naniniwala ba kayo sa hula sa tarot cards?

in Buhay Pinoy
one time kasi i saw my friends na nagpapahula sa tapat ng school... so nagtry din ako, first time kong magpatarot cards. lahat ng hinula nung babae sa mga friends ko totoo, pati yung tungkol sa personal life ng friends ko alam nya...
nung ako na yung nagpahula, totoo din yung mga sinabi... may sinabi sya about my future na sobrang di ko nagustuhan dahil natatakot akong mangyari yun.
share naman kayo
baka may experiences kayo na nagkatotoo or di nagkatotoo... or anything
nung ako na yung nagpahula, totoo din yung mga sinabi... may sinabi sya about my future na sobrang di ko nagustuhan dahil natatakot akong mangyari yun.
share naman kayo


Comments
as much as some people consider tarot cards as sacred, im quite cynical about that. kasi it's a game of chance. and sometimes pag natatak sa utak na images and you keep on thinking about it (they call it imaging. ewan), those things can come true e. that's what athletes usually do. they think about their future winning moment and it comes true. so i dont believe in tarot cards. nagkataon lang sigurong tama ang mga hula.
but i still am open to trying tarot cards. wala namang mawawala.
yung friend ko na nagpahula before me, umiyak after hearing na she and his bf would break up one day... because of 3rd party ng bf nya. she left and naging bothered yung bf nya so he decided to bring her to other tarot card reader. now she texted me na don't believe... kasi iba daw yung hula sa kanya nung tarot reader na pinuntahan nila. hehe ang gulo
Sa Megamall nga pala 'yung manghuhula. Mariah's the name. I don't know kung buhay pa siya.
Medyo mahal din magpahula sa kanya. May mga binigay pa siyang dilaw na papel, prayers na gagawin mo. Para yata ma-prevent 'yung mga misfortunes ahead.
ewan talaga. i dont believe in tarot cards that much. as ive said, it's a game of chance na lumabas ang card na kamatayan or whatever omens they have on those cards. and if talagang nahulaan ang isang tao na mamamatay siya, what's more important is to do what he can while he is still alive than worry for that sad day to come.
oks lang yan lilo. wag mo nalang masyadong dibdibin yung sinabi sayo. it's up to you naman kung ano mangyayari diba?
Co-sign. Yung mga sinasabi naman nila general situations and phrases so pwedeng mag apply sa kahit sino. I don't think anyone can get so specific to the point na nasasabi niya to the smallest details yung nangyari or mangyayari sayo.
Kung totoo yang mga manghuhula, edi hulaan nalang nila ang winning lotto numbers, di na nila kailangan manghula para maghanap buhay. Kung totoo din nakikita nila ang mga mangyayari, edi dapat perpekto yung buhay nila at naiiwasan nila yung mga pangit na pangyayari. Ganun lang naman siguro yun.