Mga taong graduate ng 2 baccalaureate or dalawang course — PinoyExchange

Mga taong graduate ng 2 baccalaureate or dalawang course

Gusto ko lang malaman kung anong opinion ng mga taong nakagraduate ng dalawang course?

Aaminin ko na may iba akong course na gusto.. kaya naiisip ko kung mag aaksaya ba ko ng panahon para tapusin ulit ang isang 4 year course or mag ma masters?

Comments

  • Unang una i think masters are pretty useless unless magtuturo ka sa university. Wala naman masyado tinuturo sa masters e, half of your masters will be devoted to research. Besides employers dont really value a masters degree that much. Ang habol nila WORK EXPERIENCE. Aanuhin ng employers ang paper mo about Neural Networks kung hindi ka pa nakaranas ng isang real life project sa paggawa ng simpleng inventory system.

    Unless career change talaga ang habol mo, baka makatulong pa ang masters. Kunwari gusto mo mag advertising pero current work mo sa accounting, pwede pa.

    Yung double course depende. So far ang nakikita ko lang na may significant impact talaga sa career mo ay ang JD-MBA ng FEU-DLSU. Marami kasing lawyers na nagppractice, may sariling negosyo din kaya useful talaga. Same with masters, kahit na may double degree ka sa economics and management, employers couldnt care less. Pag pasok mo sa kompanya as a fresh grad most likely same position at salary ka din with other single degree grads.

    Observation ko lang ito from my peers who took masters, double degrees and the job they landed on.
  • Take master's degree instead, most likely 2-3 years (kapag semestral) Or 2 years (kapag trimestral) matatapos mo na. Pag hindi naman in-line sa bachelor's degree ang kukuhain mong kurso sa master's required ka munang kumuha ng basic units eh sa master's degree (usually 18 units ata) then pag natapos mo na yun pwede ka ng mga proceed sa proper master's degree. Good bless to us. we have the same situation. Heheh hirap ng medyo hindi mo gusto ang kurso pero wala kang magawa, pero nagustuhan ko naman siya eventually hehehe.
  • zevil89 wrote: »
    Unang una i think masters are pretty useless unless magtuturo ka sa university. Wala naman masyado tinuturo sa masters e, half of your masters will be devoted to research. Besides employers dont really value a masters degree that much. Ang habol nila WORK EXPERIENCE. Aanuhin ng employers ang paper mo about Neural Networks kung hindi ka pa nakaranas ng isang real life project sa paggawa ng simpleng inventory system.

    Unless career change talaga ang habol mo, baka makatulong pa ang masters. Kunwari gusto mo mag advertising pero current work mo sa accounting, pwede pa.

    Yung double course depende. So far ang nakikita ko lang na may significant impact talaga sa career mo ay ang JD-MBA ng FEU-DLSU. Marami kasing lawyers na nagppractice, may sariling negosyo din kaya useful talaga. Same with masters, kahit na may double degree ka sa economics and management, employers couldnt care less. Pag pasok mo sa kompanya as a fresh grad most likely same position at salary ka din with other single degree grads.

    Hindi ba mas may potential na tumaas ang ranko mo sa trabaho kung may masters?
    Hmm ganun din pala sweldo kahit may masters...

    Psychology kasi ang course ko.. hindi naman sa hindi ko gusto itong natapos ko, pero "artistically" inclined ako..

    Mas nakikita ko na mamahalin ko ang trabahong related sa interest ko, kaya naguguluhan ako kung i pupursue ko ang masters or 2nd degree habang may panahon at pera akong napagkukunan.
  • ^ generally same lang. Ang nagpapataas ng sweldo mo kasi talaga, work experience e. Napakaraming CEO dito na walang MBA samantalang ang mga empleyado nila karamihan may MBA pero di naman umaakyat ang ranko.

    If you're staying on the same field, suggest ko talaga magwork ka na lang. Get a good work experience from a reputable company instead of wasting time and money doing research in a masteral course.

    Pag career change, a masters degree may benefit.
  • -jps-
    -jps- Untouchable
    Kung engineering ka tapos sa R&D ka mapasok gamit na gamit mo yung Master's at PhD. Maraming mga topics sa higher degree ang di naituturo sa BS Engineering degree lamang.
Sign In or Register to comment.