Home PEx Relationships Love - Dilemmas

she's now undecided.

Nung magsimula kami ng gf ko, ramdam ko nang go with the flow siya. yun bang, naging ok kami kasi persuasive ako at mabait (daw), pero hindi dahil kasing gusto niya ako. when my gf and i started to get a little serious (after nung di-umanong honey moon stage) bigla siyang napapaisip kung eto ba talaga. hindi niya masagot na "oo ikaw ang gusto and/or kailangan ko".. hirap po kasi siyang i-set kung anu talaga gusto niya sa buhay niya. walang question sa loyalty namin sa isa't isa, hindi din question yung ec-bf niya.. walang ring third party hindi talaga uso samin yung ganito eh. 1 year palang po kami.

hindi ko na kasi alam kung pano ko siya matutulungang makapag isip, aside sa giving her time to think.. pano ko ba pagsasabayin ang paggiging kaibigan ko para sakanya at isang bf? at bakit po hindi makapag decide ang isang babae after all that they've been through?

Comments

  • teka lang ha, ano ba mga edad nyo?

    undecided ba siya sa relationship nyo or sayo?

    alam niya ba na boyfriend ka niya or baka ikaw lang nakakaalam na may relasyon kayo.
  • Walang problema yan, pare. Bigyan mo ng space. Ienjoy niyo muna ang buhay ng wala ang isa't-isa.
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Undecided? That's what you say when you're a freshman not when you're a senior. :)
  • teka lang ha, ano ba mga edad nyo?

    undecided ba siya sa relationship nyo or sayo?

    alam niya ba na boyfriend ka niya or baka ikaw lang nakakaalam na may relasyon kayo.

    22 ako, siya 23. undecided sa relationship. ewan ko baka asssuming nako pero wala naman siyang issue na specifically sa pagkatao ko po.
  • kongersman wrote: »
    Walang problema yan, pare. Bigyan mo ng space. Ienjoy niyo muna ang buhay ng wala ang isa't-isa.

    pwde kaso naiisip ko magkaiba ata kami ng "thinking". yun bang ako ok nang mag pumasok sa serious relationship kaso siya mukhang wala pa dun eh. hindi sa all along eh naglalaro laro lang kami. pano kung mawala siya? feeling ko kasi hindi malayong magsisi ako pag hindi kami magkabalikan after enjoying.
  • Undecided? That's what you say when you're a freshman not when you're a senior. :)

    minsan naiisip ko she's just staying kasi gustong gusto ko siya hindi dahil gusto niya din ako. ramdam ko naman yun.. gusto ko na nga sanang makapag decide siya kasi nasasayang lang oras kung nasa "false commitment" lang kami.
  • enaej426enaej426 PEx Veteran ⭐⭐
    don't put pressure on your GF , it takes time .. enjoy mo na lang kung anong meron kayo ngayon , baka mawala pa pag pinilit mo siya.
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang bagsak nito ay kung gaano ka katiyaga.

    seriously... kung ikaw yung tipong committed tapos + siya yung tipong hindi makapag-decide..equal short term/temporary relationship.

    huwag ka ng magpakahirap... hindi bagay yung mga ugali niyo. pero sige... ituloy mo lang yung ginagawa mo hanggang magsawa ka... dahil mukhang hindi ka pa rin namang handang bumitaw sa ngayon.
  • madami talagang pwdeng ibigay na rason para bumitaw eh, at siguro isa na yang incompatibility. pero what if (as enaej426 says) time nga lang naman ang kailangan? hehe bias i know pero anong sense neto kung hindi ko imamarket ang gusto ko mangyari sa relationship haha. ang hirap din umasa na darating yung time na magiging ok, pero what the hell, chances could be all that i need. hay
  • kleenexlambotkleenexlambot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung undecided ang gf mo, that means hindi pa siya ready magpakasal or to get into something serious. so you either wait, or just move on.

    hindi puede madaliin ang mga ganitong bagay.
  • kreukkreuk PEx Influencer ⭐⭐⭐
    i can't blame your gf. it takes experience to know what or who you want in life. Only a few are lucky with their choices which worked out well for them.

    i think for most other people, they had to make mistakes. You could be the mistake she's going to learn from or you could be that person who'll make her happy in the end.

    we won't know. at least you tried.
  • kreukkreuk PEx Influencer ⭐⭐⭐
    i think, if she's not happy, it's a sign something isn't right. the problem is, some people can underestimate their unhappiness.

    mas important daw loyalty and commitment and making it possible thru thick and thin.

    pero i think, yn lang talaga yung yardstick kung para sayo ang ginagawa mo or hindi. kung nagigising ka sa umaga with a big smile on your face... tama yung tao para sayu.
  • inviinvi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Don't put pressure on her. Bakit kailangan niya na magdecision ngayon na kung ikaw na talaga ang para sa kanya? Hindi ba pwedeng build the relationship muna? Anyway, both of you are still young, and 1 year is really not a long enough time as gauge whether you are going to end up together or not. In the meantime, there is nothing wrong with you and her planning for the future. When you build your plans and they become more concrete after a few years, then maybe she will be able to envision a possible future with you. And if not, well, charge it to experience.

    If you pressure her to make a decision now, she just might decide against what you are hoping for -- that you are not the one.
  • RomanticureRomanticure PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mahirap yang mga undecided woman pre. maaring pag dating ng panahon, saka ulit magbabago ng isip yan. pano na kung umokey ngayon yan syo after some time mag iba na naman ng isip? Pero mas maganda rin yang tinatanong na ng maaga, mga bata pa kayo, mas magandang maaga pa lang sineseryoso na yan unlike pag dating nyo pa ng matatanda na kayo, saka pa lang magdedecide. sayang ang panahon eh.

    ika nga ni darmonx, kung ikaw makaka experience nyan mas maganda para matuto ka:D

    hanapin mo dito yung thread na puro long engagement na sila, may 3yrs, 5yrs 9yrs ng magkarelasyon, Hindi natuloy karamihan sa kanila.
  • enaej426 wrote: »
    don't put pressure on your GF , it takes time .. enjoy mo na lang kung anong meron kayo ngayon , baka mawala pa pag pinilit mo siya.

    :) good advice, eto muna gawain mo, medyo bata pa naman kayo.

    easy ka lang. ;)
  • borromeo11 wrote: »
    madami talagang pwdeng ibigay na rason para bumitaw eh, at siguro isa na yang incompatibility. pero what if (as enaej426 says) time nga lang naman ang kailangan? hehe bias i know pero anong sense neto kung hindi ko imamarket ang gusto ko mangyari sa relationship haha. ang hirap din umasa na darating yung time na magiging ok, pero what the hell, chances could be all that i need. hay

    22 ka pa lang. maraming babae dyan na naghahanap ng committed na lalaki. mas gusto mo bang maghintay kung magtutugma ba kayo ng gusto ng gf mo o yung magkaroon ka ng gf na hindi nagdadalawang-isip?
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi pa hinog sa pang seryosohan at medium/long-term relationship itong babae.

    pinipilit mo naman yatang magtugma kayo. mahirap 'yan. baka tension lang aabutin ninyo.

    sa ganyang medyo undecided pa or 'unstable'.. madali pa 'yan madagit o brainwash ng iba. so dahan-dahan ka muna..

    either maging patient ka hanggang maintindihan niya ang 'language' mo when it comes to relationships.. or tablahin mo siya habang maaga-aga pa para makahanap kayo pareho ng mga kanyang-kanyang match.

    pag iniuwi mo ang lahat ng discussions na 'to sa 'mahal ko na siya eh'.. abah eh 'di maging patient ka. :rotfl:
  • my_2_centsmy_2_cents PEx Veteran ⭐⭐
    22 at 23 ... BATA PA KAYO ... SAKA NA ANG PAGKERENGKENG KUNG KAYA NANG BUHAYIN ANG SARILI ... COMMON SENSE na sagot lang po ito.... :glee:

    --
    my_2_cents
  • una sa lahat, marami pong salamat sa mga reply, i really appreciate it.

    hindi ko naman po siya minamadali, kasi naniniwala din ako na dapat pabayaan ko lang mag work ang "time" through our relationship. naitatanong ko na po ito kasi, as Romanticure said, gusto ko na sana i address yung issue kasi pano kung dumating yung time na sobrang attached na kami tas hindi na niya maconsider yung kaligayahan niya as a measure to know whether she wants this or not. ayoko namang magstay siya sa relationship dahil natatakot lang siya na wala na siyang mahanap na ibang seryoso (hindi siya pangit, i'm just saying baka maging issue pa eh hehe).

    hindi naman na sabihin niyang "yes" tapos i'll take it against her if later on she changes her mind. gusto ko lang sanang masabi niyang she's here because she wants this, she believes in us. siguro naman po, tamang isipin na hindi ka pwde magstay sa isang relationship kung hindi mo nakikita ang sarili mo with that person in the future.

    i know, we're still young. kaso every now and then dumadating itong issue na toh kaya naitanong ko na po dito.
  • 22 ka pa lang. maraming babae dyan na naghahanap ng committed na lalaki. mas gusto mo bang maghintay kung magtutugma ba kayo ng gusto ng gf mo o yung magkaroon ka ng gf na hindi nagdadalawang-isip?

    mas gusto ko pong magantay kung magtutugma kami ng gf ko kesa yung maghanap ng undecided na gf. nagkaron na po kasi ako ng gf na hindi nagdadalawang-isip, at hindi siya naging successful kasi masyado naman akong natali o nasakal sakanya.
Sign In or Register to comment.