Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Father's Dilemma

Kinse anyos lamang ako ng mabuntis ko si Nena, ang desisyete anyos na kinakasama namin sa bahay. Pagkapanganak ni Nena, ay umuwi na sya sa kanilang probinsya at ang aking anak ay nirehistro ng aking mga magulang na bunsons anak nila. Jake, ang binigay na pangalan sa kanya. Inilihim nina Mama at Papa ang tungkol kay Jake. Akala ng iba naming kamaganak ay ampon namin sya. Pero nung lumaki at medyo magkahawig kami, ay pinagdudahan naman na anak sya ni Papa sa labas.

Medyo hindi naging maganda ang pakikitungo ko kay Jake. Marahil dahil na din sa pagka-quilty ko na sa murang edad ay nagkaanak na ako. Pinilit ko syang iniwasan. Hindi ako naging mabuting kapatid sa kanya.

Sa ngayon ay may asawa at dalawa na akong anak. Si Jake naman ay kinse anyos na din. Iba pala ang naidudulot ng magkakaroon ng anak kapag nasa tamang edad ka na. Dito ko nadama ang pagsisisi dahil hindi ko naipadama kay Jake ang pagmamahal na dapat ay naramdaman din nya sa akin. Kaya noong nagkaroon na ako ng anak ay pinilit kung makabawi kay Jake. Ako ang naging parang bestfriend nya. Si Jake naman ay naging super lambing sa mga anak ko na ang alam nya ay mga pamangkin nya.

Ayoko ng maging lihim ang lahat, pero di ko alam kung paano ko gagawin. Paano ko sasabihin kay Jake na ako ang tunay nyang Ama? Nag-aalala ako na baka magrebelde sya at mag-iba ang aming samahan. Pati sa asawa ko, hindi din nya alam ang tunay na relasyon ko kay Jake. Sa mga anak ko, paano ko kaya ipapaliwanag sa kanila na ang kanilang Tito ay kanilang Kuya pala.

Sana ay matulong nyo ako. 
Sign In or Register to comment.