Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Anong po ang nangyayari sa Sales Lady (Department Store) kapag may nag shoplift ng items nila?

Anong po ang nangyayari sa Sales Lady (Department Store) kapag may nag shoplift ng items nila?

I have this workmate na parang every week may bagong set ng make up, lip stick etc. Na curious ako kasi madalas sya mag rant na ang mahal mahal ng mga items pero after a week or two, meron na sya nung mga stuff na yun. Then nung last thursday lang, nagulat kami kasi may new set nnaman sya. Sabi nung isa namin ka work (workmate #2) dun kay Workmate #1, "Uy girl, bago nanaman yan ah sana all diba?" So sympre tinitignan ko din kasi gsto ko din naman mag make up kaso andami kong pimples kaya Out muna ako sa cosmetics 😥 Nanlamig ako bigla nung sinabi niya samin na samin nya lang aaminin dahil close friends din naman na kami, nagshoplift sya sa SM department store. Kukuha sya ng items sa mga make up stalls tapos pag nakuha na daw niya yung mga gusto nya, kukuha lang sya ng ilang clothes para mag fit then punta sa dressing room tapos dun na nya ilalagay sa bag nya yung items.

Grabe lang na habang kinukwento nya yun, parang proud pa sya. Hindi ko alam kung ilang beses na nya nagawa pero that's horrible. I dont think I'll associate myself pa with her after ng confession nya.

Naisip ko lang, sales lady yata ang magbabayad ng lost items. Kaso pano nila malalaman na may nawalang item? 😟

Answers

Sign In or Register to comment.