Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Merong mga tao tinatawag na "KAPALMUKS" yung mga garapal ba sa kilos at salita..

art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
ano ba ang masasabi mo na mostly gawain ng mga makakapal ang mukha?, unang-una alam ko hindi na sila tinatablan ng hiya sa kanilang kilos,gawa at salita..Pano ba mkikilanlan ang mga taong ganito..Sampol nga!

Comments

  • Burt_MacklinBurt_Macklin PExer
    edited June 29
    Yung mga Filipinong nagpupunta sa isang party, and before they even get a serving to eat at the event, the first round is packing food as a serving to take home.
    WA-IS.
    LMFAO. One for the road.
    :D
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yung pumunta sa ibang bansa..na ipinahihiya ang mga kabayan bago mamumulot ng BASURA..DAMI DAW NIYAN SA SAUDI!, pero sa AMERIKA..nag-SOSOLO LANG ANG TAONG ITO!..(JUAN PLUS JUAN)..hindi na lang isuko yung kanilang GREEN CARD at ibigay sa gustong mag-TRABAHO...di yung pahihiyain ang mga PILIPINO..SA ABROAD..
  • BigDickSteveBigDickSteve PEx Rookie ⭐
    Mabait ako sa mga tao pero dapat hindi abusuhin, ayaw ko yung to the point ako yung give ng give most of the time or every time pero common ang mga taong hindi marunong mag appreciate.
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Napakarami ng mga KAPALMUKS na tinatawag...Ang mgan ehemplo ay ang mga sumusunod;
    a) Umuutang na di na binabayaran parang ALA LANG!
    b) Karamihan ay mga taong AMPON O INAMPON ng malamang hindi sila tunay na anak?,naghihimagsik,sa umampon.
    c) Yung mahilig manghiram ng kagamitan ng may kagamitan at hindi isinosoli kundi pa banggitin.
    d) Mga pinag-aral ng di kani-kanilang magulang ng magtapos ay di maka-alaala na tumanaw ng utang na loob.
    e) Mga kandidatong kung ano-ano ang ipinangako sa taong bayan ng maluklok ay walang tinupad.
    f) Yung mga nabigyan ng pagkakataong makapunta sa ibang bansa ngayon ay nandidiring bumalik at panay pintas pa.
    g) (Iba ito) yung pinagkilala mo silang dalawa ng magkatuluyan ni hindi man lang magpasalamat ba? 
    h) yung mga taong pina-uupo sa bus, uupo na lang at hindi ngingiti man lang o magpapasalamat.
    i)  Mga sumusingit sa pilahan ng kung ano-ano..bangko,ayuda, o mga iba pang sakayan
    j) Mga nakakapulot ng mga naiwan ganong nakita nila kung sino pero di inabisuhan..
    k) Yung kunwari tulay sa panqnliligaw ng kanyang kaibigan yun pala ay siyang sumusulot..(marami ganyan!)
    l) Mg taong nanunulsul sa mga kaibigan na ganong masama ang ginagawa ay siya pang promotor.
    m) Nanglalamang sa nasabing hatian na dati ng napag-usapan.
    n) Ipinagkakanulo ka sa mga bintang na hindi mo ginagawa..para mapasama ang nisang tao.
    o) mga taong inggitero at inggitera na wala ka namang ginawa sa kanila, kungn bakit iritang-irita.
    P) Mga ahente ng mga trabaho na niloloko ang mga tao na ganito/ganyan ang sahod,di pala totoo.
    q) pinangakuang magandang hanap-buhay yun pala ay sa sex den dinala mga kababaihan.
    NAPAKARAMI PA AT ITO AY PURO GAWAIN KARAMIHANG PILIPINO (KAPWA NATING KABABAYAN).
  • DunedainDunedain PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited July 4

    Merong mga tao tinatawag na "KAPALMUKS" yung mga garapal ba sa kilos at salita..


    Ugaling Pinoy ang ENTITLED. Ayaw kasi kumilos para sa sariling kapakanan - halatang TAMAD. National phrase is "Penge pera". Hindi nakapagtataka kung may Kapalmuks.
  • art727art727 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang dami niyan lalo na sa mga Pinoy/Pinay, eto ehemplo..
    1) Mandurugas mga mambubudol.
    2) Mangungutang na di marunong magbayad.
    3) Nanghihiram ng mga kasangkapan na di marunong magsoli.
    4) Mga ahente ng empleyo na niloloko ang mga ito sa suweldohan.
    5) Mga kandidato na nangako ng kung ano-ano na ng maluklok walang natupad.
    6) Mga driver ng mga sasakyan na hindi marunong magbigay ng sukli.
    7) Mga pasaherong babae na pinaupo ni hindi mag- tenk yu man lang o ngumiti.
    8) Mga sumisingit sa mga pilahan na halos mismong unahan pa sisiksik.
    9) Mga umiihi sa bakod at dumudura sa kalsada.
    10) Mga nanunulot sa mga kaibigan na kunyari tulay, pero may pailalim pala!.

    MARAMING-MARAMI PA DAGDAGAN NYO NA LANG..
  • Constable_KittenConstable_Kitten PEx Rookie ⭐
    Pakelamero, chismoso, self-righteous at mapanlait
Sign In or Register to comment.