Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Help. Partner na sugalero.

nahihirapan na ko kung ano dapat kong gawin. may kalive-in po ako, wala pa po kaming anak. 3 years na po kami. nakilaka ko sya nuon nagsasabong natalaga siya. pero sinabihan ko sya kaya nabawasan nya noon. Pero ngayon na nagkaron ng online sabong, nagsugal nanaman sya. Responsable naman sya sa gastusin namin. At suportado nya ko sa kun anong negosyo ang gnagawa ko. Pero ngayon, nawalan na sya ng trabaho at nakakuha ng separation pay. Nahuhuli kopa rin syang nag oonline sabong. Naiisip ko pano na kung maubos nya ang pera nya, sa panahon ngaun napakahirap maghanap ng trabaho lalo na kung sorry sa term (bobo ka). Opo, hindi po ganun katalas ang utak nya pero kahit ganun minahal ko sya. Pero ngaun di ko na alam, pinag aawayan na namin ang sugal nya. Sana po matulungan nyo ko.

cherry from cavite

Comments

  • Mahilig nga rin pala sya tumaya sa mga ending.. sobra hinayang ko sa pera na ginagastos nya.. ano po ba dapat kong gawin? Nahihirapan na ko. 
  • java_chiqjava_chiq PEx Influencer ⭐⭐⭐
    medyo madami na akong friends na naghiwalay dahil sa sugal-  mahirap kasi baguhin. 

    Ang pag sugal kasi di siya ugali- addiction siya.  Yung iba di pa naman umaabot sa point na kailangan mo na ipa rehab.  Wala akong idea kung gaano kalala ang partner mo and wala din akong idea kung lalala ba siya or hanggang diyan na lang at kung willing kang i risk na balang araw baon na pala kayo sa utang.
  • dylandarkkdylandarkk PEx Influencer ⭐⭐⭐
    They say gambling is an addiction. It will be hard for him to stop unless he himself realizes that he is an addict, addicted to gambling. The impulse is hard to control but it has to start on himself. I guess all you can do is really be his support system on his problem. 
Sign In or Register to comment.