Home PEx Business and Careers Banking and Finance
Are you a pageant expert? Join the PEx Miss Universe Quiz Night on May 16!

ForEx | Olymp Trade

micah_rdr2micah_rdr2 PEx Rookie ⭐
edited December 2020 in Banking and Finance

THREE BAR REVERSALS

Mas kilala sa tawag na three black crows at three white soldiers ng mga trading experts. Hindi na kailangan ang mga pangalan na ito upang maintindihan kung paano gumagana ang mga reversals na ito. Ito na rin ata ang pinaka obvious sa lahat ng trend reversal patterns.

Ang hinahanap dito ay tatlong candlesticks na magkakasunod na bumubuo ng reversal ng kasalukuyang trend. Isaisip na ang mga trends na ito ay maiksi at hindi sakop ang mga malalaking paggalaw sa presyo.

Ang EUR/USD chart sa ibaba ay isang magandang halimbawa dahil ang kabuuang swing sa bawat trend ay mas kaunti sa 2 centavos ng Euro. Ang isa sa magandang aspeto ng pagtrade ng Forex ay ang trader ay makakagawa ng magandang kita sa kahit na maliit na paggalaw ng market.

Lalo na kung mayroon kang broker na mayroong multiplier na tulad ng sa Olymp Trade. Sa chart na nasa ibaba, ang multiplier ay 500x. Ibig sabihin, ang kita ko ay 500x na mas malaki sa aking ininvest na halaga.

Image for post
Image for post

Makikita sa itaas ang dalawang naka highlight na area kung saan mayroong tatlong candlesticks na mayroong magkakaparehas na kulay (green) na sumunod sa candlestick na mayroong ibang kulay (red). Sa isang 15 minute chart na tulad ng sa itaas, ibig sabihin nito ay 45 minutes na mayroong paggalaw sa kabilang direksyon. Dahil dito, malaki ang pag asa na magpatuloy lang ang trend.

Ito ay isa sa mga magandang paraan upang maglagay ng trade na walang masyadong ginagawang research. Kailangan lang maging matiyaga, tignan ang chart, at maging handa na magpasok ng trade sa tamang panahon.

HAMMER AT REVERSE HAMMER — PIN BARS

Ang hammer at reverse hammer patterns ay madalas tinatawag na bullish at bearish pin bars. Nabubuo ang mga hammers kapag narating na ng trading momentum ang tuktok nito. Dahil dito, narerealize ng mga nagte-trade na ang market ay overbought o oversold.

Ang susi sa paggamit ng pattern na ito ay ang masiguro na ito ay nangyayari sa point ng reversal sa pamamagitan ng paghihintay ng maiksing panahon para makita kung paano mabubuo ang susunod na candle. Kung ang asset ay tunay na overbought o oversold, ang susunod na candle ay magpupunta sa kabilang direksyon ng trend. Makikita ito sa ibaba:

Image for post
Image for post

Sa halimbawa sa itaas, ang hammer o bullish pin bar ay nakahighlight sa kulay dilaw. Kapag nakita na natin ang form na ito, hihintayin lang natin hanggang ang susunod na candlestick ay mag kumpirma na ng reversal sa pagpapakita ng paglaki nito. Pagkatapos, makakapag bukas na ng posisyon.

Image for post
Image for post

Ang halimbawa naman sa itaas ay ang kabaligtaran ng nauna nating halimbawa at tinatawag na reverse hammer o bearish pin bar. Dito, makikita natin na ang nakahighlight na hammer. HIntayin na masigurado ang pagbabang presyo, at pagkatapos nito, magpasok na ng trade.

OUTSIDE BARS/ ENGULFING PATTERNS

Ang isa pang magandang pattern na nagpapakita ng trend reversal ay ang Outside Bars / Engulfing Patterns. Ito ay tinatawag rin na bear o bull outside bars at mayroong acronym na BEOB at BUOB.

Simple lang ang paggamit nito at makikita ito sa mga trend reversal points. Ang candlestick na ito ay may mas mataas na maximum at mas mababang minimum kaysa sa candlestick bago ito. Kasama rito ang mga “wicks” o ang dulo ng candlestick kaya kailangan siguraduhin na tignan rin ito.

Sa ilustrasyon sa ibaba, makikita ang trend reversal sa Dow Jones Industrial Average at pinakita rito ang taas at baba ng dalawang candlestick. Mabagal ngunit dirediretso ang pagtaas ng halaga. Nguni pagkatapos mabuo ang Bear Outside Bar (BEOB), makikita ang pagreverse ng trend pababa at may higit pang momentum.

Kung magbubukas ang trader ng posisyon sa BEOB, ang trader ay kikita kung gagawa ng down trade.

Image for post
Image for post

Kabaligtaran naman nito ang larawan na ipapakita sa ibaba. Ito naman ay BUOB (ang lugar na nakahighlight) nagreresulta naman ito ng trend reversal na paitaas.

Image for post
Image for post

Comments

  • micah_rdr2micah_rdr2 PEx Rookie ⭐
    Ang Olymp Plus ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang source ng trading information at education materials para sa mga trader.  

    Madodownload ito sa google play store or app store.
    Sa mga nakagamit na, anong opinyon niyo?  
Sign In or Register to comment.