Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

GTV: THE LOST RECIPE (Kelvin Miranda & Mikee Quintos)

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
edited March 2021 in Showbiz - TV #1
Siya ba ang next Alden Richards ng GMA-7?
by PEP Troika
6 HOURS AGO
Who is he? Ito ang teaser photo ng GMA News TV para sa upcoming prime-time series nitong The Lost Recipe. 
PHOTO/S: GMA PUBLIC AFFAIRS, VILLAGE PIPOL ON FACEBOOK
 
 
1.1K
SHARES
  

JERRY OLEA

Ang hula ng maraming netizens, si Kelvin Miranda ang bagong Kapuso leading man sa prime-time series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

Pinost ng GMA Public Affairs sa Facebook page nito ang litrato ng bida sa nasabing palabas noong Oktubre 2, Biyernes ng gabi.

Halos half-body ang litrato, kung saan natakpan ang upper half ng mukha ng lalaki.

At press time, nasa 2,000 na ang comments sa nasabing Facebook post.

Na-tweet din ni Kapuso PR Girl, an account managed by GMA Corporate Communications, ang nasabing litrato.

Naikumpara agad ng netizens ang tatlong palatandaan sa lower half ng mukha ni Kelvin—pilat sa baba, nunal sa pisngi, at marka sa upper lip.

'Tapos, ang suot ng lalaki sa litrato ay kapareho ng suot ni Kelvin sa photo shoot ng isang website na lumabas noong Enero 2020.

Kelvin Miranda
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM VIDEO OF VILLAGE PIPOL ON FACEBOOK
 
 

Meron pa itong video.

Lumabas din ang kaparehong litrato kung saan kita ang mukha ni Kelvin.

May “K” ba ang 21-anyos na si Kelvin para magbida?

Aba! May mga nagsasabi na look-alike si Kelvin ni Daniel Padilla...

At sumusunod ba siya sa mga yapak ni Alden Richards?

Bida si Kelvin sa Netflix Originals movie na Dead Kids (2019), sa direksyon ni Mikhail Red.

Best actor si Kelvin sa 6th Urduja Film Festival para sa indie movie na The Fate (2019).

Isa siya sa mga bida ng "Beki Basketball Beauties" (2019) episode ng Magpakailanman. Co-stars niya rito sina Martin Escudero, Phytos Ramirez, Buboy Villar, at Donita Nose.

Nakasama rin si Kelvin sa cast ng teledramang Madrasta at ng defunct variety show na Sunday Pinasaya.

Mahusay siyang kumanta, maggitara, at mag-drawing. Ang sports niya ay basketball at boxing.

Naniniwala at aprub ba kayo na si Kelvin Miranda nga ang bagong Kapuso leading man na bida sa The Lost Recipe?

Pakisagot, KelviNation at Kelvin Warriors!

Poll

Kelvin Miranda, handa na bang maging leading man?

  • Yes!
  • Not sure.

GORGY RULA

Tingnan natin kung ano pa ang plano ng GMA Artist Center kay Kelvin.

Guwapo naman siya na minsan, may anggulo siyang James Reid.

Minsan, may anggulo ring Enrique Gil.

Poll

Sino ang look-alike ni Kelvin Miranda?

  • Daniel Padilla
  • James Reid
  • Enrique Gil
  • None of the above

Pero bakit ang ninega ng mga komento ng iba na tila wala siyang karapatang magbida?

Sana, ang ginawa ng GMA, ini-launch muna ang programa saka pinahulaan kung sino ang bida.

Nauna pa tuloy ang panlalait na hindi pa nga alam kung may karapatan siyang magbida sa prime-time series na iyon ng GMA News TV.

NOEL FERRER

Ok namang mag-launch ng bagong talent. Susuporta tayo riyan.

Pero hindi mo siya pahuhulaan lalo pa kung mas may value siyang blind item na lang.

Oh well, napansin si Kelvin ngayon dahil sa sinasabi ng iba na hindi masyadong pinag-isipang intro campaign.

Lalo niyang dapat patunayan kung ano’ng meron siya para magkapangalan.

O kung sapat ba siyang manatiling pahulaan na lang?

For now, ang tanong, KELVIN MIRANDA... Cynthia? Good luck!



    Comments

    • himighimig PEx Rookie ⭐
      Pagbati kay Kelvin Miranda! Mukhang mahusay ang proyekto mong ito!
    • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

      Kelvin Miranda reacts to criticisms after bagging lead role in upcoming GMA prime-time series

      by Bernie V. Franco
      5 HOURS AGO
      Daniel Padilla lookalike? The next Alden Richards in GMA-7? This is what Kelvin Miranda has to say: "Talagang nagulat din ako na inihahambing ako sa mga kilala at mahuhusay na artista. Nakakatuwa, compliment po talaga." 
      PHOTO/S: IAMKELVINMIRANDA ON INSTAGRAM
       
       
      386
      SHARES
        

      Distraction lang para kay Kelvin Miranda, 21, kung pakikinggan niya ang kanyang mga kritiko.

      Sumugal ang GMA Network kay Kelvin nang piliin siya bilang lead star sa upcoming fantasy-romantic prime-time series na The Lost Recipe ng GMA News TV.

      Katambal niya rito si Mikee Quintos.

      Bago kasi ang malaking break na ito, karamihan ay puro supporting roles ang ginampanan ni Kelvin.

      Nakitaan siya ng potensiyal na kumanta at sumayaw sa pagpe-perform niya sa Sunday PinaSaya, ang dating Sunday variety show ng GMA-7.

      Nanalo na siya bilang Best Actor sa 6th Urduja Film Festival para sa pelikulang The Fate (2019).

      Nakaagaw siya ng atensiyon nang ipatalastas ng GMA-7 sa social media accounts ang pagpapahula kung sino ang magiging lead actor ng upcoming teleserye ng TV network.

      Marami ang nakapansin na may hawig siya kay Daniel Padilla at inaabangan kung susundan niya ang yapak ni Alden Richards.

      Sa kabila nito, tanong na kanyang mga kritiko, hinog na ba si Kelvin para maging main star ng Kapuso network?

      KELVIN ON HIS DETRACTORS

      May pahayag si Kelvin sa mga kumukuwestiyon sa kanyang potensiyal na maging bida.

      “'Yun po ang pananaw nila at hindi ko yun sasaklawan,” sagot ng aktor sa mga nagdududa sa kanya.

      “Sa akin lang po, ang kailangan kong gawin ay ang trabaho ko at kailangan kong pagbutihin ito araw-araw. Mag-improve kada oras, kada minuto.”

      Natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga sagot ni Kelvin noong October 16.

      “Kasi kapag inisip mo pa ang mga ganung bagay, maapektuhan ka lang. Madi-distract ka lang, kumbaga.

      “So, hindi ko sila sasaklawan. Kung ano ang gusto nilang sabihin, nirerespeto ko ang kanilang opinyon.”

      Sa isang previous interview sa PEP.ph, iginiit ni Kelvin na hindi niya kokontrahin kung mayroon mang hindi natutuwa sa kanya.

      “Wala akong question. Wala akong masamang sasabihin sa inyo. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman.

      “At good luck sa inyo. Mag-ingat kayo. God bless," aniya.

      ON COMPARISON TO DANIEL AND ALDEN

      Flattered daw ang baguhang aktor na sinasabing may hawig siya sa Kapamily A-lister na si Daniel.

      Pati na rin ang pag-abang kung siya ang susunod sa yapak ni Alden bilang prime artist ng kinabibilangang TV network.

      Nabanggit ito sa artikulong sinulat ng PEP Troika sa PEP.ph noong October 4.

      PHOTO/S: @IAMKELVINMIRANDA ON INSTAGRAM
       
       

      “Ang bigat po ng article na yun. Talagang nagulat din ako na inihahambing ako sa mga kilala at mahuhusay na artista. Nakakatuwa, compliment po talaga,” reaksiyon ni Kelvin.

      Sa kabila nito, alam daw ni Kelvin na ang paghahambing sa kanya kina Daniel at Alden ay dagdag pressure para patunayan ang sarili na may ibubuga siya sa industriya.

      “Super thankful po ako pero sa kabilang anggulo, nagiging reminder din po sa akin na kailangan kong magkaroon ng sariling flavor, at maipakita sa iba kung sino po talaga ako.”

      Kung siya ang tatanungin, sinong aktor ang gusto niyang sundan ang yapak?

      “Iniidolo ko talaga sa GMA si Kuya Dingdong Dantes. Sobrang natural niya pagdating sa mga eksena," sagot ni Kelvin.

      Naging lead si Kelvin sa 2019 indie movie na Dead Kids, na kinatampukan din nina Sue Ramirez, Markus Paterson, at Khalil Ramos.

      Nagkaroon din siya ng support role sa mga pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love at D’Ninang na parehong ipinalabas noong 2019.

      Marami-rami na rin ang nilabasan niyang single episodes sa weekly TV series at shows sa GMA-7.

      Nakatakdang magsimula ang taping ni Kelvin para sa The Lost Recipe ngayong darating na Nobyembre.

    • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

      Thea Tolentino shares excitement over different kontrabida role in new project

      Thea is set to join Kapuso network’s upcoming series The Lost Recipe as Ginger Romero alongside lead stars and new screen partners Mikee Quintos and Kelvin Miranda.

      Kapuso star Thea Tolentino shared her happiness and excitement over her new drama series where she will play a different kontrabida role.

      In an exclusive interview by GMANetwork.com, Thea candidly shared the reason she’s very happy with this new project even though she will still be a kontrabida.


      According to Thea, this will be the first time that her role will not be involved in stealing a man.

      “Ang saya kasi hindi ako mang-aagaw ng lalaki this time!” she said.

      Thea is set to join Kapuso network’s upcoming series The Lost Recipe as Ginger Romero alongside lead stars and new screen partners Mikee Quintos and Kelvin Miranda.

      Meanwhile, the Kapuso star also disclosed that during the story conference for the series she really made it a point to clarify if her role will again be involved in stealing a man.

      “Talagang ‘yun ‘yung pinaka nilinaw ko. Tinanong nila kami kung may mga questions po kayo, tapos nagtaas ako ng kamay. ‘Tanong ko lang po, may aagawin po ba ako ulit?

      However, she was advised by their production manager that she’ll no longer play the role that she has held for quite some time and that made her so happy.

      “Sabi naman ng PM namin na si Kuya Mychal, ‘Wala, ako na ang maglilinaw sa ‘yo, wala kang aagawing lalaki.’ Ang saya!,” Thea added.

      Thea has always been typecast in a kontrabida role who is always trying to steal a man from the lead actress.



      Her most recent projects with that kind of role include Madrasta where she played a former wife bound to take back her husband who’s now with another woman, Asawa Ko, Karibal Ko where she played a transexual who end up fighting for a man against her former wife, and Haplos where she played a rival to her sister.

    • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
      Ang gag show na Sunday Kada (upper left) at daily noontime show na Lunch Out Loud (lower right) ay ilan sa blocktimer shows ng Brightlight Productions sa TV5. Sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos (lower right) naman ay mga bida sa The Lost Recipe ng GMA News TV. 
      PHOTO/S: SUNDAY KADA / LUNCH OUT LOUD / THE LOST RECIPE
       
       
      328
      SHARES

      JERRY OLEA

      Totoo bang humigit-kumulang PHP500M na ang ginastos ng Brightlight Productions para sa mga programa nito sa TV5 sa loob ng limang buwan?

      “Nakaka-disappoint ang ROI [return of investment]. Mahina ang ratings at commercial load,” pahayag ng source ng PEP Troika.

      Dagdag nito, “Iyong Sunday Kada lang ang rumatsada, kaya hindi na ako nagtaka na nagpaalam na ang Chika, BESH at Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes.”

      Ang Sunday Kada ay ang gag show na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Daniel Matsunaga, Jerome Ponce, Joshua Colet, Maxine Medina, at Wacky Kiray.

      PHOTO/S: SUNDAY KADA
       
       
      CONTINUE READING BELOW ↓

      Ang Chika, BESH ay ang defunct morning talk show na ang hosts ay sina Pokwang, Ria Atayde, at Pauleen Luna.

      Pokwang, Ria, and Pauleen 
      PHOTO/S: CHIKA, BESH
       
       

      Sa Brightlight Productions din ang Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live.

      Jake Ejercito, Maris Racal, and Ricci Rivero 
      PHOTO/S: SUNDAY NOONTIME LIVE
       
       
      CONTINUE READING BELOW ↓

      THE LOST RECIPE

      Ang GMA News TV naman, nagbabadya nang umarangkada ngayong 2021.

      Siksik, liglig, at hitik ng mga patalastas ang mga programa ng GMA-7 kahit iyong mga replay.

      Palalakasin ng Kapuso Network ang programming ng GMA News TV upang doon ilagay ang mga sobrang commercial.

      Mag-uumpisa na ang fantasy-romance series na The Lost Recipe sa Enero 18, Lunes ng 8:00 p.m., sa GMA News TV.

      Bida rito sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.

      Kelvin, Mikee, and Paul Salas 
      PHOTO/S: THE LOST RECIPE
       
       
      CONTINUE READING BELOW ↓

      GMA FRESH EPISODES, GMA NEWS TV LINE-UP

      Naiulat na natin dito sa PEP Troika na sa Enero 18, Lunes, din magbabalik sa GMA-7 ang Magkaagaw (2:30 p.m.) at Anak ni Waray vs Anak ni Biday (8:00 p.m.), at mag-uumpisa ang fresh episodes ng Love of My Life (8:50 p.m.).

      Opo! “Magsasabong” ang pilot episode ng The Lost Recipe (GMA News TV) at ang pagbabalik ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday (GMA-7)!

      Sa Enero 30, Sabado, naman mag-uumpisa sa GMA News TV ang fantasy rom-com series na My Fantastic Pag-ibig.

      Sa unang installment nitong “Love Wars,” nanganganib na magunaw ang mundo ng mga kupido dahil sa trending dating app na Matchmaker. Sa kagustuhang ma-rescue ang kanilang mundo, magpapanggap si Pido (Kim de Leon) bilang mortal at papasok bilang intern sa kumpanya ng dating app. Makikilala ni Pido ang app developer na si Lovelyn (Lexi Gonzales).

      Pursigido si Lovelyn na lalong maging successful ang Matchmaker app. Magtagumpay kaya si Pido sa kanyang misyon? Ano ang magagawa ng isang kupido sa growing trend of finding love in the digital age?

      CONTINUE READING BELOW ↓
      Lexi Gonzales and Kim de Leon 
      PHOTO/S: LOVE WARS
       
       

      Ikinakasa na rin ng GMA News TV ang Heartful Café (Julie Anne San Jose, David Licauco & Andre Paras), Love You Stranger (Gabbi Garcia & Khalil Ramos), Flex (Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, & Althea Ablan), at Game of the Gens (Andre Paras, Sef Cadayona, & GenDolls).

      CONTINUE READING BELOW ↓

      GORGY RULA

      May ilang umarko ang kilay kung bakit sina Kelvin at Mikee ang kinuhang bida sa The Lost Recipe.

      Nakita ko ang trailer nito sa kanilang virtual mediacon, maganda siya at bagay silang dalawa. Iyon ang sinabi ng nasa production ng The Lost Recipe na hindi ganoon kadali sa kanila ang pumili ng magbibida sa seryeng ito ng GNTV.

      Ang dami raw nilang sinubukang pair, pero nakita raw nila ang kakaibang chemistry kina Kelvin at Mikee. Sa unang audition pa lang daw via Zoom, kitang-kitang daw na bagay ang dalawa.

      Sabi pa ng program manager nila na si John Mychal Feraren, “Feeling namin na may something talaga silang dalawa.

      “So, pinabalik namin sila again for the second round ng audition. Parang hindi na kami masyadong nahirapan, kasi parang sila na talaga yung perfect dun sa mga characters.

      “Ang instruction kasi sa amin nung nagpa-audition kami, hindi si Kelvin o si Mikee ang makita namin. Basahin mo yung script and try to be Harvey and Apple.

      CONTINUE READING BELOW ↓

      "'Tapos, biglang nag-transform sila sa mga characters nila. So, yun talaga ang deciding factor na sila ang mapipili sa project na ito."

      Kelvin and Mikee 
      PHOTO/S: THE LOST RECIPE
       
       

      Noong unang in-announce na si Kelvin ang magbibida, kaagad na may negatibong komento at nakarating daw ito sa aktor.

      Pero hindi siya nagpaapekto at sa halip ginamit niya ito para lalo siyang magpursige na galingan ang performance niya sa The Lost Recipe.

      CONTINUE READING BELOW ↓

      "Noon pa man, may ganun na po akong naririnig. Nasanay na rin po," pakli ni Kelvin.

      "Natutuwa ako dahil nai-express nila ang nararamdaman nila, kasi importante maririnig natin ang isa’t isa.

      "Para sa akin, tini-take ko naman po as constructive. Kesa intindihin ko pa at masamain ko.

      "Sa akin kasi, baka mas makakasama pa kung intindihin ko yung negative side.

      "Ginagawa ko na lang siyang stepping stone para mas makatulong sa gusto kong puntahan.

      "Yung negative criticisms na yun, ginagawa kong tuntungan para sa kung saan ko gustong puntahan," dagdag na pahayag ng aktor na may anggulong James Reid.

      NOEL FERRER

      Nakakapanghinayang na dali-dali na lang umuusbong at nangangawala ang mga programa sa TV5.

      Bakit kaya ganito ang nangyayari at hindi kinakapitan ng mga manonood?

      Sana ay hindi ganito ang maging kapalaran ng The Lost Recipe na umpisa pa lamang ay tinatawaran na ang casting at sinasabihan nang CYNTHIA (o sino siya?) ang mga bida.

      CONTINUE READING BELOW ↓

      Malamang, gusto ng creator nito na concept ang kapitan kahit hindi pa masyadong kilala ang mga bida.

      Tingnan natin kung WINNER ito o LOST.

      JERRY OLEA

      Siyanga pala, streaming na sa Enero 18, Lunes, sa iWant TFC ang rom-com series ng JoRox na Hoy, Love You!

      Sa istorya, parehong single parent sina Jules (Joross Gamboa) at Marge (Roxanne Guinoo) na ang tanging hangarin ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kani-kanyang anak.

      Pagkatapos mabiyudo, pinagbubutihan ni Jules ang kanyang trabaho bilang contractor habang inaalagaan ang kanyang anak na architecture student (Brenna Garcia).

      Si Marge naman ay interior designer mula Manila na iniwan ng dati niyang kasintahan na si Richard (Dominic Ochoa) at mag-isang itinataguyod ang kanilang anak na si Charles (Aljon Mendoza).

      Magkakasama sa isang construction project sa Lobo, Batangas sina Jules at Marge. Doon sila magkakakilala at unti-unting mahuhulog ang loob sa isa’t isa.

      PHOTO/S: HOY, LOVE YOU!
       
       
      CONTINUE READING BELOW ↓

      Tampok din sa Hoy, Love You! sina Karina Bautista, TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Keanna Reeves, at Carmi Martin. Mula ito sa direksyon ni Theodore Boborol.

      Inilabas ng Star Music ang official theme song ng serye na may parehong pamagat at inawit ng buong cast. Libreng mapapanood ang Hoy, Love You! sa darating na Enero 18 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa official website.

      Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8:00 pm hanggang Enero 24.

      Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.

    • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Expert 🎖️
      May sponsorship sa TLR - Maggi Supreme Sarap:clap:
      Maayos yan! :okay:
    • JeSuisBillyJeSuisBilly Pursuing My True Passions SOON PEx Moderator
      9.8K
      SHARES
       

      Sa interview ni Paul Salas para sa GTV series na The Lost Recipe, naibahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media ang pinagdaanan noon na pagdududa sa sarili kung gusto pa niyang mag-artista.

      Naranasan daw kasi ni Paul na muntik nang bumigay at itigil ang pag-aartista nang mag-transition siya mula child actor to teen actor.

      Kuwento niya, sa isang set ng nabigay sa kanyang part sa isang proyekto kunsaan mga bigating artista ang kanyang kasama, inabot daw ng isang araw na hindi niya magawa ang hinihingi sa isang eksena.

      Itinigil na lang daw ang taping at sinabihan siyang sa next taping day na lang uli susubukang kunan ang eksena niya.

      "Sobra akong na-down do'n. Pumasok ako sa kotse sabi ko, 'Ayoko na. Ayoko na," lahad ni Paul.

      Panoorin ang video ng kanyang interview para malaman kung paano niya nalampasan ang pagsubok na ito sa kanyang karera.

    Sign In or Register to comment.