Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Help po need some advice about my current love life.

amarlie_08amarlie_08 PEx Rookie ⭐

Hello po mga ka pexers! I have a love problem here. Actually I have a relationship that is so complicated at the moment but we have been together for 7 years now and we already have one child. Things were really okay between the 2 of us and by the way we are LDR po since he is working in NZ for 2 years now. Umuwi sya last year twice and we had been okay po as in wla po kami ibang pagtatalo or never kami nagkaroon ng matinding away. Almost 3 weeks ago na po now nung nangyari sya. Ganito po kc un... Inaway ko po sya sa dahilan po eh dahil sa past wife nia. Although sinabi nia na ndi na cla nag uusap ng matagal na and nakikipag communicate nlng sya sa mga bata. But still, ndi ko ata napaniwalaan un at nagstalk ako sa mga past posts nia sa FB which is sobrang mali. Gang sa napaaway ako sa kaniya and he said na mas mrami pang need intindihin kesa sa mga naiisip ko. And then I fired my shots away. I said things like.. Sinira nia buhay ko, napagbintangan ko sya dahil sa may babae sya ganun and so on and so forth without knowing na ang hirap ng sitwasyon nia doon kc po nawalan sya ng work until further notice. Bayaran nia po na wlang humpay kc ndi nmn sya nabigyan ng discount ng landlady nia and also the insurances and car nia po need hulugan weekly po. Kya mejo nagpatong-patong po problema isama na din po ung padala samen ng anak nia. Since wla sya maipadala bka lalo nakadagdag po sa problema nia. And aun na nga naaway ko pa po and napagsalitaan ng masasakit. Ndi na po nia ni-seen ung mga messages ko since away po namen, peo po nito lang May 8th, anniversary po kc namen nagpost ako sa wall nia sa FB and nagsend po ako ng mga pics at video ng anak namen na binabati sya for the anniv po. Then all of a sudden nag seen na po sya ng mga messages ko, nagsend po ule ako ng msg last Sunday morning then neto pong Tuesday nagseen po ule sya. Sa totoo lang po 3 weeks na kami ndi nia kinakausap. Alam ko po may fault ako and nagsorry na po ako sa mga sinabi ko for almost 2 weeks and alam ko po na nabasa nia un. Gusto ko po sya hintayin kc mahal n mahal ko po sya and I know he is trying to build himself up dahil sa mga nawalan s knya plus ung ndi nia pagkausap saken. Alam ko po nagalit sya ng todo doon. Tingin nio po ba nawawala na galit nia saken? Salamat po sa pagsagot. And wla po ako balak iwan sya sa totoo lang din po.. :bawling:

Comments

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    ^ Immature niyo pong dalawa, sorry can't help to say it. Avoidance, tampo dahil hindi narereplyan agad, etc. Are you guys both ready ba talaga to become parents?

    First and foremost, complicated iyong relationship due to emotional turbulence. May previous wife at anak pa. Ikaw naman, you sounded desperate na may anak din. Aggravating factor pa dito na LDR kayo.

    Build yourself up, Mam. Kasi sa tingin ko dependent ka sa kanya not just emotionally but financially speaking (am I right?). A strong woman stands on her own. Plan kayo together yes, maybe mag emigrate someday to NZ, but try to have your own source of income rin para tumaas ang self-worth mo and if anything happens between you two (or his job), mapalaki mo iyong anak mo ng maayos. Remember, this is NOT ABOUT YOU NOW.

    I know madali lang siguro tong sabihin kasi hind ako involved pero iyon nga, mas nangingibabaw kasi ang emosyon ngayon kaya naguguluhan ka. Go back to the basics, ano ba ang priority mo? Iyong love and affection niya? Iyong sense of security na ikaw pipiliin niya? Iyong buhay niyong mag ina? Iyong livelihood? Etc. 

    Let go mo na iyong tampuhan and focus on what you need to do. Like you said, hindi niya priority sa ngayon iyan dahil may prob siya sa trabaho and you can't blame him for prioritizing that. Hindi mo hawak ang mga desisyon niya.

    Again, go back duon sa mga bagay na may magagawa ka. That way, you don't feel helpless moving forward.
Sign In or Register to comment.