Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Titulong ninakaw ng kamag anak

Hihingi lang po sana ako ng suhestyon at tulong  tungkol sa problema namin ngayon. Yung titulo po kasi ng tinitirhan namin ngayon(nakapangalan sa tatay ko po, patay na po yung tatay at nanay ko) ay ninakaw po ng kamag anak namin ilang taon na din po ang nakakaraan. Ano po bang mainam na gawin para magkaroon po kami ng papel na pinanghahawakan para dito po sa tinitirhan namin at hindi po makuha nung kamag anak namin ang naipundar ng tatay po namin? Sana po matulungan nyo po ako, natatakot po kasi kami na baka pag gising nalang po namin ay palalayasin na po kami sa sarili naming pag aari ng mga kamag anak namin na nag nakaw ng titulo. Salamat po.

Comments

  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pumunta ka sa opisina ng Title of deeds sa City hall, at humingi ka ng certified truecopy ng titulo. Natural hihingan ka ng 2 valid ID at notarized Public documents of lost.title
    Malalaman. mo Ren kung may nagbabayad ng property tax. Simple lang yan kasi me Blood line ka sa tatay mo anak ka! 
  • art727 said:
    Pumunta ka sa opisina ng Title of deeds sa City hall, at humingi ka ng certified truecopy ng titulo. Natural hihingan ka ng 2 valid ID at notarized Public documents of lost.title
    Malalaman. mo Ren kung may nagbabayad ng property tax. Simple lang yan kasi me Blood line ka sa tatay mo anak ka! 
    Salamat sir art727, kailangan na po ba agad ng lawyer dito or yung sa munisipyo lang muna na mga officer ang need ko kausapin?
  • justj_justj_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
     May tax declaration Ba kayo
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi. O kailangan ang abogago este! Lier, este! Lawyer kasi parang Birth certicate yan na magbabayad ka ng fee. Meron ka ng kopya! Ganyan ang first step lalo nat bumibili ka ng bahay o lupa.. Tignan mo agad ang likuran naka stamped duon ang bangkong pinagsanglaan. Kapag naka sangla duon mo na kailangan si LJ mckanas.. Hindi ito sanay  sa korte gawin mong panakot lamang.. 
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Makukuha mo yung tax declaration  duon sa City hall din.. 
  • Punta ng registry of deeds, andun yung original copy ng title. 
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Maganda sa Pasig City Hall.. Hahanapin mo lang listahan ng baranggay at alam Mona kung saang bintana ka pupunta, saka daming Windows na pwedeng bayaran..  TEKA!!, Bira tayo ng. BIRA diTo pero hindi mo sinasabi kung TAGA SAAN KA? 
  • kahit nakawin niya un titulo, hindi naman niya un maipapalit sa pangalan niya unless meron siyang power of attorney to do so. ngayon kung inihabilin ng magulang nyo un pangangalaga ng titulo in their absence, yan ang problema on your part. punta ka ng Registry of Deeds at kumuha ka ng certified true copy ng titulo, kung nakapangalan pa rin sa magulang mo, kelangan mo siguro ng abogado para mapatunayan ikaw ang anak at may karapatang ilipat sa name mo yun land title
  • RamblerNextGenRamblerNextGen PEx Rookie ⭐
    edited December 2020 #10
    Ahahaha. Maraming ganito sa province namin. Kahit sa family namin, may mga ganyang accusations. Yung family ng kapatid ng lola ko, which means mga cousins ng mother ko, aba inaccuse kami na kinuha daw mga lupain nila.

    Nung 90s to and I was young then. My uncle was livid, siyempre, ikaw ba naman ipagkalat na nagnakaw ng mga lupa, magagalit ka hehehe.

    Ang totoo niyan, maraming nakuhang lupa ang kapatid ng lola ko na yun na lola ko na rin, kasi siya ang bunso sa kanilang magkakapatid, samantalang panganay naman ang lola ko.
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yun ngang lupa na minana ko sa Quezon, yung caretaker daw siya duon, pinababayaran ang mga buko na sila daw ang nagtanim, pero yung kasama ko na may bukuhan binulungan ako na hindi daw ganon ang itinanim dapat me pattern at nakalinya!, kuya yan ay hindi itinanim nahulog yan at tumubo kasi nga kumpol kumpol.. Pero para wala ng usapang mahaba, sabi ko bilangin ninyo at babayaran ko.. 250 pesos isang puno, bukas pupunta kami kasi ang dami daw bunga.. Ganito pala sa Pinas? Papasukin ko ang lupain mo habang nasa abroad kayo! Tapos sisingilin ko kayo bawat puno.. Ang galeng ng style! Estilo ng kawatan.. May pandemic kasi kaya di ko ma asikaso. 
Sign In or Register to comment.