Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Indeed, it isn't easy

Please read, comment and share. This one is for a friend. He wrote this for the girl that she loves. You can read it here on the blogspot she specially created for this purpose.

http://gravitationallyattracted.blog...na-isa-sa.html


---

But here's how it goes...


Dear My Girl,

Tama nga na isa sa best decisions na ginawa ko sa college life ko ay ang mag-join sa org na kinabibilangan natin pareho. Sumali ako dahil alam kong isa ito sa mga gusto ko talaga. Nung una wala naman akong gusto kundi ang matutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa interest ko. Ni hindi ko nga inisip nun na wala akong kasamang kaibigan na mag-apply sa org nor magkakaroon ba ako ng mga kakilala sa org. Kung ano lang talaga ang org ang gusto ko. Yun lang, masasabi ko nang isa ito sa best desicions ko sa college. Pero ang org din ang naging daan para makilala kita. At iyon lalo ang nagpaging special dito.

Maraming salamat dahil nakilala kita. Maraming salamat dahil tinanggap mo akong isa sa iyong mga kaibigan. Hindi mo alam pero isa ka sa kaunting mga babaeng naging close ko sa college. Masaya ako na naging magkaibigan tayo.

Maraming salamat dahil tinuruan mo akong magmahal sa unang pagkakataon. For several years of my existence here on earth, sadyang naging stranger ako sa ganung feeling. Pero binago mo ang lahat nung makilala kita. Maganda ka pero hindi iyon ang nagustuhan ko sa’yo. Hindi nga kita naging crush eh. O siguro hindi ikaw ang tipo ng nagiging crush ko. O bihira lang talaga ako magkacrush. (Pero wag ka! Naging crush ko yung friend mo na kacourse mo na kaorgmate din natin. Ang cute kasi niya. Kahit once ko lang siya nakita na tumambay.)

Wala akong pakialam kung nakatali man o hindi ang buhok mo, kung naka-lipstick ka man o hindi, kung may tiyan ka man o wala. Nagustuhan kita dahil kung sino ka. Nagustuhan kita dahil maganda kung anong nasa loob mo. You’re a great lady at sa totoo lang hindi naman mahirap mag-fall para sa’yo, hindi ka mahirap mahalin. Kung makikilala ka lang ng mga lalaki kung paano kita nakilala o kung paano mo pinakilala ang sarili mo sa akin, hindi ka mauubusan ng lalaki sa mundo. Kung may nagugustuhan kang lalaki, ipakilala mo lang ang totoong sarili mo sa kanya. Mali lang nung mga naging boyfriend mo na ayan ka na nga, pinakawalan ka pa nila. Hindi nila alam kung anong nawala sa kanila. (Kaya tama lang naman na hindi agad naka-move on yung isang naging boyfriend mo.)

Alam mo, ganito pala ang pakiramdam ng may minamahal kang tao. Naging masaya naman ako. Something na hindi ko pa naramdaman noon. Siguro the nearest thing na nagkagusto ako sa isang babae ay nung 3rd yr high school ako pero kung ang definition ng pagmamahal ay yung parang nararamdaman ko para sa iyo ngayon, masasabi kong definitely hindi ko naman nagustuhan talaga yung girl na yun noon.

Simula ngayon maging magkalayo man ang landas natin tandaan mo sanang I’ll always remain a friend. Kung pakiramdam mo malungkot ka or nag-iisa ka, tumingala ka lang sa buwan. Kung walang buwan, basta tumingala ka sa langit. Kasi nakatingin din ako dun. And I’ll always be the person who’ll care for you kahit malayo na ako.

I don’t know if I should treat this as a farewell letter. Kung ako lang ang masusunod ayokong umalis. Nafeel ko lang talaga na isulat siya ngayon. Pero in case na yung last time na yun ang last nating pagkikita, then this would rightfully be my farewell letter to you. I love you girl. I always will.

Aalagaan mo ang sarili mo ah. Mag-iingat ka sana lagi. Lalo na kapag bumabyahe ka. Ang hilig mo pa naman matulog at baka paggising mo na lang wala ka nang gamit. Pwede wag ka mag-dadiet na once or twice lang kakain sa isang araw. Hindi ka papayat diyan. Suicide yan. Minsan, kahit sobrang minsan lang kung ayaw mo talaga, hayaan mo naman na regaluhan ang sarili mo ng mga bagay na deserved mo. Ipagpatuloy mo lang ang pangarap mo ah. Kung saan ka sasaya, doon ka pumunta. Huh? Kung kailangan mo ng kausap, marami ka namang kaibigan at may nag-iisa kang kuya. Ituloy mo lang ang pagbabalik-loob mo. Hindi man Niya ibinibigay ang lahat nang hilingin natin, hindi naman Siya nagkukulang na ibigay kung anong deserved natin. Maniwala ka lang sa Kanya na may plano Siya para sa iyo, para sa pamilya mo. Tried and tested ko na Siya. Matatapos din lahat ng pinagdadaanan mo. Okay? Sana magkita pa tayo balang-araw at sana pagdating nun, mayaman ka na. (Mag-business ka. Dyan ka yayaman. Hindi sa pag-oovertime.) J

May God bless you always!

Lovingly yours,
Mr. Gravitationally Attracted

Comments

  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    If this is from a blog, what is the purpose of this thread? There are lots of love stories going on around na eh. If that guy really wanted to tell "this" to a girl, then he should let her know. Email this. Or event tell this in person. Too many hopeless romantics na sa mundo. Pakibawasan naman ng isa please.
  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jobs, ang bitter mo naman! yaan mo na kung iyan ang way niya --:rotfl::rotfl::rotfl:--
  • OMG! Ang sweeeeeeet! Pero sa isang banda, mas maganda kung sabihin ni guy dun sa girl so the girl would know din. Hindi nya sinabi sa blog ano nangyari sa Kanila nun girl. Pero I would guess the girl will be happy knowing she made someone happy. Feeling ko lang ha, don't quote me on that. Hehehe
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    isa na namang torpe na hindi kayang sabihin ang nararamdaman... hindi sweet ang tawag dyan... kaduwagan... payo ko sa nagsulat nyan... get a pair...
  • Thats gay. :lol:
Sign In or Register to comment.