COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.
Nandadaya ka ba sa exams???
in The Academe
Aminiiin....
Minsan, kahit ilang beses nangopya ka rin diba. Malay ko ba baka nangodigo ka pa sa finals...
Minsan, kahit ilang beses nangopya ka rin diba. Malay ko ba baka nangodigo ka pa sa finals...
Comments
Akala ko malupit na ako kasi gr3 ako nag-start...grabe may mas malala pa pala sakin!
Religion class pa naman yon...tapos pinapa-memorize kami ng mga bible verses, tapos you also have to remember kung anong chapter, kung san book galing, ganyan (mga tipong John 3:2-6, basta something like that). E hindi ko talaga mamemorize yung mga walang hiyang numbers na yan. Kaya nag-kodigo na lang ako
nangopya...
tumingin sa notebook...
pero hindi ako nangodigo.
Pero hindi ako "chronic cheater".
Bihira lang mangopya.
Sa Phys 104 exams, multiple choice kaya medyo madaling makakopya. We are in a big room that can seat 100+ students. Meron kaming dalawang sobrang talinong classmates, btw they're among the topnotcher sa ECE 1999 board exam, nakaupo sila sa gitna ng rm tapos lahat nang gustong kumopya upo lang sa row na yon. Yung dalawa they compare their answers kung tama and even discuss the answer kapag magkaiba sila. Kapag may sagot na sila ipapakita naman nila sa katabi nila hanggang sa mapunta yung sagot sa dulo ng row. Ganon.
Ang tawag nga pala namin sa kanila ay Network Servers.
HEHHEheh
People=Sheep
Wais!!
Kahit may computer ka o wala, ang mga computerized assignments pinapagawa sa isang tao lang. Kaya pag pasahan na ng assignment, lahat magkakapareho ang papel at sagot, font lang ang nag-iba (para daw hindi mabisto)
Hihihihi
NOT!!!!!!!!
(tama bang sirain ko ang reputasyon ng alma mater ko...) pero totoo naman eh....
hinde ha...