Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Extremely Irritated

Magkahalong Galit at Inis ang nararamdaman ko.

Kahapon ko lang kasi nalaman mula sa kakilala sa isang pangyayari sa GF ko, she live with her sister house, andun din nakatira ang XBF niya which is kapatid kasi ng asawa ng Ate niya, doon din tumutuloy.

Last April kasi, may Inuman sa kanila mga workmates syempre kasama din mga taong nakatira sa house nila ate niya, asawa ng ate niya pati ang X ng GF ko, My GF ask my permission to drink, then I allowed.
Nalasing ang GF ko at nakatulog sa place din ng inuman, nagkakakulitan ang ibang kainuman while this X taking some advantage, palibhasa Manyak daw kasi. she kiss my GF, hindi rin kasi nakita ng mga kainuman since nasa labas na ang iba para umuwi, hindi masyadong maliwanag at medyo naaninag lang ng Ate niya na hinalikan nga daw ang GF ko ng X niya, syempre nagalit din ang Ate niya, which is against din nga sa X nito since may pagka Manyak.

Ang GF ko naman is nakaidlip pero feeling nga daw niya ng time na iyon ay my humalik nga sa kanya.

Ang masakit lang isipin, hindi sinabi sa akin ng GF ko ang incident na ito.

Umaapaw ako sa galit sa X niya, may galit din ako sa GF ko sa hindi niya pagsabi sa akin.
«1

Comments

  • lovejoneslovejones living the martini life PEx Expert 🎖️
    Know why your girl kept quiet?

    Your girl was traumatized. Someone forced his will on her when she was totally defenseless and the very memory of this is tearing her soul apart. Furthermore, she was probably expecting this reaction from you hence her decision to suck it all up in silence. Wanna guess how lonely and scared your girl must be feeling right now?

    Pare, your girl was the victim of a sexual assault and the last thing she needs is someone whose misplaced pride has been hurt.

    Be a man that you should have been and console her and tell her you love her. Also ask her if she’s planning any legal action against the guy. Whatever happens, stand by her, support her, be there with her.

    In the meantime, behind her back, go confront that SOB ex and break his bones. But I guess, it’s just me.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    'polluted' o kaya 'contaminated' na ang relasyon ninyo dahil sa isang kakaiba at pambihirang set-up: nakatira ang gf mo at ex niya sa iisang bubong.

    ayaw ko man maging pessimistic, pero malabo itong set up ninyo. maraming turbulence kayong dadaanan.. pero baka hindi na worth it, in my opinion.

    maliwanag ang intention nitong ex. given na. ang gf mo ang hindi maingat.

    siguro, pagisipan mo ang option na mag break kayo at humanap na lang ng iba.

    hindi kasi malayong mangyari ito: baka mabuntis siya in the future. tapos hindi sigurado kung sino ama. hindi tv drama 'yan, kundi karaniwan nangyayari sa tunay na buhay.
  • lovejoneslovejones living the martini life PEx Expert 🎖️
    Wow, so in a world where a woman lives in a not so ideal circumstance or situation, she can never be a victim but a commodity you can just replace.
  • zgmf_x20Azgmf_x20A PEx Influencer ⭐⭐⭐
    lovejones wrote: »
    Wow, so in a world where a woman lives in a not so ideal circumstance or situation, she can never be a victim but a commodity you can just replace.

    siguro dapat hindi na lang nagpakalasing yung girl or sana inimbitahan din si bf? pero yun mataas talaga yung tendency ng temptation sa ganitong set up
  • Yes, I do expect the fact na baka ayaw lang magkagulo ng GF ko, so she just keep not informing me on what happen.

    Pero sobrang taas na ng pressure ko.
    Mataas din ang pagnanasa kasi ng X niya sa kanya since wala man lang nangyari sa kanila noong sila pa, Maganda ang GF ko so aminado akong libog-na-libog ang animal na iyon.

    Sa incident na ito, hindi ko alam kung idadamay ko ang GF ko sa galit ko.
  • lovejoneslovejones living the martini life PEx Expert 🎖️
    zgmf_x20A wrote: »
    siguro dapat hindi na lang nagpakalasing yung girl or sana inimbitahan din si bf? pero yun mataas talaga yung tendency ng temptation sa ganitong set up

    So many what-ifs, pero yung girl ba wala ng laya gumawa ng gusto niya?

    Kasalanan ba ng babae na ma-molestiya siya dahil lang naka-inom siya? Kasalanan ba ng babae na lapastanganin siya dahil lang hindi niya inimbita ang bf niya?

    Let's explore it further. Theoretically, kasalanan ba ng babae na bastusin siya dahil maiksi ang palda niya? Kasalanan ba ng babae na ma-***** siya dahil maganda siya?

    We can go on and on and it always boils down to the bias that a girl who was molested, assaulted, or raped was probably asking for it.

    I don't know. I guess I just think differently. I love women and I respect them so much that I never imposed anything on them. Though I do look after them, I never, ever curtail their freedom to do what they want to do.
  • zgmf_x20Azgmf_x20A PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yes, I do expect the fact na baka ayaw lang magkagulo ng GF ko, so she just keep not informing me on what happen.

    Pero sobrang taas na ng pressure ko.
    Mataas din ang pagnanasa kasi ng X niya sa kanya since wala man lang nangyari sa kanila noong sila pa, Maganda ang GF ko so aminado akong libog-na-libog ang animal na iyon.

    Sa incident na ito, hindi ko alam kung idadamay ko ang GF ko sa galit ko.

    puwede ka namang magalit in the sense na sana naisip niyang hindi siya dapat nagbigay ng pagkakataon sa guy na magawa sa kanya yun (i mean nalasing)

    pero dapat alam mo din na hindi sadya yung pangyayari not unless na sadya talaga ngayon kung gusto mo kausapin mo gf mo sabihin mo na hindi ba puwedeng umalis siya ng bahay o gumawa ng paraan para makaiwas dun sa guy? kahit anong gawin mong pagtatampo at galit sa gf hanggat di ninyo nasulusyunan yung issue na same house sila ng ex niya e magagalit at magagalit ka lang talaga
  • zgmf_x20Azgmf_x20A PEx Influencer ⭐⭐⭐
    lovejones wrote: »
    So many what-ifs, pero yung girl ba wala ng laya gumawa ng gusto niya?

    Kasalanan ba ng babae na ma-molestiya siya dahil lang naka-inom siya? Kasalanan ba ng babae na lapastanganin siya dahil lang hindi niya inimbita ang bf niya?

    Let's explore it further. Theoretically, kasalanan ba ng babae na bastusin siya dahil maiksi ang palda niya? Kasalanan ba ng babae na ma-***** siya dahil maganda siya?

    We can go on and on and it always boils down to the bias that a girl who was molested, assaulted, or raped was probably asking for it.

    I don't know. I guess I just think differently. I love women and I respect them so much that I never imposed anything on them. Though I do look after them, I never, ever curtail their freedom to do what they want to do.

    ganito yan may chance siyang mamolestya why increase the chances by wearing skirts and being drunk?

    anyways the issue here i think would be if the girl can live without her sister.
    sorry but for the current set up mataas talaga ang chance kahit anong gawing iwas ng girl if they stay in the same house.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    open secret na may pagnanasa pa si x kay girl.

    may inuman na nandoon si x. sumama sa inuman si girl.

    teka, baka pagalitan tayo ni tatang just tungkol sa common sense.

    so ano solusyon, hanggang sa susunod na inuman? hahaha :hiya:

    true.. hindi mo masisi lahat ito dito sa girl. walang masama kung tumuloy pa rin kayo. pero wala ring masama kung hindi na.

    malabo itong set up eh. magkasama sila sa iisang bubong. nandoon yung pagnanasa lagi nun x sa girl.

    hindi dahil sa malandi o hindi, hindi dahil sa sexy o conservative mag damit yung girl.. kundi yung proximity. titiyempo at titiyempo itong guy. pag na-corner yung girl (kahit labag man sa gusto niya) puwede niya pagbigyan yung guy para lang wala nang iskandalo o ingay.
  • open secret na may pagnanasa pa si x kay girl.

    Mahina din ang loob ng GF ko, iniisip ko din na baka magnahimik na lamang siya sa threat ng X, hindi malandi ang GF ko, maganda siya at talagang pagnanasaan siya ng X niya. pero I always text and call her para kumustahin, hindi naman daw sila naguusap ng X niya kahit nasa iisang bobong lang, may tiwala ako sa GF ko pero sa X niya wala, since ang comment din ng iba ay may Pagka-manyak nga ito. hindi rin talaga ako pwedeng magalit sa GF ko since inocent naman siya sa nangyari. Naiinis lang ako sa hindi niya pagsabi sa akin ng pangyayari.

    ikaw na ang gumawa ng paraan diyan. calling or texting her is not enough... :)
  • my_2_centsmy_2_cents PEx Veteran ⭐⭐
    Halik lang pala at labag pa sa kalooban ng GF ... walang kuwenta ang problem mo, TS... ilang taon ka na ba? :glee:

    --
    my_2_cents
  • 23... and how if I kissed your GF in such way?
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi ka masisi.. hindi mo rin masisi lahat sa gf mo.

    wala ito sa kung sino dapat sisihin. kundi malas lang ninyo dahil nalagay kayo sa ganyang sitwasyon. magkasama sila sa isang bubong.
  • teka, tulog yung gf mo nung hinalikan ng ex niya? e bakit ka nagagalit sa gf mo? malamang di niya sinabi sa iyo dahil ngayon pa nga lang alam mo na, e kung anu-ano na iniisip mo.
  • my_2_centsmy_2_cents PEx Veteran ⭐⭐
    23... and how if I kissed your GF in such way?

    Pagsasabihan ko iyong lalaki pero hindi ako magagalit sa GF ko dahil hindi naman niya kagustuhan ang nangyari ... COMMON SENSE lang 'di ba? :glee:

    --
    my_2_cents
  • Actually, tama ka, ganun naman talaga dapat, sugurin ang X niya at bugbugin. doon din lang matatahimik ang isip ko.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Actually, tama ka, ganun naman talaga dapat, sugurin ang X niya at bugbugin. doon din lang matatahimik ang isip ko.

    di gawin mo... at ipagpaalam mo na sa ate nya na ililipat mo na ng tirahan ang kapatid nya... minsan nang nag attempt ang mokong, siguradong mag-aattempt ulit yan...
  • in the first place bakit makikipag inuman ang gf mo knowing nandoon ang ex nya?
    ang hirap naman ng sitwasyon mo, kuya. ilayo mo na ang gf mo dyan. hindi na yan makakabuti sa kanya at sa relasyon nyo. nandyan yung mokong eh.
  • TS, tantarado naman pala yaang X ng GF mo! Isa siyang mapagsamantala.
    Halika at samahan kitang puntahan yaang X niya. *****-in natin....
    Sama pa tayo ng ilang kakosa natin dito sa PEX. Mas marami, mas masaya.
Sign In or Register to comment.