Home PEx Classifieds Real Estate

Comprehensive Pag-ibig Housing Loan Process

Hi, 

Kamusta po? 

Gusto ko po sana mag loan sa Pagibig ng Housing kaya lang wala akong idea kung paano ba nangyayari ang buong proseso mula sa pag apply hanggang sa pag-receive ng loan (assuming na ma-appprove).  Meron po akong bullets na inilagay dito na paki gamit po bilang guideline sa pagsagot, ayon sa experience nyo. Ito po ay makakatulong sa akin at sa mga marami pang Pinoy na katulad ko upang maunawaan ang pag housing loan sa Pag-ibig. 

Maraming salamat po sa mga sasagot!

Comprehensive questions:

1. Saang branch ng Pag-ibig usually nag se-seminar? Ano ang mga sinasabi dito?
2. Gaano katagal usually bago mo malaman kung approved and loan mo?
3. Kung na-aprove ka, gaano kalaki ang na-loan mo, gano katagal ang terms, at magkano ang gross salary mo nung time na yun?
4. Ilang percent ang equity o ung amount na dapat ikaw ang magbayad?
5. Kapag lote lang ang bibilhin mo, buo bang binabayaran ng Pag-ibig ang balanse after equity?
6. Kapag home construction, buo bang binabayaran ng pag ibig ang halaga ng pagawa o installment? Kung installment, gaano kadalas bago mag release ulit ng sunod na payment?
7. Kapag ang ilo-loan mo ay purchase of lot with home construction, paano ang release ng check from Pag-ibig? Buo ba para sa lupa tpos installment para sa construction?
8. May deadline ba ang Pag-ibig na matapos ang isang home construction?
9. Ano usually ang mga dahiland kung bakit nade-deny ang isang housing loan?
10. Mga tips para ma-approve at mapabilis ang housing loan mo.

Comments

Sign In or Register to comment.