Need Advice about my family — PinoyExchange

Need Advice about my family

sonnyLandicho
edited December 2020 in Buhay Pinoy #1
Gusto ko sana humingi ng advice para sa akin, para sa ate ko at sa parents ko. Gusto ko rin humingi ng opinyon nyo about sa situation ng aking pamilya. Pasensya na kung medyo mahaba-haba ito kasi gusto ko maging patas sa isa't isa. Palagi kasing nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang ate at mga magulang ko.

Pareho pang buhay ang tatay at nanay ko, may family house kami na pinundar ng parents ko at may mini sari-sari store din sila pero sakto lang ang kinikita nila sa pang-araw-araw, paminsan kulang pa. Pero may naipon naman sila na malaking halaga noong bata pa sila. 60 years old na silang pareho sa kasalukuyan. Yung father ko ay may rayuma since binata dahil sa pagtatrabaho at sa kasalukuyan may kidney disease na siya. Stage 5. Yung mother ko naman, laging high blood at gumigising nang maaga para mag bukas ng tindahan.

Yung ate ko, may trabaho, asawa, pero wala pang anak. Bagong kasal lang kasi sila. Nagrerent sila na malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan. Masasabi kong above average ung kinikita ng ate ko. Almost 10 years na siya sa IT industry. Before mag-asawa ang ate ko, nagbibigay siya ng part ng sweldo niya sa parents ko. Nagstop na ito nang kinasal na siya. 

Tuwing umuuwi ang ate ko, pansin ko na madalas na nagtatalo ang mga magulang ko at ang ate ko. Sobrang OP sa kalinisin sa bahay kasi at sobrang tipid ang father ko. Madalas napapagsabihan ung ate ko (pati ung asawa ng ate ko kung kasama siya) ng mga "house rules" sa bahay. Sobrang kulit naman ng nanay ko pag may sinasabi siya sa ate ko. For example, patayin ang TV pag walang nanonood, punasin ung lababo pagkatapos gamitin, punasan ang upuan ng toilet bowl pagkatapos gamitin, linisin ung pinagkainan after kumain, magdala ng sariling towel/toothbrush ang asawa pag uuwi sa bahay at magstay ng matagal.

Nag-eexpect din ung parents ko na mag-abot sila ng pera kung uuwi sila sa bahay dahil sa gastos nila habang nasa bahay sila ng parents ko. Parents ko kasi ang nagpoprovide ng food, electricity, etc pag umuuwi sila sa bahay ng parents ko. May isa naman kaming kasambahay pero wala na siya oras para gumawa ng extra work para sa kanila. Matanda na rin kasi ung kasambahay namin at mahirap kumuha ng kasambahay.

Sinubukan ko naman na kausapin ung ate ko at sa part naman ng ate ko, feeling niya na parang limitado or lahat na lang ng galaw nila sa bahay ay napupuna or kelangan magbayad. Hindi niya ma feel na welcome siya sa bahay or feel at home dahil ang daming napupuna sa mga house rules

Nitre-treat naman daw niya sina tatay at nanay pag kumakain sila sa labas at nagdadala din daw ng pasalubong tuwing umuuwi sila. Naiipit/nahihiya din siya na sabihin ung mga house rules sa asawa niya (madalas kasi na sinasabihan muna ni tatay sa ate ko na sabihin ung mga "house rules" pag nakikita nila na kelangan gawin then sabihin ng ate ko sa asawa niya). Naiipit din siya na sabihin sa asawa niya na magbigay sa parents ko dahil shared na ung pera nila mag-asawa. Bakit daw kinekwentahan ng parents ko un. By the way, before mag asawa ang ate ko, nagaabot ang ate ko ng ng pera pagkasweldo niya, pero nung nag-asawa na, hindi na. Pero yun nga, nagbibigay naman sila ng pasalubong at nililibre pag kumakain sa labas pag umuuwi sila. Naiisip niya tuloy na wag na lang umuwi kesa sa mafeel ng asawa niya at siya na di siya welcome sa bahay or magbibigay ng pera dahil sa gastos nila sa pag stay sa bahay. Hindi raw kasi sila napapagsabihan or walang house rules pag nagstay naman siya sa place ng nanay ng asawa niya. Wala kasing work ung mga relatives niya kaya sila yung gumagawa ng gawaing bahay. Natatakot siya na baka mag cause ito ng pagtatalo nilang mag-asawa or maging uncomfortable din siya pag nasa bahay namin siya. Anak naman daw niya kami. Bakit kelangan kwentahin sila pag nauwi sila.

Sa tingin nyo po, ano po ba dapat kong gawin para mas maiwasan na pagtatalo ng ate at parents ko? Sino po ba yung tama/mali?

Comments

  • Sonny, wala akong ginagawa ngayon kaya binuksan ko itong PEx buhay pinoy. At ang tumanghal sa akin ay itong problema ng parents at ate mo. 
         Una matanong kita!, ikaw ba ilang taon na?, pangalawang tanong diyan ka ren ba nakatira sa mga parents mo? Hahabaan ko ren ang manggagaling na sagot saken.
          Sa edad na twenties ay humiwalay na ako sa mga parents ko at nangibang bansa at ito ay ang america, wala akong kakilala duon at bibihira pa ang Pinoy noon duon sa Los Angeles California na aking nakasalamuha, maaring marami pero dahil nga bago pa ako kaya hindi ko napagkikikita sila. 
       Ang una kong napansin ay ang mga kakaibang kultura ng America kumpara sa pilipinas, kaya naitanong ko ang edad mo ay dahil isa ito sa kaibahan ng Pinas sa america, bago ko ito ituloy nakakita agad ako ng trabaho at naging part time ko ito para makapagpatuloy sa pagaaral at dahil medyo sobra para saken ang pera ng makatapos ako ng pagaaral sa isang parte sakop ng medisina at nakapasa ako sa board exam at lisensiyado sa California board exam. Huwag ko ng banggitin pa kung ano ano ginawa ko Hahaba lang lalo. Noon ay nagpapadala ako ng pera sa aking magulang na kahit hindi ako magpadala ay okay lang ang. Mother ko dahil nagpe pension siya ng dolyar dahil sa father ko na FEDERAL employee as GS12 step 8 as fine Arts. Ang ipinadadala ko sa kanya ng panahon na iyon ay $200/monthly.
        Pero ng umabot na sa apat na taon nagsabi ako sa Mother ko na titigilan ko na ang pagpapadala dahil gusto kong maginvest sa mga ilang bagay, ito marahil ang hindi ginawang sabihin ng ate mo sa mga magulang mo na mag aasawa na siya at magkakaroon na ng obligasyon sa pamilya niya. Kaya nage expect pa ang parents mo sa kanya obligado siyang magbigay perang tulong na sa totoo hindi lamang nangyayari sa inyong pamilya kundi sa halos buong pamilya sa Pinas ganyan ang mga magulang na kailangang tumulong at tumanaw ng utang na loob dahil sa pagpapaaral sa kanilang mga anak..
       Sonny duon sa America ang mga magulang ay sinasabihan ang mga anak na "Son! You are already 18 yrs old!, dont you think its about time for you to find your own fad?, and to support your self?" matindi diba? Pero ganong kultura ang wala tayo nakakanlong pa ren sa bubong ng mga magulang.. Ngayon sa mga Pilipino naman na dinala ang kulturang Pinoy.. Ganito ang eksena: anak ng Pinoy parents.." Mom/DAD I think I have to go and find my own nest, I don't want to be told to do this and do that, I have to leave!" Dahil ayaw nilang mawala ang kulturang Pinoy puro iyak an.. Remember yung kanilang anak ay duon ipinanganak at hindi sanay sa kulturang Pinoy.
       Ngayon tatapusin ko na payo ko, ang ate mo ay hindi obligado na magbigay ng tulong sa magulang mo dahil may sarili na siyang pamilya, at ikaw kung nasa wastong gulang na dapat ay wala ka na sa poder ng parents mo kung ayaw mong magaya sa ate mo.. Hehehe
  • One hour nine minutes bagong taon na, sonny, pagdating ng 2021 humanap ka na ng studio type na mrerentahan para hindi mo na problema in ang ate mo at parents mo as well as your self HAPPY NEW YEAR, balik ka uli pakita mo bago mong tirahan.. Hehehe
  • sonnyLandicho
    edited December 2020 #4
    30+ na rin ako pero wala pang asawa :) wala na rin ako sa poder ng parents ko at may sarili na rin akong nirerentahan na space :).

    Minsan lang ako pati ang ate ko na umuwi. Before covid mga twice every month. Ngayong COVID, every long holiday na lang, gaya nitong pasko. Almost 20 days kami sa bahay.

    Ang ineexpect lang ng magulang ko ay pag umuuwi kami sa bahay ng parents ko. Parents ko kasi ang gumagastos sa pagkain namin sa bahay (may kasambahay kasi kami na nagluluto ng pagkain para sa parents ko. Dinadagdagan na lang ang luto pag nandito kami) kuryente, etc. Tapos sobrang dami ng house rules kasi malinisin sila at wala iba maglilinis. Kaya halos lahat ng galaw, kelangan linisin.

    Hindi na naman hinihingan ng parents ko yung ate ko ng buwan-buwan na sustento. pag umuuwi lang.

    Sa Pilipinas pala kami nakatira.

    Gusto ko man di problemahin kaso kasama ko kasi sila pag umuuwi. Masakit kasi na nakikita ko sila nagtatalo tapos sinasabi ng parents ko mga sama ng loob nila sa ate ko
  • Mukhang maliit na bagay lang pinag-aawayan nila. I suggest na wag muna umuwi yung ate mo sa bahay ng magulang mo. Tiyak na mamimiss nila ang isa't isa. Kahit anong mangyari, iisang pamilya pa rin kayo.

    Lagi rin kaming nagtatalo ng mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi parang nasasakal ako sa mga gusto nila para sakin na tila buong buhay ko planado na nila. Pero nung nagdaang pasko, niregaluhan ko sila ng mamahaling gamit (unan na sobrang lambot na pag niyakap mo, pakiramdam mo nasa magandang hotel ka o resort).

    Nagpasalamat yung nanay ko at nagkayakapan kami ng mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam kaya masasabi kong isa sa pinakadabest ang Pasko ngayong 2020. Natutunan ko na kahit may di pagkakaunawaan, kelangan mong mahalin ang mga magulang mo... kasi mahal ka nila at hinding hindi yan magbabago...
  • Para sa akin, kung umuuwi kayo ng bahay, sundin nyo na lang at intindihin ang sinasabi ng mga magulang nyo at turuan nyo ang sarili nyo na huwag masaktan. After all, bahay nila yoon at sila ang nag nagpalaki sa inyo. Baka nag- aadjust sila sa pagiging empty nester.  Grin and bear it kung baga.

    Yong kapatid mo naman na may asawa na, kung baga , out of the goodness of her heart na ang pagtulong, kusang loob na at hindi obligasyon. Ang mga magulang mo naman ang dapat umunawa at huwag masaktan dito. Siguro, pag nagsusumbong sa iyo ang magulang mo, ipaliwanag mo rin ang reality ng situation. May asawa na ito at may sariling pamilya (kahit wala pang anak, yong asawa nya ang pamilya nya ngayon) at naninimbang din.

    Sa iyo naman na nakahiwalay na pero wala pang asawa, out of the goodness of your heart na rin pero siguro mas makakatulong ka. Siguraduhin mo lang na may ipon at pundar para sa sarili mo. Alamin mo ang tunay na kalagayan ng finances ng magulang mo, baka naman kailangan talaga ng tulong at pag-usapan ninyong magkapatid kung paano kayo tutulong. Kung hindi naman talagang nangangailangan, splurge na lang kayo sa mga importanteng okasyon.
Sign In or Register to comment.