Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

pagmamahal out of convenience

Okay, meron nga tayong karelasyon pero parang madalas one sided na lang ang nangyayare. You do your best para mapasaya mo sya kahit minsan di mo naman trip yung mga trip nya. Pero love nga eh, so sige lang.

Then, dumating ang time na ikaw naman ang nangangailangan ng pagmamahal, pansin o kahit lambing na lang. Pero ano? You are taken for granted. Parang ni hindi na nga nya kinoconsider happiness mo. Basta ang mahalaga lang sa kanya masaya sya that's it. Siguro safe na ngang sabihing "namihasa" na sya. Kampante. Wala ng pake.

Kung di ka kikibo, okay naman ang lahat. Pero darating ang time na mauubusan ka ng gasolina, maghahanap ka rin ng pagmamahal. Parang lagi mo na lang tanong: Paano naman ako? Minsan talaga mahirap ang magmahal, lalo na yung tinatawag nilang unsolicited love a.k.a. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sadness.

Siguro I am just ranting or what. Pero minsan pakiramdam ko mahal nya lang ako dahil naaaapakaconvenient kong mahalin. Stable. Mahal na mahal sya. Ano pa nga ba di ba? Hay.. di ko alam kung kakayanin ko pa dahil ang tagal na rin namin. Kulang na lang kasal sa amin pero unti unti ko na ngang nakikita yung totoong sya. Badtrip.

Sana maging ok na ako at lahat ng taong nakakaramdam ng pinagdadaanan ko.
«1

Comments

  • softysofty PEx Veteran ⭐⭐
    i feel u (((hugs))) :)

    Never give your *entire* self over to anyone. A healthy relationship consists of two individuals with their own wants, needs, and desires. It isn't "love" when you sacrifice your self-esteem and individuality so that they feel secure or good about themselves. Sacrificing who you are will lead to resentment... and your unhappiness.

    and yes,to those who's having the same dilemmas - Have some clarity and talk to your partners(the things which you don't speak about are usually what's causing your relationship to break down)
  • Have you told him/her about it? (sorry di ko alam gender mo)

    Kailangan nyo pag-usapan yan ng mainam. Baka hindi sya aware na naaabuso ka na nya.

    Nangyari sakin to eh, yung xbf ko for 3 years, naabuso ko pala. Ang bait nya,bigay-hilig sakin. Sa height nyang 5'11'', sobra sya magpakumbaba sakin. Never akong naging mali, lagi sya nagso-sorry. Umabuso na pala ako, honestly, di ko nakitang umaabuso na ko. Siguro dahil nasanay na ko sa mga nangyayari.

    Until one day hindi na nya kinaya, 2years na kami nung kinausap nya ko tungkol dun. I felt bad, di ko alam na ganun na pala nararamdaman nya. Nag-adjust naman ako. Naging okay sya. tumagal pa kami ng isa pang taon,( individual differences ang dahilan ng paghihiwalay namin. but we're still friends. :D )

    Mali ka nung sinabi mong kasal na lang ang kulang sa inyo. Kasi ang dami pang kulang na kailangan nya mapunan, bago umabot sa kasalan.
  • abusado23abusado23 PEx Rookie ⭐
    kazade wrote: »
    Okay, meron nga tayong karelasyon pero parang madalas one sided na lang ang nangyayare. You do your best para mapasaya mo sya kahit minsan di mo naman trip yung mga trip nya. Pero love nga eh, so sige lang.

    Then, dumating ang time na ikaw naman ang nangangailangan ng pagmamahal, pansin o kahit lambing na lang. Pero ano? You are taken for granted. Parang ni hindi na nga nya kinoconsider happiness mo. Basta ang mahalaga lang sa kanya masaya sya that's it. Siguro safe na ngang sabihing "namihasa" na sya. Kampante. Wala ng pake.

    Kung di ka kikibo, okay naman ang lahat. Pero darating ang time na mauubusan ka ng gasolina, maghahanap ka rin ng pagmamahal. Parang lagi mo na lang tanong: Paano naman ako? Minsan talaga mahirap ang magmahal, lalo na yung tinatawag nilang unsolicited love a.k.a. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sadness.

    Siguro I am just ranting or what. Pero minsan pakiramdam ko mahal nya lang ako dahil naaaapakaconvenient kong mahalin. Stable. Mahal na mahal sya. Ano pa nga ba di ba? Hay.. di ko alam kung kakayanin ko pa dahil ang tagal na rin namin. Kulang na lang kasal sa amin pero unti unti ko na ngang nakikita yung totoong sya. Badtrip.

    Sana maging ok na ako at lahat ng taong nakakaramdam ng pinagdadaanan ko.


    Let it go dude, wag mo ng patagalin dahil dun din naman mauuwi yan....

    Sa wala..
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Minsan magigising ka na lang at masasabing kailangan mo na ding mag-moveon. Di na pwede one-sided love ngayon. Lalo na sa dami ng babae/lalake.
  • kleenexlambotkleenexlambot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    talk to your bf/gf, and try nyo lagyan ng solusyon. kung hindi, magigising ka na lang isang araw na hindi mo na siya mahal. hiwalayan ang dulo nito.
  • kuting_kittenkuting_kitten PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS: It's either you cut it off now, or hintayin mo yung time na makipag-break na siya sa 'yo since from your story, she's only staying because she's needy. Baka naghihintay lang siya ng someone better to come along, but she's keeping you for now since as you've said mahal na mahal mo siya.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yung reciprocity sa relationships.. hindi naman talaga 'sakto 'yan na 50-50 give-and-take. no.

    kahit sa intensity ng love. may isa talaga na labis-labis magmahal. and it's okay as long the one who gives more love is happy.

    ang batayan, in my opinion hindi yung 50-50 dahil hindi naman natatakal 'yan. kundi yung minimum na binibigay sa ito pabalik. basta kaya itong sustain and that's making you happy (minimum) okay lang. pag 'di ka pa rin happy sa 'minimum' na 'yan.. release her.

    eto yung mga tao na kung kailan nawalan na, doon pa lang mare-realize ang halaga mo. mararamdaman niya yung biglang bagsak ng elevation eh.

    ang masaklap.. baka matuto na siyang magmahal ng 'proper' :hiya: sa next lover pa niya at magsilbi ka lang pala taga gising sa kanya. how sad.
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung pareho kayo maghihintayan ng galawa eh parang chess lang yan na walang timer, STALEMATE! I-sacrifice mo na yung queen mo pre. Baka manalo ka pa. Labo ko. :glee:
  • kazade wrote: »
    Okay, meron nga tayong karelasyon pero parang madalas one sided na lang ang nangyayare. You do your best para mapasaya mo sya kahit minsan di mo naman trip yung mga trip nya. Pero love nga eh, so sige lang.

    Then, dumating ang time na ikaw naman ang nangangailangan ng pagmamahal, pansin o kahit lambing na lang. Pero ano? You are taken for granted. Parang ni hindi na nga nya kinoconsider happiness mo. Basta ang mahalaga lang sa kanya masaya sya that's it. Siguro safe na ngang sabihing "namihasa" na sya. Kampante. Wala ng pake.

    Kung di ka kikibo, okay naman ang lahat. Pero darating ang time na mauubusan ka ng gasolina, maghahanap ka rin ng pagmamahal. Parang lagi mo na lang tanong: Paano naman ako? Minsan talaga mahirap ang magmahal, lalo na yung tinatawag nilang unsolicited love a.k.a. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sadness.

    Siguro I am just ranting or what. Pero minsan pakiramdam ko mahal nya lang ako dahil naaaapakaconvenient kong mahalin. Stable. Mahal na mahal sya. Ano pa nga ba di ba? Hay.. di ko alam kung kakayanin ko pa dahil ang tagal na rin namin. Kulang na lang kasal sa amin pero unti unti ko na ngang nakikita yung totoong sya. Badtrip.

    Sana maging ok na ako at lahat ng taong nakakaramdam ng pinagdadaanan ko.

    babae ka o lalaki?
    walang ng excitement diba? what if, pakasal kayo, maganak na kayo.

    else
    breakup.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ikakasal na yung inakala kong convenient love lang namamagitan sa dalawang taong iyon. Mukhang masaya naman sila. Sana mag-last sila pang habang-buhay. :)
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jameaux wrote: »
    Ikakasal na yung inakala kong convenient love lang namamagitan sa dalawang taong iyon. Mukhang masaya naman sila. Sana mag-last sila pang habang-buhay. :)
    Parang in doubt ka ata brad? Sa ngayon, sama na ako, lets wish them a happy forever na lang? Feeling ko eh napag-isipan naman din nila yan. So for now...
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^

    Mga December lang ata naging sila so its like 8 months pa lang. Parang nakakagulat lang ganun kabilis nakita ko sa facebook nag-press release na si ate. Hehe.

    Anyway, mukhang true love naman eh. Bata pa yung ate 23 pa lang at bigotilyong balbon yun ah. Si guy mukhang okay naman at makakapag-provide naman. Wish them all the best. :)
  • JUST_JT_JUST_JT_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kazade wrote: »
    Okay, meron nga tayong karelasyon pero parang madalas one sided na lang ang nangyayare. You do your best para mapasaya mo sya kahit minsan di mo naman trip yung mga trip nya. Pero love nga eh, so sige lang.

    Then, dumating ang time na ikaw naman ang nangangailangan ng pagmamahal, pansin o kahit lambing na lang. Pero ano? You are taken for granted. Parang ni hindi na nga nya kinoconsider happiness mo. Basta ang mahalaga lang sa kanya masaya sya that's it. Siguro safe na ngang sabihing "namihasa" na sya. Kampante. Wala ng pake.

    Kung di ka kikibo, okay naman ang lahat. Pero darating ang time na mauubusan ka ng gasolina, maghahanap ka rin ng pagmamahal. Parang lagi mo na lang tanong: Paano naman ako? Minsan talaga mahirap ang magmahal, lalo na yung tinatawag nilang unsolicited love a.k.a. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sadness.

    Siguro I am just ranting or what. Pero minsan pakiramdam ko mahal nya lang ako dahil naaaapakaconvenient kong mahalin. Stable. Mahal na mahal sya. Ano pa nga ba di ba? Hay.. di ko alam kung kakayanin ko pa dahil ang tagal na rin namin. Kulang na lang kasal sa amin pero unti unti ko na ngang nakikita yung totoong sya. Badtrip.

    Sana maging ok na ako at lahat ng taong nakakaramdam ng pinagdadaanan ko.

    Dito swak ang advice ni Adisposedthought... make him realize he's not your priority. If things dont change for the better alam mo na.
  • Mahirap nga yung ganyan na parang namihasa na,, lalo pag LQ,, ikaw pa talaga ang mag aalo kahit di mo kasalanan. mahirap kahit down to the earth na ang pride mo tapos ganyan pa ang ka relasyon mo... sometimes siguro kailangan mo din itaas ng onte pride mo para ma feel nya na di one sided ang relationship nyo.
  • mcsteamy17mcsteamy17 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Minsan nga di na-realize ng partner mo ang ginagawa niya--at ganun pala ang epekto sa iyo. Kung walang magtuturo sa kanya na may mali sa ginagawa niya, paano nga niya malalaman?

    Pero ano ba talaga ang magmahal ng tunay?

    Sa usapan lang din iyan malalaman at pwede maaayos...kahit may sigawan, murahan, awayan. Kapag nagkakabalikan naman kayo tuwing awayan, ibig sabihin, mahal niyo ang isa't isa. Normal sa nagmamahalan ang nag-aaway at nagkakabalikan. Pag bati na, wala nga lang dapat taniman ng sama ng loob para ipunin sa susunod na away tapos isusumbat sa mga away pa na susunod.

    Totoo, mahirap ang magmahal... ...lalo na kung tunay.






    ...mahal ko siya, anu pa man... ...aaahhhh...
    :dizzy:
  • Bakit pag-uusapan pa?One-sided is always one-side (may pinanghuhugutan.saan?!?haha)
    I doubt kung may lakas ka ng loob kausapin siya regarding dito. Tumungga ka muna ng isang litrong alak, yun malakas ang sipa para masabi mo sa kanya lahat lahat.:bop:
  • magsshare sana ako ng story ko kaso 2012 pa pala tong thread na to. lol! andito pa ba yung ts?
  • magshare ka na teh...hayaan mo na si TS baka naka move-on na or may iba na.
    go share lang ng share :)
  • smileemilesmileemile PEx Rookie ⭐
    TS, sabi nga sa movie na Perks of Being a Wallflower, "We accept the love we think we deserve.." :rolleyes:
  • smileemile wrote: »
    TS, sabi nga sa movie na Perks of Being a Wallflower, "We accept the love we think we deserve.." :rolleyes:

    Naiyak naman ako dito ... :depressed:
Sign In or Register to comment.