Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

nasasakal na ako sa mga taong nakapalibot sa akin

Paano ko ba sisimulan ang litanya ko?

Bakit ba may mga taong self-righteous at know-it-all?:grrr:

Nakakairita talaga ang mga taong makikitid ang isip. Yun bang nakikialam na nga sa mga ginagawa mo sa buhay, pinagiisipan ka pa ng masama. Gaya na lang nito.

Me: Gagabihin ako ng uwi. Wag mo i-lock pinto.
Her: Bakit gabi ka na palagi umuuwi? Akala ko ba off ng bf mo ngayon? Feeeling ko talaga mag-aasawa ka na. Basta. Mag-aasawa ka na talaga.

Ayos talaga eh. Ngayon ko lang nalaman na kapag pala di ka umuuwi ng maaga eh mag-aasawa ka na:confused:

Ang purpose lang naman ng pagsasabi eh para ipaalam kung wala ka. Gusto pa detalyado. Aba'y daig pa nanay at tatay ko eh.

Her: Bakit ka umuwi sa inyo?
Me: Nagpa-check up ako. Ok naman daw, may UTI lang daw ako.
Her: Ako nga dati kapag may nangyayari sa amin ni (bf nya) ganito ganyan (nilitanyahan na ako tungkol sa mga experiences nya)

Walanjo! 'Pag may UTI ba ibig sabihin may contact na?:bop:

Kakaiba! Nakakaloka. At nagtataka ka pa ha na gabi na ko umuuwi. Actually, ayaw lang talaga kita makausap:p Masisiraan ako ng bait sayo:eek:

Comments

  • modoki, room mate mo lang ba yan or family member?

    pag room mate lang.. find another place! yun lang. :D

    pag family member... talk to her? baka nagiging over protective sya kasi she cares too much?? ayy hindi ko talaga alam... walang ganyan sa buhay ko eh :p
  • Land lady :bop: ewan ko ba dun.. Kasing dumi ng ilog pasig ang utak :lol:

    Eto pa nha eh.. Aalis na kasi ko sa kanila. Sabi ba naman sa akin siguro daw sasama na ko sa bf ko sa bahay :rolleyes: Kung sumama man ako, care nya di ba? Tsaka di naman ako sasama dun mapapalo ako sa **** ng nanay at tatay ko :rotflmao:
  • Kung wala kang ganito sa buhay mo, congratulations! napakaswerte mo :lol:
  • modoki wrote: »
    Land lady :bop: ewan ko ba dun.. Kasing dumi ng ilog pasig ang utak :lol:

    Eto pa nha eh.. Aalis na kasi ko sa kanila. Sabi ba naman sa akin siguro daw sasama na ko sa bf ko sa bahay :rolleyes: Kung sumama man ako, care nya di ba? Tsaka di naman ako sasama dun mapapalo ako sa **** ng nanay at tatay ko :rotflmao:

    haha! sana sinagot mo... "Eh ano naman sayo? gusto mo din sumama?..."
  • clu3less wrote: »
    haha! sana sinagot mo... "Eh ano naman sayo? gusto mo din sumama?..."

    *okay*
    kung pwede nga lang eh.. kaso matanda na yun, syempre dapat igalang kahit di masyado kagalanggalang :rotflmao:
  • LimpBwiZitLimpBwiZit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ganun talaga mga landlady, feeling "second parent". ilang beses din ako napalipat-lipat ng boarding house before ng dahil sa paki-alamerang landlady.

    meron pa nga dati, tiningnan ang book shelf ko sabay tanong: "ano ba yang mga binabasa mo? at anong klaseng music yang pinapakinggan mo? baka mamaya kasali ka na sa kung anong kulto."

    tsaka pag lalabas ako dati para maglaro, syempre, dala ko ang gym bag kong malaki na may mga sports equipment and extra clothes - tatanungin ako - bakit andami mong dala? anong laman ng bag mo? sinu-sino mga kasama mo?
  • LimpBwiZit wrote: »

    di bale nga sana kung way nya yun ng pagpapakita ng concern. kaso hindi e. mapag-isip lang talaga ng masama :angry:

    nakakainis ** kasi minsan pag yung ibang dormate ko naman ang tsinitsismis nya. makes me wonder kung ano kaya sinasabi nya pag ako naman ang wala dun :rolleyes:

    tsaka ang hilig nya kasi magpuna sa ibang tao eh mas malala naman sya :bop:
  • Gaaaaaad. I so can relate. Assume much ang people eh, noh? Mwahahaha.
  • pexer26pexer26 PEx Veteran ⭐⭐
    ang babaw naman ng dinaramdam mo TS. tawanan mo na lang. if it doesn't bother you that much, pabayaan mo na lang.
  • pexer26 wrote: »
    ang babaw naman ng dinaramdam mo TS. tawanan mo na lang. if it doesn't bother you that much, pabayaan mo na lang.

    :lol:

    mababaw ba? di naman :p kung ikaw siguro kasama nun sa bahay mananawa ka din :rotflmao:
  • kahit naman saann di nawawala ang mga kups*** eh. lols dedma na lang gurl*okay**okay*
Sign In or Register to comment.