Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA PEXLOUNGE 295: STOP SELLING HATE, Everyone! Sa Buong Mundo LOVE SHINES!

1124125127129130253

Comments

  • _Shalnark__Shalnark_ Spider Member # 9 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    epicana said:
    epicana said:

    ...............................
    Kasama rin dyan si Paolo Contis :)
    Afternoon prime?
    Afaik, yes :lol:
    Sinu-sino naman kayang kasama? :lol:
  • _Shalnark__Shalnark_ Spider Member # 9 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Saan kuha tong pic ni Wendell? :lol: 


  • LatoyaManagementLatoyaManagement Mrs. Tonette Gaur PEx Guru 🎖️🎖️
    Saan kuha tong pic ni Wendell? :lol: 


    Ako may kuha niyan sa kwarto ko
    Charot
    Joke lungs
  • _Shalnark__Shalnark_ Spider Member # 9 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Saan kuha tong pic ni Wendell? :lol: 


    Ako may kuha niyan sa kwarto ko
    Charot
    Joke lungs
    Si Derek meron din? :rofl:
  • LatoyaManagementLatoyaManagement Mrs. Tonette Gaur PEx Guru 🎖️🎖️
    edited December 2019
    Saan kuha tong pic ni Wendell? :lol: 


    Ako may kuha niyan sa kwarto ko
    Charot
    Joke lungs
    Si Derek meron din? :rofl:
    Meron din may picture siya sa home for the aged  where he belongs charot
  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    GMA-7, binanatan… Alden-Julie Anne love team, 'di ma-take ng fans, pinalagan

    December 10, 2019

    Nitz Miralles / Bida

     

    This Tuesday ang narinig naming schedule ng rehearsal ng All Out Sun­­day, ang musical show ng GMA-7 na ipa­palit sa Sunday PinaSaya. 

     

    Si Director Mark Reyes ang magdi­direhe ng All Out Sunday at aniya ay sa January 5, 2020 na magaganap ang pilot airing kaya hindi totoo ang napa­ba­litang si Paolo Valenciano ang direktor nito.

     

    Curious ang mga Kapuso viewers sa logo caption ni Direk Mark na “01.05.­2020 GMA #AyOS” dahil All Out Sun­day ang title ng musical show kaya dapat ay #AOS ang hashtag na ginamit.

     

    Anyway sa logo, makikitang sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ang dalawa sa mga headliners ng All Out Sunday kasama sina Glaiza de Castro, Christian Bautista at Mark Bautista, ganu’n din sina Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Jo Berry, Boobay, Mavy and Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso (anak ni Manila City Mayor Isko Moreno), Kim de Leon (StarStruck 7 male winner), Garrett Bolden of The Clash 1 at iba pa.

     

    Ini-expect naming kasama sina Ai­celle Santos at Shayne Sava na StarStruck female winner, pero wala sila sa post­ed logo. Akala rin namin, kasama si Lani Misalucha sa line-up.

     

    Anyway, malalaman natin ang complete line-up after ng storycon.

     

    ‘Kalokah lang dahil ginaga­wan na naman ng isyu sina Al­den at Julie Anne dahil sa All Out Sunday na pagsasa­mahan nila.

     

    Sinisisi na naman ng ibang fans ang GMA-7 na hindi raw tumitigil sa pagbi-build-up ng love team ng dalawa, eh, hin­di naman sila love team, magka­sama lang uli.

     

    Samantala, kaya nasa Ba­guio si Alden ay dahil Bible bearer siya sa kasal nina Joyce Ching at Kevin Alimon.

     

    Sa kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa December 21, kasama rin sa entourage si Alden kaya habang wala pa siyang love life at hindi pa ikakasal, abay muna siya sa wedding ng mga kaibigan at tuloy ang trabaho.

     

    Speaking of trabaho, may pa­sa­bog ang The Gift na pinagbi­bi­dahan ni Alden. Nalaman na ni Ja­red (Martin del Rosario) na anak ng mom niyang si Nadia (Jean Garcia) si Sep (Alden).

     

    Ano ang gagawin ni Jared nga­yong nalaman na niyang half-bro­ther niya ang kinamu­mu­hiang si Sep?


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Megan super kuripot

    Last updated Dec 9, 2019
     

    Umaming kuripot o “frugal” si Megan Young para lang i-justify ang hindi nito pagbili ng mga branded o luxury bags. Nag-post si Megan ng photo niya na kuha sa paglalagalag niya sa London, hawak ang isang bag.

    Ang nasabing bag ay ang unang bag na pinag-ipunan niyang bilhin, mahigit isang taon na ang nakakaraan.

    Tatlong bagay lang ang pinagkakagastusan ni Megan: Kape, pagkain at Ragnarok. Kilala raw si Megan ng mga kaibigan at pamilya niya sa sobrang kakuriputan.

    Pero pinag-ipunan daw nito ang bag at nagpapasalamat ito dahil hanggang ngayon, buhay pa ang bag.

    Walang balak i-dispose ni Megan ang bag dahil nagagamit pa niya ito at nagkukuripot siyang bumili ng mga expensive bag.
  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Depression is not a joke – Miko Palanca

    Last updated Dec 10, 2019
     

    Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng aktor na si Miko Palanca sa edad na 41. Kumalat via social media ang pagsu-suicide ng nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca.

    Tumalon diumano si Miko mula sa tuktok ng isang building sa Santolan Town in San Juan. Natagpuan na lang daw nila itong wala nang buhay.

    Ilang araw na raw depressed ang aktor dahil sa kanyang love life.

    Bago iyon ay nag-post pa raw ito sa kanyang social media account ng: “depression is not a joke.”

    Ang Film Academy of the Philippines or FAP ang unang nag-post ng kanilang condolences sa family ni Miko via their Facebook page.

    “The Film Academy Of The Philippines extends our sincerest sympathies to the family of Mico Palanca for his untimely passing.”

    Si Miko ay apo ng veteran actor na si Armando Goyena. Tiyahin naman ni Miko ay ang former actress and TV host na si Tina Revilla.

    Year 2000 nang pasukin ni Miko ang showbiz bilang isa sa ABS-CBN Star Circle talent. Lumabas siya sa mga shows na “Tabing-Ilog”, “Pangako Sa ‘Yo”, “K2BU”, “Kaytagal Kang Hinintay”, “It Might Be You”, “Buttercup”, “Ang Panday”, “Bituing Walang Ningning”, “Palos”, “May Bukas Pa”, “Huwag Ka Lang Mawawala” at “Inday Bote”. Huli siyang lumabas sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Nang Ngumiti Ang Langit”.

    Ginawa naman niya ang mga pelikulang “Yamashita: The Tiger’s Treasure”, “Burlesk King Daw O!”, “My First Romance”, “Dreamboy”, “All About Love”, “Rome & Juliet” at “Shake, Rattle & Roll 8”. Na-link sa mga aktres na sina Joyce Jimenez at Bea Alonzo si Miko. (Ruel Mendoza)
  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    AlDub project malabo

    Last updated Dec 9, 2019
     

    Pagkatapos maipareha kina Alden Richards at Carlo Aquino, pahinga muna si Maine Mendoza sa pakikipag-love team.

    Katunayan, enjoy siya sa pagsosolo dahil gusto niyang patunayang kaya rin niyang gumawa ng pangalan na walang love team partner na iniuugnay sa kanya.

    Kaya naman sa kanyang pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity” na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang kanyang tatay-tatayan na si Vic Sotto ang kanyang partner in crime.

    Ito rin daw naman ang direksyong gustong tahakin muna ni Maine ayon sa kanyang manager na si Rams David ng Triple A Management.

    Wala siyang ka-love team dito dahil hindi raw naman ito isang love story.

    Tungkol naman sa posibilidad na magkasama silang muli ni Alden sa isang proyekto, wala pa raw plano ang Kapuso dito lalo pa’t kapwa abala ang dalawa sa kanilang respective careers.

    Ayaw ring magpaasa ni Rams sa mga fan hangga’t walang malinaw na proyekto sa dalawa.

    Para sa mga ArMaine fans naman, wala ring plano ang APT Entertainment na pagsamahin ang real-life sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine sa isang proyekto sa malapit na hinaharap.

    Hirit pa niya, hindi rin daw sila ‘yung tipong nakikialam sa love life ni Maine dahil deserved daw naman nitong maging happy. Alam nilang matalino si Maine at kaya nang magdesisyon para sa kanyang sarili. (Archie Liao)
  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Bumagsak sa mall: Dahilan ng pagkamatay ni Mico Palanca, kinumpirma ng pulisya

    December 10, 2019 @ 4:17 PM 9 hours ago


    Manila, Philippines – Kinumpirma ng hepe ng San Juan Police na namatay mula sa pagbagsak sa isang mall sa San Juan ang aktor na si Kristoffer Michael Revilla Palanca o mas kilala bilang si Mico Palanca.

    Ayon kay San Juan CPS PCol. Jaime Santos, na dead on the spot ang actor matapos na bumagsak ito sa isang canopy ng mall mula sa ikaapat na palapag.  

    Sa ulat, nitong Linggo dakong alas-3:56 ng hapon nang makita sa CCTV footage ang actor na sumakay sa elevator nang mag-isa sa hilagang bahagi ng mall tapos dumaan sa fire exit ng rooftop, at ilang sandali pa ay nakita na lamang ang katawan nito na bumagsak na.

    Dagdag pa ni Col. Santos na una ang ulo ng aktor sa pagbagsak.

    Kasama umano ng aktor ang kanyang bayaw na si Gabriel Alipe sa mall.

    Nagpakita umano ng larawan si Alipe kasama si Palanca sa pulisya bilang patunay.

    Ayon umano kay Alipe na ang biktima ay ilang araw nang balisa at umiinum ng alak dahil sa personal na problema.

    Positibong namang kinilala ng pamilya ang biktima, ayon sa pulisya.

    Patuloy na ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Toto Nabaja


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Shamcey Supsup, ‘blessed’ sa pagiging Miss U PH national director

    December 10, 2019 @ 3:24 PM 10 hours ago



    Manila, Philippines – Nagpasalamat si 2011 Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan nang hirangin siyang national director ng Miss Universe Philippines (MUP).

    “I am honored with my new role for the organization that brought meaning to my life as a beauty queen and as a woman. I am more than blessed to be the National Director of Miss Universe Philippines,” pahayag ni Supsup na nilabas sa Instagram.

    Aniya, patuloy pa ang pagsasagawa ng mga proyekto ng Miss Universe upang magbukas ng mas maraming oportunidad sa mga nangangarap pang sumunod sa yapak ng iba pang beauty queens.

    “Thank you for the trust and confidence in my capabilities as as strong and independent woman,” dagdag nito.

    Samantala, nasa organisasyon na ng MUP ang tungkuling mamili ng susunod na kakatawan sa Miss Universe sa 2020. Remate News Team


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Sunday PinaSaya hindi tinanggal finished contract lang talaga

    Sunday PinaSaya, hindi tinanggal finished contract lang talaga

    Posted by: Pete Ampoloquio Jr. on December 10, 2019 in Showbiz Leave a comment

    TO CLEAR THINGS OUT and to avoid further complications, Rams David said that the last episode of Sunday PinaSaya will be on December 29.

    Beforehand, alam na raw nilang aalisin na ang SPS dahil contractual naman ‘yung show.

    Talaga raw magtatapos na ang kontrata ng SPS sa GMA ngayong Disyembre.

    Blocktimer ang SPS sa Kapuso Network for the simple reason that it is being produced by APT Entertainment, Inc., where Rams David happens to be one of its executives.

    “Hindi naman kami tinanggal. Tinapos ‘yung kontrata.

    “Umabot po kami nang four years and four months.”

    Anyhow, in spite of the shows high ratings, GMA decided not to renew the contract anymore.

    “Siyempre, it’s up to the network, e — kung ano ‘yung plano nila.

    “So we respect their decision naman, so okay lang naman.”

    Pero happy rin daw silang tumagal sila nang ganoon karaming taon.

    “At tsaka tumatak sa kanila, na minsan sa buhay nating lahat sa Filipinas, may isang Sunday PinaSaya na lumabas sa television for four years or more than four years na nagpasaya sa kanila.”

    Nag-meeting raw ang production at ang kanilang mga artists dahil sa napipintong pagkawala sa ere ng kanilang show.

    Sa nasabing meeting, ‘di raw maiwasang magka-iyakan.

    “Well, siyempre naiyak din kasi sabi nga, parang may nagsabi na four years mahigit… it’s like attending a school year, na high school or college.

    “‘Yung apat na taon kayong magkakasama, so…”

    Sa kanilang lahat, si Ai-Ai delas Alas raw ang nag-crayola nang bonggang-bongga.

    To be honest about it, si Ai-Ai nga raw ang isa sa mga unang nakaalam na mawawala na sa ere ang SPS.

    “Based naman sa contract, one month before mag-expire, sasabihin naman kung mae-extend.”

    Si Marian Rivera, who is the show’s headliner, along with Ai-Ai and Alden Richards, has a new show.

    “Marian is doing First Yaya, it’s a new soap, first quarter of 2020.”

    Si Alden naman ay patuloy na napapanood sa The Gift.

    And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
    Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

    BANAT!
    ni Pete Ampoloquio, Jr.


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Sequel ng ‘Train To Busan’ na ‘Peninsula’ tuloy na sa 2020

    By Bandera December 11,2019
     
    share this

    KANG DON WON


    Kumpirmado na ang sequel ng blockbuster film na “Train To Busan”, ang “Peninsula” na nakatakdang mapanood sa Agosto, 2020.
    Karugtong ng “Peninsula” ang istorya ng “Train To Busan” na naging hit noong 2016 matapos mapanood sa maraming bansa. Bibida sa part 2 ng zombie
    film na ito sina Kang Dong Won, Lee Jung Hyun, Lee Re, Kwon Hae Hyo, Kim Min Jae at Goo Kyo Hwan.
    Tatangkain ng mga karakter na makaalis ng Korea matapos na ma-infect ang karamihan at maging zombie. Ipalalabas ang “Peninsula” sa Agosto 12, 2020.
    Magiging director pa rin ng sequel ng hit movie si Yeon Sang Ho. Bumida ang Korean superstar na si Gong Yoo sa blockbuster film na “Train To Busan.”
    Wala pang eksantong petsa kung kailan ito mapapanood sa Pilipinas. 


  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Parang mas gwapo si Gabby ngayon kumpara dati :lol:





    Gabby Concepcion, Ken Chan and Jestoni Alarcon Beautederm ambassadors.
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Congratulations!!
    Joyce Ching and Kevin Alimon ❤❤


  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    edited December 2019


    My Bakit List ' starring Louise Delos Reyes, Ivan Padilla and Prince Stefan directed by Bona Fajardo under Viva Films and BluArt Productions now showing in cinemas nationwide!!!






    Louise Delos Reyes  and  Ivan Padilla 


  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️


    By Ervin Santiago
    December 11,2019

    UMABOT daw sa take 10 ang ilang eksena ni Aga Muhlach sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle In Cell No. 7” under Viva Films.

    Ito’y dahil hindi nga pinanood ng award-winning actor ang Korean version nito na naging isang blockbuster hit sa Korea at iba pang Asian countries.

    Bukod dito, talagang hindi raw alam ni Aga kung anong atake ang gagawin niya sa kanyang karakter bilang isang mentally-challenged na tatay na nakulong dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. 

    Ayon sa direktor ng pelikula na si Nuel Naval, “Actually, nu’ng first three days lang (na-take 10). 

    Ha-hahaha! No, no, first three days kasi kinakapa pa lang niya yung role and since hindi nga niya pinanood yung movie, siyempre hindi niya alam kung paano talaga aatakehin yung role. Then after the third day, puro take one na, dire-diretso.

    “I’m humbled na this guy, he trusted me as a director, so sobra akong thankful din sa kanilang lahat.

    Everyday I look forward to going to the shoot, hindi mabigat yung pakiramdam mo because you know you’ll be working with the best sa industry,” chika pa ni Direk Nuel. 

    Hindi raw umaasa si Aga na masusungkit ang best actor trophy sa gabi ng parangal ng MMFF 2019, pero promise niya sa entertainment media na dumalo sa presscon ng “Miracle In Cell No. 7” magpapa-party siya kapag siya nga ang nagwagi.

    “Ayokong asahan kasi, more than anything, mas masaya ako na maipakita yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat yung pelikula, more than anything,” ani Morning. 

    Pero bago ang grand presscon ng “Miracle In Cell No. 7” ay ipinapanood muna ng Viva ang pelikula sa mga film exhibitors mula sa iba’t ibang malls at very positive daw ang naging reaksyon ng mga ito sa pelikula. “It was really overwhelming. 

    Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko pag premiere night na. Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, ‘Wow, parang nakakahiya naman.’ 

    “Ayokong masyadong mag-expect na ganu’n, masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila, eh,” lahad pa ng magaling na aktor.

    Looking forward din si Aga sa gaganaping Parade of Stars ng MMFF dahil makakasama raw niya sa float ng kanilang entry ang mga anak na sina Atasha at Andres.

    Dito na rin sa bansa magse-celebrate ng Pasko ang kanilang pamilya dahil for the past 12 years ay lagi silang nasa ibang bansa kapag Pasko. Showing na ang “Miracle In Cell No. 7” simula Dec. 25. Makakasama rin dito sina Bela Padilla, Xia Vigor, John Arcilla, Mon Confiado at marami pang iba.


  • iLuvDavidiLuvDavid PEx Expert 🎖️
    Tweet by Showbiz Hottest PH
    @hottestshowbiz
    12 hours ago

    Top 10 Most Handsome Faces of the Week Winner's ; 
    1. #DarrenEspanto 
    2. #KikoEstrada 
    3. #CharlesKieron 
    4. #MarloMortel 
    5. #JoshuaGarcia 
    6. #DanielPadilla 
    7. #JamesonBlake 
    8. #DavidLicauco 
    9. #JmDeGuzman 
    10. #TanRoncal


  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru 🎖️🎖️
    Kaloka ka Mika Gorospe. 😤


    #inggitakech 

  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Hirap ng cp prx jusko
This discussion has been closed.