Home PEx Campus The Academe
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Help! UST, PLM, or MCU?

Hello po. I'm an incoming college freshie who's an aspiring doctor in the future. The three schools I mentioned are my current choices as for now. Kinukuha na kasi ni dost kung ano ang school and course ko sa college (nakapasa din po ako sa dost s&t undergraduate scholarship). Nag-exam din ako sa UPCAT but I'm not very confident na papasa ako dun saka wala pa rin ang UPCAT 2020 results. Now, I'm torn kung saang school ba ako papasok. I wonder if you can give me your opinions naman po and help me decide :)

UST ~ honestly, I really want to go to school here. BS Med Tech po nilagay kong course, and I was able to thankfully pass. If ever dito ako papasok, I will be able to enjoy a 100% scholarship daw kasi I graduated SHS as rank 1. Kaya lang I am worried kasi baka hindi ko ma-maintain ang scholarship ko. Kung sakaling mangyari yun, mahihirapan kami since I come from a low-income household. I wish I could say na 'I'll try my best and surely I can finish my pre-med course without spending too much' but I feel that that would be too idealistic since 'di ko naman alam kung sino ba mga makikilala ko dun at kung ano mga mangyayari once mag-aral na ako. Also, marami rin ang nag-aadvice sa akin na 'wag mag UST kasi mahirap daw ang byahe at lagi daw baha kapag rainy season.

PLM ~ PLM is quite a complicated case for me. Nakapasa kasi ako kaso ngayon ko lang naalala na BS Bio pala ang nilagay kong first course dun. E naipasa ko siya. Akala ko talaga nursing ang first course ko pero di pala! (Shushunga ***** 'di ba? sorry na po). I really don't want BS Bio as my premed, pero nanghihinayang ako sa libreng tuition fee sa PLM. Sa pinagtanungan ko, 'di daw pwede na nursing ang pasukan ko kasi bio ang ipinasa ko, at strict daw ang pagtanggap ng college of nursing sa mga students na first choice ang nursing.

MCU ~ Manila Central University po ito. Ito ang pinakamalapit na school sa amin kasi sa Caloocan ako titira kapag nagcollege na. Med Tech din ang kinuha kong course dito. Neutral ang opinion ko sa MCU. It's not my dream school, pero I wouldn't hate going here too. Kaya lang nanghihinayang ako sa UST or sa PLM.

If ever makakapasa ako sa UP, automatic na dun na ako papasok, kaya lang tulad ng sabi ko 'di ako confident na pasado ako dun. Sumasakit na ulo ko kakaisip kung san ba dapat pumasok. 'Di naman nakakatulong mga pinagtatanungan ko kasi ang sinasabi nila sakin kung san ko daw gusto pumasok, dun daw ako. As if naman ganun lang kadali yun, I have to consider all the consequences, the pros and the cons, 'di ba?

Kung binabasa niyo pa rin po 'to, thank you po sa time niyo at sana po mabigyan niyo po ako ng opinion niyo. Salamat po!

Tagged:
Sign In or Register to comment.