Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

Madame Claudia Buenavista: A Jean Garcia thread[merged]

Eto ang sagot sa thread na sukang-suka sa soap operas!
I personally believe that Pangako sa Yo is not done in the usual mold of traditional soaps.
At nakaka-loka ang role ni Jean Garcia as Madame Claudia!
Ang galing2 nya pati si Eula valdez as Amor Powers!
Korek?! :)
«13456770

Comments

  • Sobrang bilib ako kay Jean Garcia as Madame! Nakakainis siya and very convincing ang pagka-deceitful niya. I'm sure she'll be nominated for a Star Award and I hope she wins. I haven't seen a villainess as convincing as her since Princess Punzalan's Selina in MSP.

    Magaling din si Eula Valdez. Dalang-dala niya ang pagkasosyal ng character niya. I've always admired Eula, since her Bagets days pa nga e. :)
  • actually,matagal nang magaling si Madame Claudia kahit noong days pa nya sa Familia Zaragoza as Beatrice!(also sa ABS noon).Pero,hanep ang break nya ngayon at pinagsamang Loi at Imelda atbp... ang character nya! Am addicted to the show because of Madame!!!
    hats off ako sa ABS-CBN at Star Cinema!!!!
  • Agree! I watch Pangako Sa 'Yo not because of Yna and Angelo, mas gusto ko sina Tatay ni Yna(Chris Daluz), Eduardo, Amor at lalong-lalo na si Madam Claudia Buenavista!

    Ang galing-galing ni Madam Claudia!
  • ZardaZarda PExer
    Iboto si Madame Claudia!!! Madam ng MASA!!!!
    Iboto!!!!(hahahahaha!)that is kung napanood nyo yung episode kanina!!!!
    Ang galing -galing!!!!Panalo si Madam!!!!
  • Her character is so funny. May isang episode wherein niyakap siya ng isang lola-supporter... pag sakay niya sa van, she immediately demanded her alalay for her bottle of alcohol!
  • labisalabilabisalabi PEx Veteran ⭐⭐
    Maraming "commentaries" ang character ni Madam Claudia at sana,maging daan ito para mamulat ang MASA sa katotothanan.
    I love Madam Claudia at Baklang-bakla ang role.
    Parang nanaunumbalik si Alexis sa DYNASTY!!!! :)
  • yeeeyeee PExer
    grabe na to!
  • ping!ping! PExer
    Agree ako sa inyong lahat! Jean Garcia is very convincing in her role as Claudia Buenavista. I can't imagine any other actress playing that role.

    I even heard that ABS asked her to quit her job sa Japan just to play the Claudia part in Pangako kasi tingin nila si Jean lang pwede mag-execute ng role effectively.

    Thumbs up to Jean Garcia!:)
  • IBOBOTO NYO PA BA SYA?:D
  • Marami kasing "masa" na di nakaka-unawa ng mga isyu kaya maaring manalo si Madam.Parang eleksyon natin na nalalapit!
    hahahahahaha!Madam Claudia...Madam ng MASA!!!!
  • Bea_Bea_ PExer
    ang gleng gleng nya umarte!! very convincing ang kanyang facial expression kaplastikan! haha
  • Hanep ang ginagastos ng 2 huh! Yung episode kanina,may jingle pa kamo si Madam Claudia at mga t-shirts plus other election materials like posters etc...
    Baka maisulat ng ibang sumusubaybay sa Pangako sa Yo sa balota sa Lunes ay Madam Claudia sa governor!Lagot! :)
    Si Amor Powers naman ay may sariling perfume formulated ng France kaya naloka si Madam!!!
  • I'm Agree, korek kayo dyan, hanga rin ako kay Madame Claudia ang galing nyang umarte lalo na pag nakikipag plastikan sya hanep talaga.

    Si Amor yes ang ganda ganda nya dun sa una, nung long hair pa sya, pero ngayon na nag pa hair cut sya lumabas ang katarayan nya dala ng bago nyang hair style.

    Si TATAY ang gleng gleng din nyang umarte... Dapat may makuha rin syang award.

    Si Vanessa ano nga ba ang name nya hmmmm nakalimutan ko na pero pag dating sa pag arte nya hmmmm " NO COMMENT "
  • ba't kaya nasali si Vanessa dun?
  • alam ko na kung ano ang name ni Vanessa dun, " Bea Bianca "
    tama nga ba basta ito na nga ata yun .... hehehehehe

    Hay naku iwan ko ba kung bakit nasali sya dun...

  • Pero may napapansin ako hmmmm diba may tinatawag tayong
    " Lukso ng Dugo " BAKIT kaya di maramdaman ni Amor yun para kay Yna? ? ?
  • Ang galing ni Jean Garcia as Madame Claudia. Pagnaiinis ka na sa character ibig sabihin effective ang artista. At ganoon nga si Jean, maiinis ka sa kanya.
  • Originally posted by kengkong
    Baka maisulat ng ibang sumusubaybay sa Pangako sa Yo sa balota sa Lunes ay Madam Claudia sa governor!Lagot! :)

    Naiiisip ko rin yan. Dapat talaga may kodigo kasi baka si Madam Claudia ang maisulat ko. Lagi pa namang nasa isip ko ang campaign slogan niya... CLAUDIA BUENAVISTA! MADAM NG MASA!

  • RöttenMindRöttenMind PEx Veteran ⭐⭐
    :lol:

    ayoko na ngang manood ng Pangako Sayo.. kase baka maboto ko na si Madame Claudia!
  • ZardaZarda PExer
    Originally posted by neptune
    ba't kaya nasali si Vanessa dun?

    Ang role ni Vanessa sa PANGAKO ay very true to life dahil sya ang wawasak sa relasyon ni Kristine at Jericho!!!
    Nabasa ko sa ABS-CBN website ng Pangako sa yo!!!
    Di na nya kailangan umarte at ginawa na nya kay John at Janice!(hahahahahahahaha!!!)
    Pero,wag kalimutang iboto ang Madam ng Masa...
    Claudia Buenavista po for Governor!!!
Sign In or Register to comment.