PAMASKO: Magkano ibibigay niyo? — PinoyExchange

PAMASKO: Magkano ibibigay niyo?

Nagsimula na ako maggawa ng Christmas gift checklist. ;) Ang problema, di ko talaga alam ang ibibigay ko sa cousins at inaanak ko (7 - 16 yrs old) at sa mga katulong, so inisip ko, pera nalang kaya.

Magkano kaya ang dapat ko ibigay? :confused:

Comments

  • hay naku mahirap buhay ngayon.. kung pera ang ibibigay mo mamahalan ka... why dont you just list down your inaanaks and just buy a generic gift for them... there's a lot of stuffs in tiangge that you can find.. and the price is very affordable as well.. sa mga helper namn grocery items?

    but if you want to splurge talaga.. then sa malls ka na lang bumili...
  • kung me panahon ka, e di mas ok kung gawa mo mismo, (or personalized) yung regalo para mas dama pag ibibigay mo :)

    baka makamura ka pa :)
  • Salamat sa suggestions niyo.

    Blue Fusion, good idea kaya lang wala talaga kong time to personlize my gifts.

    Jill, ok yung generic gifts idea, but I really wouldn't know what to get them. Kung 3 -5 years old lang sila, edi madali lang nga. Kahit lego lang or toy cars or kahit anong makita ko na toy. Kaya lang most of them are in their teens, so I guess mapili na sila.

    Yung sa maids naman, ano kayang grocery items? Kasi libre naman food nila at shampoo, soap etc sa bahay. So I gotta find something else for them.

    I guess they'd rather get money as a present than something they wouldn't really like, or they probably already have. So sila nalang bahala kung pano nila gagamitin yung pera, para sa internet card, or toys, or gadgets, or books, savings, whatever.

    So ang tanong... 200 pesos? 500 pesos? O masaya na kaya sila sa 100 pesos? Or...?

    As I've said, 7 - 16 yrs old ang age group in question. :D All based in the Philippines.
  • Aquarelle wrote:
    As I've said, 7 - 16 yrs old ang age group in question.
    Except for the maids.
  • yung sa teens... im sure me cellphones lahat yan..bigyan mo kaya ng 100 pesos worth of call card :D
  • baklita
    baklita taas kilay
    sana makasama ako sayong christmas list...
    simple laang gusto ko... diamond ring!

    aihihihi!!!

    baklita
  • babygurl_archer
    babygurl_archer walking contradiction
    petite_ako wrote:
    yung sa teens... im sure me cellphones lahat yan..bigyan mo kaya ng 100 pesos worth of call card :D

    yeah i guess that one would work.. then sa mga bulilit naman, 50PHP? hehe
  • ung kids toys un:D
    tapos ung teens yep cellphone loads would do pero okay din kung gift certificate siguro?

    like spa treatments for the girls and some sporty stuff sa boys like gokart racing, paintball sessions etc

    pde din bags:D


    or you can organize a party for them tapos may henna tattoo, paintball game ba un? hehe

    OR pdeng EK tickets nalang for all of them enjoy may discount pa ata pag madaming tickets diba? hehe


    sa househelps you can give them shirts or pants or makeup kits(?) or bags or anything na kakaiba para maenjoy nila. that's what my mom buys for them minsan eh:D


    :bluefish:
  • Aquarelle wrote:
    Salamat sa suggestions niyo.

    Blue Fusion, good idea kaya lang wala talaga kong time to personlize my gifts.

    Jill, ok yung generic gifts idea, but I really wouldn't know what to get them. Kung 3 -5 years old lang sila, edi madali lang nga. Kahit lego lang or toy cars or kahit anong makita ko na toy. Kaya lang most of them are in their teens, so I guess mapili na sila.

    Yung sa maids naman, ano kayang grocery items? Kasi libre naman food nila at shampoo, soap etc sa bahay. So I gotta find something else for them.

    I guess they'd rather get money as a present than something they wouldn't really like, or they probably already have. So sila nalang bahala kung pano nila gagamitin yung pera, para sa internet card, or toys, or gadgets, or books, savings, whatever.

    So ang tanong... 200 pesos? 500 pesos? O masaya na kaya sila sa 100 pesos? Or...?

    As I've said, 7 - 16 yrs old ang age group in question. :D All based in the Philippines.

    kung me panahon ka, mag divisoria ka. madaming disente (and by disente, i mean maganda yung presentation and quality) na puede ipangregalo. sa younger ones, ok siguro toys (mga 100-200), tapos sa young adults saka dun sa maids damit (100-300). :)
  • rains_delight
    rains_delight Banned by Admin
    Punta ka sa Divisoria, marami kang makikitang mura pero magagandang items. Lalo na sa 168, mas makakamura ka pag whole sale mo silang bibilhin.

    Nakabili na ako ng coin purse na pwede ng ibigay sa mga hindi masyadong kilala. Yung tipo bang kilala lang ako pag christmas season. nakuha ko siya Php 45.00 pero 12 pcs na ang laman.
  • hmm mas mabilis tlaga pag pera ang bibigay mo kasi hindi ka na magiisip kung ano bibigay mo...kaya lang mas magastos naman yun kasi mahihiya ka nman magbigay ng kunti.unlike pag bagay yun bibigay mo,mas makakamura ka...so ikaw pumili kung ano ba gusto mo,yun mas mura or yun mas mabilis!for me,mas gusto ko na yun mas mura...kung mga teens pa nman bibigyan,madali lang yun!simple gifts lang nman yun. :)
  • depende pag medyo hirap sa pera, cash ang binibigay ko. pag medyo angat pakainin ko lang eh baka mas mayaman pa sa akin un ma offend pa sa ibibigay ko. but normally pag mayaman in kind ang bigay ko unless medyo hirap nga sa pera then its good as cash para makatulong pa rin sa tao.
  • Depende, pag nabigay agad ng maaga ang 13th month, gift binibigay ko. Pero pag delayed pag bigay ng 13th month, 500 na lang. Bahala na sila mamili ng gusto nila.
Sign In or Register to comment.