GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

ABS-CBNPExTalk 387: As the Rain Falls, The REAL Queen Rises to Reign on Primetime

24567254

Comments

  • ChiKATHChiKATH Twitter: @chikathofkpex_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakakaloka, 0-0 parin ang BRAvsMEX!!!!
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    Padaan po! :wave:

    at wala pa talagang nakakagoal? XD #BRAvsMEX

    =========

    yan, may bagong picture pag tumaas pa ang rating ng ADMR X)

    10176265_1608053246087325_5437860671728365992_n.jpg
  • ChiKATHChiKATH Twitter: @chikathofkpex_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Inaantok na ko, di ko na keri tong Brazil vs Mexico!!!!
  • ChiKATHChiKATH Twitter: @chikathofkpex_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang daming imbey kay Neymar sa Twitter. :rolleyes: Last post na for ngayon, bye guys. :drive:
  • james_chicago2james_chicago2 KAPAMILYA4LIFE PExer
    taray ni angeli natalo si ate vi at ate guy !!

    yung best supporting actress ba ni Angel Aquino ay sa OTJ?
  • james_chicago2james_chicago2 KAPAMILYA4LIFE PExer
    ganda ng SBPAK. sana tuloy tuloy to parang TLW.
  • james_chicago2james_chicago2 KAPAMILYA4LIFE PExer
    15 June 2014 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural)
    Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
    Source: Kantar Media / TNS

    The Healing Eucharist (4.8%) vs. Kapuso Sine Klasika ‘Annie Sabungera’ (2.7%)
    Swak Na Swak (3.7%) vs. The Batman (5.4%)
    Salamat Dok (3.5%) vs. Super Book (7.7%) / Hayate The Combat Butler (8.8%)
    Voltron Force (4.7%) vs. One Piece A Fathers Great Big Dream (9.7%)
    Marvel Wolverine (5.6%) vs. Aha (8.5%)
    Matanglawin (8.2%) vs. Born To Be Wild (8.7%)
    Kapamilya Blockbusters ‘Mars Needs Moms’ (12.7%) vs. I Bilib Featuring: Is It Possible? (8.6%) / Kap’s Amazing Stories (8.7%) / My Love From The Star The Kilig Throwback (12.1%)
    ASAP 19 (10.6%) vs. Sunday All Stars (7.4%)
    Luv U (10.3%) / The Buzz 15 (9.2%) vs. Asian Horror Stories ‘The Death Is Here’ (6.7%)
    TV Patrol Weekend (11.7%) vs. 24 Oras Weekend (5.1%) vs. Pldt Home Telpad 2014 Pba Governors’ Cup (Live) (6.1%)
    Goin’ Bulilit (18.7%) vs. Picture Picture (7.9%)
    Wansapanataym ‘Witch-A-Makulit’ (28.7%) vs. Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento (14.9%) vs. Who Wants To Be A Millionaire (3.6%)
    The Voice Kids (37.5%) / Rated K Handa Na Ba Kayo? (22.1%) vs. Kapuso Mo Jessica Soho (15.3%) vs. Wow Mali Pa Rin! (3.2%) / Jasmine (1.1%)
    Pinoy Big Brother All In (13.7%) vs. Imbestigador (10.7%) vs. Juan Direction (0.4%)
    Gandang Gabi Vice (8.7%) vs. Sunday Night Box Office ‘Exit Wounds’ (6.2%) vs. Pilipinas News Weekend (0.3%) / Demolition Job (0.2%)
    Sunday’s Best ‘Martin Nievera 3d’ (1.1%) vs. Diyos At Bayan (0.6%) vs. History With Lourd Tsismis Noon Kasaysayan Ngayon (0.2%)


    14 June 2014 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural)
    Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
    Source: Kantar Media / TNS

    Sa Kabukiran (1.0%) vs. Adyenda (1.1%) / Kapwa Ko Mahal Ko (1.7%)
    Salamat Dok (2.1%) vs. Pinoy MD Mga Doktor Ng Bayan (3.4%)
    Swak Na Swak (2.7%) vs. Scooby-Doo! Mystery Incorporated (6.7%)
    Honey Watch Out (2.4%) vs. Super Book (9.5%)
    Sineskwela (3.2%) vs. Angry Birds Toons (10.4%)
    Teenage Mutant Ninja Turtles (4.1%) vs. Hayate The Combat Butler (9.3%)
    Spongebob Squarepants (6.1%) vs. Toriko (9.2%)
    Kapamilya Blockbusters ’3 Idiots’ (15.7%) vs. Tropang Potchi (5.3%) / Sarap Diva (4.2%) / Maynila (Larawan Ng Bansa) (5.2%)
    It’s Showtime (Saturday) (22.3%) vs. Eat… Bulaga! (Saturday) (11.1%) / GMA Tales Of Horror ‘Juhou 2405′ (6.4%)
    Ipaglaban Mo (16.5%) / Failon Ngayon (10.0%) vs. Startalk (4.9%) / Aksyon Weekend (2.0%)
    S.O.C.O. (A Scene of The Crime Operatives) (11.6%) vs. Wish Ko Lang! (7.0%)
    TV Patrol Weekend (13.8%) vs. 24 Oras Weekend (7.8%) vs. Pldt Home Telpad 2014 Pba Governors’ Cup (Live) (4.4%)
    Home Sweetie Home (21.9%) vs. Vampire Ang Daddy Ko (11.8%)
    The Voice Kids (35.5%) vs. Gma Blockbusters ‘Eragon’ (16.0%) vs. Tropa Mo Ko Unli (3.1%)
    MMK Ang Tahanan Mo ‘Notebook’ (30.2%) vs. Magpakailanman (19.1%) vs. One Of The Boys (2.7%)
    Pinoy Big Brother All In (15.6%) vs. Celebrity Bluff (12.0%) vs. Celebrity Dance Battle (1.5%)
    Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino 2014 (3.4%) vs. I-Witness The Gma Documentaries (5.3%) vs. Kaya. (1.0%) / Numero (0.8%)
    The Bottom Line With Boy Abunda (0.9%) / Sports Unlimited (0.3%) vs. Walang Tulugan With Master Showman (1.3%) vs. Bigtime (0.6%)


    13 June 2014 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural)
    Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
    Source: Kantar Media / TNS

    Kape’t Pandasal (0.2%) / Red Alert (Replay) (0.7%) vs. Alisto! (Replay) (1.2%)
    Umagang Kay Ganda (4.3%) vs. Unang Hirit (4.1%)
    Kris Tv (6.4%) vs. Jackie Chan Adventures (7.3%) / One Piece (9.7%) / Detective Conan (10.6%)
    Mr. Bean (7.0%) vs. Inuyasha (11.0%)
    2014 NBA Finals (Live) (17.0%) vs. Fairytail (11.1%) / Slamdunk (10.8%) / Dragon Ball Z Kai (11.2%) / Return of The Wife (5.8%) / Basta Every Day Happy (5.9%)
    Be Careful With My Heart (16.0%) vs. The Ryzza Mae Show (10.0%)
    It’s Showtime (14.6%) vs. Eat… Bulaga! (11.5%)
    Moon of Desire (10.0%) vs. The Half Sisters (9.5%)
    Pinoy Big Brother All In Uber (7.8%) vs. Innamorata (9.8%)
    Red Alert (10.0%) vs. Love Hotline (7.6%)
    The Heirs (13.3%) vs. Jewel In The Palace (9.2%)
    Mirabella (20.5%) vs. My Love From The Star (16.3%)
    TV Patrol (26.2%) vs. 24 Oras (15.2%) vs. Aksyon (3.3%) / Beki Boxer (4.5%)
    Dyesebel (32.1%) vs. Nino (15.9%) vs. Confessions of A Torpe (5.4%)
    Ikaw Lamang (35.7%) vs. Kambal Sirena (15.2%) vs. PLDT Home Telpad 2014 Pba Governors’ Cup (Live) (5.6%)
    The Legal Wife (36.2%) vs. Ang Dalawang Mrs. Real (8.8%)
    Aquino & Abunda Tonight (15.3%) / Pinoy Big Brother All In (10.9%) vs. Bubble Gang (8.1%) vs. Astig Sa Sports Walang Tsamba (1.2%) / Pilipinas News (0.7%) / Reaksyon Kasama Si Luchi Cruz-Valdes (0.5%)
    Bandila (3.9%) vs. Saksi Liga Ng Katotohanan (3.0%) vs. Pldt Home Telpad 2014 Pba Governors’ Cup (0.7%)
    Banana Nite (1.9%) / O Shopping (0.4%) vs. The Medyo Late Night Show With Jojo A. (1.0%)
  • sorceress_adelsorceress_adel TRUST YOUR DOCTOR PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang landi magsalita ni Sasha, klk!
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Good Mowning Kapamilyas..

    I haven't watch Bea's show... maganda ba ?
  • singleakotehsingleakoteh Migrante Exploits OFWs PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sarap ni Paulo sa SBPAK! Yummy!!!: babyeat:
  • sorceress_adelsorceress_adel TRUST YOUR DOCTOR PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Talagang may warlahan sa IL thread??
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Share ko lang sa inyo...

    May pelikula palang gagawin si Richard Guchierz sa StarCinema.. kasama nya si Gerald Andersen.... I hope action to at hindi drama......

    Natatawa ako sa mga Promo Blitz ng mga bagong shows ng GMA like Marian at iton Mrs Real... Puro Throwback issues... like sa promo sa marian... binabalik ang issue ni ate vi at ate marya..... kahit ang tagal tagal na yung alinta...... hahahaaha bat hindi na lang gawing positive ang promo blitz...
  • sorceress_adelsorceress_adel TRUST YOUR DOCTOR PEx Influencer ⭐⭐⭐
    DIGINEWS wrote: »
    Share ko lang sa inyo...

    May pelikula palang gagawin si Richard Guchierz sa StarCinema.. kasama nya si Gerald Andersen.... I hope action to at hindi drama......

    Natatawa ako sa mga Prormo Blitz ng mga bagong shows ng GMA like Marian at iton Mrs Real... Puro Throwback issues... like sa promo sa marian... binabalik ang issue ni ate vi at ate marya..... kahit ang tagal tagal na yung alinta...... hahahaaha bat hindi na lang gawing positive ang promo blitz...

    Baka feel nila mas effective ang negative publicity.
  • rkel7133rkel7133 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Talagang may warlahan sa IL thread??


    True--- nag-lurk lang ako at parang war zone ang ilang mga JM & KC fans. Maganda naman ang IL & mataas ang ratings--- kaya sana peace na sila para good vibes din. :)
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sylvia natomboy, bumili ng maraming briefs
    By Reggee Bonoan

    Ang guwapo ni Sylvia Sanchez! Nakita namin ang mga litrato niya sa social media kahapon na nakasuot ng checkered polo with baseball cap at naka-jeans with matching rubber shoes.

    Nasa set pala siya ng pelikulang “The Trial”, bossing Ervin. Isang tomboy ang papel niya sa pelikula na nanay ni John Lloyd Cruz. Ang anak ni Ibyang na si Aiza Seguerra sa Be Careful With My Heart ang nagtuturo sa kanya ng tamang lakad at galaw bilang tomboy.

    Anyway, matagal nang nabanggit sa amin ni Ibyang na kasama siya sa pelikula nina Lloydie, Richard Gomez at Gretchen Barretto directed by Chito Roño mula sa Star Cinema.

    Kaya Pebrero palang ay nagpagupit na siya bilang paghahanda sa nasabing role. Pero na-delay ang shooting nila dahil nga nabugbog na si Vhong Navarro nina Cedric Lee, kinailangan muna kasing asikasuhin ni direk Chito ang kanyang talent.

    At naaksidente pa si Lloydie sa bisikleta sa shooting para sa summer station ID ng ABS-CBN. Bukod sa mga pangyayaring ito ay ni-revise rin daw ang script ng “The Trial” kaya mas lalong natagalan, kaya nga tumanggap daw muna si Goma ng trabaho sa ibang network habang nagliwaliw naman si Greta sa Europe.

    At dahil excited si Ibyang ay panay ang bili niya ng mga damit at sapatos na panlalaki noong nasa Baguio kami noong Pebrero dahil ang akala nga niya, pagbaba niya ng Maynila ay magsu-shooting na sila.

    Hindi lang sapatos at damit panlalaki ang binili ni Ibyang, pati briefs daw ay namili na rin siya. Tinanong namin siya kung bakit pati briefs, e, hindi naman makikita ‘yun sa mga eksena niya.

    “Gusto ko kasing maramdaman na lalaki ako, gusto kong ma-feel kung ano ang pakiramdam ng isang tomboy. Marami akong kaibigang lesbian, iba naman ‘yung feeling, so gusto ko, feel na feel ko kaya briefs ang isusuot ko,” paliwanag niya sa amin.

    At base sa post ni Ibyang sa kanyang Facebook kahapon kasama ang kaibigan naming si Zoe Bartosis, nagulat kami dahil astig na astig ang dating ng mama nina Ria, Arjo, Gela at Xavi Atayde.

    Ano naman kaya ang say ng asawa niyang si Papa Art sa new look ng aktres? Say nga ni Ibyang, “Gwapo ko dito no? At sa mga kaibigan kong mga thats my tomboy! Alam na!!! Hahaha join forces na ako sa inyo. Hahaha!”
  • sorceress_adelsorceress_adel TRUST YOUR DOCTOR PEx Influencer ⭐⭐⭐
    rkel7133 wrote: »
    True--- nag-lurk lang ako at parang war zone ang ilang mga JM & KC fans.

    Sumilip na rin akez, fans nga ng chiuco at cocojul ang nagwawarlahan.
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Angel: Wala nang part 2 ang Legal Wife!
    ‘Napakaswerte ko, may boyfriend akong tulad ni Luis!’
    By Ervin Santiago

    FEELING ni Angel Locsin hindi na magkakaroon ng book two ang teleserye nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador na The Legal Wife. Ito’y sa kabila nga ng tinamong tagumpay ng programa sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

    In fairness, hanggang ending ng serye ay nag-worldwide trending ito at nakakuha pa nga ng napakataas na rating noong Biyernes. Pero sabi nga ni Angel, sa ngayon ay malabo itong magkaroon ng part two.

    Sey ni Angel, sa tingin niya raw ay hindi na magkakaroon ng sequel ang kanilang teleserye, “Kasi gusto naming ibigay kung ano ‘yung totoong nangyayari talaga.

    I think naipakita naman ng The Legal Wife ‘yung objective namin na maging empowered ‘yung mga kababaihan, na may sarili silang desisyon at kaya nilang mabuhay na nag-iisa ang choice nila at hindi umaasa sa ibang tao,” paliwanag ng Kapamilya actress.

    Dagdag pa ni Angel, nakakatuwa at nakakataba ng puso ang pagsuporta ng publiko sa kanilang programa. At sa ilan namang nang-ookray sa The Legal Wife na nagsasabing wala naman daw magandang itinuro ang programa sa viewers kundi ang paglalandi ng isang kabit, dedma na lang daw ang girlfriend ni Luis Manzano.

    Aniya, wala naman daw silang intensiyon na manghusga o bigyan ng justification ang mga other woman. Ang tanhing nais lang nila ay maging inspirasyon ito sa lahat ng pamilyang Pinoy, lalo na sa mga mag-asawa.

    “Huwag tayong papayag na masira ng ibang tao ang pamilya natin. ‘Yun lang naman ang objective ng palabas namin,” hirit pa ng aktres. About her boyfriend Luis Manzano, “Napakaswerte ko talaga.

    Nagpapasalamat ako na ganu’n ‘yung boyfriend ko, kasi hindi naman lahat nakakaintindi sa trabaho namin. Ang haba ng oras ng taping namin, tapos hindi kami nagkikita masyado.

    So napakaswerte ko lang na pinapahalagahan niya ‘yung trabaho na minamahal ko.” Samantala, habang wala pang serye si Angel, mapapanood muna siya sa third season ng reality talent search ng ABS-CBN na Promil i-Shine Talent Camp.

    Isa siya sa magiging mentors ng mga tsikiting na mapipiling contestants sa show. Siya ang nakatokang celebrity sa acting category ng nasabing reality show.

    Sa nakaraang presscon ng programa ay ipinakilala si Angel kasama ang iba pang mentors ng mga bagets na maglalaban-laban sa Promil i-Shine Talent Camp 3 kabilang na ang artistic director ng G-Force na si Georcelle Dapat-Sy para sa dance category, at ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para naman sa singing.

    Sila ang magga-guide sa mga i-Shiners sa pamamagitan ng series of workshops kung saan sila mismo ang makakaharap ng mga kids. Magsisilbi pa ring hosts ng talent search sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli at Xian Lim.

    Ayon sa mga taong nasa likod ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp, “We’re back on our third year with a bigger and better production, as Wyeth Nutrition and ABS-CBN go beyond the studio walls and expose the kids to real talent institutions that have nurtured and developed similar talents – of dancing, singing, and acting – throughout the years.”

    “For over 25 years, Promil Pre-School has been advocating the development of the Filipino children’s talents with the help of their parents, proper care and proper nutrition.

    In line with this advocacy, the i-Shine Talent Camp aims to help exceptionally talented preschoolers develop their full potential. Aside from the extensive workshops, the roles of parents and proper nutrition will also play a big part in nurturing the preschoolers’ gifts to mastery.”

    Ang magwawaging contestant ay mag-uuwi ng mahigit P1 million worth of prizes, and a contract from ABS-CBN. Magsisimula na ang show sa June 28, Sabado ng umaga pagkatapos ng Sponge Bob Square Pants.

    In fairness, unti-unti nang nakakagawa ng sarili nilang pangalan sa showbiz ang dalawang i-Shiners na sina Lukas Enrique Magallano (2012) at Yesha Camille (2013).

    Lukas was able to appear in Kapamilya shows such as ASAP, Little Champ and Muling Buksan Ang Puso habang si Yesha naman ay kasali sa bagong serye ni Piolo Pascual (na dati ring mentor ng show) sa ABS.
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Siguradong nagwawala na ngayon ang KathNiel fans
    PBB Housemate ibinuking ang lihim ni Kathryn, ipinaretoke ang mukha
    By Alex Brosas

    Tiyak na mainit nang pinag-uusapan ngayon sa showbiz itong si Jane Oineza. Kasi naman, ibinuking ni Jane sa isang reality show na nagpaayos ng cheekbones si Kathryn Bernardo.

    Napanood namin ang unaired video (live stream) ng conversations ng ilang housemates na ipinost ng isang Facebook fan page site at naloka kami sa revelations ni Jane.

    Jane was doing her make-up when fellow housemates talked about their idols na mga bagets. Merong nagsabing nagustuhan nila si Julia Barretto at meron namang kay Kathryn Bernardo.

    Nauwi sa tanungan ang chikahan, napunta ang usapan sa paggu-gluta ni Kathryn kaya ito pumuti. When someone asked Jane kung true na nagparetoke ito ng cheekbones ay “oo” ang naging sagot ni Jane.

    Pinasarado pa nga ni Jane ang pinto bago niya si-nabing nagpaayos si Kathryn ng cheekbones. As Jane was trying to explain na ‘yung ilong ni Kathryn bata pa lang ay matangos na, biglang may pumasok kaya naputol ang kanilang usapan.

    Naku, lagot si Jane nito kay Kathryn. Tiyak na masasabon siya ng mga taga-Dos dahil sa kanyang pambubuking. Para sa amin, obvious na ang laki nang iginanda ni Katrhyn. Unang-una, mas pumuti siya ngayon.

    Hindi naman siya dating mestiza pero ngayon ang kinis na niya at ang puti-puti pa. Teka, kung true na nagparetoke ng cheekbones si Kathryn ay ano naman ang masama roon?

    Pera naman niya ang ginamit niya at hindi naman pera ng ibang tao, ‘di ba? Usung-uso na ang mga retoke sa mga artista ngayon.

    Actually, mabibilang mo na lang sa mga daliri mo sa kamay ang artistang hindi dumaan sa siyensiya o hindi nagpa-salamat po doctor. That’s today’s reality among our stars.
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    James sapul: Si Kris ang binati ni Bimby noong Father’s day
    By Alex Brosas

    Hulaan n’yo kung sino ang bago at batang-batang sumali na rin sa social media. Si Bimby, who else? Meron nang official Twitter account ang anak ni Kris Aquino, ang James “Bimby” Aquino Yap Jr. @ilovebimb19.

    Naloka nga kami sa video post na napanood namin. Imbes na kasi si James Yap ang batiin ni Bimby ng Happy Father’s Day ay si Kris ang kanyang binati ng Happy Mother’s Day kahit na alam naman niyang the occasion is for the fathers.

    Seemingly, Kris shared a short anecdote about Bimby’s paglalambing sa kanya ng gusto niyang kainin recently. “Bimb wanted macaroni & cheese but said he didn’t want to make me tired because I need to be up at 5 AM.

    Kuya liked the chicken & rice, but Mac & Cheese it was for Bimb. No matter how dressed up I was on TV just a few hours ago, sa kanila I’m their favorite short order cook! Good Night.

    Thank You God for making my life so extraordinary in its true simplicity of motherhood because of my 2 sons!” Kris shared.
    “For the 38 years I lived before Mom passed away, my dad was a political prisoner 1972-1980, we lived as a family in Boston from 1980-83 & he was assassinated Aug 21, 1983, so for me especially I was raised almost solely by my Mom.

    She added, “My Dad was taken from me from the time I was 1 year 7 months old- Mom held everything together since then & she made caring for us seem so easy…

    And I thank all of you who message me here saying I’m doing a good job w/ Kuya & Bimb – simple ang sagot, my Mom was the best. No better inspiration than her example!”
  • DIGINEWSDIGINEWS Supervisor Accountant PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Richard: Aayusin ng pamilya kung anuman ang problema!
    Nanay ni Sarah nagmukhang patay gutom sa binyag ni Baby Zion; pero inokray ng Netizens
    ‘Overtime’ ng GMA Films suspense-drama na may twist

    By Ervin Santiago

    TATAY na tatay na ang pananaw ni Richard Gutierrez ngayon, punumpuno kasi ng positive vibes ang kanyang aura. Kitang-kita ‘yun nang makaharap siyang muli ng media kahapon during the presscon of his latest movie “Overtime” ng GMA Films.

    Sa gitna ng kaligayahang nadarama nila ngayon ni Sarah Lahbati matapos nga ang engrandeng birthday party cum binyag ng kanilang anak na si Baby Zion, panibagong issue na naman ang kinakaharap ng dalawa dahil sa nagtatampong nanay ni Sarah.

    Usap-usapan sa social media ang paglalabas ng sama ng loob ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati, feeling daw kasi nito, nagmukha siyang “patay-gutom” sa party ng kanyang apo.

    Sa Instagram niya idinaan ang kanyang emosyon, aniya, “The Truth! Masakit ang ma ignore sa party. Hindi naman pwede pera pera na lang ang lagi nangingibabaw. Para lang makilala ka sa lipunan. Pag wala ka pera di ka kilala.”

    Mensahe pa nito, “At the end of the day sinabihan pa ‘ko ng, ‘Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain dyan.’ Pinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko.

    The whole party hindi ako pinansin tapos para ako patay gutom na aalukin ng tira pagkain.” Pero ilang sandali lang ay nabura rin sa IG account ni Mrs. Lahbati ang kanyang post.

    May kumampi kay Esther pero mas marami ang nagtaray. Sey ng ilang netizen, mali ang ginawang pagsusumbong ni Mrs. Lahbati sa social media, sana ay kinausap na lang niya nang maayos sina Sarah at Richard.

    Anyway, sinagot ni Sarah ang IG post ng ina, “We have gone through a lot in the past year and a half. Both the Lahbati’s and the Gutierrez’s had to go through lots of obstacles and sacrifices to be able to help Chard and I deal with our problems.

    “Like any other family we have misunderstandings but we will settle this internally and we will move forward. I hope that we can all live in harmony. Accept, support and understand one another for the sake of baby Zion,” dagdag ni Sarah.

    Kahapon, pagkatapos ng presscon ng “Overtime”, ang latest project nga ni Richard sa GMA Films opposite Kapuso young actress Lauren Young hiningan ng reaksiyon ang aktor tungkol dito, anang aktor, “I really don’t know how to react, kasi, katatapos lang ng napakasayang binyag ni Baby Zion, lahat kami, maligaya sa pagwe-welcome sa kanya sa Christian world.

    All I can say siguro is that, kung anuman ang misunderstanding or miscommunication, aayusin namin ‘yan within the family. Positive na lang tayo.”

    Maayos naman daw ang relasyon ni Richard sa mga magulang ni Sarah and vice versa kaya naniniwala siya na nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan. At napakataas pa rin ng respeto niya sa parents ng kanyang girlfriend.

    Samantala, siniguro rin ni Richard na hindi masasayang ang ibabayad ng publiko kapag nanood sila ng latest film niya sa GMA Films, ang suspense-drama na “Overtime” na idinirek ng dating komedyanteng si Earl Ignacio at Wincy Ong.

    “Bukod sa sulit ang ibabayad nila sa sinehan, moviegoers will come out of the theater feeling na kakaiba ang napanood nila, medyo may something from the usual films na romatic-comedy or horror.

    At ang exciting pa rin dito, hindi mo malalaman kung sino ang bad o good guys, until the ending. Yung role kasi namin ni Lauren dito, parehing mabait at masama,” kuwento ni Richard.

    At bukod sa napakagandang tema ng pelikula, pangkiliti rin sa mga boys ang ginawang pagpapaseksi ni Lauren, imagine, pumayag ang sister ni Megan Young na makipaghabulan kay Richard habang naka-bra lang?!

    Bukod pa ‘yan sa kanilang laplapan at bed scene. Sey nga ni Lauren, “Ginawa ko ‘yung mga eksenang ‘yun dahil kailangan talaga. I’m just thankful kay Chard dahil inalalayan niya ako sa mga eksena namin.

    He’s really a gentleman. Hindi ko naman na-feel na nabastos ako or na-violate ang rights ko as a woman.” Makakasama rin sa movie sina Bearwin Meily, Mitch Valdes, Roadfil, Renz Valerio at Roi Vinzon, with Yayo Aguila, Frencheska Farr at marami pang iba. Showing na ito sa July 2 nationwide.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file