COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance. Please update your email address.

Thanks,
pexer99

Be extra careful sa harap ng dyip

AltweggAltwegg Son of the 80s PEx Influencer ⭐⭐⭐
Let me tell you of what happened last night. Kakagaling ko lang manood ng last full show ng The Da Vinci Code sa Robinson Manila. Medyo 12mn na ako nakasakay at sa unahan ako sumakay ng dyip (may katabi ako sa harapan ako yung nasa bandang labas at hindi na ako sumasaky sa likuran ng dyip dahil may trauma na ako dun simula nung maholdap ako). Bandang Sta. Cruz, may group of young guys na pinara yung dyip. Sigaw sila nang sigaw na ihahatid na nila yung isa nilang kasama. Tapos eh di huminto yung dyip, nilamas yung breast nung isang babae dun sa likod, tapos bigla na lang may "PAK!" Biglang sumakit ang right side of my face. Hindi ko alam kung sinuntok ako oh sinampal basta ang pula pula na lang ng mukha ko. Pero seconds before nangyari yun, may narinig akong sumigaw ng "pasapak nga!" [email protected] ina talaga yang mga hayop na yan. Kaya pag nakasakay kayo sa harap ng dyip at medyo late na, konting ingat.
«1

Comments

  • st.angerst.anger Domo! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    and that's why i don't like going to manila.
  • chey28chey28 blue eggs PExer
    mahirap nga talaga kahit san ka pa umupo ke sa harap or sa likod may pwedeng mangyari sa yo. may friend din ate ko, nag jeep late na rin, sumakay sya sa likod nahold-up sya, umupo sya sa harap thinking na mas safe, hindi rin kase hinold-up naman sya ng driver :rolleyes:
  • PandaemonaeonPandaemonaeon Moderator PEx Moderator
    Anong nangyari sa girl?
  • Hell's_AngelHell's_Angel Member PExer
    tpos kung papatulan mo parang mga basang sisiw....

    hate ko talaga mga ganyan....

    :grrr:
  • AltweggAltwegg Son of the 80s PEx Influencer ⭐⭐⭐
    There were 8 guys na nangtrip. Yung girl syempre medyo startled sa nangyari. Tapos, ipinagpatuloy na lang ng driver ang pagmaneho sa dyip para makarating na kami sa kani-kaniyang bahay.
  • tintura_de_yodotintura_de_yodo IS ---- LOCKED PExer
    Powtah, langhyang trip yan. Kahit san ka pala umumpo, may panganib pa ring susunod sa yo. Sa ibabaw na lang kaya ng jeep tayo lahat sumakay, no?
  • CuteKrungKrungCuteKrungKrung Banned by Admin PExer
    oh my, di na talaga safe dito sa pilipinas :( nakakatakot ang mga tao.
  • baklitabaklita taas kilay PExer


    sa susunod pagsakay ko sa dyip... dadalhin ko ang aking balisong,
    pepper stray at taser ko. patulisin ko pa aking takong noh!

    aihihihi!!! :)

    baklita


  • rayzlerayzle Member PExer
    napagtripan ka nga, malamang mga lasing. hay, dapat sa mga yan binubugbog ng mga tao. kung pagtulung tulungan yan at dalhin sa prisinto, putsa eh di nawala mga amats nyan. :grrr:

    me kwento rin kapatid ko na sumakay daw sya sa sta. mesa na jeep going to quezon ave. me couples daw na sweet na sweet sa loob ng jeep tapos me pumara na lalaki pero bago sya bumaba eh sinapak nya ung guy sabay baba at takbo. damn it! nakakakulo ng dugo :grrr:
  • baby_07baby_07 Take me to Paris. PExer
    Grabe naman. Delikado talaga sa may Sta. Cruz. Marami nang kuwento yung mga friends ko na dumadaan dun na nakakatakot kasi ang weirdo ng mga nakakasabay nila eh.
  • ayaneayane Member PExer
    yung sa friend ko naman funny...

    sobrang pagbabasa niya ng libro, ni-holdap na yung jeep na sinasakyan niya, di pa rin niya alam.

    so hindi nakuha gamit niya. akala siguro ng holdaper bingi siya. kasi sumisigaw na ng "HOLDAP ITO!" hindi pa rin niya pinapansin. :rotflmao: :rotflmao:
  • rains_delightrains_delight Banned by Admin PExer
    thanks for the info. kaya nga ayoko rin magpagabi sa Manila. Maraming Loko duon lalo na sa bandang rizal avenue.
  • pro_temporepro_tempore nakikipaglibang PExer
    di kaya kakutsaba yung tsuper?

    nangyari na rin sa akin yan, makailang taon na, pero sa probinsiya saka tanghaling tapat naman. may pumara sa dyip, tapos naglabas ng lanseta at hiniwa sa pisngi yung binatang nakaupo sa harap. hindi naman daw kilala nung bata yung nanakit sa kanya. may kasama pa nga siya, di rin daw kilala yung nanakit. talagang napag-tripan lang.

    sinugod nung driver namin yung bata sa ospital, tapos balik sa pasada.
  • jharrrdyjharrrdy ♥dangerous♥ PExer
    sa sta.cruz talaga maraming ganyang eksena :D




    :bomb:
  • alky-holicalky-holic bite me PExer
    Altwegg wrote:
    There were 8 guys na nangtrip. Yung girl syempre medyo startled sa nangyari. Tapos, ipinagpatuloy na lang ng driver ang pagmaneho sa dyip para makarating na kami sa kani-kaniyang bahay.

    "medyo startled" lang yung girl? :confused:
  • chey28chey28 blue eggs PExer
    tingin ko halos mga jan kakotsaba nila mga driver lalo na yung sa mga part ng sta.cruz
  • flipflop08flipflop08 LOOKIN 4 11 @ ROLAND GARROS PExer
    Altwegg wrote:
    (may katabi ako sa harapan ako yung nasa bandang labas at hindi na ako sumasaky sa likuran ng dyip dahil may trauma na ako dun simula nung maholdap ako).

    Sana pare,nagdoble ingat ka pa at ikaw na ung sa bandang loob. Nakakita na rin ako ng eksena na pareho ng sayo,sa likod ako nakaupo den sa harap eh magsyota(ciempre ung guy ung sana bandang labas), ayun napagtripan lang din at sinapak ung lalaki.Next experience ko nman ,5 barkada ko nakaupo sa likod den 2 kami barkada ko sa harap, hahablutin dapat ung cap ng barkada ko na nasa likod , e naagapan at hnd nakuha,minura pa ng barkada ko ung manghahablot,kaso saktong nagtrapik at madaming kasama ung manghahablot, pinagbabato ung jip sugatan ung mga barkada ko sa likod, patay malisya nalang kami sa harap ng 2 barkada ko dahil kung nkahalata na kasama namin un........ay ewan...
  • st.angerst.anger Domo! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    atienza should focus on protecting his citizens instead of banning dabinsi and defending the "morals" of the good people of maynila. :rolleyes:
  • AltweggAltwegg Son of the 80s PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakakainis talaga. Double whammy kasi nasaktan na nga ako, napahiya pa ako sa mga ibang andun sa jeep. Mamamatay din yang mga walang kwentang taong yan.
  • thundercatsthundercats Member PExer
    grabe ano na bang nangyayari sa manila at ano na ba ginagawa nila atienza at mga opisyal ng maynila.. parang paulit-ulit na lang nangyayari ang mga ganito. kainis!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file