COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

The Big Switch From 2019 To 2020: ABS-CBN's Primetime Bida vs GMA 7's Telebabad

12357116

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    ABS-CBN's "Wildflower" now showing in New Caledonia, Polynesia, and Reunion Islands 

    September 10, 2019 AT 06:20 PM

    ABS-CBNs Wildflower now showing in New Caledonia Polynesia and Reunion Islands

    ABS-CBN continues to evolve into a global media and entertainment company as another one of its wildly successful TV series makes it groundbreaking launch in three French-speaking territories in the Pacific and Indian oceans, which aired in August 19 via French network, Outre-mer la 1ere.

    ‘Wildflower,” which was top billed by “The Killer Bride” actress Maja Salvador, debuted in New Caledonia, Polynesia, and Reunion that was made possible through ABS-CBN’s partnership with Ampersand Fiction, a French content distributor. It is also being aired in all French-speaking African countries through the deal made with Startimes and is expected to invade TV screens in Madagascar beginning October.

    The Kapamilya network’s “Wildflower” was one of the most watched programs during its run on television and spawned a thousand memes on social media too for its feisty episodes.

    The airing of “Wildflower” in French-speaking territories follows ABS-CBN’s string of successes in capturing more non-Filipino viewers in international markets this 2019, with “Pangako Sa’Yo” in the Dominican Republic, “Halikl” in Tanzania, “Forevermore” in Thailand, “The Blood Sisters” in Kazakhstan, “The General’s Daughter” and “Ngayon at Kailanman” in Myanmar, and the upcoming co-production of ABS-CBN and Limon Yapim of “Hanggang Saan” in Turkey. 

    ABS-CBN’s content, popular for their heartfelt Filipino stories, are available across other territories through ABS-CBN International Distribution, recognized in the global arena as a reliable foreign content provider. It has been a premier source of high quality Filipino programming in over 50 territories all over the world and has sold over 50,000 hours of content worldwide. Living up to this recognition, ABS-CBN International Distribution commits to add to its first line-up of high-caliber programs and movies with cast and storylines that appeal to various cultures. Visit https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about for more details.

    For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.


    © 2019 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Daniel Padilla at Alden Richards, pinagsasabong ng fans

    by PEP Troika
    9/10/19


    Ngayong tapos na ang promo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (kanan), trending ngayong araw ang #BackToKathNiel bilang hudyat ng pagbabalik ni Kathryn sa ka-love team at boyfriend nitong si Daniel Padilla (kaliwa). 
    PHOTO/S: MARK NICDAO / NOEL ORSAL

    GORGY RULA

    Isa sa hashtags na nag-trending sa Twitter nitong Setyembre 10, Martes, ay ang #BacktoKathNiel.

    Ibig sabihin, tapos na ang KathDen tandem nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kahit namamayagpag pa sa ibang bansa ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

    Grabe ang posts ng KathNiel fans na nagpasalamat at nalagpasan na ni Kathryn ang pakikipag-partner niya sa iba, na wala si Daniel Padilla sa pelikulang ginawa ng Kapamilya superstar.

    Ang dating, parang nakahinga na sila nang maluwag dahil tapos na ang tandem nina Kathryn at Alden.

    Lumalabas na kasi ang selosan dahil na rin sa closeness ng dalawang bida ng Hello, Love, Goodbye.

    Kaya inaaway na si Alden ng ibang fans na karamihan ay maka-Daniel.

    Kinontra nila ang kumalat na balitang imbitado si Alden sa ABS-CBN Ball sa Setyembre 14, Sabado, sa Shangri-La at The Fort, Taguig City.

    Sabi ng ilang fans, walang ‘Joy’ na pupunta sa ball, wala ring ‘Ethan,’ kundi sina Kathryn at Daniel ang magkasamang darating.

    Kung anu-ano pang panlalait ang inabot ni Alden sa ilang tweets.

    Tinanong ko ang taga-GMA Artist Center kung dadalo ba si Alden sa Ball ng ABS-CBN.

    Wala raw silang natatanggap na imbitasyon, at wala iyon sa schedule ng Kapuso actor.

    Ang iba ay pinipersonal na ang panlalait kay Alden at kung anu-anong kuwentong inilalabas na kinukuwestiyon ang pagkalalaki ng Kapuso actor.

    Gumanti rin ang ilang fans ni Alden. 

    May pasabog din ang ilang fans na kung saan may video na binanggit daw ni Kathryn sa ASAP na nagpasalamat siya kay Alden, at nakunang sumimangot si Daniel nang binanggit si Alden. 

    Hindi ko pa nakikita ang video na yun.

    Pero nakini-kinita na ang away ng dalawang grupo ng fans na ito.

    Tapos na rin naman ang Hello, Love, Goodbye. 

    Aligaga si Alden sa kanyang The Gift na magsisimula na sa September 16, Lunes. Kaya tama ngang focus na sa KathNiel love team.

    Totoo bang sisimulan na ang Valentine movie nina Kathryn at Daniel na kukunan daw sa Iceland?

    JERRY OLEA

    Marami ang asado at hopia na magkaroon ng sequel ang love story nina Joy at Ethan.

    Malabo pa iyon dahil hindi iyon nakalinya sa mga gagawing proyekto ni Direk Cathy Garcia-Molina.

    Siyempre, suntok sa buwan na mangarap tayo ng love triangle nina Daniel, Kathryn, at Alden.

    The Impossible Dream na pagsama-samahin sa isang movie sina Daniel, Kathryn, Alden, at Maine Mendoza.

    NOEL FERRER

    Star Cinema will always be behind the KathNiel love team especially that they are the film arm of ABS-CBN.

    Mas inaabangan ko kung ano ang magagawa ng GMA Films for Alden Richards with his newly-acquired film box-office star status via the hit and record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Baron Geisler conferred with the title of Datu by Sulu royals

    by Jerry Olea
    9/10/19


    King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak and Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak from the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneohave have conferred the title Datu to actor Baron Geisler. 
     

    Ipinagkaloob ng royal family nina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak ang honorary title na Datu sa aktor na si Baron Geisler nitong Setyembre 10, Martes, sa Pookaberry Cafe, 36-B Sct. Ybardolaza St., Quezon City.

    Sina King Raja at Queen Helen ay mga tagapagmana ng trono ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo.

    Maliban sa certificate ng Royal Appointment and Recognition, pinagkalooban ng royal couple si Baron ng medalya, singsing, at royal ID.

    Ang taguri sa aktor ay "His Excellency Datu Baron Frederick von Geisler, Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity."

    PHOTO/S: JERRY OLEA
     

    Kuwento ni Datu Baron sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, “Nagsimula po ito sa birthday ni Atty. Joe Villanueva noong August 6 sa Manila Hotel.

    "He is our main pastor for Shekinah, Knights of the King Circle, and nagkataon lang po na naroon ang King and Queen.

    “So, birthday po iyon ni Atty. Joe, they asked me to go to the pulpit and share my testimony.

    “And I was just there, talking about my past, how bad it was, how gruesome and crazy it was.

    “But, you know, by God’s Grace, I was transformed. I was reformed and I just had this spiritual awakening.

    “Na ayoko nang bumalik sa kasamaan, ‘no?

    "Now, since I have that peace in my heart, I have God in my heart, I also want to spread that, and share that with the people here in the Philippines and all over, kung sino man ang makasalamuha ko."

    Patuloy ng aktor, “Marami po kaming programs. Pumupunta po kami sa iba’t ibang lugar to spread the Word.

    "We will be talking about suicide prevention, mental health...

    “During rehab, I was doing this service work—I call it service work.

    "So, ngayon, parang siguro, nag-work siya, ‘no? Napansin ni God.

    “Siguro, sabi Niya, ‘Well, Baron, sige, galing ka sa putikan, ngayon spread the Word. Kung paano kita hinilom, kung paano kita ni-restore.’

    “Kasi, God is a God of Love and Restoration.

    "So, maraming kabataan diyan who need help but do not know where to get it, because some of them are afraid to talk.

    “Especially before, mental health was such a taboo topic.

    "But now, it’s slowly, slowly becoming acceptable, accepted here in the Philippines.

    “And we should let them know that there’s nothing to be ashamed of. If you need help, get some help.”

    FILMS WITH CHRISTIAN FAMILY VALUES

    Itinalaga ni Pastor Joe Villanueva si Baron sa production company ng Knights of the King Circle na magpoprodyus taun-taon ng lima hanggang pitong pelikulang may Christian family values.

    “Our mission and vision is to go all over the Philippines and spread the Word.

    "Tamang-tama, andiyan si King and Queen to give us safe passage anywhere in Mindanao,” matamang pahayag ni Datu Baron.

    “Evangelistic po iyong congregation namin, to make things clear. They appointed me as the Executive Vice President for Media Production.

    “Iyon pong gagawin naming five to seven films, series, cartoons, punung-puno po ang mga ito ng Christian family values na kailangang-kailangan ng kabataan ngayon.

    “We already spoke with a lot of people. To make things clear, ayokong maging center of attraction nito.

    “I won’t be directing. I’ll hire the right people.

    "I’ll hire good writers, directors, because I don’t want to waste the money of the congregation. I don’t wanna waste time.

    “I want to get the best para good quality iyong films and projects. And I don’t want to be hard pressing naman na you should convert.

    “It will always come from the heart na lang sana. At least, kung may 100 na nanood, kahit isa, may makuha sila roon.

    “Magkaroon sila ng relationship with our Lord Jesus Christ. And amen! Praise God!”

    NOT LEAVING ANG PROBINSYANO

    Marami ang nagulat nang mabalitaang ipagkakaloob kay Baron ang titulong Datu.

    Nitong mga nakaraang araw kasi ay na-blind item na mayroong isang aktor na nagpaalam sa kanyang TV show para bumalik sa rehab.

    Kapagkuwan ay tinukoy na kesyo si Baron iyon.

    “I have no comment on that. I guess, siguro, there are detractors lang siguro,” malumanay na sambit ni Datu Baron.

    Itinanggi ni Baron na magpapahinga na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

    “But I got depressed. I got depressed for a while because... kung napapanood ng mga tao yung role ko as Bungo, siyempre coming from rehab and very spiritual... my thoughts were just really pure.

    “Ahhm, medyo naguluhan ako.

    "And then, my soon to be wife, my fiancée, she flies back and forth sa Cebu-Manila. There are times na two weeks, mag-isa ako.

    “So, na-depress ako. Ahh, that’s the real story."

    “Regarding naman sa rehab," patuloy ni Baron, "I went to Penuel, dati akong nagpunta roon, and I asked for spiritual guidance sa kanila.

    “It’s just for me to be grounded. Kasi, becoming an artista again, siyempre nawala ako sa limelight for three years, nakaka-overwhelm siya na biglang kilala ka na naman ulit ng tao.

    “So what I did was, inunahan ko na. To ground myself, na hindi lumaki ang ulo ko. And also, just to be closer to God. 

    “Ahhm, kasi, napaka-tricky talaga ng demonyo, e. 

    “It’s very, very easy... may kasabihan nga, ang tunay na matapang ay iyong gumagawa o pumupunta sa matuwid.

    “Iyong nag-o-obey. Hindi iyong gumagawa ng kasamaan.

    "Kasi, napakadali, e. Napakadaling uminom. Napakadaling tumingin sa babae nang masama.

    “Napakadaling makipag-away, makipagsuntukan.

    "So, I’m veering away from all the bad stuff.

    "And for me, whenever I feel depressed, or ina-attack ako ng bad elements, ng demonyo...

    “Ahhm, I have a spiritual family to go to. It’s a house. Penuel Home. We pray. May structure. 

    “I just go there. I’m a graduate there kasi. So, I’m always welcome. So, siguro, people na-misconstrue...”

    LIKE A MARRIAGE

    Huling tanong, ano ang pakiramdam niya habang ipinagkakaloob sa kanya ang titulong Datu?

    Napangiti si Baron, “Parang ano po siya... parang ikinasal po ako sa obligations na kailangan kong gawin.

    “It’s a marriage na kailangan mong i-nurture at seryosohin. At kailangan ko ring mahalin.

    “And I love doing service work. So, I’m very grateful.”

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Alden’s new TV project a fitting follow up to his hit movie

    September 10, 2019
    By Mario Bautista
    People's Journal



    ALDEN Richards is understandably confident that his new drama show, “The Gift”, will be a fitting follow up project to his highly successful recent blockbuster movie, “Hello, Love, Goodbye”. “GMA-7 made sure this project will touch the heart of viewers, like the way our movie did,” he says. “They left no stone unturned in coming up with a crowdpleaser. I play a role I’ve never played before, that of young man who goes blind and gains the gift of being able to see into a person’s past and also his future. Sa story, kapag nahawakan ko ang isang tao, nakikita ko ang nangyari sa nakaraan niya at ang maaaring mangyari sa kinabukasan niya. Grabe rin ang budget ng GMA sa crowd scenes dito. Ginastusan nila ang crowd scenes sa palengke where we use up to 250 extras.”

    The show’s director, Lord Alvin 'LA' Madridejos, attests to this. “Alden as Sep here is a fruit vendor in Divisoria,” he says. “We want to be authentic so we tried to shoot in the actual Divisoria, but the success of his movie made him so popular with the masses today. We know there will be a crowd to watch the shooting but we didn’t expect na ganun karami ang taong darating. We had 20 policemen with us, 20 barangay tanods plus 'yung security men pa ng GMA, lahat sila, walang nagawa sa tao kasi nilalabanan sila. Tinatanong sila, bakit, anong gagawin nyo sa amin. Ito namang si Alden, napaka-friendly sa fans, kahit binabawalan mo na, ayaw makinig, mabait talaga at siya pa ang lumalapit. After several tries, we decided to quit. Tatlong beses kaming nag-attempt mag-shoot sa Divisoria, laging nauuwi sa pack up dahil inuulan pa kami. So we just put up a set sa isang warehouse sa Murphy. Ayaw sana naming dayain, but we have no choice but just get establishing shots of Divisoria sa drones then 'yung ibang scenes, sa set na lang where we use hundreds of extras as the vendors and as the people na namimili sa palengke.”

    So how is Alden in the role of a blind guy? “The role is very challenging for him kasi asset ni Alden ang very expressive eyes niya. E, dito, dapat, laging deadpan lang 'yung eyes niya. Sabi ko, tanggalin namin 'yung emosyon. He should show it some other ways and he does. Magaling talaga siya. And despite his success, no airs at all but humble pa rin.”

    “The Gift”, which starts airing this Monday, September 16, to replace “Love You Two”, has a big power house. Playing Alden’s mom and dad are Jean Garcia and TJ Trinidad. But TJ dies and Jean loses their young son in Quiapo where a manghuhula, Elizabeth Oropesa, finds him and takes him home. Beth’s daughter, Jo Berry, becomes the boy’s surrogate mom and raises him to be Alden.

    Meanwhile, Jean's character marries a politician, played by Christian Vasquez, and has her own kids with him, played by Martin del Rosario who will abuse Alden without knowing they’re half-brothers, and newcomer Ysabel Ortega. As a vendor, Alden has Mikee Quintos, Victor Anastacio and Mikoy Morales as his best friends. He doesn’t know that Mikee is secretly in love with him but he has his own crush, beauty queen Thia Thomalia as the gorgeous daughter of a rich store owner played by Cheska Diaz. Also in the cast are Luz Valdez as Christian’s mother, Betong Sumaya as their family driver, Tetay as Jean’s gay best friend and Rochelle Pangilinan as Christian’s assistant and secret paramour.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Thia Thomalla sinagip ng ‘The Gift’

    September 11, 2019

    BLESSING sa bagong Kapuso star na si Thia Thomalla ang pagkasama niya bilang katambal ni Alden Richards sa new inspirational drama series ng GMA, ang The Gift.

    Thia Thomalla TG

    Si Thia ay tinanghal na isa sa winners ng Miss World Philippines as Miss EcoPhilippines in 2017. At muli siyang nanalo ng title na Miss EcoInternational sa Miss World in 2018. Born of a German father and Filipina mother, sa Southern Leyte naninirahan ang parents niya, pero ang mga kapatid niya ay nasa Germany kaya nang mamatay ang brother niya of cancer, nagpunta sila ng mommy niya sa Germany. Hindi na nakasama ang father niya dahil at 78, hirap na itong mag-travel.

    “Kaya getting this role in The Gift helped me pull myself out of the darkness after my brother’s passing,” sabi ni Thia. “I’m happy with this project kasi masasaya at mahuhusay ang mga co-actors ko. The truth is, in real life, I’m a comedian.”

    Gumaganap daw siya bilang si Faith, ang Princess of Divisoria, anak siya ng mayamang fabric store owner doon, played by Cheska Diaz. So far, nakakatatlong taping days pa raw lamang siya at ini-enjoy na niya ang ginagawa niya.

    Bilang katambal ni Alden Richards, ready na ba siyang ma-bash ng mga fans nito na ayaw na may katambal ang kanilang idolo?

    Natawa si Thia, so far naman daw ay wala pa siyang nababasang bina-bash siya, pero kung meron man, okey lamang raw sa kanya, hindi raw naman niya mapipigilan ang mga fans, hindi na raw lamang niya babasahin, dagdag pa ni Thia.

    Co-managed si Thia ng GMA Artist Center at ng ALV Management ni Arnold Vegafria. Also a Regal contract star, naghihintay raw lamang siya ng susunod niyang project sa kanila.

    Ngayong darating na Lunes, September 16, ang world premiere ng The Gift.

    -NORA V. CALDERON

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Mikoy, OK sa comedy

    September 11, 2019

    ANG laki nang nagawa kay Mikoy Morales ang mapasama sa Bubble Gang at Pepito Manaloto at makatrabaho ng matagal si Michael V dahil nahawaan siya sa husay sa comedy nito.

    MIKOY-MORALES

    May eksena sa The Gift na sinasabihan ni Mikoy as Bistek si Mikee Quintos as Amor na hindi bagay sa kanya ang hairclip na suot. Dumating si Faith (Thia Tomalla), wearing the same hair clip at nag-iba ang dialogue ni Mikoy, naging mabait kay Thia at pinuri pa ang hair clip, maganda raw sa kanya at lalo siyang gumanda.

    Ang swabe nang delivery ni Mikoy ng lines na ‘yun at sinamahan pa ng deadpan expression, kaya ang ganda ng eksena at matatawa ang viewers. In-acknowledge naman ni Mikoy na si Bitoy ang rason kung bakit comfortable siya sa comedy.

    “Kaya nga, nasa set na ang mind ko at masaya na ako na Bubble Gang at Pepito Manaloto ang shows ko sa GMA-7 dahil ang laking nagawa sa akin. Pero nang dumating itong The Gift, hindi ko pinalampas dahil maganda ang project, si LA Madridejos ang director na favorite ko, gusto ko ang buong cast and of course, because of Alden Richards. Matagal ko na siyang gustong makatrabaho at nangyari sa The Gift, palalampasin ko pa ba? Ang ganda ng role ko, best friend niya at kami nina Mikee ang madalas niyang kaeksena,” sabi ni Mikoy.

    Sa September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice ang pilot airing ng The Gift sa direction nga ni LA na maraming Kapuso stars ang gustong makatrabaho siya.

    Samantala, nilinaw ni Mikoy na sila pa rin ng GF niyang si Thea Tolentino, pero ang relasyon nila, walang sakalan, they are free to go out with other friends, pero alam nilang sila ang magkarelasyon.

    Sa nakaraang birthday ni Thea, may birthday message sa kanya si Mikoy: “Pag lumubog ang lahat sa paligid, lumubog ka rin. Pero ikaw yung walang palyang lumilitaw at lumilitaw uli.

    Sana magawa mo lahat ng kailangan mong gawin para sa sarili mo. Sana matupad mo pangarap mo. Sana maparamdam mo pa sa mas maraming tao kung paano ka magmahal kasi alam kong mababago mo buhay nila. Ayun. Happy Birthday. Mahal kita.

    Kanina ko pa di matapos-tapos ‘tong post na ‘to kasi salita ka nang salita.”

    -Nitz Miralles

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019

    SEEN: Hindi makapaniwala si Ken Chan na journey host na siya ng Season 2 ng The Clash na magbabalik-telebisyon sa September 21. Sinabi ni Ken na dati-rati, isa lamang siya sa mga co-host ng Walang Tulugan. Makakasama ni Ken si Rita Daniela bilang journey host o Clash Mate na walang tulog nang dumalo  kahapon sa grand presscon dahil nanggaling pa siya sa taping ng One of the Baes sa Bataan.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited September 10
    YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 11, 2019


    Sobrang nanghihinayang ang sweethearts in reel and real-life na sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil hindi raw pala sana makakadalo sa ABS-CBN Ball this Saturday, September 14, sa Shangrila The Fort in Taguig City na labis daw nga nilang pinanghihinayangan dahil the proceeds of the event will go to Bantay Bata 163, a favorite advocacy of the late Gina Lopez.

    Dapat ay nasa Europe ang dalawa para kunan ang ilang mahahalagang eksena sa kanilang upcoming series.

    But then, an order from the Star Magic ma­nagement, where they are both under contract to, advised them na huwag munang umalis.

    For the event, according to Enrique, he will wear a Randy Ortiz outfit. He is not at liberty to reveal, kung sino naman ang assigned  kay Liza na designer para gawin ang gown nito.

    Bea pinayuhan si Christian

    May magandang love advice pala si Bea Alonzo kay Christian Bables, when the two of them had a heart-to-heart talk in between shots of their first series together, kung saan kasama rin nila si Richard Gutierrez.

    Nabanggit nga raw kasi niya kay Bea na kasalukuyang in love siya with a former classmates. Ani daw ni Bea, for him not to forget na tirahan din ng kahit na katiting na love ang sarili.

    Na nauunawaan daw ni Christian, since when one is in love nga naman, he or she has a tendency, kumbaga, na ibigay ang lahat.

    Walang binanggit si Bea tungkol sa controversy tungkol sa kanila ni Ge­rald Anderson. Which according to Christian, he didn’t mind, dahil nga naman sobrang personal ang bagay na ito.

    Pero, ang ganda raw ni Bea sa mga eksenang nakunan na sa kanilang dalawa. Isang family love story daw ang tema ng series at kapansin-pansin daw na nag-adapt ng bagong look si Bea.

    Wala pa raw silang eksenang nakunan ni Richard, na hinahangaan daw niya bilang aktor, and as a person as well, eager na rin daw siyang makita ang panganay nitong si Zion.

    Meanwhile, equally busy din daw si Christian for the promo of his Pista ng Pelikulang Pilipino entry, The Panti Sisters, co-starring him with Martin del Rosario and Paolo Ballesteros. Idinirek ito ni Jun Lana.

    Dimples may bagong tayong building

    Pinakabagong investment ngayon ni Dimples Romana at asawang si Boyet Ahmee ay ang bagong tayong commercial building nila, located sa Parañaque City. “Bunga of all my and Boyet’s hard work,” ani Dimples.

    Dimples, no doubt nga, is one of the busiest Kapamilya actress. Very commendable rin na napakagaling na niyang performer ngayon.

    No wonder, she’s now dubbed as the new Daytime Teleserye Queen, courtesy of her series, Kadenang Ginto, with Beauty Gonzales, Joko Diaz, Adrian Alandy at Richard Yap.

    She has been tapped to play an important role in the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry, Mommaland, which Vice Ganda topbill, along with Anne Curtis at Tony Labrusca.

    Malamang ay umapir din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin na ayon kay Dimples, hinahangaan niya as an actor.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited September 10
    SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 11, 2019

     

    Para kay Alden Richards, ang best gift na natanggap niya sa buong buhay niya ay ang pagiging aktor niya.

    “With this gift, binago po nito ang buhay ko,” pahayag ni Alden sa grand media launch ng bago niyang primetime series sa GMA 7, ang The Gift.

    “Pero as much as it’s changing my life, I’m changing others as well, through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans.

    “Ang ikinatutuwa ko po kasi is mahal ko po ‘yung trabaho ko, na mas minamahal ko po siya kapag mayroon po akong siyempre, nababasang comments, mga lumalapit sa akin na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mong ganitong klaseng project and you changed my life’,” patuloy niya.

    Ang pagbibigay daw ng inspirasyon na ito sa mga tao ang siyang goal niya at ito rin daw marahil ang higher calling hindi lang sa kanya kungdi sa mga kasamahan niyang artista.

    “Yung hindi lang po kami artista, hindi lang po kami nagpu-portray ng mga roles, hindi lang po kami nakikita sa TV. But, the higher calling po sa aming mga aktor is really to give inspiration to people especially po mga kababayan nating Pinoy,” aniya.

    Sundot na tanong sa kanya ay kung regalo rin ba ang nahiwalay siya sa loveteam without mentioning Maine Mendoza’s name at sagot ng aktor, “blessing in a way po na parang binigyan po ako ng chance na mag-grow.”

    Patuloy niya, “masarap po ‘yung pakiramdam na nakakagawa ka ng mga proyekto na magiging proud ka sa sarili mo. So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon.”

    Jo karga-karga pa rin ni Alden kahit hindi na eksena

    Still on The Gift, masayang-masaya naman si Jo Berry na pagkatapos ng Onanay ay binigyan siya ulit ng bagong serye ng GMA 7 at si Alden pa ang kasama.

    Sa The Gift ay ginagampanan ni Jo ang ina na nagpalalaki sa karakter ni Alden dahil nawalay ito sa biological mom nang maliit pa, kaya naman sila talaga ni Alden ang laging magkaeksena.

    Mas bata si Jo kay Alden kaya natanong siya kung paano niya nagampanan ang role niya bilang ina ng aktor.

    “Mahirap in a way, pero kasi, tinulu­ngan po talaga ako ni direk LA kung paano ako maga-adjust, and si Alden din po, malaking tulong na pina-feel niya sa akin na pwede akong maging kumportable sa kanya, first few days pa lang, kaya naging magaan po ‘yung pagiging nanay ko sa kanya,” sey ni Jo.

    May mga eksena sa The Gift na karga-karga siya ni Alden at natanong siya tungkol dito. “Opo, kahit hindi po sa eksena, kinakarga niya ako,” sambit ni Jo.

    May panunukso ang mga cast and staff kay Jo habang sinasabi niya ito at parang kinikilig naman si Jo.

    Inamin naman niya na talagang kinikilig siya kay Alden dahil noon pa raw ay idol niya ang aktor at isa raw talaga sa idinadasal niya noon pa na makatrabaho ito kaya naman sobrang happy siya na dininig ng Diyos ang kanyang prayer

    When asked kung ano ang nakakakilig kay Alden, sagot ni Jo, “ay sobrang galing niya pong aktor. Hindi pa po ako artista, lagi ko na siyang pinapanood. So, ang daming instances dati na lalapit ako, magpapa-picture lang ako.”

    At lagi rin daw niyang sinasabi dati pa kay Alden na sana raw ay magka-work sila kaya naman sobrang happy siya na natupad na ito.

    Magsisimula na ngayong September 16 ang The Gift sa GMA Telebabad.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Derek at Andrea biglang nanlamig

    VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - September 11, 2019

    Bigla, parang nanlamig ang mainit na usapan nung sa pagitan nina Derek Ramsay at Andrea Torres na sinasabing pinaglapit ng kanilang trabaho sa The Better Woman. Nabigyan nga ng dahilan para isipin ng manonood na maaari silang lumampas sa pagiging co-stars at pagkakaibigan lamang, lalo na when they started bonding outside of work.

    Nagsawa na ba sa kanilang closeness ang dalawa at napag-isipan na mas mabuti silang co-workers than lovers? Hintayin na lang natin at baka naman on vacation lang sila from love.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Janella Salvador attends birthday celebration of Markus Paterson’s mom in Pangasinan

    by Arniel C. Serato
    9/11/19


    Markus Paterson and Janella Salvador were spotted photographed having a chat while eating at the actor's ancestral house in Pangasinan during his mother's 60th birthday celebration. 
    PHOTO/S: COURTESY: @JHUNE / LIEZEL CRUZ ON FACEBOOK
     

    Marami ang kinilig at natuwang mga kamag-anak at kaibigan ni Markus Paterson sa selebrasyon ng ika-60 kaarawan ng ina nitong si Norma Paterson noong September 7.

    Ito ay dahil dumalo ang napapabalitang girlfriend ng newbie actor na si Janella Salvador.

    Sa ancestral house nina Markus sa San Manuel, Pangasinan, ginanap ang salu-salo; at sa gym naman ng Sto. Domingo National High School ginanap ang programa. 

    Narito ang posts ng ilang netizens na dumalo sa pagtitipon, kung saan pinagkaguluhan ng mga kababayan ni Markus ang The Killer Bride actress:







    Sa kanyang Instagram account, binati ni Markus ang kanyang ina noong kaarawan nito.

    Sabi nito sa kanyang post (published as is):

    “Happy birthday to this wonderful hard working woman.

    "Maraming salamat sa lahat ng sacrifices mo saakin.

    "Thank you for always being there for me even though I'm annoying af.

    "Love you so much.”

    Wala namang post si Janella sa Instagram tungkol sa kanyang pagdalo sa birthday party ng ina ni Markus.

    MARKUS AND JANELLA IN A RELATIONSHIP FOR REAL?

    Isang dumalo sa birthday party ng ina ni Markus, ang nagkomentong may relasyon na diumano sina Markus at Janella ngunit pinapanatili muna nila itong pribado.


    Matatandaang noong nakaraang August 16, sinabi ni Markus na gusto nila ni Janella na maging pribado kung anuman ang meron sa kanila.

    Sabi pa niya, “Yes, mas maganda private.

    "Kasi, obviously, with my experience and her experience, parang nag-agree kami na it's better na para sa aming dalawa lang.

    "Parang whatever we have, it's just for us, kasi ang daming makikialam.

    "It’s harder when there are so many other people involved in whatever we have.”

    Sa nasabi ring panayam, inamin ni Markus na nakilala na niya ang mga magulang ni Janellana sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

    Sa set ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nitong taon lamang nagkakilala sina Markus at Janella.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Kapuso actress Bea Binene also open to do a movie for Star Cinema



    Bea Binene on possibility of doing a movie for Star Cinema: “Parang sino ba naman ang aayaw sa trabaho?... I think growth din naman yun, different experience for sure. If ever magkaroon ng ganung opportunity, I would be very, very grateful."
    PHOTO/S: NOEL ORSAL


    Proud na proud si Bea Binene sa tagumpay ni Alden Richards bilang bagong Box Office King para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na iprinodyus ng ABS-CBN Star Cinema.

    Si Bea ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Alden sa showbiz.

    “Sobrang busy niya lang talaga kaya hini pa kami masyadong nakakapagkita uli,” sansala ng Kapuso actress nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre 5, Huwebes, matapos pumirma ng kontrata bilang bagong endorser ng Erase Placenta.

    “Kapag nagkita-kita kami, parang kahapon lang nagsama-sama, e. 

    "Siguro, ganun talaga pag alam mo na yung bonding niyo, yung friendship niyo, kalma na, yung wala nang pakiramdaman. 

    “Mag-text lang minsan, ‘Kumusta?’ Okay na. 

    "Alam naman namin na si Alden ang pinaka-busy, magugulat na lang kami na mag-aaya 'yan. 

    "Ganun lang, wala namang pinagbago. 

    “Ako, si Kristoffer [Martin], super happy kami. 

    "Minsan nga, nagkaka-text na lang kami ni Kristoffer, ‘Napanood mo na yung movie?’ ‘Nakita mo na yung ganito, ganyan?’

    “Talagang happy kami for him.”

    NO NETWORK WAR

    Kung mabibigyan ng pagkakataon, handa ba si Bea na makagawa rin ng pelikula sa Star Cinema?

    Sagot ng Kapuso actress, “Parang sino ba naman ang aayaw sa trabaho?

    "Record-breaking kasi yung ginawang pelikula ni Alden at ni Kathryn [Bernardo].

    “Hindi lang dahil pinakakumita siya, highest-grossing Filipino movie, pero para sa akin, record-breaking din siya, kasi ang ganda. 

    “Dalawang network, walang network war. 

    "Dalawang network, nagsama, nagtulungan. 

    “Si Kathryn, nag-promo sa GMA. Si Alden, nag-promo sa kanila [ABS-CBN].

    "Nung premiere night nila, yung executives, nandun. 

    “Yun ang maganda, kasi, yung walang harang. Yun ang mas magagawa mo, e.

    "Like, yung promos, yung marketing mo, wala kang limits. Kasi, walang humahadalang sa iyong network war. 

    “Kahit sino naman talaga, gustong magkaroon ng ganung opportunity.

    "Ako, nanonood ako ng movies nila. Siyempre, it's also something new. 

    "Different world, different environment, different people. 

    “I think growth din naman yun, different experience for sure.

    "If ever magkaroon ng ganung opportunity, I would be very, very grateful.”

    Sinu-sino sa Kapamilya actors ang bet niyang makapareha, just in case?

    “Parang kahit sino," sambit ni Bea.

    "In fairness kasi sa guys nila, like sina Enrique [Gil], Daniel [Padilla], Joshua [Garcia], mahuhusay umarte, di ba? 

    “Parang ang gagaling, so kahit sino mapunta, magtutulungan talaga kayo, maghihilahan kayo pataas. 

    “Kahit naman sino. Choosy pa ba? Binigyan na nga ng trabaho, choosy pa ba?"

    BEAUTIFUL JUSTICE VS ANG PROBINSYANO

    Kabado si Bea na ang katapat ng bagong primetime series niyang Beautiful Justice ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

    Pahayag ni Bea, “Parang kahit naman sinong itapat, parang kakabahan naman, di ba?

    "‘Sigurado po ba kayo?’ tanong ko nga sa kanila. ‘Weeh?!’ ganun. 

    “Pero sabi ko nga, sana hindi nila makita ang Beautiful Justice as something na katapat lang ng Probinsyano. 

    “Sana pag napanood nila, bigyan nila kami ng chance na walang bias. 

    "Yung first week lang, panoorin lang nila na walang bahid ng anything. 

    "Clean slate, kumbaga, maganda yung story, bigyan nila ng chance yung story. 

    “Very relevant and current din kasi yung issues na pinapakita at tinatalakay sa show."

    Pagmamatuwid ni Bea, desisyon ito ng management ng GMA-7. Bilang talent ng network ay sumusunod lang sila.

    “Trabaho talaga, hindi namin call yun. 

    "Nagtitiwala yung network na maganda yung show, so magtiwala tayong lahat. 

    “Hindi para to go up against anything, but nagtitiwala sila dahil alam nilang maganda at magugustuhan ng tao."

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Thia Thomalla says The Gift helped her deal with grief over brother’s death

    by Jet Hitosis
    9/11/19


    Newbie actress Thia Thomalla will be Alden Richards' love interest in the new GMA primetime series The Gift, which will start airing on Monday, September 16. The beauty titlist turned actress says The Gift has helped her in "pulling myself out of the darkness" after her brother's passing four months ago.
    PHOTO/S: NOEL ORSAL

    Para sa bagong Kapuso actress na si Thia Thomalla, “gift of my life” ang pagkakasama niya sa The Gift sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

    Si Thia ang gaganap na love interest ni Alden Richards sa The Gift.

    “The Gift is a gift of my life, 'cause recently my brother passed away, four months ago,” kuwento ng 24-anyos na Kapuso actress sa entertainment reporters na dumalo sa grand media launch ng teleserye sa Quezon City, nitong Lunes, September 9.

    Dahil nagluluksa pa sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid, sinabi ni Thia, “I had difficulties in adjusting and pulling myself out of the darkness.”

    Hanggang sa dumating ang project para sa posibilidad na gumanap siya sa isang teleserye.

    “So when this project came my way, I told my handlers… I’m gonna try,” sabi ni Thia.

    Aniya, sumalang siya sa screen test nang walang expectations na makukuha niya ang role.

    Paliwanag ni Thia, “Kasi I don't want any heartfelt feelings right now.

    “I don't think I am ready to handle those emotions.”

    Kuwento ni Thia, nang malaman niyang nakuha niya ang role sa The Gift, “It pulled me out, and it gave me more motivation and determination to be better as a person.”

    THIA PAYS TRIBUTE TO HER BROTHER

    Iniaalay ng kauna-unahang Pinay Miss Eco International (2018) ang una niyang teleserye sa kapatid na pumanaw sa cancer noong Mayo 2019.





    “And it reminded me that I am here, alive, because my brother… and this is because of him,” ani Thia.

    Dagdag pa ng Filipino-German beauty queen, “I’m gonna live every single day because of him.”

    Sa Instagram post ni Thia noong June 19, ibinahagi niya ang isang throwback photo nila ng kapatid, na tinawag niyang “My BEST playmate & frenemy.”

    Mensahe ni Thia sa namayapa niyang kuya: “Promise nako nimo that I’ll make you proud!!!”





    READY FOR BASHERS

    Dahil siya ang bagong itatambal kay Alden, natanong si Thia kung handa na ba siya sa bashers, na karaniwan nang kumukuyog sa mga nali-link sa aktor.

    Sagot ni Thia, “I can say ready naman, for whatever’s coming my way.”

    Tiniyak din niyang handang-handa siya sa pagsabak sa pag-aartista.

    “I’m wholeheartedly open for all the challenges and advice na ibibigay sa akin,” pagtitiyak pa ni Thia.

    Sa Lunes, September 16, na mapapanood ang The Gift sa GMA Telebabad.

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    FPJAP ads 9/10/19


    1. Chowking Pork Chao Fan 15
    2. Bagong Bear Brand/Bear Brand Choco 30
    3. New Ariel Instashine 30
    4. Monde Special Mamon 15
    5. RiteMed Tamang Alaga 30
    6. Lucky Me Spicy Labuyo Mami 15
    7. Improved Kopiko Black 3inOne 30
    8. New Pantene 15
    9. Mang Inasal Solb Merienda 15
    10. Cobra Energy Drink 15
    11. Regal Entertainment Inc.’s Cuddle Weather 15

    /225

    1. Conzace-Unilab Yan! 15
    2. Whisper Pink 15
    3. Nescafe Classic 30
    4. Nescafe Coffeemate 30
    5. InLife 30
    6. Red Ribbon Chocolate Indulgence 15
    7. New Downy Expert Kontra Kulob 30
    8. Bonakid Pre-school 3+ 30
    9. Growee with Vitamin D 15

    /210

    1. Jollibee Chickenjoy 15
    2. Great Taste White Crema 30
    3. Cherifer Tangkad Sagad 15
    4. Tide Perfect Clean 15
    5. Similac Gain School 15
    6. Safeguard 15
    7. Calbee Honey Butter 30
    8. San Miguel Flavored Beer 15
    9. Neurogen E-Unilab Yan! 15
    10. Mang Inasal 2in1 Chicken Inasal 15
    11. Kopiko Blanca 15

    /195

    1. Bear Brand Adult Plus 15
    2. Mama Sita’s Oyster Sauce 15
    3. Vicks Inhaler 15
    4. McDelivery 15
    5. Best Ever Zero Sebo Joy 15
    6. Arla Organic Milk Drink 30
    7. Dolfenal-Unilab Yan! 15
    8. Nescafe Original 30

    /150


    Total ad count = 39 ads

    Total ad time = 780 sec/60 = 13 minutes


    Ad rates as of 2018

    ABS-CBN: P1.4M for a 30-second ad in primetime; P900k for non-primetime

    GMA 7: P500K for a 30-second ad in primetime; 299k for non-primetime

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    TGD ads 9/10/19


    1. Mang Inasal 2in1 Chicken Inasal 15
    2. Tolak Angin 30
    3. Nescafe Original 30
    4. New Cream Silk Triple Keratin Rescue 15
    5. Marty’s Cracklings 15
    6. New Downy Expert Kontra Kulob 15
    7. Star Margarine 15
    8. Dolfenal-Unilab Yan! 15
    9. Bagong Emperador Double Light 15
    10. Chowking Pork Chao Fan 15
    11. Palmolive Naturals Silky Straight 15
    12. New Promil Four 15
    13. Skelan-Unilab Yan! 15

    /225

    1. Kopiko MagKAPEra 4 15
    2. Ariel 30
    3. Growee with Vitamin D 15
    4. McDelivery 15
    5. Nestle Nido 3+ 15
    6. Charmee Pantyliners 15
    7. Sky Flakes Condensada 15
    8. New Perfume Shampoo by Rejoice 15
    9. Calciumade-Unilab Yan! 15
    10. Del Gentle Protect 15
    11. Great Taste White Crema 30 

    /195

    1. Sunsilk with Five Flower Perfume 15
    2. Mang Inasal Solb Merienda 15
    3. Nescafe Creamy White 15
    4. Ceelin Plus Chewables-Unilab Yan! 30
    5. Upgraded Downy Premium Perfume 15
    6. Mas Pinasarap na Maggi Magic Sarap 30
    7. Hana Shampoo 15
    8. Burger King X-tra Long Chicken 15
    9. Mulitvitamins Enervon Active-Unilab Yan! 15
    10. New Breeze with Power Care Technology 30
    11. Kopiko Blanca 15
    12. Regal Entertainment Inc.’s Cuddle Weather 15

    /225

    1. ASCOF Lagundi Cough Remedy 15
    2. Green Cross Gentle Protect No Sting Sanitizer 15
    3. La Pacita Oat Cookies 15
    4. Tide Perfect Clean 15
    5. Nestle Milo 15
    6. Close Up for All Day Freshness 15
    7. Payless Xtra Big Pancit Canton 15
    8. New, Improved Head & Shoulders with Magnetic Lifting Foam 15
    9. Nescafe Gold 15
    10. TNT SurfSaya30 15
    11. Jollibee Bacon Cheesy Yumburger 15
    12. AllerKid-Unilab Yan! 15

    /180


    Total ad count = 48 ads

    Total ad time = 825 sec/60 = 13 min. & 45 sec.


    Ad rates as of 2018

    ABS-CBN: P1.4M for a 30-second ad in primetime; P900k for non-primetime

    GMA 7: P500K for a 30-second ad in primetime; 299k for non-primetime

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    TKB ads 9/10/19


    1. Nescafe Creamy White 15
    2. Nescafe Gold 15
    3. Mang Inasal 2in1 Chicken Inasal 15
    4. New Sinecough Expel 30
    5. Sunsilk with Five Flower Perfume 15
    6. Bear Brand Sterilized Milk 15
    7. New Downy Expert Kontra Kulob 15
    8. San Marino Corned Tuna 15
    9. New Myra Ultimate 30
    10. Nestle Milo 15
    11. Axe Fragrances 15
    12. McDonald’s Flavors of Japan 15
    13. Sarsaya Oyster Sauce 15
    14. SC Johnson Baygon 15
    15. Lactum 3+ 15
    16. Centrum Advance 15

    /270

    1. Bonakid Pre-school 3+ 30
    2. Neozep-Unilab Yan! 15
    3. New Pantene 3 Minute Miracle Keratin Straight 15
    4. Chowking Pork chao Fan 15
    5. Improved Kopiko Black 3in1 30
    6. Huawei nova 5T 30
    7. Selecta Coffee Crumble/Cookies & Cream #SarapMagBonding 15
    8. New Champion Supra Power 30
    9. Sinecod Forte 15
    10. Alaska Pinasulit Pack 15

    /210

    1. Pharex B Complex 15
    2. Enfagrow A+Four 15
    3. Surf Fabric Conditioner 15
    4. Mega Sardines 15
    5. pH Care Feminine Wash 30
    6. Mang Inasal Solb Merienda 15
    7. Absolute Pure Water 15
    8. kumu 30
    9. Fiesta Party Size 15
    10. Palmolive Tripid Sachet 15
    11. Nutroplex-Unilab Yan! 15
    12. Selecta Fortified Milk 15

    /210

    1. Strepsils 15
    2. Wilkins Distilled 30
    3. New Ariel Instashine 15
    4. Jolly Spaghetti 15
    5. Safeguard Lemon 15
    6. CDO Karne Norte 15
    7. Myra Vitamin Lotion 15
    8. Great Taste White Crema 30
    9. RiteMed Tamang Alaga 30

    /180


    Total ad count = 47 ads

    Total ad time = 870 sec/60 = 14 min. & 30 sec.

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Ratings for August 29, 2019 (Thursday)

    Unofficial: AGB Nielsen National Urban TAM People

    Sahaya: 11.2% vs. Ang Probinsyano: 14.1%

    Official: Kantar Media Total Philippines (Urban+Rural)

    FPJ's Ang Probinsyano (34.7%) vs. Sahaya (18.8%)

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Ratings for August 29, 2019 (Thursday)

    Unofficial: AGB Nielsen National Urban TAM People

    Love You Two: 8.0% vs. The General’s Daughter: 13.9%


    The General's Daughter August 29, 2019 Teaser

    Matulungan kaya ni Ethan sina Rhian, Marcial at Franco? #TGDPatunayan ngayong gabi 👊

    Official: Kantar Media Total Philippines (Urban+Rural)

    The General’s Daughter (31.5%) vs. Love You Two (13.0%)

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Ratings for August 29, 2019 (Thursday)

    Unofficial: AGB Nielsen National Urban TAM People

    The Better Woman: 7.7% vs. The Killer Bride: 11%


    The Killer Bride August 29, 2019 Teaser


    #TheKillerBrideShowtime 👰🏻🔪

    Official: Kantar Media Total Philippines (Urban+Rural)

    The Killer Bride (24.6%) vs. The Better Woman (12.1%) 

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file