Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Tama ba na magalit ako sa best friend ko?

Ako ay isang low maintenance friend. Kahit matagal tayo hindi mag-usap basta may pinagsamahan tayo di ako nakakalimot. Ang bilin ko lagi sa mga friends ko, chat or text lang sila kapag need nila ako. Hindi rin kasi talaga ako matext or machat. Hindi rin ako active sa social media. Nasanay na akong ganun.

For the first time, after grad, nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa loob ng 3 taon ko sa trabaho ko. Masasabi ko na iba yung lalim ng friendship namin kesa sa iba kong tropa. Kasi machat sya. Araw araw yan. Chismisan lang kami, kwentuhan ganyan. Hindi kasi kami nakakatambay masyado sa opisina. Alam nya lahat lahat sa buhay ko. Kulang na lang pati pag-utot ko sasabihin ko pa sa kanya. Kaya bestfriend na rin ang turing ko sa kanya. Nandun na kami sa level ng friendship na yun. Akala ko lang pala.

One time kasi nadulas sya magsend ng screenshot ng messages nya na nandun nakita ko nagrereply sya sa ex nya na ayaw ko para sa kanya kasi niloko lang sya, pinagpalit, bigla na lang iniwan which ang sabi nya hindi daw nya nirereplyan kasi baka mag-isip ang guy na interesado pa sya. Iniignore lang daw nya. Di daw nya siniseen. Tapos may isa pang pangyayare na may pinapakita syang pic sa phone sya at biglang nagpop yung chat head ni guy. Sabi nya nagchachat lang daw di naman nya nirereplyan. Itinanggi pa nya. Ginawa pa akong *****.

Tama ba na magalit ako? Magtampo? Mahurt? Kasi akala ko nandun kami sa level na sasabihin lahat. Ako lang pala yata yung ganun. Kaya daw nya di sinabi kasi alam nyang ayaw ko sa kanya yung guy. Na nahihiya sya kasi marupok pa rin sya hanggang ngayon. I mean we're practically bestfriends, di ko naman sya ijjudge. E kaso ako lang yata naturing ng ganun. E kaya pala late na rin lagi reply, ang aga maggoodnight. E sinanay nya ako sa ganun e

Best Answer

  • lyline30lyline30 PExer
    Accepted Answer
    same tayo ng situation girl! ganyang ganyan din yung bestfriend ko however ako kasi kinompronta ko pa siya kung mahal nia pa ba yung x nia at bandang dulo mahal pa daw nia kaya maski nagsinungaling siya sakin na hindi na niya kinakausap yung hateful na guy na yun eh at nag away pa kami dahil lang sa X nia.... i have no choice but to respect her decision kasi kung mag aadvice ka sa kanya parang tang* lang akong nagsasalita hindi naman din nia ako pakikingan so.. I've decided na magtampo yet hindi ko din siya natiis kaya kinausap ko ulit siya na kung anu man decision nia sa buhay nia eh... i respect her after all buhay nia parin yun.. therefor I've learn to love and respect myself is better than give it to others after nun we're still bestfriend.. basta ang mahalaga nasa tabi kania sa ups and downs ng buhay nia... =) yun na lang ginawa ko hindi ko alam kung nakatulung ba ako girl.. share lang din. =D

Answers

  • @lyline30 thank you for this! Pero nung magusap kami sabi ko basta wag na syang magkkwento about dun sa guy kasi yun naman talaga ang plano, na hindi ko malaman. Let's just leave it like that. Yung mga feel na lang nyang isahre ang ishare nya sa akin. Basta kung saan sya happy, happy na din ako for her. Ganun na nga lang siguro, maging available sa ups and downs nya sa buhay. Hihi. Ang isa ko pang concern hahahah Nananahimik ako for 3yrs tapos for the past 6mos sinanay nya ako chikahan simula work hanggang 8pm everyday. Tapos this week lang nawala bigla. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip nya. Wala akong nalaman sa kanya straight 1week. Hindi ko alam kung pagod lang at ayaw makipagchat or what. Ang hirap nya spellingin ngayon! Hahaha Ang hirap kasi ng walang kausap sa bahay, uhaw sa kausap tapos may dadating na makakausap mo kahit sa mga walang kwentang bagay tapos biglang cold. Pero lagi ko na lang iniisip may hinaharap syang pagsubok sa work dapat tigilan ko na kaartehan ko at sya ay samahan ko sa pinagdadaanan nya. 
Sign In or Register to comment.