Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
Are you a pageant expert? Join the PEx Miss Universe Quiz Night on May 16!

Kinasusuklaman ko ang aking ina

You might wonder bakit ko ito sasabihin. 

Sa totoo po mahal ko ang aking nanay dati syang mapagmahal na ina. Pero nagbago ang lahat nung nagstart na syang makichat kani kanino. Buhay pa po ang tatay ko at magkasama pa sila sa bahay. Ang tatay ko po ay forever yatang babaero din. Ang pangit ng record nila at parang di ko matanggap na may ganito akong mga magulang. Mom is 67 years old. Imagine po na ilang taon na sya at ganyan pa sya. 

Worst scenario pa, nagpapadala sya mga lalaki ng pera at nagkanda utang utang sya ng tambak at pati sa bumbay pa. Sa totoo lang po pinagdamutan ko na sya dahil nasasayang ang pera sa kanya. Araw araw load nya 30 pesos plus 50 pesos every 3 days. 

Hindi po sya nagwowork at sa tindahan, dun nya lahat kinukuha mga panluho nya. Bumibili ng kung ano anong abubot sa shopee at lumulubog ang benta sa tindahan dahil sa kanya.

May sarili po akong kita at nakakasama ko sila sa bahay. In few months time po aalis ako dito dahil di ko na po maabsorb ugali nya. 

Ang problema ko po, wala na akong peace of mind sa wrong doings nya at di na po matahimik ang isip ko lagi na sya sa isip ko at puro negative thoughts na lang. Nakakahiyang ishare ang problema sa ibang taong kakilala dahil majajudge ang family ko. 

Gusto ko na sila kalimutan. Pati prayers di na sila napagbago kaya sabi ko kay God sya na lang bahala. 

Ang bigat na sa pakiramdam na ganito nangyari sa pamilya, puro kahihiyan na lang. HIndi ko na alam pano aalisin sa isip ko mga nega thoughts.

Comments

  • edited December 2020
    Sali ka sa  Cfo Peso  sense na group sa FB. Dame don magaling magbigay ng advice. Thank me later
  • ang masasabi ko lang ay, sige ituloy mo na bumukod kasi kahit sino naman gugulo ang isip sa ganyang sitwasyon. pero sana hindi maging permanent yun feeling na pagka suklam sa nanay mo. in a Christian point of view, God uses them (your parents) to test your patience. minsan, we ask God to spare us yan mga ganyang pampagulo lang pero hindi mawala wala di ba. kasi ang unang babaguhin ni God ay ikaw - how you see things and how to react on difficult situations. 
Sign In or Register to comment.