Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Need advice

Hi! Bago lang ako dito, need ko lang talaga ng makakausap about sa issue ko sa inaapplyan kong work.
Dineclare ko kasing graduate ako 4yr course, ngayon hinahanapan ako ng TOR, wala akong maibigay kasi may balance pa ako sa school at requirements from previous schools na di pa napapasa kaya ang tagging ng school sakin ay Undergrad. Pinayagan nila akong umattend ng graduation kaya impression ko ang tagging sakin ay Graduate. Alam ko na kahit ipasa ko mga kulang ko, possible na hindi makumpleto grades ko para itag na graduate. nagresign pa naman ako sa work thinking na mag sstart na ako dito sa bago at naudlot dahil sa record ko sa school. ayoko sana igive up ung offer kasi un ung work na gusto ko at okay din benefits at compensation. ano ba maganda kong gawin? nakausap ko na school pero di sila pwede magbigay ng kahit letter na nagsasabi na grumaduate ako.

Best Answers

  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Accepted Answer
    Retake mo na lang subject. Ok kaya bayaran mo sa registrar or kung anong admin. Sa future baka maging problema kasi pag pineke mo once need ipared-ribbon.
  • BusilakBusilak Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Accepted Answer
    sana... said:
    Edi come out clean na lang sa new employer. akala ko naman as in totally nag claim ka na nag aral ka tapos hindi naman pala. yung problem mo, di lang kumpleto? kunin mo ung TOR kahit incomplete, ipasa mo yun. Pasalamat ka sa Pilipinas di masyadong mahigpit companies sa ganyan unless you're referring in top 10 prestigious companies sa Pinas.
    Same advice here. They will appreciate your honesty, shows your character.

Answers

  • sana...sana... Member PEx Rookie ⭐
    Edi come out clean na lang sa new employer. akala ko naman as in totally nag claim ka na nag aral ka tapos hindi naman pala. yung problem mo, di lang kumpleto? kunin mo ung TOR kahit incomplete, ipasa mo yun. Pasalamat ka sa Pilipinas di masyadong mahigpit companies sa ganyan unless you're referring in top 10 prestigious companies sa Pinas.
  • wells fargo po, un po ung problema kasi all this time akala ko tagged ako as graduate pero hindi pala.
    Now ang gusto ng employer, iclear ko record ko sa school para matag ako as graduate, which is pag ginawa ko, baka may iparetake sakin na subject. kaya nahihirapan ako ayusin plus irregular student po kasi ako, ang mali ko di ko to inayos before, wala na rin akong list ng mga course at section pati professor na tinake kong subject kaya alam kong mahihirapan akong linisin record ko.
  • edited February 18
    5yrs ago po to nung grumaduate ako. akala ko balance lang kulang ko, un pala may problema din sa subjects ung iba po incomplete. ung iba kukunin ko palang sa previous school
  • un din po gagawin ko pero tingin ko po ang outcome- di na ipush through ung offer sakin. sad lang
  • Salamat po sa advice
  • Hi! Baka po may idea kayo?
    tatawagan daw ako ng recruiter sa Monday, nasabi ko na po kasi na di ma ako magrereflect as graduate sa school. ano po kaya possible na mangyari? ivovoid na po kaya ung offer?
  • jecjaburnsjecjaburns Winter Sonata... PEx Rookie ⭐
    Hi! Baka po may idea kayo?
    tatawagan daw ako ng recruiter sa Monday, nasabi ko na po kasi na di ma ako magrereflect as graduate sa school. ano po kaya possible na mangyari? ivovoid na po kaya ung offer?
    ano na update dito? nagsara na wells fargo diba?

    kung nasabi mo na issue mo sa kanila ok na yan. ang problema mo dyan wala kang maibibigay na TOR, kasi yung ang gagamitin nila sa pag background check sa school mo kung totoo yung binigay mo na information. depende sa higpit ng background check ng wells fargo yan since financial ang Line of Business nila.
  • open pa po sila. di pa rin po approved background check ko waiting pa rin po ako.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file