Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

TV memories...

1180181182183184186»

Comments

  • domlomercbdomlomercb Member PEx Rookie ⭐
    Mid 2010s naalala ko ung commercial ng eskinol (bakit ganun sinabon ko naman) ayra is hilarious (tama ba?) tapos nagulat si julia montes.

  • sasumansasuman 猛烈な獣 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Sa mga tikolero dyan,naaalala nyo pa ba japanese channel na wowow kung san nagpapalabas ng r-rated movies hahaha.. Sa mga tikolero alam yang channel na yan for sure . 😂😂😂
  • darnas_daughterdarnas_daughter tahong vendor PEx Veteran ⭐⭐
    edited November 2018
    limahl said:
    i used to watch Oh Tokyo with Ellen Nishuimi at Maverick and Ariel on TV5
    Dahil dyan sa Oh Tokyo na yan. Nakaka-eenganyong bumisita sa Japan
    Ano nga pala balita dyan kay Ms. Ellen? Ang alam ko nasa Japan pa rin sya
  • balikloobsakapusobalikloobsakapuso PEx Expert 🎖️
    Mid 2010s naalala ko ung commercial ng eskinol (bakit ganun sinabon ko naman) ayra is hilarious (tama ba?) tapos nagulat si julia montes.

    2014 or 2015 iyan. Hindi ko pinansin si Ayra back then. Naging fan lang niya ako mga 2017. 
  • Mukhang magbabalik na sa ere ang mga classic shows ng IBC-13 this February 11. Nakaka-excited na ko sa tuwa!


  • Parang mukhang restored na ang Sic O Clock News at T.O.D.A.S. ng IBC-13. Can't wait for Monday!




  • SIC O' CLOCK NEWS:




  • TODAS:


    Hapi House:


    Sic O Clock News:

  • domlomercbdomlomercb Member PEx Rookie ⭐
    edited February 2019
    i remember the two most jokes from ggv was:
    DJ: Nasayo Na Ang Lahat!!!
    Vice: Neseye Ne Eng Lehet

    Vice: Yong sayaw ka 
    (Yong dances)
    Vice: Yong, sasali ka ba sa Going Bulilit? 

  • Jerz19Jerz19 PEx Rookie ⭐
    edited February 2019
    Did you remember the April 2013 Magpakailanman episode on Kristofer King?

    Aljur Abrenica played Kristofer.
  • mel414 said:
    2 sa paborito kong videoke-inspired game shows noon:

    1. Sing-Galing (TV5/ABC5)
    Allan K. and Kristine Florendo, then later Allan with Ai-Ai delas Alas. Record holder nito was Ethel Gabison, AKA Ethel Booba. If my memory serves me right, 15 consecutive Saturdays (3 months) siyang weekly champion, then eventually naalis kasi namali yata sa lyrics.
    Ang hindi ko makakalimutan dito yung "Build Me Up Buttercup" na favorite song nung dalawa, na kinakanta either sa opening o closing credits.

    2. All Star K (GMA7)
    Ang inaabangan ko sa kanila every Sunday night dati, kahit sobrang late na. Originally hosted by Arnel Ignacio, then later on Allan K (nung matapos ang Sing Galing) with Jaya. Nagsimula sa "K": The P1M Videoke Challenge", tapos ginawang "All Star K". Pinagkaiba lang nito sa SG eh nakatakip yung words na kailangang hulaan nung contestant.

    Pero ang challenging dito yung sa final round, na kailangang makanta nang maayos yung mystery line, lines, or verses (usually nasa bridge part ng kanta).


    Sana i-revive ang mga ito, kaso konti na lang ang nakaka-appreciate ng Videoke/Karaoke ngayon eh. All Star K can be hosted again by Allan and Jaya, or si Boobay with another singer-actor, pwede rin. Sa Sing Galing, pwede si Ethel. kaso baka "magkalat" lang siya dun eh.
    All Star K was revived as All Star Videoke from late 2017 to early 2018, hosted by Betong Sumaya and Solenn Heussaff. Yun nga lang, just like Bossing's 'Hay Bahay', hindi talaga ito nag-click sa ratings kumpara sa All-Star K. Pati ang season 3 ng LSB nina Bitoy at Iya, nagflop din. Pero ang The Clash, naging mixed success at nagbigay ng purpose  para mahanap ang susunod na Regine Velasquez. Tingnan lang po natin kung ang Studio 7 ay magiging mas maganda kesa sa PP, SAS at FHT.
  • DwightleyBrightDwightleyBright Member PEx Rookie ⭐
    edited July 2019
    Sinong nakaalala ng mga late 90s/Early 2000s shows ng ABSCBN at GMA? tulad ng nga ito?

    ABSCBN

    The legendary Mara Clara (judy ann and gladys; dito ko una nadiscover na meron palang bullies sa school kaya medyo natakot akong pumasok nun dahil sa isang eksena na iniwan si Judy Ann sa gym pinatayan ng ilaw tapos sinagasaan sya ng kotse ni Gladys)


    Recuerdo de Amor (Carmina, Diether, ??Piolo??)

    Saan ka man naroroon (Claudine in triple role, Rico Yan, Leandro Baldemor at si tita Violeta played by Jackie lou blanco HAHAHA)

    Munting Paraiso (Coney Reyes, Ronaldo Valdez; rip off ng 7th heaven; iba pa ka Lt ni Jericho Rosales dito habang si Kristine Hermosa ka LT nman si Marvin Agusin sa isang show na kasabay din yta nito)

    Labs ko si babes (Jolina-Marvin; eto ba yung may xmas special na ngregalo si Jolens ng cake? Hahaha) 

    Marinella (Shaina, Serena at Camille Prats; pangalan ng mga bida: Marie, Rina at Ella hahaha; eto lng yata ang alam kong naging teleserye ni Camille sa ABS ever since bago sya lumipat ng GMA: ABSCBN's response to GMA's AnnaKarenina)

    Original Pangako sa'yo (dto sumikat ng husto ang Tin-Echo LT hindi korny, hindi rin cheesy nkakasawa kang minsan dahil sobrang market sila ng ABS that time hahaha; sino d mkakaalala ng Amor-Claudia word/sampal battle? Yung gigil kay Vanessa del Bianco at Dianne dela Fuente; yung lumipad kotse ni Michelle Bayle sa bangin kaya ayun deds hahaha) yung gusto mong mapuruhan ng sampal si Jean Garcia; at yung nkkatawang eksena ni Nikka Valencia na naiinis sa kunakausap sa kanya dahil iniistorbo sya habang naglalaro ng snake sa Nokia hahaha)


    Sa dulo ng walang hanggan (Claudine Barretto and ?? Carlos Agassi? Hindi na yata si Rico ka Lt nya dito pero buhay pa sya nung time nayun; naalala ko yung eksena sa debut na may sumabog na bombang nkatago sa ilalim ng cake nang ihipan na yung kandila ska sumabog)

    Esperanza (Judy Ann Santos, Wowie de Guzman, Marvin Agustin, Angelika dela cruz; grabe pagsubaybay ng mga tiyahin at pinsan ko nito kaya mrami akong naalala dito esp yung mlapit na ung ending yung kay Sylvia Sanchez na character nabaliw dahil imbes na si Judy Ann yung barilin nya yung anak nyang si Tanya Garcia natamaan, ayun tigok. Dinagdag pa nila si Carmina bilang kontrabida sa finale di ko lam kung sa movie version lng yun)



    GMA7

    Mia Gracia (the only tv series of EB's "round girl" Samantha "Gracia" Lopez; Gracia's dual role kambal yta si Mia at Gracia ung isa dancer sa club yung isa nmn mayaman n maldita; sana upload ulit ng TAPE ito sa youTube)

    Villa Quintana (Donna-Kempee; romeo and juliet story; eto din yta yung may eksenang may tinulak sa hagdan tpos dumugo dahil buntis nakunan hahaha tpos bumula bibig ni Donna dahil uminom ng lason hahah tragic ending nito hndi happy ending what matters most pa yung kanta sa finale credits; tumagal to ng ilang taon bago tinalo ng MariMar)

    AnnaKarenina (one of GMA's best; Antoinette, Sunshine, Kim; ang galing ng gma mag market ng baguhan nilang nga artist giving Antoinette and Kim their biggest break)

    Halik sa Apoy (Ynez Veneracion, Tirso Cruz; naalala ko yung sa isang episode ang last scene sa koreksyonal ng mga babae at may nagaamok ang end credit ay version ni Zsa Zsa ng We're all alone kapag last scene pino-pause nila tpos sabay labas ng credits at kanta)

    Di Bat Ikaw (Jessa Zaragoza, Jao Mapa, Angelika dela cruz; bago mag anime to wla na akong naaalala sa show nato very obscure na memory ko dto ang alam ko lng pag end credits na pinapalabas ang mga scenes sa episode na yun; first series ni Angelika sa GMA kkalipat nya plang nun sna remake to ng GMA)

    Kadenang kristal (Rio Locsin, Jackie Lou Blanco, Amy Austria among others; tpos may mga kid versions sila Angelica Panganiban, Lady Lee, Patricia ann Roque, ??Janus del Prado??; ang setting nasa bahay ampunan yata tpis may bulag na bata played by ??Janus?? Di ako sure)

    L ( Sunshine Cruz, Teresa Loyzaga, Ruffa G, Bernadette Alyson etc., Melrose's place rip-off daw ito)

    GMA telesine (could anyone upload just one episode of this on YouTube?? Na miss ko na mga shows na to sna maibalik #throwback :(
  • DwightleyBrightDwightleyBright Member PEx Rookie ⭐
    mel414 said:
    2 sa paborito kong videoke-inspired game shows noon:

    1. Sing-Galing (TV5/ABC5)
    Allan K. and Kristine Florendo, then later Allan with Ai-Ai delas Alas. Record holder nito was Ethel Gabison, AKA Ethel Booba. If my memory serves me right, 15 consecutive Saturdays (3 months) siyang weekly champion, then eventually naalis kasi namali yata sa lyrics.
    Ang hindi ko makakalimutan dito yung "Build Me Up Buttercup" na favorite song nung dalawa, na kinakanta either sa opening o closing credits.

    2. All Star K (GMA7)
    Ang inaabangan ko sa kanila every Sunday night dati, kahit sobrang late na. Originally hosted by Arnel Ignacio, then later on Allan K (nung matapos ang Sing Galing) with Jaya. Nagsimula sa "K": The P1M Videoke Challenge", tapos ginawang "All Star K". Pinagkaiba lang nito sa SG eh nakatakip yung words na kailangang hulaan nung contestant.

    Pero ang challenging dito yung sa final round, na kailangang makanta nang maayos yung mystery line, lines, or verses (usually nasa bridge part ng kanta).


    Sana i-revive ang mga ito, kaso konti na lang ang nakaka-appreciate ng Videoke/Karaoke ngayon eh. All Star K can be hosted again by Allan and Jaya, or si Boobay with another singer-actor, pwede rin. Sa Sing Galing, pwede si Ethel. kaso baka "magkalat" lang siya dun eh.
    All Star K was revived as All Star Videoke from late 2017 to early 2018, hosted by Betong Sumaya and Solenn Heussaff. Yun nga lang, just like Bossing's 'Hay Bahay', hindi talaga ito nag-click sa ratings kumpara sa All-Star K. Pati ang season 3 ng LSB nina Bitoy at Iya, nagflop din. Pero ang The Clash, naging mixed success at nagbigay ng purpose  para mahanap ang susunod na Regine Velasquez. Tingnan lang po natin kung ang Studio 7 ay magiging mas maganda kesa sa PP, SAS at FHT.
    Mahirap ng subaybayan ang mga shows ngayon lalo na't hindi na masyado tumatagal sa ere. Sobrang subaybay tlga sa mga shows tulad ng Bitoy's world, Nuts Entertainment, mixed N.U.T.S., Bubble gang (na hanggang ngayon umeere pa din) Dati mapaupo ka tlga ng matagal sa harap ng TV kaso yun lang addiction ng mga tao nun ngayon cellphone na kasi may internet na pero ang masaklap sa YouTube nlng mapapanood :(
  • DwightleyBrightDwightleyBright Member PEx Rookie ⭐
    The best ang old school Wansapanataym para saken

    Episodes in my memory

    1. Si Pipoy, parang si Popeye, lumalakas siya. Tapos tuwang tuwa yung tatay niya kasi napapalipad niya yung kalaban niya. Lampa yata siya dati.

    2. Yung puno si Yayo Aguila, basta eto lang natatandaan ko.

    3. Isang pamilya na masama ang ugali, pinarusahan na may lalabas na basura sa bibig pag nagsasalita. Mga matapobre ata sila.

    4. Si Andrea Del Rosario yung parang fairy ng karagatan.

    5. Si Angelika Dela Cruz naliligo sa gatas kasi gusto niya lagi siyang maganda. Napunta siya sa parallel universe na puro deformed pangit ang mga tao, tapos siya yung pinag tatawanan.

    6. Yung limang bata na pinarusaan mga senses nila. Yung isa hindi madilat ang mata, yung nawala yung bibig.
    Yung episode lang na fairy godmother si Christine Jacob naalala ko tpos yung si serena dalrymple humahaba ilong pag nagsisinungaling (pinocchio girl version). 

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file