GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

ABS-CBN KPexTalk 620: Jag, Open na ang Panti kong may Sandugo. Welcome ka sa Pamilya Ko!

13567253

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Rigodon sa ABS-CBN News

    Sep 7, 2019

    Nagkaroon ng rigodon sa pamunuan ng ABS-CBN News.

    Sa ngayon, si Lynda Jumilla na ang Executive Editor sa digital news. Nauna na itong nagpahiwatig ng kahandaan sa bagong posisyon na kanyang hahawakan kamakailan via tweet.

    “In july 1999, i left the print medium to enter a new world that was broadcasting. 20 years to the month, i leave broadcasting for the largely uncharted waters of digital news. Indeed, the only thing constant is change. Let’s bring it on,” ani Jumilla.

    Bilang executive director, pangangasiwaan ngayon ni Jumilla ang mga digital platform ng Kapamilya network na ABSCBNNews.com, social media at iba pang online portal ng istasyon. Siya rin ang head ng digital editorial team.

    Samantala, si Cilette Liboro-Co na ngayon ang head ng News Events and Partnership, mula sa pagiging COO ng ANC.

    Pumalit naman sa puwesto ni Liboro-Co si Nadia Trinidad, na dating ANC news production head. Bilang chief operating officer ng ANC, layon ni Trinidad na ipagpatuloy ang misyon na magbigay ng round-the-clock news and information sa lahat ng Pinoy viewers here and abroad.

    Ilan pa sa mga newly appointed ay sina Gerry Lirio (Managing Editor) at Alcuin Papa (Head, ABS-CBN Global News bureaus). (Jun Lopez)

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Kim, Bela patalbugan ng abs

    Sep 7, 2019

    Kabugan ng abs ang dating sa magkasamang photo nina Kim Chiu at Bela Padilla sa Instagram. Magkasama ngang nag-workout ang dalawa, at siyempre, may picture taking pagkatapos.

    Makikita nga sa ‘twinning’ gym outfit nila ang pawis na pawis nilang katawan, pero ang mas nakaagaw talaga ng atensiyon ng lahat ay ang abs nila na lutang na lutang, ha!

    “We rarely see each other but when we do this is how we roll!!! testing our strengths physically and emotionally! Waahhahahhaa. Abusing the good lighting here! That was hard but extra FUN!” caption ni Kim.

    At super react nga ang mga follower niya sa bonggang abs nila ni Bela.

    ultralagree.ph: “Look at those abs, work it girls! see you at Ultra.”

    Guitauc: “Grabe yung abs oh! Nakakabulag.”

    Sagot naman ni Kim: “Nagpakita siya after the work out!!! hahahha i guess I will really be back for more! galing!”

    Beauty, Bangs labanan sa ‘hot momma’ title

    Bongga nga ang labanan ng mga ‘hot momma’ na sina Beauty Gonzales at Bangs Garcia sa Instagram, ha!

    Parehong BG ang initial, at parehong may isang anak. At pareho ring katakam-takam ang katawan.

    Sabi nga ng mga netizen, lalo na ng mga kababaihan na tulad nila ay may anak na rin, nakaka-haggard daw tingnan ang kaseksihan ng dalawa.

    Bakit daw ganu’n? Hustisya naman daw sana! Pareho-pareho lang naman daw silang may mga anak na, pero bakit parang mga dalaga pa rin ang kaseksihan nina Beauty at Bangs?

    “Bring Back That Loving Feeling,” ang simpleng caption, na parang payo na rin ni Beauty sa mga ‘nanay’ na katulad niya, na dapat ay maging happy lang and ‘loving’ ang pakiramdam mo.

    “Sit back and unwind once in a while,” naman ang sabi ni Bangs, na oo nga naman, na huwag masyadong padala sa mga pressure sa paligid, na dapat ay relax o chill ka lang, para lumabas ang tunay mong ganda.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Kathryn, Alden bibida ulit sa ‘Until We Love Again’?

    Sep 7, 2019

    ‘May katuloy ba ang ‘Until We Love Again’ nila Joy at Ethan?’ ‘Yan ang hanging question sa promo ng libro ng “Hello, Love, Goodbye: The Novel”.

    Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay tinuturing na ngayon na highest grossing Filipino film dahil nalampasan na nga nito ang pelikula nina Kathryn at Daniel Padilla na “The Hows of Us”.

    “Grab a copy of ‘Hello, Love, Goodbye: The Novel’, a written version of Joy and Ethan’s love story that blossomed in Hong Kong, by Palanca Award-winning novelist Charmaine Lasar.

    “The novel features additional narrations on Joy’s backstory in the Philippines, behind-the-scenes and on-set photos, and an epilogue (that was never shown in the film),” ang karugtong na pag-anyaya pa ng ABS-CBN Books.

    Puwede kayang isipin na ang karugtong ng pelikula nina Bernardo at Richards ay “Until We Love Again”? Ang bongga, ‘di ba?

    Well, sa tindi ng panalangin ng mga fan, at pakiusap, na gawan ng part 2 ang “Hello, Love, Goodbye”, mukhang masusunod nga sila, at ang tanong na lang, kailan?

    Anyway, matingkad na matingkad ang kinang ng bituin ni Kathryn ngayon dahil siya lang naman ang kaisa-isang babaeng aktres na umabot sa P800 milyon ang dalawang pelikula sa box-office.

    Sabi ko nga, humataw na sa mahigit P880 milyon ang highest-grossing Filipino film na “Hello, Love, Goodbye” at naka-P800 milyon din ang “The Hows of Us” nila ni Daniel.

    “We’re really thankful, beyond thankful kasi nga sobra-sobra ‘to sa pinagdasal namin, hindi ko alam na puwedeng mangyari ‘to and nakaka-overwhelm po,” sabi ni Kathryn.

    Deserve naman din talaga ni Kathryn ang blessings ha, kasi talagang pinaghirapan niya ang estado niya ngayon. Mula sa pagiging support lang noon, ngayon siya na ang namamayagpag na bida.

    Pero ‘di lang sa box-office siya umaarangkada dahil sari-saring best actress awards na rin ang hinakot niya. Siya na talaga ang reyna ng henerasyon na ito.

    At muli, matapos ang tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye”, isa lang ang sigaw ng fans: SEQUEL! (Dondon Sermino)

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Dinaga ang dibdib ni Gabbi Garcia bago humarap sa press kaugnay ng movie nila ng boyfriend na si Khalil Ramos, ang “LSS (Last Song Syndrome)” mula sa Globe Studios.

    Pinayapa naman si Gabbi ng boyfriend na magiging maayos ang lahat na pinost niya sa kanyang Instagram.

    Sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa, hindi na sila dumaan sa stage na nagtatantiyahan silang dalawa.

    “We’re far from that stage na and we really focused on building our character. Ang nagustuhan ko sa kanya she really asked for my help, ng isang co-actor na tulungan ko siya if she really needs my help. Talagang nagbigayan kami whenever one needed the other,” sey ni Khalil.

    “I know how he’s good as an actor. I’ve seen his films and I know how he’s good as an actor. But I’ve never seen him his process kung paano siya nakakarating sa character niya.

    “And I love how generous he is. Hindi siya madamot na aktor,” sabi naman ni Gabbi.

    Siniguro naman ni Khalil na 100 percent na kikiligin sa kanilang dalawa ang manood.

    “Kasi kinilig kami while doing! Ha! Ha! Ha!” ani pa ni Khalil.

    Nagustuhan ng Kapamilya actor ang pagiging independent woman ng girlfriend.

    “When I actually met her, she didn’t seem like her age. In some ways she’s even more mature than I was. But what really stood out was her strength as a person, her well-roundedness and her relationship with her family. That’s what made me fall for her,” rason ni Khalil.

    “For me naman I love how Khalil allows me to grow by myself. ‘Di ba, in most relationship, they say you gonna lose your identity, sa amin baliktad. Mas natutukan ko pa ang sarili ko kung ano ang gustong gawin with the help of Khalil.

    “So he doesn’t hinder me to reach my dreams!” dahilan ni Gabbi.

    May kissing scene ba sila?

    “Abangan ninyo na lang po,” sagot nila na parang hiyang-hiya, pero ayon kay Direk Jade ay meron daw.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Kisses itatambal kay Joshua

    Sep 7, 2019

    Wasak na ang tambalang “DonKiss” nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Subalit ang pagkakabuwag nila ay hindi pangkaraniwan, dahil maayos umano ito at nananatili silang magkaibigan.

    Sa panayam sa aktres sa “Tonight With Boy Abunda”, wala na umano silang proyekto ni Donny together.

    Paliwanag niya, “I think different na ‘yung career path ng bawat isa. Pero I’ve been very thankful and vocal naman ako na thankful ako kasi naging masaya naman ‘yung DonKiss journey. Just because it ended doesn’t mean it isn’t good.”

    Magkaibigan pa rin naman sila hanggang ngayon at sinisigurado umano ni Kisses na kapag nagkita sila ay babatiin nila ang isa’t isa.

    Sey pa niya, “Some good things must come to an end to make way for better things.”

    Bukod sa showbiz, isinasabay ni Kisses ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyang nag-aaral ang aktres sa La Salle University .Kumukuha siya ng kursong accountancy.

    Samantala, may upcoming project pala ang aktres at may bago siyang makakatambal. Umuugong na ang balita na mukhang si Joshua Garcia ang ipapares sa kanya.

    Sey niya sa balitang ito, “I would be honored but I can’t say anything about it.” (Ronaline Avecilla)

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Sam may bagong nililigawan: Secret muna para ‘di ma-jinx!

    By Reggee Bonoan
    September 07,2019

    NAPAAMIN namin si Sam Milby tungkol sa kanyang lovelife – may napupusuan na raw siya pero nasa dating stage pa lang sila.

    Aniya, “All I can say is that I’m interested and inspired by somebody. At this moment, why would you want to share something that isn’t there yet or I don’t know. Don’t get too far if that isn’t there yet.”

    Nakausap namin si Sam kasama ang iba pang entertainment writers sa bagong project ng pag-aari niyang Bright Bulb Productions, ang Hueniverse Music Festival.

    Walang ibinigay na clue ang aktor tungkol sa girl pero may tumutukso sa kanya na baka “semi-showbiz” ang dalaga at kung may kinalaman ang titulong Hueniverse Music Festival, natawa lang si Sam hanggang sa namula na ang pisngi.

    Speechless ang binata sabay sabing, “I will share it in the right time.”

    Inamin naman niya na ang ilan sa mga qualities na nagustuhan niya sa bago niyang inspirasyon ay, “Just very genuine with a big heart.”

    Tinanong namin kung ka-date ba niya sa darating na 2019 ABS-CBN Ball ang kanyang mystery girl, “I’m going alone. I don’t know, she may or she may not be there.”

    Ayaw ding magbigay ng clue ang aktor dahil ayaw niyang ma-jinx pero kung opisyal na silang dalawa ng mystery girl ay sasabihin daw niya kung sino.

    Samantala, ang bagong project naman ng Bright Bulb Productions na pag-aari nila nina John Prats at Angelica Panganiban ay itongang Hueniverse Music Festival. Passion project daw ito ni John kung saan kabilang din sina Camille Prats at Isabel Oli-Prats bilang mga producers.

    “This is John’s passion project, I’m more of an investor here when he started talking the idea last year, siyempre on board ako. I’ve only technically doing music festival and have an amazing experience in outside lands, San Francisco.

    “And yes we’ve always been talking doing about a music festival when we started Bright Bulb before and ‘yun ang nasa plans namin after ‘Tagpuan’ the concert of Moira (dela Torre). Planning this everything and getting all the artists was Prat’s plan,” ani Sam.

    Kasama sa Hueniverse Music Festival ang international artist na si John Borger o mas kilala bilang si Borgeous na kilalang American DJ at music producer.

    Sa local artists naman ay kasama ang Spongecola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars, Chiquerella at isa pang surprise guest.

    Natanong si Sam kung hindi kaya matulad ang music festival nila sa Fyre Music Festival noong 2017 na hinatulan ng six years imprisonment ang organizer dahil nanloko sila ng tao. Walang music festival na nangyari.

    At bilang isa sa producer/investor ng Hueniverse ay anong paghahanda ang ginawa nina Sam, “Iba naman ‘yun, I haven’t seen the documentary but I know about the story, obviously everyone went there expecting an amazing music festival tapos wala!

    “Of course, we plan of making this in a yearly thing so it’s very, very important that we get it right this year and have an amazing experience para sa lahat na pupunta that they will be excited to go the next year. All the artists already confirmed,” aniya pa.

    Nabanggit din ng aktor-singer na may mga undercover marshalls at PDEA agents na maglilibot sa bawa’t sulok ng Filinvest City Events Grounds para hindi matulad sa nangyari sa Close-Up Forever Summer tragedy noong Mayo, 2016 na ginanap sa SM Mall of Asia grounds kung saan may mga namatay pa.

    Ipinaliwanag ni Isabel, in charge sa Marketing, na may mahigit na 50 stalls sa loob ng Filinvest City Events Grounds na puwedeng bilhan ng mga pagkain, inumin at puwede ring mag-shopping dahil bawal magpasok ng inumin at pagkain.

    Ang Hueniverse Music Festival ay gaganapin sa Set. 28.

  • PrincessAndiPrincessAndi queen of music PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    PaPi2010 said:

    Kisses itatambal kay Joshua

    Sep 7, 2019

    Wasak na ang tambalang “DonKiss” nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Subalit ang pagkakabuwag nila ay hindi pangkaraniwan, dahil maayos umano ito at nananatili silang magkaibigan.

    Sa panayam sa aktres sa “Tonight With Boy Abunda”, wala na umano silang proyekto ni Donny together.

    Paliwanag niya, “I think different na ‘yung career path ng bawat isa. Pero I’ve been very thankful and vocal naman ako na thankful ako kasi naging masaya naman ‘yung DonKiss journey. Just because it ended doesn’t mean it isn’t good.”

    Magkaibigan pa rin naman sila hanggang ngayon at sinisigurado umano ni Kisses na kapag nagkita sila ay babatiin nila ang isa’t isa.

    Sey pa niya, “Some good things must come to an end to make way for better things.”

    Bukod sa showbiz, isinasabay ni Kisses ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyang nag-aaral ang aktres sa La Salle University .Kumukuha siya ng kursong accountancy.

    Samantala, may upcoming project pala ang aktres at may bago siyang makakatambal. Umuugong na ang balita na mukhang si Joshua Garcia ang ipapares sa kanya.

    Sey niya sa balitang ito, “I would be honored but I can’t say anything about it.” (Ronaline Avecilla)

    Baka mademalas din Si joshua niyan. Clingy tong si kisses.
  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    natatawa ako sa twitter ang dami talagang against na kay Kisses na hindi na mag acting :lol:

    mas mabuti pa daw mag host na lang or vj which is mukhang ok naman kay Kisses :lol:     

    problema kasi talaga ngayon tinatry lahat mag acting ang dami namang pwede pang career sa showbiz

  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    PaPi2010 said:

    Kisses itatambal kay Joshua

    Sep 7, 2019

    Wasak na ang tambalang “DonKiss” nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Subalit ang pagkakabuwag nila ay hindi pangkaraniwan, dahil maayos umano ito at nananatili silang magkaibigan.

    Sa panayam sa aktres sa “Tonight With Boy Abunda”, wala na umano silang proyekto ni Donny together.

    Paliwanag niya, “I think different na ‘yung career path ng bawat isa. Pero I’ve been very thankful and vocal naman ako na thankful ako kasi naging masaya naman ‘yung DonKiss journey. Just because it ended doesn’t mean it isn’t good.”

    Magkaibigan pa rin naman sila hanggang ngayon at sinisigurado umano ni Kisses na kapag nagkita sila ay babatiin nila ang isa’t isa.

    Sey pa niya, “Some good things must come to an end to make way for better things.”

    Bukod sa showbiz, isinasabay ni Kisses ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyang nag-aaral ang aktres sa La Salle University .Kumukuha siya ng kursong accountancy.

    Samantala, may upcoming project pala ang aktres at may bago siyang makakatambal. Umuugong na ang balita na mukhang si Joshua Garcia ang ipapares sa kanya.

    Sey niya sa balitang ito, “I would be honored but I can’t say anything about it.” (Ronaline Avecilla)

    Baka mademalas din Si joshua niyan. Clingy tong si kisses.
    habang tumatagal naiinis na ako sa management ni Kisses na pinipilit mag acting eh yun pa naman ang weakness ni Kisses

    magsubok ng iba para sa career ni Kisses like hosting man lang 
  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    edited September 6

    Billie Eilish - all the good girls go to hell

     =) 
  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Post Malone - Circles

     B) 
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Block screening ng CarMaine movie sa Pinas, Japan kasado na

    By Jun Nardo
    September 07,2019

    Naka-schedule na ang sunud-sunod na pa-block screenings ng fans para sa “Isa Pa With Feelings” movie nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

    Nakalabas ang mga schedules ng block screeming sa hashtag na #MaineMendoza sa Twitter mula sa first day showing hanggang 7th day showing nito sa mga sinehan sa Mandaluyong, Pasay, Quezon City, Makati at Muntinlupa.

    May naka-line up din sa screenings sa Cebu, Bulacan, Cavite at Pampanga.

    Take note meron pang naka-schedule na screening sa Sun Pearl Arakawa sa Tokyo, Japan sa Oct. 22, huh! Ayaw talagang pakabog ng fans ni Maine!

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Seph Asong (Philstar.com) - September 6, 2019 - 3:41pm 

    MANILA, Philippines — After being away from the television scene for a long time, American DJ, host and actor KC Montero is now a mainstay in long-time running show “Ang Probinsyano.” 

    His character, Lance, forms part of a drug triumvirate alongside Jacob (Marc Abaya) and Migz (Kean Cipriano), an added excitement to which the producers of the show are hoping to further deepen the story. 

    The gun-toting trio is set to become an instrument for revenge by John Arcilla’s Renato Hipolito. It’s fitting to see KC play the role of a devil’s advocate against his partners, being the odd one out as he is more soft-spoken than the two, and obviously the only foreign-blooded in the bunch.

    “While this isn’t exactly my first time being the villain, it still is a challenge for me––fortunately a challenge I am very much willing to take. I had my first villain role in the action film ‘Maria’ last March, and I can’t get enough of the adrenaline,” KC said about his role as Lance.

    His stint on the ABS-CBN hit show is not the only thing keeping KC busy nowadays. When he’s not playing the role of a villain, he’s energizing mornings as a DJ in “Good Times” on Magic 89.9, alongside the always “controversial” TV and social media personality, Mo Twister.

    And yet when he’s not busy about all these other things, he’s wearing the hat of a startup innovator--something really new to the KC Montero we all grew up to know.

    “I’ve always wanted to be in the tech space, and it’s something that keeps me up at night and motivated at the same time., knowing that I am part of a growing industry and being able to make a difference in terms of pushing our media landscape to the next level,” according to KC.

    Montero is the Vice President for Marketing of Kumu, the all-Filipino live streaming app and content platform that is also one of the fast-rising tech startups in the country, where just like KC himself, users can generate compelling live content. Think about a normal online platform like Instagram, but transformative and more interactive.  

    “It’s not so much about balance as it is about bringing key elements from one role to another,” said KC on how he’s doing all these things at once. “The only difference is the medium, but the craft of content creation is present in all of the hats I’m wearing. It just takes creativity, passion, and, of course, a dash of tenacity to be able to keep up with my multifaceted lifestyle.” 

    When asked about his startup experience, KC said, “It’s been a hell of a ride working with such a dynamic team. We have tech geniuses, marketing superstars, and inventive livestreamers––indeed a diverse set of talents. Working with them feels more like a learning experience than a regular day job. The energy is unbelievable.”

    Montero is among the many local celebrities who have decided to branch out to something they may not have been familiar and comfortable with at the beginning, but all it took was determination and passion to do something bigger outside the comforts of showbiz; proving once again that our local talents are really more than just pretty faces.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Marco Gumabao is riding solo
    (The Philippine Star) - September 6, 2019

    MANILA, Philippines — Marco Gumabao knows how to pose. On the day of the actor’s shoot with Young STAR, we see him dressed up in a white cropped top and leather pants combo, complete with makeup that softens his sharp edges. To my surprise, he is making it work. At one point, he puts both of his arms behind his waist, Top Model-style, saying, “So, parang ganito ba?”

    This androgynous look is different from the Marco that stepped into the studio, walking in with the kind of cool that one associates with a campus jock — all smooth, athletic, and knowing. He is aware of this allure. One look at his Instagram page — with 800,000 followers and counting — and you’ll see various photos of his physique, an impressive frame that he admittedly worked hard on. It shows Marco’s dedication to commit to something he puts his mind to, an impressive trait that shows his grit and discipline.

    This devotion is not only evident in his looks but also in his work, where he boldly immerses himself in the characters that he’s portraying. In Jason Paul Laxamana’s box-office hit Just a Stranger, he plays Jekjek, a vulnerable 19-year-old who falls for a married woman twice his age named Mae, portrayed by acclaimed actress Anne Curtis-Smith.

    The story follows a typical love affair, with Portugal serving as a romantic backdrop for the first quarter of the film. While the script sometimes falls into the trap of melodramatic moments and clichés, Anne and Marco show the viewers their tenacity and make it work, their sexual chemistry permeating throughout the movie’s steady moments. 

    Marco's body of work is impressive considering how new he is compared to the pros he has worked with.

    Despite being a love story, Marco is still aware of the film’s message, and its surrounding stigma, a popular trope among Filipino movies. He comments, “Even though the film is about infidelity, the film shows how much Jekjek and Mae love each other. Everyone has to keep in mind na mali pa din yung ginagawa nila. (Just because) they both love each other, it doesn't mean na it's justified na tama yung ginagawa nila.” 

    Despite being paired opposite acclaimed female leads like Anne, Marco still chooses to fly solo. “Proven and tested naman talaga ‘yung love team formula. Pero personally, okay na ako sa solo,” he says. “I wanna try working with other people para madami din ako mapulot sa kanila. Kasi (when you’re in a love team), you’re stuck with one person, so mahirap mag-grow sometimes.” When given the chance to be in a love team though, Marco names Sarah Geronimo as one of his dream collaborators. 

    Before his project with Anne, he also co-starred with Nadine Lustre and Carlo Aquino in Ulan. His body of work is impressive considering how new he is compared to the pros he’s worked with. He started his acting career in 2011, snatching a role in teen comedy series Luv U. He then had small movie roles in She’s Dating the Gangster, and Aurora. He’s no stranger to the small screen too with roles in FPJ’s Ang Probinsyano and Los Bastardos.

    When asked about his hopes for Philippine cinema, he quickly replies, “I just want Filipino movies to really progress here para ganahan gumawa ng magagandang movies ‘yung Filipinos. We have so much good material, pero takot sila mag-invest at sumugal because we have Netflix, we have HBO Go. People would rather just wait for it to come out rather than go to the cinema and pay.”

    With his leap to popularity, you'd think that Marco would be on the run to capitalize on his next move, but he says he's in no rush.

    With this leap to popularity, you’d think that Marco would be restless, on the run to capitalize on his next move; but he says he’s in no rush. 

    After our time with Marco, he had one more shoot to attend. It might be more of the same, but Marco shows he’s willing to get styled, pose and converse with the same steadiness that got him to where he is now. “For me, I want to be here for the long run. The whole eight years, I just waited for my turn and believed in myself. Yun lang gagawin ko, itutuloy tuloy ko lang,” he says.

    Photos by KOJI ARBOLEDA

    Styled by DAVID MILAN

    Grooming by MAC IGARTA

    Produced by MAINE MANALANSAN,

    TIN SARTORIO and NEAL P. CORPUS

    Creative direction by NEAL P. CORPUS

    Sittings by GABY GLORIA, FIEL ESTRELLA, GIAN NICDAO, BEA AMADOR

  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Pinoy K-Pop Documentary Full Episode

    Boy band na SB 19, saan kumukuha ng inspirasyon?

    First all-Filipina K-Pop group, kilalanin!

    ======================

    Kaya siguro na-pressure na si Direk Dyogi gumawa ng mala kpop groups dahil may mga nagtraining na groups sa South Korea na mga pinoy 

This discussion has been closed.