Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

My Partner's Ex

Bi-femme here and may kalive-in din na lesbian. Okay kame sa mga family namin, comfortable sa buhay, magkasundo din naman kame. Pero may tinatago akong sikreto... I think I've fallen in love with my partner's ex.

It started a few months ago. Nahuli ko si partner na kamessage nya si ex. Harmless yung mga unang messages pero umabot sa point na nakikipagkita si partner. Hindi naman pumayag na makipagkita ang ex ni partner.

I confronted my partner nung nabasa ko. Umamin naman sya. Nagsorry and nagmakaawa na bigyan ko sya ng second chance. Gusto lang daw nya ibalik ang friendship nila. Kahit nasaktan ako, pinatawad ko sya and ginawa naman nya lahat para bumalik ang tiwala ko sa kanya.

After ng nangyari, nacurious ako at tinignan yung FB ng ex nya. Hanggang sa nagsstalk na ko almost everyday pati IG nya. Kapag nakikita ko syang masaya sa pic, I also feel happy for her. Kapag may problema sila ng kalive-in nya, which is pinopost nya minsan sa FB, gusto ko syang i-comfort.

Gusto ko na sya sendan ng message. I want to tell her na gusto ko sya maging kaibigan and maybe take her out to dinner. Sinubukan ko naman syang kalimutan pero parang sasabog ang puso at utak ko.
Mahirap paniwalaan na mahal ko na sya kahit di ko pa sya nakakausap pero it feels that way.

Ano kaya ang pwede kong gawin? Pano ko kaya sya aapproach para makipagkaibigan na di naman ako magmumukhang weirdo?

Comments

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file