"PANATA" ikatlong salinlahi

leon azcarraga
Member
"PANATA"
Ikatlong Salinlahi
-leon
PANIMULA
Ika- 13 Abril 1942, Corregidor
Ilang buwan matapos sumiklab ang digmaan
Luis hindi na ako magtatagal naamoy ko na ang kamatayan".
Hihingi ako ng pabor sa iyo Luis ... ilibing mo ang aking labi dito sa Corregidor At kung ikaw ay papalaring makaligtas sa masaklap na digmaang ito, ay balikan mo ang aking labi........ at dalhin sa Santa Rosa, Laguna nais kong ma-ilibing sa tabi ng puntod ng aking mahal na amang Salvador Ipangako mo sa akin Luis "
At noon diy ibinigay ni Capt. Emiliano Cruz sa kaibigan, ang isang maliit na antigong kahon.
Tanggapin mo ito Luis. Itoy naglalaman ng rebolber, regalo ko sa iyo magagamit mo ito sa pakikidigma, nakapaloob din sa kahong ito ang isang selyadong liham, ibigay mo sa aking kinakapatid .
Pinilit ilapit ng nanginginig na Capt. Emiliano Cruz ang sarili sa kaibigan. Hinawakan nito ang kwelyo ng uniporme ni Luis , at sa garalgal na boses
Ipangako mo sa akin Luis .Ipangako mo
Ito ang naging huling habilin ni Capt.Emiliano Cruz kay Luis Bernabe, isang araw bago tuluyang ginupo ng sakit na malaria sa Corregidor. Ito'y ilang araw...matapos bumagsak, sumuko ang pwersang Pilipino-Amerikano sa kabilang baybayin... sa Bataan (Abril 9, 1942).
Makalipas ang tatlong taon at digmaan
Buwan ng Hunyo, Taong 1945 , Sta. Rosa Laguna
Nang marating ng 27 anyos na Luis, ang Sta. Rosa Laguna...Hindi niya inakalang may napakalaking Hacienda na pagaari si Capt. Emiliano Cruz. Wala itong nababanggit sa kanya noong ito'y nabubuhay pa... patungkol sa napakalawak na Hacienda Salvador.
Isang dahilan ang nagtulak sa kanya upang puntahan ang lugar na iyon. Itoy upang tuparin ang kanyang pangako. Bitbit niya ang kalansay na nakapaloob sa sako. Ang mga labi ng kaibigang sinawing palad sa Corregidor may 3 taon na ang nakalilipas. Bitbit din nito ang isang selyadong liham para sa isang taong nagngangalang Benjamin.
Nang matunton ni Luis ang Hacienda Salvador ay naging mabilis ang mga pangyayari .
Natagpuan nalang niya , na tila ipinag uutos ng tadhanang siya'y kailangang mamalagi sa Hacienda Salvador.
Lalo pa ng madiskubre niyat maunawaan, ang mga kahulugan...mga misteryong bumabalot , noong nabubuhay pa si Don Salvador Cruz, ang ama ni Capt.Emiliano Cruz.
Sa Hacienda Salvador ay magsisimula ang pagbabago, pag ikot ng kapalaran ni Luis.
Itoy nang magpasya siyang buhayin...yakapin ang isang layuning isinilang sa matagal ng panahon, noon pang panahon ng mga Kastila.
Isang layuning nagsimula kay Don Salvador noong taong 1897.
Sa mahabang panahon ay malugod na nagpaubaya si Luis sa isang tungkuling kaakibat ng layuning kanyang niyakap.
Mula noon ay tuluyan na siyang naging alipin sa anino ng isang pag aasam .
At sa paglipas ng mahigit na 60 taon, ay ilalaan niya ang buhay sa pag-sisikap at paghihintay
Mahabang pag hihintay.
May dahilan ang kanyang pag hihintay.
Napakahalagang dahilan .
Personal na bagay na kaytagal niyang pinapasan . Kaytagal umalipin sa kanya .
At sa paglakad ng panahon. Ang tangi na lamang dahilan...nagtutulak upang pahalagahan ni Don Luis ang kanyang buhay ay isang lihim................
Isang lihim na araw-araw...ay kanyang pinapanalangin.
Pinapanalanging magkaroon ng katuparan.........
Ang isang . Panata
Ikatlong Salinlahi
-leon
PANIMULA
Ika- 13 Abril 1942, Corregidor
Ilang buwan matapos sumiklab ang digmaan
Luis hindi na ako magtatagal naamoy ko na ang kamatayan".
Hihingi ako ng pabor sa iyo Luis ... ilibing mo ang aking labi dito sa Corregidor At kung ikaw ay papalaring makaligtas sa masaklap na digmaang ito, ay balikan mo ang aking labi........ at dalhin sa Santa Rosa, Laguna nais kong ma-ilibing sa tabi ng puntod ng aking mahal na amang Salvador Ipangako mo sa akin Luis "
At noon diy ibinigay ni Capt. Emiliano Cruz sa kaibigan, ang isang maliit na antigong kahon.
Tanggapin mo ito Luis. Itoy naglalaman ng rebolber, regalo ko sa iyo magagamit mo ito sa pakikidigma, nakapaloob din sa kahong ito ang isang selyadong liham, ibigay mo sa aking kinakapatid .
Pinilit ilapit ng nanginginig na Capt. Emiliano Cruz ang sarili sa kaibigan. Hinawakan nito ang kwelyo ng uniporme ni Luis , at sa garalgal na boses
Ipangako mo sa akin Luis .Ipangako mo
Ito ang naging huling habilin ni Capt.Emiliano Cruz kay Luis Bernabe, isang araw bago tuluyang ginupo ng sakit na malaria sa Corregidor. Ito'y ilang araw...matapos bumagsak, sumuko ang pwersang Pilipino-Amerikano sa kabilang baybayin... sa Bataan (Abril 9, 1942).
Makalipas ang tatlong taon at digmaan
Buwan ng Hunyo, Taong 1945 , Sta. Rosa Laguna
Nang marating ng 27 anyos na Luis, ang Sta. Rosa Laguna...Hindi niya inakalang may napakalaking Hacienda na pagaari si Capt. Emiliano Cruz. Wala itong nababanggit sa kanya noong ito'y nabubuhay pa... patungkol sa napakalawak na Hacienda Salvador.
Isang dahilan ang nagtulak sa kanya upang puntahan ang lugar na iyon. Itoy upang tuparin ang kanyang pangako. Bitbit niya ang kalansay na nakapaloob sa sako. Ang mga labi ng kaibigang sinawing palad sa Corregidor may 3 taon na ang nakalilipas. Bitbit din nito ang isang selyadong liham para sa isang taong nagngangalang Benjamin.
Nang matunton ni Luis ang Hacienda Salvador ay naging mabilis ang mga pangyayari .
Natagpuan nalang niya , na tila ipinag uutos ng tadhanang siya'y kailangang mamalagi sa Hacienda Salvador.
Lalo pa ng madiskubre niyat maunawaan, ang mga kahulugan...mga misteryong bumabalot , noong nabubuhay pa si Don Salvador Cruz, ang ama ni Capt.Emiliano Cruz.
Sa Hacienda Salvador ay magsisimula ang pagbabago, pag ikot ng kapalaran ni Luis.
Itoy nang magpasya siyang buhayin...yakapin ang isang layuning isinilang sa matagal ng panahon, noon pang panahon ng mga Kastila.
Isang layuning nagsimula kay Don Salvador noong taong 1897.
Sa mahabang panahon ay malugod na nagpaubaya si Luis sa isang tungkuling kaakibat ng layuning kanyang niyakap.
Mula noon ay tuluyan na siyang naging alipin sa anino ng isang pag aasam .
At sa paglipas ng mahigit na 60 taon, ay ilalaan niya ang buhay sa pag-sisikap at paghihintay
Mahabang pag hihintay.
May dahilan ang kanyang pag hihintay.
Napakahalagang dahilan .
Personal na bagay na kaytagal niyang pinapasan . Kaytagal umalipin sa kanya .
At sa paglakad ng panahon. Ang tangi na lamang dahilan...nagtutulak upang pahalagahan ni Don Luis ang kanyang buhay ay isang lihim................
Isang lihim na araw-araw...ay kanyang pinapanalangin.
Pinapanalanging magkaroon ng katuparan.........
Ang isang . Panata
0
Comments
-
KABANATA - I
Sa Gitna ng Hardin
Pagkalipas ng 62 Taon
Taon- 2007
Madalas makitang nakadungaw ang 89 anyos na si Don Luis Bernabe sa harapan, o kundi man ay sa likuran bintana ng kanyang pribadong silid. Ang nasabing pribadong silid ay nasa ikalawang palapag ng mansyon. Ang ritwal ng matanda ay naging pang-karaniwang tagpo na para sa mga taga-paglingkod ng pag-aaring Hacienda Salvador.
Mula sa harapang bintana ng silid , silangang bahagi ng mansyon, ay hindi pinag-sasawaan ni Don Luis na silayan ang kagandahan, ka aya-ayang tanawin ng Hacienda. Hindi na rin mabibilang ang bukang-liwayway na kanyang nasaksihan mula sa bintanang iyon.
Sa kabilang bahagi ng silid , likurang bintana naman, ay nag lalaan din siya ng mga sandali, upang dumungaw, namnamin ang sinasabing atraksiyon sa loob ng dalawang ektaryang bakuran. Ito ay ang malaparaisong hardin. Itoy nasa likod, kanlurang bahagi ng mansyon. Ang magarang harding tinatangi ni Don Luis ay tahanan ng mahigit tatlumpung uri ng bulaklak at mga halaman. Nagmimistulang paraiso ang lugar na iyon dulot ng mala-obrang kombinasyon ng matitingkad na kulay mula dito.
Ang hardin ay pinagigitnaan ng mansyon at napakalaking punong acacia. Kung hindi pa sumasapit ang katanghalian...ang hardin ay waring nag kukubli sa anino ng dalawang palapag na mansyon...at sa mahahabang sanga ng punong acacia naman, kung hapon.
Masisiguro ng mga makakakita sa hardin , na ang pangangalaga dito ay pinag uukulan ng pansin, malinis ang paligid , wala halos makikitang tuyong dahon naka-kalat sa paligid, pati na rin sa damong bermuda, na bumabalot sa napakalawak na bakuran.
Si Don Luis Bernabe ay may malawak na kaalaman sa pag-hahalaman at pagtatanim , bukod sa likas na hilig...ito'y nag tapos ng kursong Agrikultura noong taong 1938.
Ang katandaan ay hindi naging hadlang sa hilig na pag hahalaman, bagamat otsentay nuebe anyos na si Don Luis Bernabe ay mayroon pa itong tinataglay na sigla at lakas na bihirang makikita sa gayong edad. Paminsan minsan ay nagagawa pa nitong pumanaog sa hardin , tinatabas , ginugupit ang mga dahong lumalabis sa ninanais na hugis.
Nakagigiliwang ding diligin ng matanda ang lugar na iyon, bukod sa personal na pinangangasiwaan ay hiniling nito sa sampung hardinerong napakatagal ng nanunungkulan sa kanya, na kung walang gaanong mahalagang gawain sa loob ng bakuran ay unahin ng mga ito ang nasabing lugar. Kung kinakailangan, bilin pa ng matanda , ay panatilihin , siguruhing dumadaloy, sumisirit ang tubig sa mekanismong , nakalulugod panoorin dahil sa pag ikot ikot nito.
Magiliw na sina saalang alang ng mga hardinero ang bilin ng napamahal na sa kanilang mabait na amo . Alam nilang napakahalaga para kay Don Luis ng hardin. Kaya ngat malugod na pinag bubuti ng mga hardinero ang pag mamantene at pangangalaga sa lugar na iyon. Kusa ng kumikilos, at kasiyahan na rin ng mga hardinero, kasambahay at lahat ng naglilingkod sa matanda , na makita ang mala obrang hardin, at ang nasa tabi nito, ang napakalaking punong acacia , na ayon sa kanila, ang kombinasyon ng hardin at ng punong acacia ay tila buhay na tula sa kanilang paningin .
Hindi na kaila sa mga nanunungkulan ang istorya ng Hacienda Salvador , ng Mansyon , at ng punong Acacia . Ang pag lipas ng panahon ang siyang naghayag sa kanila ng kasaysayan ng ma-alamat na Hacienda Salvador.
Maliban sa hardin, hindi na kinakailangan pa ang mga paliwanag upang maunawaan ang malalim na pag papahalaga ni Don Luis sa munting lugar na iyon. Dahil hayag naman sa mga mata ng taga Santa Rosa ang dahilan at iba pang makakakita sa pook na iyon.
Ang dahilan sa pag papahalaga ni Don Luis ay nag uugat sa pag-gunita . Para sa kanya , ang mga buhay na bulaklak sa hardin ay sumisimbolo...upang sariwain ang mga alaalang nakaukit sa kanyang puso't isipan sa matagal ng panahon. Pang araw-araw na pag papahalaga sa mga yumao...na nakahimlay sa apat na puntod...na matatagpuan... sa gitna ng hardin.
Piling awitin para sa kwento
http://www.youtube.com/watch?v=qwNTWTfz4vk&feature=player_embedded#0 -
______________ _____________ ____________ ____________ ____________
[ Don Salvador ][Capt. Emiliano][Teresa Bernabe][Elena Bernabe ][..................]
[.......Cruz.......][........Cruz.....][....................][...................][...................]
[...1845-1897...][1887-1942....][...1917-1945.. ][..1941-1945...][...................]
[_____________][___________][____________.][____________][____________]
Bagaman apat lamang ang nakahimlay, ay mapupunang limang lapida ang nakahanay sa gitna ng hardin.
Ang isang lapida, ay mapapansing di tulad ng apat, na may mga nakaukit, nakasaad na pangalan, petsa ng kapanganakan at kamatayan .
Ang namumukod tangi sa apat , ay nakapag tatakang blangko. Walang nakasaad dito.
May dalawang linggo na ang nagdaan ng ipag utos ni Don Luis Bernabe na idagdag ang lapidang blangko sa hanay ng apat pang lapida . Nagtaka at nahiwagaan , at mayroon pang nanayo ang balahibo sa mga napag utusan.
Nang kumalat ang usap-usapan tungkol sa lapidang blangko , ay hindi napigilan ng napakaraming nag lilingkod sa matanda ang mapaluha, ng matuklasan ng mga ito...na ang dahilan sa likod ng lapidang blangko ay sa dahilang inilalaan ng matanda ang puntod na iyon para sa kanyang sarili. Bilang isang pag hahanda sa kanyang kamatayan.
Tanggap ni Don Luis na hindi na siya mag tatagal . Siyay nasa dapithapon na ng kanyang buhay , bagaman malakas pa naman at wala namang dinaramdam , maliban sa paminsan-minsang pag hingal, ay hiniling niyang sa araw ng kanyang kamatayan ay doon siya ilibing.... Sa tabi ng mga puntod ng kanyang yumaong asawang Teresa Bernabe at anak na Elena, kapwa namatay noong mga huling yugto ng digmaan, 1945.
Sa tabi ng puntod, gawing kaliwa ng kanyang asawa't anak ay nasa tabi ang dalawa pang puntod. Ang mag ama, Don Salvador, na siyang unang inilibing sa lugar, noong taong 1897. At Capt. Emiliano Cruz naman, na namatay noong 1942...na mismong si Luis ang naglipat ng labi, mula Corregidor hanggang sa Sta. Rosa, alinsunod sa pangako sa kaibigang Emiliano, bago ito namatay.
Noong nabubuhay pa si Capt. Emiliano Cruz ay isa itong opisyal ng Philippine Scout. Pinuno ng isang pangkat na kinaaniban ni Luis Bernabe, bilang Private, isang boluntaryo, nagpalista para sa karagdagang pwersa ng sandatahang lakas, bago pa lamang sumiklab ang digmaan noong Disyembre ng taong 1941.
Bagama't ilang buwan lamang nagkakilanlan si Luis at Capt. Emiliano Cruz ay naging mabuting mag kaibigan ang dalawa.
Ang mga namayapang Cruz ang silang orihinal na may ari ng Mansyon, ng Hacienda Salvador...hindi mga kamag anakan ni Luis, ngunit dahil sa mga pangyayaring... tila inilatag ng tadhana ay naging malaking bahagi ang misteryo ng mag-amang Cruz na humubog sa desisyon ni Luis upang mamalagi sa Hacienda Salvador.
Para kay Don Luis, ang puntod na nagtataglay ng lapidang blangko sa hardin...ay hinabilin niyang kanyang magiging huling hantungan.
Ang makatabi ang mga puntod ng asawat anak ay bahagi ng kanyang huling pangarap.
Ang maihanay naman sa puntod ng mag amang Cruz, para sa kanya ay isang......malaking karangalan.0 -
Ang may-bahay ni Luis na Teresa Bernabe at anak na Elena ay kabilang sa namatay, gayun din ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Minasaker at nalimas ang mga minamahal niya sa buhay noong mga huling yugto ng digmaan (1945) sa parte ng Malate, Maynila.
Nabiyudo at naulila si Luis, na nooy kasalukuyang lider ng mga mandirigmang gerilya...bahagi ng pwersang tumutulong upang bawiin ang Maynila sa kamay ng mga manlulupig na Hapon.
Sa panahong inaakala niyang napipintong pag wawakas ng digmaan... na noo'y mangangahulugan sanang muli niyang makakapiling ang pamilya...ay doon pala niya matitikman ang pinaka-mapait na dagok ng buhay.
Ang muling pag sasamang kaytagal niyang inasam ay hindi natupad . Pagkat, kabilang ang kanyang mga pamilyang pinag-malupitan ng kapalaran sa kamay ng mga manlulupig.
Sa sementeryo ng Paco, Maynila inilibing ang kanyang buong pamilya. Pinahukay niya sa sementeryo ng Paco, Maynila ang mga labi ng asawat anak at ipinalipat sa Sta. Rosa, Laguna, noong 1948. Tatlong taon matapos ang digmaan.0 -
KABANATA II
Salvador Corporation
Ika-9 ng Umaga
Abril 9, 2007
Sa Ika- 52 palapag ng isang mataas na gusali sa Makati ay kasalukuyang nagaganap ang isang malaking pag-pupulong . Lingid sa kaalaman ng media at publiko ay palihim na idinaraos ang pag bebenta ng halos lahat ng kompanyang pag-aari ng Salvador Corporation. Isang malaking korporasyon sa pangunguna ng otsentay nuebe anyos na si Don Luis Bernabe.
Bagaman retirado na at hindi na ito nakikilahok pa sa mga usapin patungkol sa mga pag-aaring negosyo , ngunit sa pagkakataong iyon ay lubhang napakahalaga, na kailangan niyang dumalo at masaksihan ang meeting...ang napipintong pag- bebenta ng halos lahat...ng kanyang 90 porsyentong bahagi( shares ) sa Salvador Corporation.
Sa Conference Hall ay naroroon ang malalaking lokal at banyagang negosyante na interasadong sumali sa bidding. Ang lahat ay desididong makabili sa mga kompanyang ibebenta.
Sa dulo ng isang malaki at nangngintab na mesa ay nakaupo, tahimik na nakikinig si Don Luis Bernabe sa mga pag uusap ng magka-kabilang panig at ng iba pang investor ng korporasyon.
Ipinag katiwala niya ang negosasyon sa kanyang mga katiwala sa pamumuno ng CEO o chairman of the board na si Atty. Delfin Torres,
Makalipas ang ilang oras ay marami ng napag kasunduan. Inihayag ni Atty. Torres na itatakda sa mga susunod na linggo o buwan ang susunod na pag pupulong. Upang pormal na maisaayos ang mga kaukulang papeles at bagay-bagay para sa mananalong mga bidder.
Nang matapos ang meeting ay nag tayuan na ang lahat sa kanilang kina-uupuan. Lumapit ang mga lokal at banyagang negosyante, upang makipag-kamay sa mag katabing Don Luis at Atty. Torres
Sa grupo ng mga banyaga ay isang Amerikano ang lumapit at nakipag-kamay kay Atty Torres at sumunod kay Don Luis . Habang hawak ang kamay ng matanda ay nagwika ito.
Its a pleasure and honor to meet you Mr. Bernabe. Im Bill Johnson of World Enterpise.
Nakapirmis ang kamay na waring ayaw nitong bumitaw hanggat hindi nasasabi ang pag-uusyosong gustong itanong kay Don Luis.
Im almost certain, that me, my partners will be here for the next meeting. If you dont mind me asking Mr. Bernabe, this thing puzzles me. Whats the reason behind all this ? Why would you sell all these good performing companies. Stock market index shows theyre all doing well and having steady growth for very long time. What are you going to do with all the money ?
Sumagot si Don Luis. Malumanay ang tinig nito.
Its an honor for me as well to meet you, Mr. Bill Johnson. The reason behind all this... is very important, But forgive me Mr.Johnson right now I cannot disclose the details yet. I hope you will understand.
Tumikom ng may halong matipid na ngiti ang bibig ng banyaga at pagkatapos ay muling inabot ni Mr. Johnson ang palad nito at muling kinamayan ang matanda at nagwika..
Ahh company secrecy ! Yes of course, If that will be the case then Ill respect that Mr. Bernabe. Nakangiting sabi nito kay Don Luis.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaalis na ang lahat sa conference hall, Maliban kay Don Luis, ang sekretaryang si Mrs. Reyes at ang katiwala ng matanda, ang CEO ng korporasyon, Atty. Delfin Torres , na noo'y kasalukuyang nililikom ang ilang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa,
Lumapit si Don Luis sa sekretarya at itoy nagwika.
Mrs. Reyes paki-tawagan mo nga si Capt. Melchor at pakisabi mong tapos na ang meeting.
Opo Don Luis sagot ng sekretarya. Nagtungo ito sa kabilang silid upang gamitin ang VHF na radyo.
Isinisilid na ni Atty. Torres sa kanyang attache case ang mga nalikom na dokumento.
Nag-tungo si Don Luis sa malaking bintanang salamin na nag sisilbi ring ding-ding ng Hall.
Mataimtim na nakatanaw si Don Luis sa malayo. Diretso ang tindig nito habang nakapamulsa ang mga kamay . Malalim...at nababadyang maraming bagay itong iniisip.
Marahang lumapit si Atty. Torres. Hinayaan nitong lumipas ang ilang sandali na mag-hari ang katahimikan bago ito nag salita.
Alam kong napamahal na sa inyo ang korporasyong ito Don Luis. Kaytagal ninyong tinaguyod ang Salvador Corporation, na itinuring ng marami na isang alamat. Nauunawaan ko po kayo.
Bahagyang lumihis ang ulo ni Don Luis kay Delfin at muling ibinalik ang paningin sa malayo at nagwika.
Limamput-siyam (59) ( 1948 ) na taon, na naging bahagi ng buhay ko ang institusyong ito Delfin. Ngunit wala akong pag aalinlangan. Itoy dapat na maganap. Itoy matagal ko ng hinihintay . Wika ni Don Luis. Hinarap ang katabi at sinundan ng pag uusisa.
Ikaw Delfin. Sa iyong palagay tama ba ang ating gagawin ? Tama ba ang aking desisyon ?
Hindi inapura ni Atty. Torres ang isasagot, marespeto itong nakatitig sa mata ng matanda bago tumugon.
Kahit minsan ay di-ko pinag-dudahan ang inyong mga desisyon Don Luis" Mararamdaman sa tono ng boses ni Atty. Torres ang pakikiayon at suporta sa kaharap.
" Hindi po masusukat ninuman ang karunungan sa likod ng inyong desisyon Don Luis. Panahon na lang ang mag sasabi. Sa takdang panahon ay malalaman din ito ng lahat . Lahad pa ng abogado
Tayoy nasa huling yugto na ng ating layunin Delfin. Siguruhin mong kasama sa mga kundisyon na hindi maapektuhan kailangang ma-retain ang mga mang-gagawa sa mga kumpanyang ating ipag bibili ".0 -
Asahan po ninyo Don Luis. Aasikasuhin po at gagawin namin ang lahat ng nararapat. Nag iisip po kami ng mga kaparaanan na hindi po makakatanggi sa magandang Bargain ang mga Multi-National na kumpanyang interesadong bumili, para sa gayon ay hindi maapektuhan ang mahigit 50,000 hanapbuhay at 10,000 trabaho na may kaugnayan sa Salvador Corporation."
Mabuti kung ganoon. Sabi ng matanda sabay tapik sa balikat ng abogado.
Sa sandaling matapos at maayos ang lahat ay ipapaalam ko po sa inyo Don Luis, at itatakda natin ang susunod na Meeting at kung magkakasundo ay isusunod ang pormal na bentahan at pag take over ng mga makakabiling mga kumpanya. Naputol ang pag uusap ng dalawa sa marahang pag lapit ng sekretarya. Nag hintay muna ng tyempo ang sekretaryang si Mrs. Reyes, saka magalang na nagsalita.
Excuse po Don Luis! Pinasasabi ng piloto, ni Capt. Melchor na handa na ang helicopter sa itaas. Ok na po yung flight clearance at ready to fly na ang Helicopter.
Salamat Mrs. Reyes.
O sige Delfin, Kung maayos na lahat ay puntahan mo na lang ako sa Sta. Rosa.
Masusunod po Don Luis.
Makalipas ang ilang minuto ay naihatid ni Atty.Torres ang matanda sa helipad sa pinakaitaas ng gusali.
Nag-paalaman at nagkamayan ang dalawa bago maghiwalay.
Nasa loob na si Don Luis ng Helicopter. Nagbigay ng senyales ang pilotong si Capt. Melchor kay Don Luis. Sinilip kung nakalagay na ang safety belt at ear protector ng matanda.
Nag-simulang umugong ang makina ng helicopter at sumunod ang marahang pag ikot ng malaking elisi at ng isang pahalang, mas maliit sa likuran, hanggang sa bumilis ng husto ang pag ikot nito. Ilang sandali pay dahan-dahan ng umangat ang sasakyan, hanggang sa tuluyan na itong sumahim-papawid.
Sa itaas ay nakatuon parin ang paningin ng matanda kay Atty.Torres na nooy naroroon parin sa Salvador Tower, ang gusaling nilisan na kanya ring pag aari.
Makalipas ang ilang minutong pag lalakbay ay natatanaw na ni Don Luis mula sa himpapawid ang malayo-layo pang mga pabrika ng Salvador Industrial Park at mga tenement na tinitirhan ng maraming mangagawa ng mga pabrika at sa gawing unahan ay ang napakalawak na Hacienda Salvador.
Ang malawak na Hacienda ay binubuo ng ibat ibang uri ng pananim, Sa bandang kaliwa ay nagtataasang mga niyog, sa gitna ay ang mga napakalawak na bukirin ng palay at mais, na hinahati ng mahabang kalsada ,mayroon ding plantasyon ng tubo sa gilid malapit sa manggahan. Mga pinya at iba pang mga tanim. Ang madamong bahagi naman ay nagsisilbing pastulan ng napakaraming baka.
Mula sa itaas ay ninanamanam ni Don Luis ang ka-aya-ayang tanawin ng Hacienda.
Detalyado. Matingkad ang kulay ng kapaligiran bunga ng masidhing sikat ng araw sa katanghalian.
May ngiti sa mata ni Don Luis habang minamasdan ang ginintuang bukirin. Ang mga palay ay waring sumasayaw sa kumpas at dampi ng mahinang ihip ng hangin.
Pumukaw din ng pansin ng matanda ang isang trak na nooy bumabaybay sa ibaba. Kilala niya ang sasakyan. Noong nagretiro siya at malakas-lakas pa ay madalas niyang gamitin ang trak na iyon. Ang nasabing trak ay taga-paghatid ng pananghalian, rasyon ng mga mag bubukid at manggagawa sa hacienda.
Mula sa itaas ay makikitang nagsisimulang lisanin ng mga manggagawa ang mga gawain para sa pananghalian. Kung natatanaw ng mga ito ang kilalang sasakyang panghimpapawid ni Don Luis ay naka-ugalian na ng mga mangagawa at magbubukid ang kumaway .
Ilang saglit pay mararating na ng Helicopter ang destinasyon. Aninag na sa dulo ng palayan ang malaking arko ng dalawang ektaryang bakuran, nakapagitna sa bakurang iyon ang isang puting mansyon, na siyang naging tahanan ni Don Luis Bernabe sa mahabang panahon.
Napabuntunghininga si Don Luis ng masilayan ang puting mansyon na waring may-hatid na kung anong kapayapaan.
Nang lumapag ang Helicopter sa landing pad na damuhan ay dumiretso si Don Luis sa mansyon. Matapos mananghalian ay nagtungo sa kanyang pribadong silid sa itaas.
Sa sandaling nasa loob na siya ng silid ay nagiging magaan ang kanyang pakiramdam. Wari niyay nababawasan , o kundi man ay nawawala ang tensyong dulot ng masalimuot na daigdig ng kalakalan, lalo na noong kasalukuyang pinangangasiwaan pa niya ang mga pag aaring negosyo .
Sa silid na iyon nabuo at nahubog ang kanyang mahahalagang desisyon na naging pundasyon ng isang matatag na korporasyon
Ang nasabing silid ay tinuturing ni Don Luis na isang sagradong lugar. Sa dahilang ang lugar na iyon ang siyang nag-uugnay ng kanyang nakaraan sa kasalukuyan. At kung saan isinilang ang kanyang layunin para sa hinaharap.
Sa itaas ng pintuan, papasok sa kanyang pribadong silid ay nagtataglay ng mga letrang nililok sa kahoy, na nag sasabing TANGLAW. Ayon sa mga kwento, si Emiliano Cruz, noong nabubuhay pa at nasa kabataan nito, ang lumilok sa parihabang piraso ng kahoy na iyon, mula sa pinutol na sanga ng punong acacia sa likod ng mansyon.
Ang paglililok ayon pa rin sa kwento ay isang libangang tinatangi ni Emiliano noong itoy nabubuhay pa, lalo't...noong nasa kabataan pa ito. Ang angking galing ay mababatid sa mga naiwang likha nito, na nanatili pa rin sa silid na iyon.
Klasiko ang looban ng silid. Nanginigntab ang mga dingding, kisame at sahig na yari sa magandang uri ng kahoy. Ang mga gamit ay karaniwang mga antigong tila hindi nadadapuan ng alikabok. Makinang ang mga gamit sa loob ng pribadong silid, katunayang inaalagaan sa matagal ng panahon.
Isang espesyal na koleksyon ang tinatangi sa silid na iyon. Ito ay isang lumang tabak na simple ang pagkakayari. Nakaukit sa hawakan nito ang mga numerong 1897. Itoy ibinahay at nakapaloob sa kahong salamin. Ito'y nasa harapang istante ng aklatan na nasa katimugang bahagi ng silid. Maraming koleksyon ng aklat ay mga antigo rin na nag-mula pa sa panahon ng Kastila.
Sa kabilang panig, hilagang bahagi, ay naroroon naman ang mga painting ng mga sumakabilang-buhay na nakahimlay sa gitna ng hardin.
Isang malaking mesa ang makikita, malapit sa likod ng kanlurang bintana. Ang nasabing mesa ay saksi sa tatlong henerasyon . Mula sa mga yumaong Cruz at sa kasalukuyang panahon ni Don Luis. Ang mesa'y ipinagawa ni Don Salvador mahigit isang siglo na ang nakalipas. Ilang buwan bago ito pinaslang noong taong 1897.
Isang antigong ilawan ang makikita sa ibabaw ng mesa. Nakapag-tatakang ang ilawan ay nakadikit sa gawing unahan ng gitna ng mesa. Ayon sa mga kwento, sinasabing si Emiliano ang nagdikit ng ilawan o lampara sa mesang iyon.
Isang di pang karaniwang dekorasyon ang mapapansin sa kisame. Ang dekorasyon ay isang nangingintab na bronseng hugis estrelya. Kung ito'y ilalapag sa ibaba ng kanyang kinalalagyan, ang estrelya ay pagigitnaan ng mesa at kanlurang bintana. Walang nakaka-alam ng mga kahulugan ng ilawan sa mesa at estrelyang bronse sa kisame. Maliban sa mga piling taong binahagian ng talinhaga. Mga taong lubos na kilala ni Don Luis. Mga taong bahagi ng isang layunin.
Mga taong kaanib ng ... Panata.0 -
May kalahating oras ng sinusuri ni Don Luis ang mga balita sa pahayagan . Itoy nakaupo sa malambot, eleganteng silya at nakapatong naman ang peryodiko sa kanyang mesa.
Binasa niya ang mga pangunahing balita at nasiyahan siya sa mga nilalaman ng balitang patungkol sa isang taong madalas na laman ng mga pahayagan. Nasiyahan din siyang walang lumalabas na ulat patungkol sa pagbebenta ng halos lahat ng kumpanyang pag aari niya. Napahanga si Don Luis sa magandang preperasyong inukol ni Atty. Torres at walang nakakaramdam na mga peryodista, gayun din sa media.
Inalis nito ang salaming pambasa ng makaramdam na ito ng paghahapdi ng mata, at ng itinitiklop na ang pahayagan ay siya namang nag ring ang isa sa telepono sa gilid ng kanyang mesa.
Dinampot ni Don Luis ang reciever ng isa sa tatlong nakahanay na telepono at isang cellphone.
Nang mabosesan kung sino ang nasa kabilang linya ay tila nagkislap ang mga mata ng matanda.
Matapos magkamustahan ay nagpatuloy sa paguusap ang dalawa sa telepono.
Victor maganda ang mga ulat sa iyo. Katatapos ko lang basahin ang pahayagan sabi ni Don Luis.
Yun nga po ang ibabalita ko sana sa inyo Don Luis, umaayon po...at sanay magpatuloy ang ganitong sitwasyon para sa ating hangarin wika ng kausap sa linya.
Sana nga Victor, tumigil muna sandali si Don Luis bago itinuloy ang sasabibihin.
Nalalapit na ang araw Victor . Kailangang maghanda tayo, lalong lalo kana" Nagbuntung-hininga si Don Luis at sa muling pagwika ay naging seryoso na ang mukha nito.
Ito ang buod ng ating layunin sa mahabang panahon Victor , layuning dinilig nating lahat ng sakripisyo, pagsisikap at mahabang paghihintay. Akoy hindi na magtatagal Victor. Nasisiguro kong sa iyong pangangasiwa ay gagawin mo ang nararapat upang ibangon ang katuparan ng sinumpaang PANATA. Madamdaming lahad ng matanda sa kausap.
Don Luis umasa po kayo...Ang Panata ay nakaukit sa aking puso0 -
May ilang minuto pang nag-usap bago nag-paalaman ang dalawa.
Nang ibaba ang receiver ng teleponoy... isinandal ni Don Luis ang likuran sa kina-uupuan at ang siko sa sandalan, saglit na ipinikit ang mata. Nang dumilat ay marahan nitong iginawi ang paningin kung saan naroroon ang mga painting ng mga namayapa. Tinuon nito ang paningin sa painting ni Capt.Emiliano Cruz. May ibinulong si Don Luis habang nakamasid sa painting.
Malapit na kaibigan
Ilang saglit ito na waring nag-isip, bago kinuha ang isang puting polder sa isang cabinet ng mesa. Ang polder ay yari sa balat. Ito'y direktoryong listahan ng mga pangalan.
Muling kinuha ang salamin sa mata, at pinasadahan nito ang mga pangalang nakalista sa polder, saka dinampot ang tawagan ng telepono at pumindot ng mga numero. Maka-tatlong ulit na nag-ring, bago dinampot sa kabilang linya ang dinayal ni Don Luis Bernabe.
Tinig ng isang babaeng receptionist ang sumagot
Hello ! Salamat po sa inyong pagtawag. Ito po ang tanggapan ni Heneral David Marasigan, ng Pangalawang Punong Himpilan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ( Deputy Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines). Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?
Magandang Hapon din, pwdeng makausap si General David Marasigan
Maari pong malaman kung sino sila ? Salamat po.
Pakisabi Tanglaw.
Makalipas ang ilang saglit ay nag-ring ang cellphone sa mesa ni Don Luis. Dinampot niya ang cellphone, at ng mabosesan, ay ibinaba nito ang receiver ng teleponong de linya.
Masiglang boses ang bungad ng tumawag na Heneral David Marasigan.
Hello Don Luis, magandang hapon po. Si David po ito. May sigla sa tinig nito.
David magandang hapon din sa iyo tumigil si Don Luis.
Ano pong balita Don Luis?
Tawagan mo na ang lahat David, malapit na ang Bukang Liwayway. Matatag ang tinig ng matanda
Totoo po Don Luis ?
Oo David... Sisindihan ko na ang ilawan, ang Tanglaw" . O sige magpapaalam na ako.
Sa mabilis na pag-uusap ng dalawa ay waring may maliwang na pagkakasunduan.....
... May planong nakalatag.0 -
At sa pag-katapos ng pag-uusap ng dalawa ay siyang sisindihan ni Don Luis ang ilawang nakadikit sa kanyang mesa. Isang tanda at pag-sasagisag na nagsimula na ang plano.
Samantala, sa kabilang dako naman napabuntong hininga si Gen. David Marasigan habang itoy nakaupo. Waring nag-papabalik balik sa kanyang isipan ang mga katagang sinabi ni Don Luis sa telepono kani-kanina lang.
Tawagan mo na ang lahat David...Malapit na ang Bukang Liwayway"
Napa-isip ito ng malalim, waring hinahanap ang sarili at damdamin, kung anong iuukol sa mga narinig sa matanda.
Nagpunta ito sa kabilang silid. Kinausap ang sekretarya at isang sarhento.
Tinanong ni Gen. David Marasigan kung tapos na ang mga trabahong pinapaapura nito. Dahil sa mga araw na walang pasok (holiday) ay natambakan ng trabaho ang opisina. Nang malaman ng Heneral na naihabol ang mga trabahong dapat tapusin ay pinauwi na niya ang mga ito.
Bagaman matagal ng tumigil sa paninigarilyo ang Heneral, ay pahabol itong humiram ng isang paketeng sigarilyo at posporo sa kanyang sarhento.
Nakaalis na ang sekretarya at sarhento.
Nagsindi ito ng sigarilyo at nagtungo sa bintana. Nakatuon ang mata ni Gen. Marasigan sa kabilang gusali. Sa intelligence building.
Waring nagniningas din ang mga mata ng Heneral sa tuwing hihithitin ang sigarilyo. Malalim itong nag iisip.0 -
Ibinuga ang huling usok ng paubos ng sigarilyo, saka pinatay ang baga sa asthray sa kabilang silid.
Nag balik ito sa kanyang opisina, isinara at ni-lock ang pinto. Nagpunta si Gen. Marasigan sa isang frame sa ding-ding, tinanggal iyon sa pagkakasabit at inilapag sa sahig. At sinimulang ikutin ang lock ng kanyang safety vault. Matapos makapa ang kumbinasyong numero ay binuksan iyon at kinuha sa loob ang isang CD, na naglalaman ng file...ng mga datos at pangalan.
Pumanaog ang Heneral at nagpunta sa kabilang gusali, sa Intelligence Building. Nang makita sa loob ang isang Koronel na pakay, ay inaya niya iyon sa parking lot. Sa loob ng sasakyan ay nag-usap ang dalawang opisyal ng militar. Bago naghiwalay ay iniabot ni Gen. Marasigan ang CD sa kaanib na Koronel.
Sa araw na iyon, Abril 9, 2007 . Matapos ang mabilis na pag uusap ni Don Luis at Gen. David Marasigan at ng Koronel, ay nagsimula ng gumapang ang mahalagang mensahe.
Halos dalawang libong tao, sa loob at labas ng bansa ang makakatanggap ng maiksing mensahe na magsisilbing paalala na dadating na ang mahalagang araw na pinaka-hihintay ng kanilang kapatiran.0 -
At nang sumunod na araw ay isang madamdaming tula, ang binigkas ng isang makata sa isang istasyon ng radyo.
Tanglaw
Yaring panunumpa,
O yakapin mo nga
At buhayin ang dugo
Nang mga dakila
Diligin ng apoy
batingaw at tanglaw
Hinog na ang sigya
Ng bukang liwayway0 -
Bukod sa istasyon ng radyo, ay inilathala din ang Tanglaw sa isang ekslusibong website na may titulong SMA-1945. Ang tula ay nagsilbing hudyat sa inaabangang kompirmasyon...at upang magkita-kita ang halos dalawang libong mga kaanib ng Panata, isang kapatiran ng mga kalalakihang nagtapos sa Salvador Memorial Academy.
Ang Salvador Memorial Academy 1945 ay isang maliit na paaralang pang-sekondarya na itinatag noong 1945, sa isang liblib na lugar sa isla ng Visayas. Ipinangalan ng sumakbilang-buhay na Capt. Emiliano Cruz ang paaralan bilang pagpupugay sa kanyang amang Don Salvador Cruz, na pinaslang naman ng mga pwersang Kastila, noong 1897. Ang pagpapatayo ng paaralang ay nasimulan ni Capt. Emiliano Cruz noong 1940. Ngunit naantala ang pagpapatayo, na nooy nasa kalahatian na, ng sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941.
Iniwan ng mga kaanib, na nagmula sa ibat ibang sektor ng lipunan, ang kani-kanilang ginagawa. Ang ibang nasa labas ng bansa ay nag-bitiw sa kani-kanilang tungkulin upang mag-bigay daan sa tawag ng kanilang sinumpaang Panata. Ang halos ng lahat ng kasapi ay naging matagumpay sa kani-kanilang propesyon, negosyo at hanapbuhay.
Nagsi-balik sa Pilipinas ang nasa labas ng bansa. Ang nasa Visayas at Mindanao ay lumuwas patungong Luzon.
Sa pangunguna ni Don Luis Bernabe, Victor Maghirang, Atty. Delfin Torres, Gen. David Marasigan, Abraham Torres, kapatid ni Delfin, at iba pang pinuno ng kapatiran ay nagkasundong ilunsad na ang "OPLAN SALVADOR" , ang buod at sinasagisag ng "Panata"... sa mga susunod na buwan.0 -
Buwan ng Mayo 2007
Nag simula ng maganap ang mga lihim na pag pupulong ng Kapatiran.
Samantala. Nang matapos na ang mga transaksyon patungkol sa pagbebenta ng 90 porsyento ng negosyo ni Don Luis Bernabe, ay dinala ni Atty. Torres sa mansyon ang isang itim na polder.
Nakapaloob sa itim na polder, na gawa sa balat, ang makapal na buslo ng dokumento na nagtataglay ng napakalaking kayamanan, buhat sa mga ipinagbiling kumpanya. Bagaman naging matagumpay ang mga kumpanyang pagaari ni Don Luis Bernabe sa mahabang panahon, ay maituturing na lamang siyang bahagi ng kasaysayan sa kalakalan, sa kanyang panahon.
Ang makapal na itim na polder ay nangangahulugan ding dumating na sa pagwawakas ang Salvador Corporation.0 -
KABANATA III
Salvador Cruz 1845-1897
Tayabas, 1843 ( now Quezon province )
Nakahinga ng maluwag ang binatang si Lucio at ang kanyang lolo Lazaro, kapwa magsasaka, ng maramdaman nilang nilubayan din sila ng mga Guardia Sibil. Alam kasi ng maglolo na matagal-tagal na silang minamanmanan. Maaring kumbinsido na ang mga awtoridad na hindi kabilang ang mag-lolo, sa mga kaguluhan at pag-aaklas na naganap sa kanilang nayon at karatig na lugar, noong nagdaang dalawang taon (1841)0 -
Kilalang tahimik na lugar ang nayon ng Isabang, bahagi ng lalawigan ng Tayabas hanggang isang Apolinario dela Cruz, na kinilala at binansagang Hermano Pule. Si Hermano Pule ay isang binatang may malikot ngunit malawak na pag-iisip, Naging tanyag si Hermano Pule ng itinatag nito ang Confradia de San Jose. Isa sanang mapayapang kapatiran ang Confradia, na ang tanging layon ay magkaroon ng malayang pananampalataya ang mga pangkaraniwang mamamayan sa kanilang lugar. Ngunit nabahiran ng paghihinala ang mga awtoridad na Kastila, dahil sa mabilis na paglaganap ng samahang Confradia. Kalaunan, ang paghihinala ng awtoridad at mga frayle, ay nauwi sa pang-uusig at panggigipit. Itoy simula at naging dahilan, upang maging mailap ang samahan, hanggang sa bandang huli ay tuluyan na itong tumindig at napilitang mag-aklas, upang ipag-tanggol ang kanilang ina-akalang karapatan. Naging madugo ang engkwentro ng tangkain ng mahigit kumulang na 300 Guardia Sibil, sa pangunguna ng Alkalde-Mayor Juan Ortega, na nag-utos dakpin si Hermano Pule, iba pang pinuno, at upang buwagin ang samahang Confradia. Ikinasawi ng Alcalde-Mayor ang nabigong pag-atake at pag-aresto sa pinuno ng Confradia. Ang pagkamatay ng Alcalde Mayor ay naging dahilan upang lalong mag-apoy sa galit ang mga Kastila kay Hermano Pule, na noo'y nakatakas, at libo-libong kasapi nitong nanindigan. Bunsod nito, Isang mas-malaking pwersa ang muling binuo upang buwagin ang pag-aaklas. Sa pagkakataong iyon, Nobyembre 1841, ay nahuli si Hermano Pule. Matapos maaresto, ay hinatulan ng kamatayan.
Hindi nagtagal, sa Plaza ng Tayabas, ay pinugot ang ulo ni Hermano Pule. Buong pangungutya at pagmamalaking ipinakita ng hukbong Kastila at mga frayle ang poot sa pinuno ng Confradia. Dinala at ibinitin ang ulo ng Hermano, sa kanyang bahay sa Lucban. Itoy upang balaan at takutin ang mga mamamayang may mapag-aklas na kaisipan, at mag-tatangkang lumaban sa pamahalaan ng mananakop na Kastila.
http://www.elaput.org/chrm1841.htm0 -
Bagaman mulat ang isipan sa mga kaganapan, ay pikit matang tinanggap ni Lucio ang nangyayari sa kanyang paligid. Pinilit nitong supilin ang nararamdamang lihim na paghanga at simpatya sa namatay na pinuno ng Confradia. Mas nanaig sa kanyang sarili ang paniniwala sa matahimik na buhay. Isa pay , higit lalong kailangan siya ng kanyang lolo Saro, na nooy lalong lumalala ang katarata sa mata, dahilan na nakaapekto, sa pagbagal ng kilos, dahil sa tuluyang panlalabo ng mga mata ng matanda.
Maagang naulila si Lucio. Ang mga magulang ay kapwa kinitil ng sakit na tuberkulosis. Naiwan si Lucio sa pangangalaga ng kanyang lolo Saro, na kinilala sa kanilang nayon, noong nasa kabataan pa, na isang mahusay at masipag na magsasaka. Isa lamang sa mga dahilan ang kanyang lolo, kayat nagagawang disiplinahin ang sarilit pagtuunan ng pansin ang munting lupaing sinasaka. Binabalak niyang dalhin sa Maynila ang lolo, upang doon ay ipagamot, kung sapat na ang maiipon nito sa pagsasaka. Ang isa pang dahilan kung bakit , waring hindi apektado at naging manhid si Lucio, sa mga kaganapan sa kanilang nayon, karatig na lugar at lalawigan, ay sa dahilang isang dalagang tinatangi sa kanilang nayon ang waring nag-papainog ng kanyang mundo. Ang tibok ng pusong nadarama nito sa isang dalaga ay naging bahagi, at nag-uudyok upang tahakin ni Lucio ang simple at tahimik na buhay.0 -
Sinasabing pinagpala ang nayon ng Isabang, dahil sa pagkakaroon ng matabang lupa, masisipag na kalalakihang sumusuong at nangangalaga ng bukirin, at pagkalooban ng nag-gagandahang mga dilag.
Naging popular sa nayon ang mag-asawang magbubukid na Aling Dolor, ang butihing maybahay ng ma-prinsipyong si Mang Ador. Lalo't sa mga kalalakihan. Itinuturing kasi ng marami na namumukod-tangi ang taglay na kagandahan ng kanilang dalawang anak na si Ligaya at Amihan. Maging sa mga mata ng anak ng prominenteng pamilya, ay hindi nakaligtas ang kagandahan ng dalawang anak. Ngunit sa dinami-dami ng nakikipag-palagayang loob sa mag-asawa upang suyuin, haranahin...ay pinalad na mapalapit sa dalawang dalaga... ay ang magkaibigang Mario at Lucio.
Piling awitin para sa Kabanata
http://www.youtube.com/watch?v=RsbFgQ7ODqI&feature=player_embedded#!0 -
Walang bakas ng pagtutol kay Mang Ador ng isang araw ay magtapat ang panganay na Ligaya, ukol sa nararamdaman sa binatang Mario. Matagal na rin naman kasing nanuyo ang binata. Isa pay kilala niya ng lubusan si Mario. Maraming pagkakataong nakitaan niya ng mga katangiang magiging isang mabuting asawa at padre de pamilya ang binata. Kayat isang gabi nang mamanhikan si Mario, kasama ang mga magulang, ay naging maaliwalas ang tagpo. Hindi nagtagal ay ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawang nag-iibigan. Kasunod niyon ay bumukod ang mag-asawa sa maliit na tahanang naipundar ng lalake.
Piling Awitin sa Kwento/ Sa Libis Ng Nayon
http://www.youtube.com/watch?v=6D0C_cRQ8wM&feature=related0 -
Makaraan ang kasal ay nagkaroon ng bulung-bulungan sa nayon. Bagaman mayroong mga humahanga sa mga magulang ni Ligaya dahil sa hindi panghihimasok sa napusuan at pinakasalang Mario, ay mayroon ding hindi nakatiis sa mga umpuk-umpukan na magbulalas ng kanilang saloobin. Hindi maunawaan ng ilan ang katwiran ni Mang Ador, si Aling Dolor naman kasi ay magiliw lamang na nagtitiwala at umaayon sa kanyang asawa. Ipinagtataka ng iba ay kung bakit hindi pinagtulakan ng mag-asawa ang mga anak sa mga nanunuyong mararangya at may kaya sa buhay. Hindi lubusang maunawaan ng ilang kanayon na mahalaga kay Mang Ador at Aling Dolor ang kaligayahan ng mga anak.
Sa isang kasiyahan. Isa sa napa-ngisi sa pag-iisang dibdib ni Mario at Ligaya ay si Maximo Contreras. Isang mestisot nag-iisang anak ng hasyenderong Don Franco at Doña Alegra Contreras, Bukod dito, si Maximo ay pamangkin ni Primitivo Contreras, isang Tinyente ng makapangyarihang Guardia Sibil ng Isabang. Ang Tinyente ay nakababatang kapatid ni Don Franco.
Ah! principio gracioso y estúpido del amor. Coños, Haha at bakit ka nagpatalo kay Mario, amigo, ha Alfonso? Ito ang bulalas ni Maximo kay Alfonso na dating manliligaw at karibal ni Mario kay Ligaya.
Uminom pa tayo Alfonso yaya ni Maximo sa na-insultong kaibigang sawi sa pag-ibig.
Baka naman kay Amihan ay ganyan din ang mangyari sambit naman ni Alfonso kay Maximo na nooy napatigil sa pag-ngisi ang mukha.
No, no! yo no sé si yo jamás puedo tomar tal insulto, Hindi ko kaya ang ganyang insulto amigoIto ang namutawi sa bibig ni Maximo.0 -
May dapat na ipag-alala si Maximo, dahil hayag sa kanilang lugar ang pagiging malapit ni Amihan sa masugid na manliligaw na si Lucio, na kanyang karibal. Lalot malugod ang pagtanggap ng magulang ni Amihan sa tuwing bumibisita at nang-haharana ang binatang magsasaka.
Sunog man ang balat sa sikat ng araw, ang matikas na mukha at pangangatawan, na hinubog ng kasipagan ni Lucio ay naging dahilan para mag-paramdam ng pag-kabighani ang maraming kababaihan sa kanilang nayon. Ang pagiging magalang at pagka-matulungin ay umani rin ng paghanga sa Isabang. Kaya naman nabihag din ang puso ng napakaganda at karinyosang si Amihan. Sa tuwing mag-kasama ang dalawa ay nagiging pukulan sila ng biruan ng mga kababaihang kaibigan ni Amihan.
Isang araw ay nagulat ang maraming mag-bubukid, dahil sa biglaang pag anunsyo ni Don Franco sa kagustuhang palawigin ang nasasakupan nitong pag-aaring Hasyenda. Nakapag-tatakang mataas ang turing nito upang bilhin ang mga munting sakahang inaari ng ilang mag-sasaka. Halos lahat ng magsasakang may pag-aaring sakahan ay inalok ng magandang presyo. Kayat nang magkita si Lucio at Mario, ay naging laman iyon ng kanilang usapan.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, Lucio. Nami-mili ng kaibigan ang mga Contreras. Sa halagang inaalok ay desido sila. Ngunit kung ganoon man, ay bakit hindi nila gustong bilhin ang sakahan ng aking biyenang Mang Ador, at ang alok nila sa kanya ay siyang mamahala ng lahat ng lupang mabibili ng Contreras sabi ni Mario kay Lucio.
Si Amihan, Lucio! Ang aking hipag! Iyan lang ang nakikita kong dahilan. Ganon kasidhi ang pagtingin ni Maximo kay Amihan. Gumagalaw na sila Lucio, pinakikilos nila ang kanilang salapi dugtong pa ni Mario
Alam ko Mario, Alam ko Nakayuko at waring lumilipad ang isip na sumagot ang Lucio sa kaibigan.
Piling Awitin: http://www.youtube.com/watch?v=lRwX2V06Ias0 -
Samantala. Isang gabi, matapos makapag-hapunan...ay sinabihan ni Mang Ador ang anak na Amihan na mag-uusap sila ng masisnsinan, pagkatapos ng pagliligpit nito sa hapag kainan.
Nakaupo sa harap ng bintana ang mag-asawa ng lumapit si Amihan.
Ano po yon Ama? Bakit po? usisa ni Amihan.
Nag-katinginan ang mag-asawa bago ginawi sa anak ang paningin.
Maupo ka muna, anak, Wika ni Aling Dolor.
Nag-simula si Mang Ador Alam kong nasa wastong isip ka na anak batid mo't nauunawaan ang mga nangyayari.
Nagapatuloy ito. " May mga nang-uudyok sa akin...nag-sasabing maganda raw ang oportunidad na inilalapit ng mga Contreras sa atin. Ngunit alam natin na hindi sila gagawa ng ganyan, kung walang kapalit.
Sinundan iyon ng tanong.
Mahal ka ba ni Lucio? Amihan
Waring lumukso ang dugo ng dalaga sa narinig at walang atubiling sumagot.
Opo, Ama ko
Alam namin Amihan, gusto lang namin marinig ng iyong ina mula sa iyong bibig
At nasisiguro namin na mahal mo siyadagdag ng ina.
Opo, ina ko, Mahal na mahal ko po si Lucio, magiging maligaya po kami sa isat isa
Napangiti si Aling Dolor sa sagot, itinaas ang dalawang kamay upang palapitin ang anak. Nag-yakapan ang mag-ina.
Tumayo at lumapit ang padre de pamilya at umakbay sa kanyang mag-ina.
Bueno, bukas ay haharapin ko ang inatasang katiwala ni Don Franco na pupunta dito. Anong gusto mong sabihin ko Amihan? Gusto mo bang sabihin kong, hindi ko, hindi natin, ipinagbibili ang iyong pag-ibig. Nakangiting sabi ng ama.
Namumugto man sa luha ang mga mata, ay nagdulot iyon ng liwanag ng kasiyahan sa maamong mukha ng anak.
Salamat po ama ko, ina. Napakabuti ninyo sa amin sabay niyakap muli ang ina.
Bukas iha, ay papuntahin mo si Lucio dito, gusto ko syang makausap wika ng ama.
Nagpatuloy ito Pansamantala, ay wag kang masyadong magla-layo, magpasama ka palagi sa mga kaibigan mo.
Tumalikod si Mang Ador at itinukod ang dalawang kamay sa tukuran ng nakabukas na bintana.
Bakit Ador? Usisa ng maybahay na waring may nabasa sa mukha ng asawa.
"Wala, walang dapat alalahanin, Dolor" sagot nito. Ngunit ang totoo'y hindi sinabi ang niloob. Alam kasi ni Mang Ador na hindi magugustuhan ni Maximo, oras na makarating ang balitang tinanggihan niya ang alok na pamahalaan ang mga sakahang nabili ng Contreras.0
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community
In this Discussion
- leon azcarraga 39 posts