FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

GMA Films: Premonition (Starring Robin Padilla & Rhian Ramos)

1679111219

Comments

  • broadsbroads Fire & Blood PExer
    love the poster! it has that along came a spider feel to it with slight unbreakable - the colour is so ominous:D
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    ^good breaks for all the actors/actresses co-starring with robin padilla...matagal-tagal na rin silang walang mga pelikula especially sunshine and hero :)

    ^mukhang screamfest naman after all the local romance flicks *okay*
  • TheGreatBadmikeTheGreatBadmike Banned by Admin PExer
    mr_boy007 wrote: »
    Eto na ang official Poster! :love:

    n641561558_1546048_5899451.jpg

    ang ganda nito dude :D

    subukan ko makahanap ng malaki. thanks *okay*
  • yanmyyanmy Treacherous PExer
    l_fde945ba76a94f119c3470421fa92ff7.jpg
  • cullen_edwardcullen_edward Member PExer
    mr_boy007 wrote: »
    Sa March 18 na!

    [highlight]Parating na ang iyong SUNDO !!![/highlight]

    n641561558_1546048_5899451.jpg

    Margaret Sunshine Dizon wrote at 12:38pm
    inviting everyone to please watch "S.I.S" live on MARCH 5 to see the cast of "SUNDO" and join us with MR.ROBIN PADILLA for mall shows on the following dates; MARCH 7 4:30pm at SM NORTH EDSA and 6pm at SM SAN LAZARO,MARCH 8 6pm at SM VALENZUELA,MARCH 14 at SM TAYTAY. please watch "S.O.P" on MARCH 15 for the grand launch of "SUNDO". and on MARCH 17 join us for the premiere of "SUNDO" at MEGA MALL CINEMA 10. please watch and support us "SUNDO" showing on MARCH 18. KILALANIN ANG IYONG SUNDO!!!


    *okay*
    parang poster din ng "Ouija"... i just hope this is a lot scarier than the former.???
  • cullen_edwardcullen_edward Member PExer
    jg11.30 wrote: »
    mr_boy kapuso, im not bitter. walang
    masama sa pagsasabi ng totoo,

    saan ka naman nakakita ng bulag na
    nakakita ng multo. :lol:
    i guess the movie is fictional and not based on real-life story so anong masama kung ang bulag nakakita ng multo???

    ...sobrang ordinary naman kasi kung ang may vision pa rin ng multo ay yung di naman visually-challenged na tao...
  • semikalbo05semikalbo05 Member PExer
    naku magkakaalaman na kung aling horror movie ang mas kikita...T2 versus Sundo...abangan!!!
  • TheGreatBadmikeTheGreatBadmike Banned by Admin PExer
    n527206493_1628838_3450054.jpg
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Robin Padilla avoids commenting on report that BB Gandanghari has suitors
    Nerisa Almo

    Wednesday, March 4, 2009
    04:03 PM


    2260ff6a4.jpg


    Robin Padilla, the lead star of the film Sundo and the action-drama series Totoy Bato, was surprised when asked about BB Gandanghari—Robin's brother who was known as Rustom before he changed his identity— and the possibility of her entertaining suitors.



    "Nililigawan siya? Hinimatay na ako, nasundo ako!" Robin said with a laugh. Then he seriously added, "Ang opinyon ko po diyan ay hindi na importante. Sapagkat bilang kapatid, bilang isang Muslim, napakalungkot na magbigay ako ng opinion na malulungkot din siya. Mas mainam na ako na lang ang malungkot, kami na lang ang malungkot, basta manatili siyang maligaya. Hindi na po importante iyon."



    In a separate interview with PEP (Philippine Entertainment Portal), BB Gandanghari said she was just waiting for the right time to see her mother Eva Cariño Padilla and her brothers again. Following this was a report that BB later met with her mother personally.



    Robin said he never had the chance to meet BB at that time because, "Nasa Tanay ako. Pero lahat ng papuri niya sa Totoy Bato, nakarating sa amin."



    Then the action star went back to the "ligawan" issue by saying that he would never talk about it with BB.



    "Hindi namin pag-uusapan 'yong may manliligaw," he said during the presscon of Sundo yesterday, March 3. "Kasi bubuksan pa lang niya 'yon, hihimatayin na ako, malamang masundo ako! Siguro sa personal niyang buhay, labas na kami diyan. Bilang sumusuporta na lang kay BB."



    QUEENIE IN MINDANAO. Meanwhile, Robin also gave the same support for his "newly transformed" brother to his first daughter Queenie, who is also part of Totoy Bato.



    Queenie went to Mindanao to represent her father, who is the current president of the Liwanag ng Kapayapaan Foundation Inc., in distributing food to the evacuees in North Cotabato and Maguindanao.



    Robin said that he is aware of his daughter's involvement in the causes for Mindanao, but he's not in favor of it.



    "Lahat ng punta nila doon, sarili nilang desisyon 'yon, lagi akong kontra doon," said the Muslim actor. "Kapag sinabi nila sa akin 'yon, medyo nagagalit na ako, kasi hindi biro 'yon. Kaso ang problema kasi sa mga bata ngayon, hindi ka puwedeng magsabi ng hindi. Sa kanila, basta alam nilang tama, gagawin nila, kaya susuportahan mo na lang.



    "Sa tuwing pumupunta sila doon, malungkot ako, pero wala akong magawa. Bilang magulang, pasasamahin ko ang mga magulang ko, tatawagan ko lahat ng mga kaibigan natin doon para secure sila."



    Robin added that whenever his daughter goes to Mindanao, "Ayaw ng mga anak ko [na sumama ako]. Siyempre, naiintindihan ko naman, lakad nila 'yon. Kumbaga, 'Hindi na ako kindergarten, Pa, para samahan mo ako sa mga ganitong klaseng paniniwala.' Ako, bilib ako sa mga anak ko, masyadong matatapang."



    Aside from supporting his daughter, Robin also wishes that Queenie and his second daughter Kylie, who have both entered show business, would continue their studies. He said, "Gusto kong masunod ang gusto ng mama nila [Liezl Sycangco] na mag-aral sila, makapagtapos sila ng pag-aaral, makapag-asawa."



    ROBIN LEAVES ACTION STAR IMAGE. On a separate note, Robin talked about his experience in making his new horror film titled Sundo. According to its director, Topel Lee, a different Robin Padilla will be seen in this movie.



    This was seconded by the actor himself. He said that his "action star" image was toned down for Sundo.



    He explained, "Kasi talagang binantayan ni Direk Topel at saka ng aming cinematographer 'yong bawat kilos ko, ayaw nilang mapareho sa iba. Kapag may nakita silang kapareho sa dati, ika-cut nila 'yon, sasabihin nila, 'Robin, puwede bang huwag mong panggalingin sa ilalim ang tingin mo kasi parang bad boy. Puwede bang itaas mo ng kaunti ang mukha mo. 'Yong ilaw, ililipat lang namin 'yon.'



    "Ako'y natutuwa kapag ganun kasi para sa akin naman 'yon, e. Sa katunayan, noong mga panahon na sarili ko lang ang nasusunod, hindi ako napupuna. Pero noong nag-umpisa akong maging actor's director, ako po'y nanalo ng mga awards. Kaya po simula noon, nakasalalay ako palagi sa direktor.



    "Isa po itong magandang karanasan. Ako po'y isang bayani sa gitna ng kababalaghan. Ibang-iba, e. Iba ang tema, action siya pero nasa loob siya ng horror."



    Sundo will be shown in cinemas starting March 18 and will have a premiere night on March 17 at SM Megamall in Mandaluyong City.
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Mark Bautista denies blind items linking him with actor-singer
    Nitz Miralles

    Wednesday, March 4, 2009
    06:52 PM


    1913255a2.jpg


    Sa elevator pa lang on his way to the 17th floor of GMA Network, kung saan ginanap ang presscon ng pelikulang Sundo kahapon, March 3, ay tinanong na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark Bautista tungkol sa naglabasang blind items tungkol sa kanila ng isang actor-singer.



    "Hindi ko alam," ang sagot ni Mark hanggang sa ma-interview na namin siya sa presscon proper.



    Ang unang blind item ay tungkol diumano sa pagkakabangga ng isang kotse sa isang tricycle. Nakita raw ng ilang saksi na ang nagmamaneho ay ang singer habang kasama niya sa kotse ang actor-singer.



    Ang pangalawang blind item ay tungkol naman sa pagkakakita sa singer at sa actor-singer na nagpapaalaman sa elevator ng isang condo building. Narinig din daw ng isang witness na "Mac" ang tawag ng actor-singer sa singer.



    "Nakakatawa lang dahil sunud-sunod ang labas ng blind items at hindi ko alam kung saan nanggagaling," sabi ni Mark. "Ang iba, 50 percent lang ang totoo. Gaya noong nakabangga ako ng tricycle, totoo yun, pero lolo ko ang kasama ko. In fact, tinawagan ko pa ang lolo ko na tulungan ako dahil ayaw kong bumaba at humarap. Tapos nagulat na lang ako sa nakasulat kung sino ang kasama ko.



    "Yung issue sa elevator, ngayon ko lang narinig 'yan at hindi rin totoo. Hindi ko rin alam kung saang elevator ang sinasabi sa write-up. May video raw... Ilabas nila ang video.



    "Nakakatawa at naaawa ako sa tao at hindi talaga siya titigilan. Bothered ako dahil may nadadamay sa mga isyu sa akin at hindi ko alam kung saan nanggaling. Bilang kaibigan nung tao, naaawa ako dahil grabe ang mga nasusulat," sabi ni Mark, na hindi binanggit ang pangalan ng kanyang tinutukoy.



    Dagdag niya, "Manhid na yata siya, pero alam kong nasasaktan din kahit papaano. Hindi lang siya ang tumatawag ng 'Mac' sa akin at may nasulat pang dinadalhan ako ng pagkain. Hindi lang siya ang nagdadala ng food. Pag may Sunday gathering kami, potluck kami, kanya-kanya kaming dala ng pagkain."



    Hindi raw nila napag-uusapan ng singer-actor ang lumalabas na blind item. Pero alam ni Mark na alam nito at nasasaktan, at ayaw na lang mag-elaborate. Kapag magkakasama raw silang magkakaibigan, hindi nila ito kinakikitaan na namumuroblema sa tsismis.



    "Kaya nga kung puwede, huwag na lang i-mention ang name niya sa PEP dahil hindi rin naman binabanggit ang name niya sa mga nasusulat. Naawa ako sa kanya na sobrang manhid na yata sa mga naglabasan," pakiusap ni Mark.



    MARK ON GMA-7. First time naman ni Mark na makapunta sa 17th floor ng GMA Network, kung saan ginawa ang presscon ng Sundo. Hindi siya mapakali at ayaw raw niyang gumalaw dahil naninibago ang ABS-CBN talent. Sa Q&A portion na siya na-relax, sa tabi ng cast na puro talents ng GMA-7 at naging kaibigan niya sa shooting.



    First time din niyang makatrabaho si Robin Padilla. Karamihan pa ng eksena niya ay kasama ang action superstar dahil driver nito ang role ni Mark.



    Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Robin?



    "Nakaka-starstruck, sobrang starstruck ako!" sambit ni Mark. "First scene namin, magkatabi kami at parang nabubulol ako. Sinabi ko sa sarili ko na, 'You have to do your work at i-set aside ang pagiging fan.'



    "May pressure ang makasama siya, action star siya at sikat pa. Balak kong magpa-picture sa kanya na hindi ko nagawa hanggang natapos ang shooting. Bilib ako sa kanya. Nakaka-inspire ang sobrang dedication sa work at nagsa-suggest kay Direk Topel [Lee] kung ano ang dapat gawin at mas makakaganda sa pelikula," kuwento ni Mark.



    Magpo-promote din si Mark ng Sundo sa SiS bukas (March 5), sa Eat Bulaga! (March 7) sa Saturday, sa Showbiz Central sa Sunday (March 8), at sa Walang Tulugan ni German Moreno.



    Hindi lang siya puwedeng mag-guest sa SOP dahil katapat nito ang ASAP '09 ng ABS-CBN, kung saan mainstay si Mark.



    Hindi rin makakadalo si Mark sa premiere night ng Sundo sa March 17 dahil aalis sila ni Sarah Geronimo sa March 11 para sa kanilang U.S. tour, na magtatagal ng ilang linggo. Sa March 18 naman ang showing ng pelikula.




    ON SARAH GERONIMO. Speaking of Sarah, inusisa ng PEP si Mark kung wala siyang balak ituloy ang panliligaw ngayong nasa edad nang magka-boyfriend ang singer-actress.



    "Pinahinto niya ako manligaw noong una dahil hindi pa siya ready," sabi ni Mark. "At sa nakikita ko, hindi pa rin siya ready ngayon. Sa career pa rin ang focus niya at ayokong makigulo.



    "Sobrang happy ako sa success niya at sa success ng You Changed My Life [Sarah's movie with John Lloyd Cruz]. Pinanood ko ang movie sa premiere night at tinext ko siya after, at sinabi kong maganda at nakakatuwa ang movie. Friends pa rin naman kami at makakasama ko nga siya nang matagal. Tama na yung magkaibigan kami."
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Sana palitan na din ng mga masisipag na mods ang tittle ng thread.. :rolleyes:
  • TheGreatBadmikeTheGreatBadmike Banned by Admin PExer
    ^^

    yaan mo na tol :D up ko na lang lagi tong thread :)
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Hehe.. sige na nga.. maski nga yun T2 thread inapella ko na..

    Anyway.. OT: diba crush mo din si Carla Abellana? :love:

    share ko na ito sayo..

    First interview ni Carla Abellana, at contract signing na rin..

    http://www.youtube.com/watch?v=94CQ-mesAUY

    Sa wakas narinig ko na ang boses niya.. :love:

    ayus ba? :D
  • TheGreatBadmikeTheGreatBadmike Banned by Admin PExer
    ^^

    thanks dude :D

    napanood ko na din kanina sa 24 hours

    makukumpara talaga kay Marian to :naughty:

    medyo kaboses din e


    SUNDO ... March 18 na po :director:
    n641561558_1546048_5899451.jpg
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    ^^Haha! Oo nga e.. yun ibang fans ni Marian di feel si Carla..

    Robin, tumayo ang balahibo kay Sunshine!
    (Jun Nardo)

    05-robin-padilla.jpg

    SA pakikipagtsikahan namin kay Sunshine Dizon sa presscon ng Sundo, halatang kinilig siya nang husto kay Robin Padilla.


    “Teka muna, natataranta lang ako! Ha! Ha! Ha!” natatawang bungad niya.
    “Honestly, naririnig ko na famous talaga si Bossing (Robin) diyan! Ha! Ha! Ha!


    “Kapag naririnig mo, parang okey lang talaga. Pero pag nakita mo in person, gaya nung ‘pag nakatayo ka, iu-offer ka niya ng upuan, parang nakakapanibago, dahil mukha lang akong lady-like, pero talagang sobrang cowboy/cowgirl ako na kaya kong tumayo whatever. Kahit saan mo ako itapon, okey lang at walang problema sa akin!


    “Pero si Robin, he makes you feel special at talagang aalagaan ka niya. Sobrang marespeto. Ewan ko ba dahil nu’ng huling re-shoot namin, pati sina direk Topel (Lee), sinasabi sa akin na, ‘Hoy, babae ka pala!’ Ha! Ha! Ha!” kiliting-kiliting kuwento ni Sunshine tungkol kay Robin.


    Si Robin naman, seksi ang tawag niya kay Sunshine. At siyempre pa, pinuri niya ang galing nito sa pag-arte.


    “Si seksi (Sunshine) nu’ng una, medyo marami akong naririnig na nakakanerbyos. Siga raw ‘yan. Huwag kang loloko-loko diyan. Susuntukin ka niyan’!


    “Kaya ‘yung unang mga araw ng pagsama namin, tinantiya ko pa kasi baka-ma-sunset ako dito eh, Sunshine ang pangalan niya. Mahirap na!
    “Pero nu’ng kami ay magsama-sama na, una*ng*-una kong napansin ay napakahusay niyang artista! Ahh, tuwing nag-eeksena kami, tumatayo ang balahibo ko. Ibig sabihin nu’n, nararamdaman ko siya. Kasi, mahirap ‘yung may kaeksena pero parang wala kang kaeksena. Ha! Ha! Ha!


    “Ramdam na randam ko siya, hindi lang pag may eksena, pati pag walang eksena!


    “Ganoon din sa kapatid kong si Rhian (Ramos). Napakagalang na bata.

    Nu’ng una kaming nagkita, sa loob kasi ng sasakyan ang eksena namin, sabi niya, ‘Isa pong malaking karangalan ang makatrabaho kayo!’ Na-touch ako!


    “Tumanim ‘yon sa puso ko. Kasi, totoo ‘yung nasabi ko na marami akong nakilalang bagong artistang nalungkot ako. Kasi, ‘yung respeto lang sa nakatatanda.


    “Kaya nu’ng binitiwan ni Rhian ‘yon, hindi lang ako nagpahalata kaya ginanon ko ‘yung sombrero ko. Med*yo naiyak ako nu’n! Sabi ko, ang galing naman ng batang ito. Plus factor niya ‘yon. Marunong siyang gumalang sa matanda! Ha! Ha! Ha!” patuloy na kuwento ni Robin.
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Bebe, magaling sa suntukan!

    (JOJO GABINETE)

    TUNGKOL sa mga sumusundo sa mga tao na malapit nang sumakabilang-buhay ang plot ng Sundo, ang GMA Films movie na pinagbibidahan ni Robin Padilla.


    Nang mainterbyu si Bebe Gandanghari noong Linggo, hiningan siya ng mensahe para kay Robin at sa pelikula nito na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.


    Ang message ni Bebe para kay Rustom, “Bro. kailan mo ako susunduin?”


    Pagkagulat ang reaksyon ni Robin nang malaman nito ang mensahe na ipinararating sa kanya ni Bebe.


    “Bakit, mamamatay na ba ako?” ang pabirong tanong ng Sundo star.


    Ipinaliwanag namin kay Robin na iba ang ibig sabihin ni Bebe. Reading between the lines, nagtatanong si Bebe kung kailan sila magkikita dahil hindi pa niya nakakausap si Robin mula nang magpalit siya ng katauhan.


    Matutuwa si Bebe kapag nalaman nito na tanggap na tanggap siya ni Robin. Sa exclusive interview ng Showbiz Central kay Robin, ipinahayag nito ang matinding pagmamahal kay Bebe.


    ***


    May kuwento si Robin tungkol kay Rustom o Bebe na kasulat-sulat at tungkol ito sa isang aktor na sinuntok ng kanyang kapatid.


    Ikinuwento ni Robin ang insidente na nangyari noon.


    “Magaling siya sa suntukan. Muntik na niyang balasahin ang mukha ng isang artista pero nagtatakbo eh. Hindi lumaban kay Rustom ‘yon.

    Tumatama ang talampakan sa tenga niya.”


    Hindi sinabi ni Robin ang pangalan ng artista na hindi umubra sa tapang ni Rustom.
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    By: Abu Talamzik

    Na-korner ng Startalk si Jojo Manlongat sa Lago del Rey sa Pili, Camarines Sur nu’ng nakaraang linggo.
    Kahit matipid ang mga sagot, inamin pa rin niyang nagkarelasyon sila ni Sunshine Dizon.
    Mahigit isang taon din daw ang kanilang relasyon pero maayos daw silang nagkahiwalay. Ngayon ay magkaibigan daw sila.
    Tanging si Sunshine lang ang inamin ni Jojo dahil magkaibigan lang daw sila ni Jean Garcia, kahit si Phoemela Barranda na na-link din sa kanya.
    Sa presscon ng All About Eve, kinulit namin si Sunshine tungkol sa pag-amin ni Jojo.
    “Tanungin n’yo na lang siya (Jojo) uli tungkol diyan. Siya naman ang nagpa-interview, eh,” medyo iritang sagot ni Sunshine.
    Iniiwasan daw niyang pag-usapan si Jojo dahil hindi ito showbiz. Matagal na raw tapos ang sa kanila ni Jojo at hindi raw kailangang pag-usapan pa.
    May komunikasyon pa rin daw sila ngayon at nanatiling magkaibigan daw sila.
    Masaya raw siya ngayong single at gaya ng bestfriend niyang si Iza Calzado, sarilinin na lang daw nila at hindi na kailangang pag-usapan pa sa publiko sakaling may panibago na silang relasyon.
    Kasali rin si Sunshine sa pelikulang Sundo ni Robin Padilla para sa GMA Films kaya abala siya ngayon sa promo nito kasabay sa All About Eve na magsisimula na sa Lunes (March 9) sa telebabad ng GMA 7.
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    Mommy ni Sarah, mabait kay Mark
    Joe Barrameda


    STARSTRUCK si Mark Bautista kay Robin Padilla. Feeling ni Mark ay nananaginip siya na kasama niya si Robin na tinitingala niya hanggang sa ngayon.
    Sobra ang pasasa*lamat ni Mark sa GMA Films sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makasama si Ro*bin sa pelikulang Sundo.

    Sa pakikipagtsikahan namin kay Mark ay inalam namin ang mga intriga na nasasangkot ang kanyang pangalan.
    Ang una ay nang ma*kabundol siya ng isang tricycle sa may Kamias Rd., QC na diumano’y kasama niya noon si Piolo Pascual.
    Ayon kay Mark, nag-iisa siya nang mangyari iyon. Binaba pa raw niya ang nabundol na tricycle dahil may matandang cancer patient na nakasakay.
    Medyo nauntog daw ang ulo ng matanda kaya tumawag agad siya sa bahay para magdala ng pera dahil kailangang bayaran ang gagastusin ng matanda sa ospital.
    Ang isang pang intriga kay Mark ay nahuli raw siyang may kahalikan sa elevator.
    Wala raw katotoha*nan iyon at inaalam niya kung saang building ‘yun na may elevator. Natatawa na lang siya sa mga naglalabasang tsika.
    Ayon kay Mark ay magkabarkada sila nila Piolo. Tuwing may lu*malabas na intriga ay ang ibang mga kabarkada nila ang nag-aalala. Si Piolo ay dedma raw at hinaha*yaan na lang ang intriga.
    Marami raw sila sa barkada at madalas sa weekend ay nagpa-potluck ang grupo para sa magsalu-salo.
    Nagpapasalamat naman si Mark sa kabaitan ni Sarah Geronimo na kahit sinabihan siya na huwag nang ipagpatuloy ang panliligaw ay nag-uusap pa rin sila bilang magkaibigan.
    Hindi raw nabago ang pagtingin sa kanya ng singer/actress at maski ang ina nitong si Divine ay mabait sa kanya.
    Hindi siya pinagbabawalan ng ina ni Sarah, bagkus ay okay ang trato nito sa kanya.
    Sabagay, madalas silang magkasama sa mga show. Aalis sila ngayong Marso pa-Amerika para sa isang buwan na series of shows all over the US.
  • mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn ✭✭✭
    By: Jun Lalin

    Sa Marso 18 na ang showing ng Sundo, ang pelikula ng GMA Films starring Robin Padilla, Sunshine Dizon, Katrina Halili, Rhian at Mark Bautista.
    Horror ang Sundo at naniniwala ang GMA Films na tatabo ito sa takilya dahil si Toppel Lee ang direktor nito, the same person na namahala sa Ouija.
    Nakita ko na ang trailer ng Sundo at talaga namang nakakatakot ito.
    Sabi ni Joey Aba*can ng GMA Films, ibang-iba si Robin sa pelikulang ito.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file