Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Balik Probinsya Bagong Pag asa Program

olanxyz365olanxyz365 PExer
edited May 24 in Buhay Pinoy
Dahil sa Problemang dala ng COVID 19 Pandemic, labis na nahirapan ang mga informal Economy na nakatira sa Ilalim ng Tulay, Tabing Ilog ng Metro Manila, Isa sa naging Solusyon ay ang Balik Probinsya Bagong Pag asa Program. Ito ay Panukala ni Senator Bong Go, na dati nadin Program ng nakaraang Aquino Administration dahil sa Nararanasang Baha sa Kamaynilaan..ANO PO ANG MsASAbi niyo dito sa Programang ito?

Comments

  • justj_justj_ PEx Rookie ⭐
    good idea but subject to grave abuse kung walang monitoring and progress report.  siempre kaiilangan ng magandang incentives at pangkabuhayan sa probinsya para magstay sila doon.  and they should be. banned from going back to manila for 5-10 years. pano na kung balik manila kaagad ang ang mga yan. lets wait to hear more from bong go
  • olanxyz365olanxyz365 PExer
    edited May 24

    justj_ said:

     Yes, true, kaylangan imonitor ang progress ng isasalang sa Balik Probinsya Program kung ano na development after nila magsettle dun, andun naman din ang ibibigay na programa, 
    Mahirap makipagsapalaran sa Kamaynilaan kung wala rin lang investment sa sarili katulad ng tamang edukasyon at skills na puhunan
  • pong_padourpong_padour PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Magbabalikan pa rin mga galing sa probinsya hangga't may provincial rate pa rin.
  • Kaylangan pag aralan ang wages ng bawat probinsya depende sa cost of living, mainam na kung mapag tataniman sila gulay, mas maganda compare sa metro manila lahat bili..
  • Max_BuwayaMax_Buwaya PEx Influencer ⭐⭐⭐
    May napanood akong docu minsan tungkol sa mga taong nakatira sa mga liblib na lugar ng Saranggani.  Ang kinabubuhay nila ay pag-aabaka na naibebenta nila ng 80 pesos bawat kilo.  Kawawa ang mga anak, sa araw-araw ang kinakain ay kamote't kamoteng kahoy lang.  Nagkaroon na sila ng kundisyon sa kakulangan ng protina sa katawan.  Maski bigas, wala. 

    Sa paglipas ng taon, ang dating tatlong beses isang taon na "anihan," naging isang beses na lang dahil sa pagkakalbo ng kabundukan.  Ang abaka kasi ay nabubuhay sa lilim ng mga puno at kung saan sagana ang tubig.  Lalong naging hikahos sa buhay ang mga tao.

    Pero nakakapagtaka, sa lawak ng kabundukan at lupain nila, hindi man lang  sila nakaisip ng alternatibong kabuhayan.  Hindi maaring puro kamote't kamoteng kahoy lang ang maitanim doon.  Pwede naman ang ibang gulay at prutas.  Maari din naman mag-alaga ng manok at hayaang mangitlog ito at magparami.  Ang mga pinuputol na puno, ni hindi man lang palitan ng bagong supling.  Sayang na sayang.

    Ang punto, ang taong walang diskarte, saan mo man dalhin ay ganoon pa din.  Ipakipagsapalaran mo sila sa Maynila o ibalik mo sila sa probinsya, diskarte pa rin ang kailangan para bumuti ang buhay.  Malamang sa malamang, isa ito sa dahilan kung kaya't nabigo sila sa pakikibaka sa lungsod.  Kung gayon, ano ang kasiguruhang magbabago ang kanilang buhay pagbalik sa lalawigan?
  • RamblerNextGenRamblerNextGen PEx Rookie ⭐
    edited May 25
    ^Exactly. Yesterday I was viewing so many farming YouTube videos, at maraming magsasaka sa atin ang hindi creative. Ang capitalism kasi, kailangan ng malikot ang utak. Be creative and imaginative and you will be rewarded.

    Merong isang magsasaka akong napanood na dating nagtatrabaho sa insurance. Dahil likas siyang salesperson, ang unang ginawa niya, humanap siya ng buyer sa Balintawak. So sinigurado muna niya na may bibili. At ginawa niyang varied ang kanyang mga tinatanim, talagang inaral niya ang different crops and their cycles, at may nakita pa akong baka sa background. Ayun, he was rewarded greatly. 

    Also, the government has got to revert to pre-WTO agreement. Maraming nasagasaang mga farmers sa Ilocos kasi hindi sila makapagcompete sa mga garlic na nanggagaling sa labas. Seriously, ok lang ang mga electronics like mobile phones and laptops kasi wala naman talaga tayong produksyon sa mga ganyan, pero agricultural products na halos wala ng tariff? Globalism sucks!

    Tingan mo si Trump, he brought the Chinese to the table to balance their trade deficit, ayun nacorona tuloy. Just kidding. 
  • RamblerNextGenRamblerNextGen PEx Rookie ⭐
    edited May 25
    Pero I fully support this Balik Probinsiya move. Kailangan talaga natin ang federalist spirit na ang bawat probinsya can stand on their own two feet. People have got to stop buying mga canned goods at products na malalaking negosyante lang ang yumayaman. 

    Take the corned beef, for example. Imaginin mo ang mga halong kemikal dyan. Hindi na corned beef yan, puro preservatives at lason na ang laman niyan. Mas maganda kung bawat locality ay nagpoproduce na kani-kanilang corned beef at kung anu-ano pang products. May mga youtube videos naman on how to make those na mas fresh, mas healthy, at organic.

    People should support local products. Wag yung kung ano na nag nakasanayan ay yun na lang ang bibilhin palagi. Eh hindi naman healthy kasi mass produced. 
  • olanxyz365olanxyz365 PExer
    edited May 25
    ^Exactly. Yesterday I was viewing so many farming YouTube videos, at maraming magsasaka sa atin ang hindi creative. Ang capitalism kasi, kailangan ng malikot ang utak. Be creative and imaginative and you will be rewarded.

    Merong isang magsasaka akong napanood na dating nagtatrabaho sa insurance. Dahil likas siyang salesperson, ang unang ginawa niya, humanap siya ng buyer sa Balintawak. So sinigurado muna niya na may bibili. At ginawa niyang varied ang kanyang mga tinatanim, talagang inaral niya ang different crops and their cycles, at may nakita pa akong baka sa background. Ayun, he was rewarded greatly. 

    Also, the government has got to revert to pre-WTO agreement. Maraming nasagasaang mga farmers sa Ilocos kasi hindi sila makapagcompete sa mga garlic na nanggagaling sa labas. Seriously, ok lang ang mga electronics like mobile phones and laptops kasi wala naman talaga tayong produksyon sa mga ganyan, pero agricultural products na halos wala ng tariff? Globalism sucks!

    Tingan mo si Trump, he brought the Chinese to the table to balance their trade deficit, ayun nacorona tuloy. Just kidding. 
    ok, karamihan sa agricultural product ng Pilipinas ay ONE WAY MARKET, ibig sabihin halus karamihan isa lang ang bagsak sa palengke, what if over supply, itatapon lang , kung may innovation na ang kamatis gagawing juice o ang kalabasa gagawing fries..dagdagan pa ng mahusay na marketing. magbkakaroon tayo ng mga factory, chain reaction nayan..hahatak ng trabaho, marami ng choices magsasaka na pagpupuntahan produkto, sa factory or sa palengke, ganito ang agrikiltura ng 1st World Country, in addition to hightech mechanization
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited May 26
    Dapat na talagang i-push sa congress ang constitutional reform to shift the Federal-Parliamentary system. Tanggalin ang FDI-restrictions na 60/40 para mas maraming foreign companies ang matayo dito.

    Economic Liberalization

    Dismantle Protectionism. Attract investors. Create more jobs. 

    If we are looking to increase the employment situation in the Philippines, then we must attract as many investors as possible by removing the restrictive provisions in the 1987 Constitution, so that MNC’s can invest & create employment opportunities.

    Evolving Federalism

    Empower the regions, respect diversity, decongest Manila. 

    If we can amend the Constitution to allow for the Philippines to evolve towards Federalism, through gradual region-based decentralization, the regions & provinces of the Philippines can develop economically & the Capital can be decongested.

    Parliamentary System

    Platforms & Competence: True leadership, not popularity politics.

    If we shift from our faulty and unstable Presidentialism over to Parliamentarism, we will gradually see a change in our politics as campaigns will focus more on parties and their platforms and less on name-recall & the personal popularity of candidates.

    https://correctphilippines.org/

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file