GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

The Big Switch From 2019 To 2020: ABS-CBN's Primetime Bida vs GMA 7's Telebabad

PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
edited September 7 in Showbiz - General

The Big Switch From 

animated-number-image-0002animated-number-image-0010animated-number-image-0001animated-number-image-0009

To

animated-number-image-0022animated-number-image-0030animated-number-image-0022animated-number-image-0030


   

2f405b0d-4f6b-4d27-b6da-563c1bd17babgif
giphygif
«13456789

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️


    asapofficial THE KILLER BRIDE! #ASAPNatinTo 🔥🔥🔥
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    By Bandera
    September 08,2019

    Tinapos muna ng anak ni Jestoni Alarcon na si Angela Alarcon ang kursong BA Speech Communication sa UP-Diliman bago tuluyang sumabak sa mundo ng showbiz.

    Isa si Angela sa mga bagong talent ng GMA Artist Agency na ipinakilala sa press kamakailan at dito nga niya inamin na matagal na niyang gustong mag-artista pero nag-promise siya sa kanyang tatay na tatapusin muna ang kanyang pag-aaral.

    At napakaswerte ng dalaga dahil kasama agad siya sa bagong primetime series ng GMA na Beautiful Justice na magsisimula na buklas, Sept. 9 sa GMA Telebabad. Dito gaganap siyang best friend ni Gabbi Garcia.

    Kumusta naman si Gabbi bilang katrabago, “I saw how dedicated she was in the career na ginagawa niya.

    Makikita mo talaga kung gaano siya ka hardworking na artista. Sobrang busy po kasi talaga niya, pero makikita mo na sobrang focused niyang tao, nakaka-inspire!”

    Ano ang payo sa kanya ni Jestoni ngayong artista na rin siya, “Always be focus on your goal like aasahan naman in the future na you can’t please everyone, so always focus on your goal no matter kung ano man sabihin sa iyo, kung ano man ‘yung negative or pessimistic comment na ibato sa ‘yo kailangan tanggap lang.

    “And hayaan mo lang sila, you have to focus on what you want to do and achieve in life,” aniya pa.

    Chika pa ni Angela, looking forward siya na makasama sa isang project ang kanyang tatay dahil talagang idol na idol daw niya ang actor-politician mula ng bata pa siya.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Partner ni Dingdong pinagdedebatehan pa?!

    SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019

    Pinagde-debatehan pa rin daw kung si Jennylyn Mercado na nga ang magi­ging partner at gaganap na Dra. Kang sa local adaptation ng Korean action / drama series na Descendants of the Sun starring Dingdong Dantes. Ito ay kahit may nagko-confirm na si Jennylyn na nga. Pero kuwento ng GMA 7 insider kahapon, wala pa talagang final decision, pinag-uusapan pa rin.

    Nauna nang umayaw si Ma­rian Rivera na gumanap na Doc Kang Mo Yeon na ginampanan ng ex wife ni Soong Jong-ki na si Song Hye-Kyo.

    Pero may pagpipilian pa ba ang GMA 7 para sa nasabing role?

    Speaking of Yan, balik-Tadhana ang actress na two years na palang umeere every Saturday afternoon. Kaya naman starting this afternoon, may installments ang dalawang episode para sa second year celebration nila.

    Ang first story ay entitled Serial Killer, na kuwento ng magkakaibigang Ilocano OFWs ang gruesome web of murders na kinasasangkutan ng mga dayuhang kasambahay. This is the first-ever case of serial killing in Cyprus.  Magbibida sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena at Rhian Ramos.

    Balik-akting naman si Lovi Poe sa second story, CEO Maid. Gaganap siyang Myrna na dating seaweed diver sa Bohol. Pero nabiktima  siya ng human trafficking. Nakaligtas siya sa hirap at nahanap ang kanyang sarili sa Hong Kong matapos magtrabaho bilang isang domestic helper. Pero naging mabait ang kanyang amo at tinuruan siyang guma­mit ng computer.

    Dahil sa tiyaga, nang bumalik siya ng bansa naging CEO siya ng kanyang sariling BPO company.

    Grateful si Marian na kabi-kabila rin ang natatanggap nilang award para sa programa.

    Watch Tadhana: second anniversary specials this whole month of September, Saturdays, 3:15 p.m. on GMA-7.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Ysabel hindi maligawan, gwardyado ng senador at heneral

    SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 

    Humarap sa ilang miyembro ng media ang mga bagong talents ng GMA Artist Center na karamihan sa kanila ay galing sa Kapamilya network, at nabigyan ng magandang project sa Kapuso network.

    Kabilang dito sina Jon Lucas na nasa Descendants of the Sun, Anjo Damiles na sa Madrasta naman, Ysabel Ortega na sister ni Alden Richards sa The Gift at si Erin Ocampo ng GirlTrends dati na nasa Beautiful Justice naman ngayon.

    Kasama rin ang bagong talents na si Faye Lorenzo na girlfriend ng StarStruck avenger na si Jay Arcilla at ang anak ni Jestoni  Alarcon na si Angela Alarcon.

    Maganda ang role na ipinagkatiwala kay Faye sa Madrasta at ang anak ni Jestoni Alarcon na si Angela na kasali naman sa Beautiful Justice.

    Isa sa medyo mainit na interbyuhan namin ay ang kay Ysabel Ortega na hindi naman iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanyang amang si Sen. Lito Lapid.

    Nagulat nga ang ilang miyembro ng media nang nalaman nilang anak pala ni Sen. Lapid si Ysabel kay Michelle Ortega.

    Nakuha ni Ysabel ang pagiging ma-PR sa kanyang magulang at walang no comment sa kanya. Sabi naman daw ng Mama niya na maging honest sa mga sagot niya at huwag nang iwasan ang tungkol sa Papa Lito niya dahil mauungkat at mauungkat din naman yun.

    Kaya nung kinumusta namin sa kanya ang tungkol sa Papa niya, okay naman daw sila sabi niya at nagkausap na raw sila pero sa telepono pa lang. Pero matagal-tagal na rin daw silang hindi pa nagkikita. “I told him po na nandito na po ako sa Kapuso network, and he’s very happy for me and supportive naman po siya.

    “Sinabi naman niya na no matter what, he wishes me well sa career ko po,” pakli ni Ysabel.

    Pero inamin ni Ysabel na mas close siya sa kanyang stepdad na si Gen. Greg Pimentel, ang pinakasalan ng Mama Michelle niya.

    Wala naman daw conflict sa dalawang daddy niya dahil alam naman daw ng Daddy Greg niya kung saan niya ilulugar ang sarili bilang ama. Pero sa kanya nga mas close si Ysabel kesa sa Papa Lito niya. “For me naman po ang pagkakaroon ko ng dalawang Dad…parang the more the merrier.

    Kaya ang hirap pa ligawan si Ysabel dahil bukod sa super bantay ang Mama niya, may nakabantay na isang heneral at senador.“Dami pong bantay. Marami pong takot sa bago kong Daddy,” natatawa niyang pahayag.

    “May nagsasabi nga po na nakaka-inti­midate nga raw po talaga. Pero I’m studying right now and at the same time, I’m working…tapos yung school ko po na full time talaga na I go to school everyday. So, wala rin po talagang time, itutulog ko na lang po,” saad ng 20-year old Kapuso actress.

    Samantala, excited si Ysabel dahil sa drama series ni Alden Richards siya unang isinabak.“When I spoke with Artist Center, tinanong nila sa akin kung sino ang gusto kong makatrabaho, isa po dun si Kuya Alden. Kaya I’m very happy na first teleserye kasama ako,” masayang pahayag ni Ysabel.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️


    YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 7, 2019 

    Tanong lang, Salve A. True kaya na magkakaroon ng Chinese dialogue, obviously between lead stars Kim Chiu at Xian Lim, who both speak Chinese, ang series nilang Love Thy Woman?

    Ito raw ba ang dahilan, kung bakit nag-back out si Erich Gonzales?

    Well, equally proficient as an actress din ang pumalit kay Erich na si Yam Concepcion.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 8, 2019

    Masaya ang mga sumubaybay sa Ang Pagtatapos episode ng epic-drama na Sahaya dahil happy ending ito kahit ang video message nila ay ang pagwawakas na ‘di mo aakalain at ang nakakaiyak na ending kahit nga namatay ang head nilang si Panlima Allari (Pen Medina), isinalin naman niya ang pamamahala sa kanilang isla kay Ahmad (Miguel Tanfelix) at sila ni Sahaya (Bianca Umali) ang magkatulong na mag-aalaga sa kanilang tribu. Ikakasal din sina Sahaya at Ahmad pero kapag naging ganap nang doctor si Sahaya.

    Si Bianca nag-post ng pasasalamat niya kay Miguel: “Miguel, sa aking working partner ng maraming taon na (HUWAW!!!), congratulations to us! Hindi mapagkakaila ang haba ng ating napagsamahan. Sabay na tayo halos sa lahat ng bagay, mula noon hanggang ngayon. Marami tayong emosyon na sabay nating pinagdaanan, mga paghihirap na tayo ang nagtutulungan, mga alaala na hindi malilimutan. Isa ka sa mga taong pinahahalagahan ko, hindi ko na ito pahahabain pa, alam mo na yan. Apir!!!”

    Ang Sahaya ang pang-eleven na project nang pinagtambalan nina Bianca at Miguel, simula pa lamang noong mga child stars pa sila sa GMA Network.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited September 8

    Deni Rose M. Afinidad-Bernardo (Philstar.com) - September 5, 2019 - 5:38pm 

    MANILA, Philippines — The Department of Labor and Employment (DOLE) has found that TV network GMA has committed three violations on work safety that led to the accident and eventual death of award-winning actor and director Eddie Garcia last June.

    During the House Appropriations committee’s hearing last Wednesday on the Labor department’s proposed Php14.42-billion budget next year, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas asked DOLE for updates on its probe regarding Garcia’s accident.

    DOLE National Capital Region director Sarah Buena Mirasol then shared their findings. 

    According to Mirasol, the department has found that GMA and its contractors committed the following violations: failure to submit an incident report within 24 hours; no safety officer during the time of the taping and the accident; and inability to provide a first aid responder on the set.

    When Brosas asked if DOLE has imposed penalties for such violations, DOLE did not provide an answer.

    Mirasol explained the TV network has asked for an extension in sending their answer to the findings.

    GMA and DOLE, she said, already scheduled a conference on September 16, before the department can release a resolution.

    Under Republic Act No. 11058 or the Occupational Safety and Health law, employers, contractors and subcontractors who expose employees to serious injury, illness or death due to their failure to follow occupational health standards can be fined Php100,000 daily until the violation has been addressed.

    It can be recalled that Eddie tripped in a cable wire and broke his neck while taping a gun fight scene in Tondo, Manila, for the now-shelved GMA series, “Rosang Agimat.” He was in a comatose state for over a week before passing away last June 20 at 90 years old.

    Following Garcia’s death, GMA released a statement in June, saying: "It has been the network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs." 

    According to the network, it has completed its own probe on the accident, but will release the findings to the actor’s family first before sharing it to the public.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited September 8


    dreamscapeph Siya ang bagong makakabangga ni Cardo. Subaybayan si @sarmentaromnick bilang JUAN sa #FPJsAngProbinsyano

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    September to remember for kapuso network

    September 08, 2019
    By Mario Bautista
    People's Journal

    IT will be a September to remember for the Kapuso network. The action-drama “Beautiful Justice” about PDEA agents battling drug lords will start airing tonight, replacing “Sahaya”, starring Yasmien Kurdi, Bea Binene and Gabbi Garcia as three women who want revenge for the death of their loves one, supported by Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Victor Neri, and Bing Loyzaga and Valeen Montenegro as the female villains.

    By next Monday, September 16, Box Office King Alden Richards returns to primetime in “The Gift”,  which will replace “Love You Two”. He plays Sep, a visually-impaired fruit vendor in Divisoria who discovers his ability to see the past and the future. Helmed by LA Madridejos, he’s supported by Elizabeth Oropesa, Mikee Quintos, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, Tetay, and  Jean Garcia.

    On Septrember 30, the romcom “One of the Baes” will replace “The Better Woman”, starring the hilarious tandem of Ken Chan and Rita Daniela, a millennial fairytale that will take viewers on a special journey of love. Produced by GMA Public Affairs, this will show the travails and experiences of seafarers, Rita as Jowalyn, who dreams of being a ship captain someday, and Ken as Grant, a rich but humble environmental vlogger.

    Other new Kapuso shows are the Korean hit drama, “Mr. Sunshine” which started on September 2, the story of a young boy who is born into slavery but escapes to the United States and returns to Korea later as a United States Marine Corps officer starring Holly­wood actor Lee Byung Hun as Eugene Choi.

    In the morning, “Wagas” is now seen as a daily series before “Eat Bulaga” featuring Sunshine Dizon and Mike Tan in “Throwback Pag-ibig” which will be seen for one month.  And on weekends, watch out for “The Clash” every Saturday and Sunday beginning September 21 replacing Starstruck, with Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose and Total Heartthrob Rayver Cruz as Clash Masters with returning judges Lani Misalucha,  Christian Bautista and AiAi delas Alas. Ken Chan and Rita Daniela will be The Clash Journey hosts.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Snooky nabaliw sa ‘Sahaya’, mga fan nagbunyi

    Sep 8, 2019

    Isang heartwarming finale ang nasaksihan ng mga manonood ng “Sahaya” nitong Biyernes, September 6. Makalipas ang limang buwan, nagwakas na nga ang kuwento ng mga Badjaw, na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

    “She taught me so much more about life. I learned to have a different perspective of things because of going through the process of being Sahaya. I am in love with the culture of the Badjaws. Sometimes, the simpler things are the most memorable and treasured ones. She is not only one of the roles I got to portray. She’s not just another character or project. ‘Sahaya’ is a milestone sa buhay ko. Binigay ko lahat-lahat ng makakaya ko para sa kanya at hanggang sa pagtanda ko, maipagmamalaki ko siya because I am proud of her,” sabi ni Bianca sa karakter niyang si Sahaya.

    “The best thing of giving life to Sahaya was learning her culture, ang kultura ng mga Badjaw. All the studying wasn’t just to learn for my role, but unexpectedly, I learned a lot of life changing lessons too,” dagdag pa ni Bianca.

    Siyempre, kanya-kanyang reaksyon ang mga fan. Ang iba ay hindi matanggap ang pagkabigo ni Migo sa pag-ibig ni Bianca.

    Ang iba ay natuwa sa sinapit ni Snooky Serna, na nahatulan nga, at nauwi sa tuluyang pagkabaliw.

    Heto nga ang pahayag ng mga manonood:

    Len’zkiepot Abordo, “Bagay na bagay kay Salida maging baliw. Hahaha Karma is real.”

    minerva calinog, “Nainis at nanggigil tayu kay Salida…meaning sobrang galing umarte ni Ms. Snooky Serna! Congrats po.”

    Agik SiJDM, “Ngayun lang ako nagalingan kay Snooky sa teleserye na to. Lumabas ung galing nya.”

    Leah Mae, “Snooky is so good in her role. She delivered it well.”

    Isabella Delafuente, “Sinabi niyang minahal at mahal niya pa rin si Jordan pero bakit ang sakit-sakit at bakit hindi pwede? Na-broken ang team Bubbles huhu. Mahal namin kayo Jordan at Sahaya. Sana nalang may next teleserye kayo, yung kayo talaga, yung walang what ifs and whys.”

    November Lee, “Ouch. Ang sakit. Ouch. Para fair wala na lang sana makatuluyan si Sahaya. Kahit open ending na lang.”

    jasmin buddy, “Kakaiyak naman ang ending ng love story ni Jordan. maraming bagay ginawa niya para kay sahaya.”

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    #Malas: Julia ligwak sa bagong TV commercial ni Joshua

    By Cristy Fermin
    September 09,2019



    Kapaniwalaan nang kapag nagkahiwalay ang magka-loveteam ay ang lalaki ang nagiging dehado sa labanan. Pero isang sumikat na male personality ang nakapagpatunay na hindi ‘yun totoo, si Tirso Cruz III, na nang mahiwalay ang pangalan kay Nora Aunor ay patuloy pa rin ang takbo ng mabiyayang career.

    Sa kasalukuyang panahon ay pinatunayan din ‘yun ni Alden Richards, hindi pinulot sa kangkungan ang karera ng Pambansang Bae nang mahiwalay ito sa pundya ni Maine Mendoza, mas sumikat pa nga si Alden dahil sa matagumpay nilang tambalan sa pelikula ni Kathryn Bernardo.

    At may isa pa. Si Joshua Garcia na patuloy ang maayos na career sa pagkawala ni Julia Barretto, tanggap na tanggap ng publiko ang kanilang tambalan ni Janella Savador sa The Killer Bride, mas kuminang pa nga ang pangalan ng young actor ngayong wala na si Julia.

    May bagong TVC si Joshua para sa isang higanteng food chain, nag-iisa na lang siya sa commercial, wala na si Julia na dati niyang katambal sa patalastas.

    Ang isang magaling na aktor na tulad ni Joshua Garcia ay hindi kailanman mapag-iiwanan. Maraming nagguguwapuhang artistang lalaki ngayon pero kulang naman sa talento.

    Si Joshua, hindi man siya ang klaseng super-guwapo talaga ay pinagniningning naman ng talento ang kanyang karera, siya ang itinuturing na pinakamagaling na aktor ng kanyang panahon.

    At nasa kanya ang simpatya ng buong bayan sa nangyari sa kanilang relasyon ni Julia na naugnay ang pangalan kay Gerald Anderson.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️


    Jo favorite i-piggy back ride ni Alden 
    (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2019 

    SEEN: Masaya ang mga executive ng GMA 7 dahil satisfied sila sa pilot week ng The Gift na pinanood nila. Ang The Gift ang primetime television series na tinatampukan ni Alden Richards at mapapanood simula sa September 16. Si Jo Berry ang gumaganap na guardian ni Alden sa The Gift. Malakas ang chemistry nina Alden at Jo sa kanilang mga eksena.

    SCENE: Tuwang-tuwa ang mga nanonood ng taping ng The Gift sa tuwing nakikita nila na “naka-piggy back ride” si Jo kay Alden. Imbes na paglakarin sa kalye si Jo, isinasakay na lamang siya ni Alden sa likod nito.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Bea ayaw ipangalandakan ang BF

    SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2019

    Si Bea Binene ang isa sa excited sa pagsisimula ng Beautiful Justice ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras.

    Makikita ang galing niya sa Wushu, pero hindi pa naman daw sa pilot week. In-establish pa naman daw ang kuwento, pero marami silang action scenes at doon mapapasabak ng Wushu ang Kapuso young actress. Kanya raw yung sword na gamit nya na ipinakita sa teaser.

    Matagal-tagal na nga raw siyang walang training sa Wushu, kaya mababalik na siya ngayon dahil kailangan dito sa Beautiful Justice.

    Kaya gusto na raw niya sanang balikan ang araw-araw na training sa Wushu, pero nahirapan daw siya sa schedule.

    At kahit anong pilit naming itanong ang tungkol sa non-showbiz boyfriend, “Basta!” lang ang sagot niya at iniiba na niya ang usapan.

    Talagang iniiwasan na ni Bea na ipubliko ang lovelife niya.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️


    Artista na rin ang pangalawang anak ng aktor na si Jestoni Alarcon na si Angela Alarcon. Graduate na ito ng college kaya heto na, ang matagal na raw niyang pangarap na maging artista rin tulad ng ama ang ginagawa niya ngayon.

    Si Angela ay isa sa anim na mga bagong GMA Artist Center contract stars na ipinakilala sa ilang media. Kasabay ni Angela ang mga dating ABS-CBN stars naman na sina Isabel Ortega, Erin Ocampo, Anjo Damiles at Jon Lucas. At si Faye Lorenzo na sexy naman ang image.

    Kahit na may panahong nagpaseksi rin si Jestoni, tumanggi si Angela na ganito ang gusto niyang gawin. Mas action ang gusto ni Angela kaya sobrang idol daw niya ay si Marian Rivera.

    “Ever since po na nagda-Darna po siya. She’s really good in doing action and until now, she’s my idol.”

    Sa mga Kapuso star, si Alden Richards at Dennis Trillo ang pangarap ni Angela na makapareha.

    “Si Alden po kasi, napakahusay po niya at nakakatuwa po na makasama po siya in the future.”

    Ang advice raw ng daddy niya sa kanya, “Always do your best po and remain focused. Kung may intriga, ‘wag daw pong damdamin masyado kasi, showbiz is 100% commitment kaya asahan na marami talagang words na puwedeng ibato sa akin at masaktan.”

    Pero naloka lang kami dahil sa YouTube video na kung saan ay sinabi niyang type niyang makasama si Alden sa trabaho, mababasa mo na kinuyog talaga siya ng mga maka-Maine, ha! Kesyo ginagamit daw nito si Alden, at kung ano-ano pang akusasyon.

    Mapapanood na si Angela sa kauna-unahan niyang teleserye ngayong Lunes, ang “Beautiful Justice” sa GMA Telebabad. (Rose Garcia)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file