Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Sino Mga Pexers na Namatay na?

PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
May mga Pexers ba na namayapa na? Pansin ko kasi naging matumal na dito. Baka madaming namatay. Ano sa tingin niyo guys?
«1

Comments

  • Madami na pre. Since early 2000's pa ako nandito may mga katropa ako sa college at uaap forums noon na namayapa na. Ikaw nga akala din namin namatay ka na bigla ka nawala
  • Buhay pa si puto matibay na masamang damo yung eh. Add mo sa fb panay share ng kanyang photo restoration projects
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Maraming mga tinamad na pumunta dito, tulad ni Panis parating kinokontra, si Kafamz palaban, iyong iba napikot! Hehehe. 
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Grabe ka naman ibig mong sabihin kapag wala na dito sa PEx? kinuha na ni kamatayan? Sa mga inuugali ng mga pexer sa ngayon,, yung iba baka namatay sa kabwisitan at hindi kayang balikatin at dinibdib masyado na ikinamatay, kasi kung mahina ang. Minudensiya mo dito? Aba! Madadala ang buhay mo! 
  • Alpha_Greenv_2Alpha_Greenv_2 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    May mga Pexers ba na namayapa na? Pansin ko kasi naging matumal na dito. Baka madaming namatay. Ano sa tingin niyo guys?
    When FB and Instagram started gaining popularity, that's when most of the old Pex regulars here in BP left. 

    Nalunod na sa impluwensya ng Social Media. Let them drown from the filth in FB, Instagram, Tiktok etc. 
  • lurker486lurker486 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ano ba fb nung mga dating regulars para mahusgahan?

    :giggle:
  • littlegurllittlegurl PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Post ka na fb mo
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Naitanong lang kasi sa totoo lang mas entertaining pa ang PEX kesa sa Social Media. Pag mag post ako ng politica sa FB nababawasan friends ko at may kamaganak akong nagiging kagalit.
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Madami na pre. Since early 2000's pa ako nandito may mga katropa ako sa college at uaap forums noon na namayapa na. Ikaw nga akala din namin namatay ka na bigla ka nawala
    Andito pa nga ako o tingnan mo - Bakit ang Baduy ng mga Pelicula na Gawa sa Pilipinas? | The Sick Man of Asia (philippinesthesickmanofasia.blogspot.com)
  • Alpha_Greenv_2Alpha_Greenv_2 PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited November 2020 #11
    ^^
    Idea for your next blog entry -> gawa ka tungkol sa pano pinabagsak ni Corykong at ng mga DILAWAN (aka liberal party) ang Pinas.

    Unless dilawan ka din....hehe. Sa mukhang hindi naman
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^
    Idea for your next blog entry -> gawa ka tungkol sa pano pinabagsak ni Corykong at ng mga DILAWAN (aka liberal party) ang Pinas.

    Unless dilawan ka din....hehe. Sa mukhang hindi naman
    May mga sinulat na akong ganyan. Hahaha hindi kasi ako partisan. Dati talagang maka Digong ako pero nung naglabasan na din mga baho niya lalo na katangahan ng mga kasama niya eh nakita ko na pare-pareho lang itong mga politico. Masdan mo itong si Digong bawat bukambibig puro papuri sa China. Lahat ng talking points ng China inuulit para siyang parrot. China ang nagpondo sa campaña niya kaya biglang sumikat yan gamit ang social media. Hindi ka basta basta sisikat sa social media pero si Digong kumpleto may mga blogs, FB pages na naglabasan at mga articulo na parang iisang tao ang gumawa. Nakakapagtaka din si Mocha biglang tinalikuran ang sex blogging na bread and butter niya hindi yan basta basta gagawin ng isang tao para maging political analyst na halata namang wala siyang alam sa bagay na yun. Career suicide yun unless may magbabayad sa iyo. At ang nagbayad sa kanya ang interesado lang sa fanbase niya na mostly mga lalake at kabataan. At para hindi mabully si Mocha ng mga well versed sa politica na mga Dilawan bloggers ay dinikit siya kay Sass Sasot at Thinking Pinoy. Itong si Thinking Pinoy sigurado ako may PR background ito at talagang propagandist na yan dahil Dilawan noon yan at nagsusulat yan ng mga magagandang papuri sa Dilaw noon. Naloko tayong lahat.
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    lurker486 said:
    ano ba fb nung mga dating regulars para mahusgahan?

    :giggle:
    Dakilang stalker ka talaga 
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Naging Popular lang naman si Digong sa pag mumura  niya, lahat ata minura na niya pati diyos at papa sa Roma, bgayon pati mga taong bumoto sa kanya UGOK DAW? kasi hinahanap siya noong may kalamidad? Wala na siyang mamumura tapos na ang boksing kaya yung susunod naman kikilatisin natin WALANG PARTI PARTIDO tulad  in TRUMP sinentensiyahan ng tao di siya. makapaniwala kasi landslidesiya noon  2016..kala niya. Time changes. 
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    art727 said:

    Ibang klase kasi ang logic at behavior ng mga Pinoy pagdating sa pagpili ng candidato. Ewan ko kung dahil sa clan mentality na hinaluan ng regionalism at kabopolan. Parang mga bugoy lang na nakabili ng sound system pero tinatamad basahin ang manual kaya saksak dito saksak doon hanggang makuha ang tama. Pero iba sa politica dahil ang effect ng boto nila ngayon ay long lasting at matindi repercussions. Pag nagkamali pa ng boto talagang di matitinag at paninindigan ng husto. Tingnan mo mga Dilawan ayaw aminin at buksan mata na palpak ang pinili nila. Hahaha pareho lang din ng mga DDS. Pare-pareho lang silang lahat.
  • justj_justj_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    huwag Na kayong mag komento tungkol SA politica SA pinas halata naman Na wala kayong Alam.

    miss nyo Ba si aquino jusko 😂
  • Buhey pa ako..  di pa c- free pero nalampasan ko yung taning 😂
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Buhey pa ako..  di pa c- free pero nalampasan ko yung taning 😂
    Ipagdarasal ko ang tuloy-tuloy na paggaling mo. Malalampasan mo rin yan. 
  • PorferioKabisigPorferioKabisig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Biglang may natrigger na DDS ah hahahahahaha 

    Sinasabi ko sa iyo hindi ako partisan. At wala ako pake kila Roxas at Panot. Sila pa rin ay incompetent. Dahil sa incompetence nila, ito napala natin si Digong. Isa din incompetent. Pare-pareho lang sila.
Sign In or Register to comment.