Bakit importante ang telco sa Industrial Revolution 4.0 sa Pinas

Hi PExers! Share ko lang itong kaunting thoughts ko tungkol sa Fourth Industrial Revolution or IR 4.0. 

Sabi sa isang study na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), IR 4.0 will basically alter the way people live, work, and relate to one another. Kumbaga, mas integrated na yung AI sa daily lives ng mga tao ganyan. 

Para sakin, ang isa sa mga pinaka-common na manifestation nito ay kung paano biglang (or unti-unti for some) nagshift ang lifestyle natin in the last three or more years. Ngayon, mas dumali na ang transportation thru ride-hailing apps tapos eventually pati na rin ang pagsatisfy ng cravings natin mas dumali through these ride-hailing or food delivery apps. Tapos ang mode of payment mas marami ka na ring choices kung gusto mo magbayad through an e-wallet or credit/debit card. Madalang na rin ang cash payments lalo na pag nagbook ka using such apps. Marami pang ibang pwedeng example nito eh, lalo na yung online shopping isa pa rin yan. Sobrang talamak lalo na ngayong malapit na namang magChristmas. 


Anyway, narealize ko lang, lahat ng mga ito ay nagagawa mo lang kapag online ka. Ibig sabihin, ang sobrang importante rin pala talaga ng role ng telco providers/internet connection sa atin para mas maging smooth ang galaw ng buhay natin lalo na’t best in paggamit tayo ng apps lahat. And most importantly, ayun na nga, para makarating tayo/ang Pinas sa tinatawag na IR 4.0. Mukha namang may pinupuntahan tayo looking at it now, lalo na sa pagkakaroon ng 5G dito at madadagdagan pa ng telco player sa Pinas. 


Pero disclaimer lang, hindi rin naman ako masyadong knowledgeable tungkol dito. Looking for other people’s insights on this topic. Hope you guys could also share your thoughts! :)

Comments

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file