Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Naiinis din ba kayo kay Bong Go?

MountainBikerMountainBiker PEx Rookie ⭐
Wow lang ha. Halos pawala na sana ang covid dito sa probinsya namin kaso may Balik Probinsya Program si Bong Go kaya dumadami na naman ang cases dito. 

Iritang-irita ako sa kanya. Hindi man lang pinag-isipan ang batas nya. Hinding-hindi ko talaga siya iboboto. >:(

Comments

  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi ako naiinis!, sa totoo lang maganda yung kanyang panukalang BALIK-PROBINSIYA, kasi duon magkakaroon ang mga SIYUDAD na magkaroon ng pagkakataong iunlad ng namamahala ang kanyang nasasakupan..PERO DAPAT maging FEDERAL FORM OF GOVERNMENT...muna ang BANSA...kasi wala namang nangyayari sa NAPAKALUMANG PAMAMAHALA NG GOBYERNO, at hindi naman masama ang pumorba ng bagong mga paraan TULAD NG SA AMERIKA na FEDERAL FORM OF GOVERNMENT....KANYA-KANYANG SIKAP..IMBES NA PURO ASA SA TULONG NG PAMAHALAAN SAmga pondo na kapag di ka kaututang dila..KAKAPIRANGOT ANG BAHAGI MO...hehehe
  • MountainBikerMountainBiker PEx Rookie ⭐
    Maganda sana yang panukala na yan kung walang pandemic ngayon pero dahil sa pandemic, the timing is simply idiotic. Inantay na lang sana niya na matapos muna ito. Masyadong atat. Ayan tuloy, lumolobo ang positive sa probinsya dahil sa katangahan nya.
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Si Bong Go..yan ay isa sa ibinoto ng mga tao,at kailangang magpakita siya ng gilas para mapaunlad ang bansang Pilipinas, Isa na ang programang BALIK-PROBINSIYA!! Ano ba ang dahilan at marami gustong lumuwas ng probinsiya?...Kaya ang mga pangarap ng mga tao ay makapunta sa Maynila?, Dahil ang kanilang paniniwalang napakaganda ng mamuhay sa siyudad ng Maynila at ito ang kanilang hagdan para umunlad sa pamumuhay kumpara sa
    BUHAY PROBINSIYA..lalo na ng mapanood nila ang PROBINSIYANO TELESERYE.,inaakala nilang magiging ganon din sila pagdating duon.

    Paano ang gagawin para mawala ang ganong paniniwala?, Unang-una sa pamamagitan ng pagtuturo sa eskwelahan o paaralan na ang PROBINSIYANO by Coco Martin ay isa lang na palabas at hindi makatotohanan, na mas maganda ang mag-aral at magtapos at maglingkod sa inang bayan. Pangalawa, ang isa pang dahilan ay duon inilagay ang mga eskwelahan HALOS LAHAT AY SA KAMAYNILAAN...Ngayon lang nagbabago na naglalagay na ng mga sangay ng TANYAG NA ESKWELAHAN SA MGA BANDANG PROBINSIYA, pero kinukulang pa ren.

    Ang mga dayuhan ay payagan ng magtayo ng MAG-NEGOSYO AT ALISIN NA ANG 40/60 na hatian,itong mga pabrika at kumpanya hindi sa MAYNILA itatayo kungdi duon sa mga probinsiya na magbibigay ng mga hanap-buhay sa mga mamamayan.

    Pangatlo alin sa mga posisyon ang parang walang silbi sa gobyerno?, hindi ba ang BISE PRESIDENTE!, AT MGA GOBERNADOR? Dapat siguro ay mabigyan sila ng responsableng tungkulin sa ikauunlad ng bayan SA MGA PROBLEMA NG MGA KALAMIDAD, IBIGAY SA MGA GOBERNADOR ANG MGA PAGLUTAS sa mga ito..Hindi puwedeng MATAPOS MAI-UPO ng mga tao si GOBERNADOR AY WALA NG GAGAWIN KUNG HINDI MAUPO...HINDI BA kadalasan ay wala tayong naririnig sa mga nanunungkulang NALUKLOK SA GANYANG PUWESTO? Pamahalain sila sa mga BALIK-PROBINSIYANG MAMAMAYAN..NG MAPAKINABANGAN..at maipakita nila ang kanilang TALENTO BILANG GOBERNADOR NG KANI-KANILANG PROBINSIYA..
Sign In or Register to comment.