COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.
Be extra careful sa harap ng dyip

in Buhay Pinoy
Let me tell you of what happened last night. Kakagaling ko lang manood ng last full show ng The Da Vinci Code sa Robinson Manila. Medyo 12mn na ako nakasakay at sa unahan ako sumakay ng dyip (may katabi ako sa harapan ako yung nasa bandang labas at hindi na ako sumasaky sa likuran ng dyip dahil may trauma na ako dun simula nung maholdap ako). Bandang Sta. Cruz, may group of young guys na pinara yung dyip. Sigaw sila nang sigaw na ihahatid na nila yung isa nilang kasama. Tapos eh di huminto yung dyip, nilamas yung breast nung isang babae dun sa likod, tapos bigla na lang may "PAK!" Biglang sumakit ang right side of my face. Hindi ko alam kung sinuntok ako oh sinampal basta ang pula pula na lang ng mukha ko. Pero seconds before nangyari yun, may narinig akong sumigaw ng "pasapak nga!" [email protected] ina talaga yang mga hayop na yan. Kaya pag nakasakay kayo sa harap ng dyip at medyo late na, konting ingat.
Comments
hate ko talaga mga ganyan....
:grrr:
sa susunod pagsakay ko sa dyip... dadalhin ko ang aking balisong,
pepper stray at taser ko. patulisin ko pa aking takong noh!
aihihihi!!!
baklita
me kwento rin kapatid ko na sumakay daw sya sa sta. mesa na jeep going to quezon ave. me couples daw na sweet na sweet sa loob ng jeep tapos me pumara na lalaki pero bago sya bumaba eh sinapak nya ung guy sabay baba at takbo. damn it! nakakakulo ng dugo :grrr:
sobrang pagbabasa niya ng libro, ni-holdap na yung jeep na sinasakyan niya, di pa rin niya alam.
so hindi nakuha gamit niya. akala siguro ng holdaper bingi siya. kasi sumisigaw na ng "HOLDAP ITO!" hindi pa rin niya pinapansin. :rotflmao: :rotflmao:
nangyari na rin sa akin yan, makailang taon na, pero sa probinsiya saka tanghaling tapat naman. may pumara sa dyip, tapos naglabas ng lanseta at hiniwa sa pisngi yung binatang nakaupo sa harap. hindi naman daw kilala nung bata yung nanakit sa kanya. may kasama pa nga siya, di rin daw kilala yung nanakit. talagang napag-tripan lang.
sinugod nung driver namin yung bata sa ospital, tapos balik sa pasada.
:bomb:
"medyo startled" lang yung girl?
Sana pare,nagdoble ingat ka pa at ikaw na ung sa bandang loob. Nakakita na rin ako ng eksena na pareho ng sayo,sa likod ako nakaupo den sa harap eh magsyota(ciempre ung guy ung sana bandang labas), ayun napagtripan lang din at sinapak ung lalaki.Next experience ko nman ,5 barkada ko nakaupo sa likod den 2 kami barkada ko sa harap, hahablutin dapat ung cap ng barkada ko na nasa likod , e naagapan at hnd nakuha,minura pa ng barkada ko ung manghahablot,kaso saktong nagtrapik at madaming kasama ung manghahablot, pinagbabato ung jip sugatan ung mga barkada ko sa likod, patay malisya nalang kami sa harap ng 2 barkada ko dahil kung nkahalata na kasama namin un........ay ewan...