Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

Sharon Cuneta in Regal Films' MANO PO 6

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Sharon Cuneta to do a movie for Regal for the very first time
Sharon might star in the sixth installment of Mano Po.

Dinno Erece | Tuesday, March 20, 2007 CF

Former Viva Films premiere talent Sharon Cuneta has promised Mother Lily Monteverde that she will do a movie for Regal Entertainment, to show her appreciation to the Regal matriarch for supporting her husband's senatorial bid.
Photo: Noel Orsal


Nag-commit na ang Megastar na si Sharon Cuneta na gumawa ng isang pelikula sa Regal Entertainment.






When she was starting in the business more than two decades ago, it was unthinkable for the premiere Viva talent to do a movie with Regal Films—Viva and Regal being the biggest competitors during the heyday of local movies in the ‘80s.






This has changed though. Bagama’t among the busiest film outfits pa rin ang kumpanya ni Mother Lily Monteverde, lie-low na and mostly digital movies na lang ang ginagawa ng kumpaya ni Vic del Rosario, now being managed by his daughter Veronique del Rosario-Corpus. Ang Megastar naman, mostly exclusive na sa Star Cinema, ang film arm ng kaniyang television home station, ang ABS CBN.






During the 2004 elections, isa sa mga ikinampanya ni Mother Lily si Kiko Pangilinan, asawa ng Megastar, for the senatorial race. Nanalo si Kiko. This year, kakandidato muli si Kiko for senator at muli, kinakampanya siya ng Regal matriarch.






Super-touch ang Megastar sa gesture ni Mother Lily and sa support na ibinibigay nito sa asawa niya kung kaya’t nag-commit siya na for the first time, gagawa siya ng isang pelikula sa Regal Entertainment.






Bagama’t this year ang commitment, medyo mahihirapan lang siguro si Megastar dahil as it is, committed din siya to do several movies. Dalawa ang nakatakda niyang gawin for Star Cinema na ang isa ay may out of the country sequences, one and possibly two for GMA Films na ang isa naman ay from a Palanca award-winning script, and still another one from Unitel Productions.





If ever naman itong matuloy, nagbabalak ang Regal ng isang festival movie for the Megastar—malamang ang sixth installment ng Mano Po.
«134567161

Comments

  • wag naman Mano Po pwede ba?
  • ano ba yan
  • kala ko ba wala nang mano po, di ba sinabi nilang si Vilma Santos ang last.
  • sana wag ng mano po! please...nakakasawa na!!!
  • ako bsta maganda un story at maganda un commercial viability..ok sken...this will be mega's first sa regal kaya sure ako na de kalibre i2...
  • Didn't they learn from the earnings of the last Mano Po? Sharon in a Regal movie is great but a Mano Po movie? ehh...
  • magand ayan..una si Inay Marya, then Si Star for all seasons, then si Shawie na..sana pagkatapos ni Shawie..si Nora naman..para nakumplete
  • ako rin huwag lang sana mano po!

    please ibang movie na lang at isama si dennis trillo please!
  • hindi pa naman sure yan.

    wag muna kayo mag-react.

    pero sana nga wag mano po,nakakaumay na yun.
  • hula lang yan nung writer ng article.

    Pero it's good news na gagawa ng movie si Sharon sa Regal.
    I'm sure na paghahandaang mabuti yan ni Mother Lily. Sana ay maganda ang materyal at magaling ang direktor na humawak.
  • Kill the Mano Po franchise!
  • baka magka-apo na ako.. may Mano Po 69 pa! tama na!
  • Sharon may utang sa Regal Films
    By: Dinno Erece
    DAILY INSIDER

    NAG-commit ng isang movie si Sharon Cuneta sa Regal Films.

    In appreciation of Mother Lily Monteverde’s generous gesture to her husband Kiko Pangilinan in supporting his candidacy this election, heard that the Mega has committed to do her first project sa Regal Films.

    Kung matutuloy, this is definitely an event dahil never pang nakagawa ng Regal movie si Mega, being the original Viva artist naman.

    Ito naman ay kung maisisingit pa ni Mega sa schedule niya dahil as is, committed din siya to do two Star Cinema movies, at least two GMA Films and a Unitel movie at lahat ay for this year.

    Wala pa ni isang sinisimulan si Mega sa mga ito pero ang alam namin ang priority niya ay yung Star Cinema one.

    If ever naman matuloy ito, malamang na pang festival ang ibigay ng Regal Films kay Sharon.
  • Puro drawing naman 'yang Sharon na 'yan. :rolleyes:
  • vhard_29vhard_29 PEx Veteran ⭐⭐
    hehehehe...daan lng sana matuloy....*peace*
  • ‘Mano Po 6,’ ’di type ng Sharonians
    By: Nitz Miralles


    1174898419_sharon-cuneta_4.jpg


    KINOREK ang nasulat namin dito sa People’s Tonight last Sunday tungkol sa nagpu-float na story na gagawa ng pelikula sa Regal Entertainment si Sharon Cuneta.

    May posibilidad na gagawa ang megastar ng movie, pero hindi na Mano Po dahil as of today, nag-decide na raw si Mother Lily Monteverde na ipahinga muna ito.

    Ang sabi pa sa amin ng source, hanggang May na lang ang deadline ng submission ng script sa Metro Manila Film Festival 2007 at wala siyang alam na script for Mano Po 6 movie.

    Hindi nabanggit kung ilang movies ang entry ngayon ng Regal sa filmfest.

    Kung gagawa ng pelikula si Sharon, kailangan daw bagong material, pag-iisipan at paghahandaan nang husto dahil minsan lang ito mangyayari.

    Ayan, malinaw na ang lahat at matutuwa ang Sharonians na ayaw ding series ng MP ang gawin ng idolo kay Mother Lily.
  • Gud luck sa mga movies ni sharon ds year pang award n nmn yan...hehehe
  • mano po 50... sino na kaya yung bida?:rotflmao:
  • starczamorastarczamora Sissie DaToic PEx Moderator
    gnarly wrote: »
    kala ko ba wala nang mano po, di ba sinabi nilang si Vilma Santos ang last.

    Naniwala ka naman kay Mother Lily.
  • SHARON’S MOVIE WITH REGAL TO WAIT FOR ONE MORE YEAR?

    By: Mario E. Bautista
    FREEHAND


    SHARON Cuneta has committed to do a movie for Mother Lily of Regal to show her appreciation for the producer’s support of her husband Kiko Pangilinan’s senatorial bid. But it’s not true that Mother Lily is now preparing “Mano Po 6” for her as an entry in the Metro Manila Filmfest in December. The truth is Madera wants to give the series a rest after “Mano Po 5.”

    If ever the movie with Sharon would push through, it’s going to be quite an event since Sharon is an original Viva Films artist and this is the first time she’s appearing with Regal, the biggest rival of Viva in the 80’s. Realistically speaking, though, we doubt if Shawie could make a Regal movie in time for the filmfest. Right now, she is supposed to shoot first the movie to be megged by Chito Roño for Star Cinema that will be shot on location in London. After that, she’ll be doing a movie with Unitel and another one with GMA Films. If ever she’d do a movie with Regal, that would have to wait until next year.

    http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-03-29&sec=3&aid=13668
Sign In or Register to comment.