay mo. Perfect ka e. Haha. Ang ***** mo naman.

    Ah, tsaka pala hindi yan "leccion". Kwento po yan. Kahiya naman sayo. Pasensya na ulit. 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂

    Last post.
    Last edited by Potato1821; Mar 7, 2017 at 03:13 PM. Reason: Typo

Page 1 of 3 1 2 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •