Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

Balikbayan pasalubong sa mga kamag-anak

After 5 years away from home, uuwi ako sa Pinas...ano mas practical, bili nalang sa duty free or send balikbayan box or isama na lang silang mag-shopping sa Manila or perahin na lang?

Ang dami kasing kamag-anak and I don't know what to do na kahit papano di naman mabubutas ang bulsa ko...

minsan nakakatakot na umuwi kasi andaming kamag-anak na naghihintay...

miss ko naman sila lahat pero syempre hirap na ng buhay ngayon...

yong balikbayan box is almost Php 5,000 na...kaya naiisip ko perahin na lang or sa duty free na lang sa Manila...

isa pa di ko alam ano bilhin for them..perfume, chocolates,etc..etc...

magkano na ba 1 box of chocolates sa Manila--like Lindt, Ferrero,Tobleron,Cadbury?

how much is a perfume now sa Manila?

Thank you!!!
«1

Comments

  • TS: Ask ko *** kung san location mo as of the moment. Kasi dito sa area ko, sending boxes is cheap $50 sa MM and $75 sa mindanao. Suggest ko sayo padala ka ng box a month or two before ng scheduled flight mo. Then pasabi ka in advance na wag nilang buksan until pagdating mo. Para you can do the actual distribution. Or if kaya pang isingit sa baggage allowance mo, you can bring it with you pauwi. Di naman ***** kailangan mamahalin yung pasalubong mo.If you are planning to give out chocolates wait after halloween, chocolates are very cheap. Or better yet try to look for factory outlets in your area. Then don't limit sa food and perfumes. Pwede naman stuff like lotions, shampoo, coffee, bath towels, soap, make-up ( like yung mga buy one get one sa Walgreens), etc. Ang importante your kamag-anak would feel na naalala mo sila. For example, I send out a box of Splenda for my aunt na my diabetes. Of course depende na rin yun sa kung gaano ka-sosyal relatives mo.. :) I'm sure you know what I mean. :) Always bear in mind parang first date yan, If sinanay mo sa mahal na dinner ang ka-date, chances are she will look for that the next time you go out.
    I think mas magastos if you will take them shopping. You will be placed in a situation na di ka maka-hindi on whatever na pinili nila. So definitely masisira budget mo.
    I hope may sense yung suggestions ko. :)
    Enjoy your vacation and have a safe trip home.
  • glamorous03glamorous03 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    suggestion ko.. mas mabuti kung.. dyan ka na lang bumili ng mga pasalubong mo.. kasi mas magiging masaya sila dahil iisipin nila imported, alam mo na, then get some lotion , sabon, toothpaste, kahit chocolates lang masaya na sila.. then bigyan mo ng pera.. pede na yan..

    have fun sa paguwi mo! =)
  • tama running kat.. maganda nga yung mga suggestions mo.. nabigyan mo din ako ng idea, magbabakasyon din kasi ako sa December kaya medyo magastos, ang suggestion ko lang eh much better kung magpa-package or pa-sea cargo ka na lang, mura na tapos wala pang limit ang kg unlike sa air cargo na 15days maximum, matatanggap nga agad ng mga kamag-anak mo yun padala mo kaya lang eh per kg ang bayad.. be practical lang po.. sa case ko kasi eh and2 kasi ako ***** sa uae, so kung magpapa-sea cargo ako eh normally 45days to 60 days bago matanggap ng mga kamag-anak ko yung padala ko.. depende yun kung saang lugar ka nandon, vacation ko na ng mid of december kaya dapat eh naipadala ko na yung package ko first week of november.. yung *** eh calculate mu na lang kung saan ka nandon..

    Tapos xempre, yung kalimitan namang mga nasa package eh sabon, toothpaste, damit, chocolate, perfume, shoes, caps, asukal, kape, gatas, mantika, juice etc.. Hindi naman importante na branded ang kailangan mong ibigay sa mga kamag-anak mo sa pinas, kahit hindi branded basta imported like sa case ko ulit, pumipili ako ng mga brands na normally dito lang sa uae meron at may arabic na sulat (dun ba sa contents) para atleast, malaman nila na galing talaga yun dito.. iba kasi ang dating nun eh "imported daw", sosyal na un.. hehehhehe.. (turo lang yun sa akin ng friend ko.. hehehhe), yung iba ngang kamag-anak, mabigyan mo lang ng bath soap, konting chocolate, at toothpaste eh presto.. ayos na.. masaya na sila.. ang importante kasi eh mahalaga.. lol.. ahehheh.. seriously, ang importante kasi eh maalala mo sila kahit sa ganung kasimpleng bagay..

    hope na nakatulong ang suggestion ko, nasabi na kasi sayo lahat ni running kat..
  • I disagree, i suggest you buy stuff there na diyan mo lang makikita like souvenir shirts pero kung grocery items lang - bumabaha dito ng lahat na. Go check S&R sobra daming choices. Electronic items naman halos hindi na din nagkakalayo. Magdala ka na lang ng madaming cash.:D
  • Thanks to all your suggestions...it's really helpful!..dito ako sa Calgary, Alberta...i think yong balikbayan box na nga ang gagawin ko for practical reason...$115 dollars dito plus $5 dollar tip sa mag-pick up.

    wala masyado mabili sa calgary :( sa toronto dati di masyado problema pasalubong kasi maraming outlet..nag google ako diyosmiyo walang outlet dito...

    sa toronto non nakakabili ako mga branded na make-ups and perfumes for $12..and yong work ko dati sa Nestle we get to bring home bags of chocolate every Friday...

    kahapon pumunta ako sa costco to buy chocolates nagulat ako sa presyo...kaya pala tuwang tuwa housemates ko non kasi lagi ko sila iniiponan ng ipadala nila sa relatives nila...before i left them nag-iwan ako sa kanila ulit ng 1 medium box ng DHL na pinuno ko choclates (kit kat, coffee crisp,aero,after 8,smarties..etc..etc..) para share silang 3.

    sa january pa ako uuwi so siguro after holloween na nga ako buy ng chocolate...i still have some time to prepare..thanks to you all for giving me some ideas


    by the way nagpapadala ako ng medicines sa mom ko non..mga ointment,liniment and pain releivers, for cough and cols tablet--ewan ko kung talgang may difference pero parang mas mabilis gumaling sakit nila pag imported...psychological na siguro yong iba don..hhhahaha

    sa mga uuwi,enjoy kayo!
  • I disagree with jay372011, iba kasi yung kahit simpleng mga groceries lang na galing sa ibang bansa, atleast eh masasabi nila na imported yun kesa pera..
    and to jahnna, go lang, send ka na lang ng balikbayan boxes sa pinas, mauuna pa *** akong umuwi *** eh.. hahaha..

    san ka ba sa pinas??
  • sa lahat..marmaing salamat ulit!!!

    to pinoy in uae oonga eh sana makarating yong box na maayos..worried ako baka madelay dahil sa nangayari sa pinas....

    gagawin ko din advise ni running kat,patapusin ko halloween para makaramii ako sa chocolates...

    off peak season uwi ko kasi mas mura pamasahe..
  • jahnna kung mamimili ka ng chocolates maganda ngang mamili after halloween

    or sa halloween mismo, sobrang mura ng mga chocolates
    kasi pinapaubos nila
    madalas puro $1 nalang kahit na yung malalaking packs pa

    nung umuwi ako ginawa ko din eh nagpadala na ng balikbayan box mejo mas mura nga lang ng onti dito samin kesa jan sa inyo sa alberta

    ginagawa ko din eh kapag namimili ako ng damit, tapos natsempuhan na may mura at pwedeng ipadala sa pinas eh binibili ko na agad, tapos tinatago ko nalang, para bang nagiipon ng mga gamit na pwedeng ipadala. para pakonti-konti lang ang gastos at di isang malaking bagsak.
  • bakit? ano sales event after ng halloween jan sa continental north america?
  • Kami din uuwi ng Pinas..kaya sort of nagkalat na ang mga pasalubong dito sa bahay. :) Tama yung suggestion ni keyjey na kung makakita ng magandang deal sa shoes or damit, bumili ka in advance then just keep it. Kung chocolates naman sa factory ako bumibili. 25 lbs na Ghiradelli chocolates $25 ***, then yung premium nila $1 per bar. 70% ang difference sa markets at grocery stores price.

    maragul, big deal yung trick or treat so lahat ng grocery stores sangkatutak yung stocks. Then after holloween wala na masyadong bumibili in bulk so sale na lahat. Di *** naman sa holloween yan. Mura ang summer clothes after summer kase new season naman. After taglamig wala ng bumibili ng boots/coats so up to 70% ang discount.
  • jahnna, naku kung first time at marami kang kamag-anak...sanayin mo na sila sa simpleng pasalubong kung hindi hahanap-hanapin nila yun. kung sa family mo, yun dun ka magbigay ng mga pabango, damit, etc.

    mas mura bumili dyan kaysa sa pinas. minsan halos pareho lang, pero at least dyan kontrolado mo yung gastos.

    hati-hatiin mo na yung ibibigay mo sa bawa't kamag-anak. oks lang yun kahit chocolates. kapag iba-iba kasi yung bigay naeexperience ko ay nagkakaroon ng inggitan...lalo na sa mga bata.
  • thanks for sharing your experiences pagdating sa pasalubong..first time ko kasi umuwi sa atin ng matagal...puro mga first cousins yon mom ko ...close kasi kami sa kanila (mother and father side ng mom ko)...medyo marami...both manila and sa hometown namin sa cagayan..kaya walang ligtas..hehehehe...from lolo ,lola,auntie uncle..down to pinsana..hayy mga pinsana nga may anak na rin....huhuhuuhuhuhuh...

    2lang kami magkapatid..tas 3 lang sina mommy but the extended family is bigggggggggg!!!! average 5 sila sa isang family..and the biggest is 11 per family!...

    definitely susndin ko mga payo nyo...

    m browsing nga din sa ebay pero no luck..and baka masasayang lang pera ko...

    ang pag-asa ko lang dito sa calgary na bilihan ng whole sale is costco..and maybe walmart...

    wala madaming bilihan dito...butas talga bulsa..hahahahaha :D
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    suggestion ko.. mas mabuti kung.. dyan ka na lang bumili ng mga pasalubong mo.. kasi mas magiging masaya sila dahil iisipin nila imported, alam mo na, then get some lotion , sabon, toothpaste, kahit chocolates lang masaya na sila.. then bigyan mo ng pera.. pede na yan..

    have fun sa paguwi mo! =)

    You know when I was in college I was so against sending them stuff from here because it was so vain to buy the same products instead of buying them important stuff that would fit in my mom's box, or just giving money. But my mom made a good point: if it makes them happy, however it is, is what makes it a better gift. Effin a, I was sold.
  • jahnna, ganyan talaga pag first time hehe. ako din nga bongga nung perstaym. pero kahit may pasalubong ka pa, minsan nagpapalibre pa din. kaya kung ako sa iyo, yung wag masyadong mahal bilhin mo dun sa extended family. magpakain ka na lang...yung mga lalaki, hanap kadalasan nyan yosi or alak hehe.
  • @ running kat,
    yun pala yun! daming sale pala talaga sa canada & US pag ganyang season...
  • haayyy kung magpakain sa amin....buong barangay or isla ang dadating di kailangan ng invitation!..hehehehe...but i think it will be fun...mababait mga tao sa amin...madami tumutulong sa amin without expecting anything in return....kaya nga ako pressured kasi madami kaming utang na loob sa kamag-anak at kababayan!...

    i could feel the pressure now pa lang..takot na ako sa word na BALIKBAYAN!...

    last night i couldn't sleep thinking--magkano magagastos namin.
    miss ko lang talga kasi lolo ko..

    miss ko buko and sabaw ng niyog,miss ko talbos ng kamote,miss ko malunggay,miss ko isda..miss ko lahat.....PRICELESS :P
  • ruddervator78ruddervator78 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    eh sabon, toothpaste, damit, chocolate, perfume, shoes, caps, asukal, kape, gatas, mantika, juice etc..
    hope na nakatulong ang suggestion ko, nasabi na kasi sayo lahat ni running kat..

    asukal saka mantika? bakit
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    isama mo na jan sa box mo yung ibang gamit mo jan na di mo na ginagamit like shirts, bags, shoes. ma appreciate nila yan. then basic stuff like chocolates (kasi isang bag madaming laman), mga sabon in large packs, perfume na maliliit.

    pero wag mo masyadong sanayin at ipaabot pa sa mga distant relatives. hindi naman talaga kailangan.
  • asukal saka mantika? bakit

    yeah.. ganun na nga, since magpapa-aircargo ka naman at no limit ang kgs mo eh pde mo ng samahan ng mantika at asukal.. ewan ko, yun ang bilin ng kamag-anak ko sa akin bago ako umalis ng pinas, saka yung mga room mate ko, everytime na nagpapabagahe sila ng pinas eh kasama yung mga yun, katwiran nila mas mabuti ng magpabagahe ng ganun, sa pinas kasi mahirap bumili ng mga groceries gaya nun in big sizes, normally eh tingi-tingi lang **** kung makakabili ka don..

    2 kasi kami ng kapatid ko na nasa abroad, asa egypt ** and ako naman eh ** sa abu dhabi, and ako pa lang samen yung nakapagpabagahe na sa pinas, and nung nareceive nung nanay ko yung bagahe ko eh tuwang-tuwa **, iba daw *** yung feeling ng may narereceived kang package from abroad.. iba kz ang epekto ng imported sa mga tao sa pinas eh..

    tama yung mga ibang nagsuggest **, anything na mabibili mong mura at sale eh bilhin mo na para makatipid ka, like ** sa uae, after eid nagmura ang mga bilihin ** kaya after eid ako namili ng ipapabagahe ko sa november, konti-konting ipon.. parang yung ginawa ni claudine barreto sa movie na milan ba yun?? ganun.. ipon lang ng pakonti-konti..
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^grabe naman yan asukal at mantika, unless na lang siguro olive oil at Equal. :hiya:
Sign In or Register to comment.