Number of Heinous Crimes Convicts Released 2014 - 2019

buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

Number of Heinous Crimes Convicts Released 2014 - 2019

The names will be published soon per Sen Gordon




SO that you know. Ang RA 10592 o tinatawag na GCTA o Good Conduct Time Allowance ay isang amyendadong batas mula sa isang lumang batas, ang Revised Penal Code act 3815, na isa nang batas mula pang nuong taong 1930.

Ang RA 10592 (amendment of 3815) ay naisapinal naman nuong 2013, sa pagsulong ng senado at mababang kapulungan. Ito ay naging ganap na batas nang pirmahan ito ni dating pangulo Noynoy Aquino.

Maganda ang pakay ng batas, tunay na reporma at pagbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo na tunay na nagbago o nagpakita ng magandang asal at pagsisise habang nasa kulungan.

Ang RA 10592 ay detalyado sa pagbibigay ng komutasyon o pagpapababa sa panahon ilalagi ng isang repormadong bilanggo, kasama rito sino ang dapat magpatupad at kung sinong mga bilanggong kwalipikado.

Atin lang idiin na ito ay amendment o pagbabago lamang ng ilang probisyon sa umiiral na batas ang Revise Penal Code 3815 patungo sa pagbibigay ng tinatawag na komyutasyon sa kwalipikadong bilanggo. Tutuong hindi inisa-isa ng RA 10592 ang mga tinatawag na 'Heinous Crimes' ngunit nilinaw din sa RA 10592 - Section 1. Article 29 of Act No. 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal Code, as follows:

"Provided, finally, That recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage of this Act."

Hindi kailangan ng RA 10592 isa-isahin ang Heinous Crimes dahil nasa RA 3815 ito o ang MOTHER LAW!

Katunayan, sinusugan muli ang batas ng RA 7659 nuong December of 1993 na inisa-isa ang tinatawag na Heinous Crimes na may pataw ng parusang death penalty. O katumbas ng habambuhay na pagkakabilanggo kung walang death penalty.

Ganun pa man, sa kasalukuyan kaganapan, mukhang inabuso ang batas ng mga nagpatupad, sa anumang kadahilanan; pabor o may kapalit na salapi.

Nasa sentro ng kontrobersiya si Nicanor Faeldon ang kasalukuyang hepe ng Bureau of Correction.

Katawa-tawa ang depensa ngayon ng kampo ng DDS na sinisise ang batas o ang RA 10592. Dahil ba sa ito ay naisapinal bilang batas nung panahon ni Noynoy Aquino?

Sadyang iniiwas ng DDS ang katotohanan na mayroon nang lumang batas tungkol sa GCTA mula pa nuong 1930, at ang RA 10592 ay dinitalye lamang ang kompyutasyon at nilinaw ang eksempsyon.

Kaya kung may dapat sisihen ay ay nagpatupad nito. Hmmm...ayon sa datos lumalabas na pagupo ni Duterte o sa panahon ng kanyang administrasyon ay lumobo ang napalaya sa GCTA na batas.

BuCor records showed that since RA 10592 was signed in 2013, the number of heinous crime convicts released had increased yearly—62 in 2014, 105 in 2015, 212 in 2016, 335 in 2017, 384 in 2018 and jumping to 816 so far this year.

https://newsinfo.inquirer.net/1159458/veloso-panelo-send-1914-heinous-crime-convicts-back-to-prison


«13

Comments

  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Sa larangan ng batas at administratibong pamamahala, may dalawa tayong tinatawag na agency or official actions: Discretionary at Ministerial.

    Ang discretionary na aksyon o desisyon ay isang uri ng aksyon o desisyon ng ahensya o opisyal ng pamahalaan kung saan ginagamitan ng paglilikom ng impormasyon (fact-finding) at interpretasyon ng mga provisions ng batas batay sa nalikom na impormasyon.

    Ang ministerial naman ay yung uri ng aksyon o desisyon na hindi na nangangailangan ng interpretasyon ng batas. Bagkus, matapos ang paglikom ng impormasyon, ang tanging gagawin na lamang ng opisyal o ahensya ay ang ipatupad o i-implement ang batas.

    Malimit, ang bawat batas na mismo ang nagbibigay ng mga standards at guidelines ng interpretasyon o implementasyon ng mga provisions nito. Yan yung IRR o rules ng implementasyon nito.

    Halimbawa, ang function ng isang husgado sa pagdinig ng isang kasong kriminal ay largely discretionary yan. Ang trial ang fact-finding stage. Ang desisyon o judgment naman ang interpretasyon at aplikasyon ng batas sa nalikom na impormasyon.

    Habang ang function naman ng mga ahensya tungkol sa pag-detain ng akusado (during trial) o ang pag kulong nito (after conviction) ay ministerial. Walang kapangyarihan ang pulis na magkulong ng kahit sino hanggang may order ang isang korte. Sa madaling sabi, hindi discretionary para sa PNP magbilanggo o magpakawala ng isang kulong.

    Sa kaso ngayon dito kay Sanchez, ang Bureau of Corrections at ang mga kawani nito ay walang discretionary power na magpalabas o magpalaya ng mga kolono o colonist. Taga-implement lang yan sila ng batas. At dahil may batas na nagsasabing pwedeng palayain na ang mga nag-behave na kolono, wala silang ibang maaring gawin kundi i-apply ang batas sa mga kolono na pumasa sa standards o criteria ng batas.

    Kuha?

    Itong usaping ito ay masyadong teknikal. Mga abogado lang halos ang nakaka-intindi nito. Kung medyo malabo ang batas at di abogado ang gumawa ng desisyon, malamang magkakaproblema nga ng konti sa mga desisyon na gagawin ng ahensya o opisyal na yan.

    Ang RA 10592, na nauna nang inimplement noong panahon ni Delima, na isang abogado, ay may napalaya na iilang kolono na heinous ang krimen. Nung pumalit si Faeldon, na hindi abogado, tinuloy nya rin lang ang kalakarang naumpisahan na noong panahon ng Bucor commissioner nung panahon ni Delima. Si Delima, ang abogado, ay di nakita ang exception ng batas tungkol sa heinous crimes. At dahil nadesisyunan lamang ng Korte Suprema ang isyu ng pagpapalaya ng mga kolono ng heinous crimes nitong Hunyo 2019, mukhang walang batayan na sisihin si Faeldon sa paglaya ni Sanchez.

    Bakit uli?

    Una, Dahil ministerial lang ang aksyon nya dito. At dahil may precedent na sya kung paano gawin yung ministerial duty nya, base sa ginawa ng mga opisyales na nauna sa kanya sa BUCOR, walang maisi-sisi kay Faeldon dito.

    Pangalawa, ngayon-ngayon na lang naglabas ng patakaran ukol sa heinous crimes ang Korte Suprema, matapos nang mangyari ang ministerial desisyon/aksyon ni Faeldon.

    Pangatlo, di pa po nakakalaya si Sanchez.

    Samakatwid, walang sisi ang nararapat ukol sa paglaya ni Sanchez.

    MALINAW YAN.

    --The Devil Advocate a.k.a. Mang Kanor from Hell (katukayo ni Nicanor Faeldon)


  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Inumpisahan iimplement ang RA 10592 nuong matapos ang Implementing Rules and Regulations.

    Releases of convicts began in 2014 at kasama dun ang mga convicted for heinous crimes.

    June 2019 ikinlaro ng Korte Suprema na magaapply ang batas na ito sa mga convicted prior to 2013, following the doctrine that laws are read to favor the accused.

    Inanunsyo ni DOJ Sec Maynard Guevarra ang epekto ng retroactivity na ito, na maki-cover higit sa 11,000 convicts at kasama na rito si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, serving 7life terms for the rape slay of Mary Eileen Sarmenta and the murder of Allan Gomez.

    Sa madaling sabi, hindi naman sinikreto ng DOJ o BuCor ang pending release ni Sanchez. And until the president declared that Sanchez will not be released, the DoJ and BuCor were merely implementing the law as it had always been implemented since 2014. Dadag lang dito yng masasama na sina Sanchez et al.

    Dun sa mga nagsasabing, Faeldon should not have applied the law. Nakalagay po dito sa Manual on Time Allowances kung sino ang final decision on the GCTA, and it is the Board of Pardons and Paroles.

    Ano ang papel ng BuCor Director General? Isa siya sa nag eevaluate ng GCTA before it is referred to the BPP.

    Before the BPP makes a final decision, the Paroles and Pardons Administration will INVESTIGATE each prisoner kung angkop ba ang GCTA sa kanya at tama ba ang computation ng Wardens at BuCor Director General.

    Only after such investigation will the BPP make its decision. From there gagawan na ng release documents at bababa ang order to BuCor for final release.

    Given this, makabuluhan pa ba ang ipakita na si Faeldon ang pumirma ng release papers?


    No photo description available



  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Kung tatanungin ng mga senador kung bakit hindi umangal sa polisia si BuCor Director Gen Faeldon o si DoJ Sec. Guevarra, kaya ba nilang tanungin sina Senators Bato at Leila Delima? Hindi ba BuCor dati si Bato at immediate predecessor ni Faeldon? At hindi ba si Leila Delima ang Sec of Justice nuong pinasa at inimplement ito para ma establish ang precedent na kasama ang mga DRUG LORD?


  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited September 2

    Take a look at Sec. 1 of RA 10592 and see why heinous crimes were not intended to be exempted.

    First, the law states that it merely amends Sec. 29 of the Revised Penal Code which talks about preventive imprisonment. Meaning, this applies only to those who have not yet been convicted.

    Second. This is bolstered by the plain reading of the law which says PROVIDED, ... those CHARGED with heinous crimes.

    Note that the legislators could have said, this does not apply to persons CONVICTED of heinous crimes. Instead, it says charged.

    This means, the law did not intend to exclude heinous crimes for GCTA except for that period when they are detained while ongoing trial. For their service of sentence, mag aapply pa rin.


    Image may contain text
  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Atty Ahmed Pagkalinawan post:

    Sa tingin ko, error in the application of a vague law ang nangyari dito. Gayunpaman, ang Korte Suprema lang ang pwedeng mag desisyon tungkol sa problemang to --kung anong gagawin sa napalaya na. Syempre yung di pa lumalaya, di na talaga sila lalaya gamit ang batas na to.

    Itong ginagawa ng Senado ay smokescreen. Pampagulo. Walang dahilan. Judicial review na lang ang pinaka-mabilis na solusyon dito. Hindi repeal.

    So kung hindi repeal ang pakay ng mga senador na to, eh di facetime na lang ang natitirang dahilan nitong hearing na to.

    kaya po, mas mabuti pa ay hintayin na lang natuin ang resulta ng kaso, kung may kaso ngang mangyayari.

    Senators Gordon, Lacson and others like-minded:

    Kung gusto nyo talagang humanap ng mapaparusahan sa pag patupad ng batas na ito, parusahan nyo rin ang mga nauna nang namuno sa BUCOR na gumawa rin ng parehong desisyon.

    Hindi lang siguro si Faeldon.

    Ano ha?

    Equal protection nga di ba? At due process din po, di ba?

    Kung hindi yan ang gagawin nyo,

    Eh di tang1na nyo.

    Malinaw yan.






  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Faeldon now admits authority over release order


    MANILA, Philippines— Who really has the authority over the release order of inmates?

    ADVERTISEMENT

    At first, Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon said he only signed a memorandum of order to start the process of release of persons deprived of liberty (PDL), including former Calauan Mayor Antonio Sanchez.

    But he said it was not yet a release order, which he said must be signed by jail officials.

    “Only the superintendent can issue the release order,” he earlier told the Senate committee on justice.

    When opposition Senator Francis “Kiko” Pangilinan, however, asked later if he had a memorandum order that had been reversed in the past, the BuCor chief answered in the negative.

    “In other words, administrative na lang. Wala nang discretion itong superintendent para pumirma o gumawa ng release order. Wala na siyang discretion, susunod na lang dun sa memorandum of release?” Pangilinan pointed out.

    “Yes, your honor,” the BuCor chief said.

    “So hindi maaring ibaligtad ng superintendent ‘yung memorandum of release order?” the senator asked again, to which Faeldon answered yes.

    “So ibig sabihin kayo talaga ang may kapangyarihan at ‘yung memorandum order ay kumbaga ‘yun ang susi, ‘yung release order ay susunod na lamang dun sa memorandum order,” Pangilinan said.

    Faeldon agreed, “Yes sir, that will trigger the processing of the release until the superintendent will issue the final release order.”



  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    BuCor, hindi authorized na magpalaya ng convict sa pamamagitan ng GCTA

    Iginiit ni Senator Ralph Recto na walang kapangyarihan ang Bureau of Corrections na magpalaya ng mga bilanggo sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance law.

    Ayon kay Recto, walang probisyon sa RA 10592 ang nagbibigay ng authorization sa Director General ng BuCor na mag-release ng bilanggo sa ilalim ng GCTA.

    “Remember, we’re talking about the law 10592… And when I reviewed the law, there is nothing here that authorizes the Director General ordering the release of any prisoner based on the time allowance granted here,” ani Recto.

    “[Section 5] Article 99, the title is ‘who grants time allowance?’, not authority. It does not grant authority to the Director General to release… Taga-bigay lang ng time allowance at tagabilang lang, but not to release,” dagdag pa ni Recto.

    Ayon kay Recto, pwedeng gamitin ang parehong batas para ibalik sa kulungan ang halos 2,000 na pinalaya ng BuCor.

    “Pwede rin nating gamitin ang batas na ‘to [GCTA] para hulihin, pabalikin ang 2,000 na pinakawalan ng BuCor. Kasi nga [ang GCTA nila] ay hindi lawfully justified,” ani Recto.




  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Faeldon admits memo of release he issued can no longer be reversed by subordinates


    Despite his denial that he signed the release order of convicted ex-Calauan mayor Antonio Sanchez, Bureau of Corrections director Nicanor Faeldon admitted Monday that the memorandum of release he issued can no longer be reversed by his subordinates.

    During the Senate hearing on the Good Conduct Time Allowance, Senator Francis Pangilinan pointed out that the memorandum was good as go.

    “Itong memorandum of release ang tinatanggap ng (jail) superintendent at siya ang pipirma ng release order. Meron na bang superintedent na ayaw pumirma?” Pangilinan asked.

    Faeldon answered in the negative.

    “So admin na lang at walang discretion ang superintendent, susunod na lang siya,” the senator said.

    The BuCor chief also confirmed that the jail superintendent cannot reverse the memorandum of release the former issued.

    “Ibig sabihin, kayo ang may kapangyarihan at ang memorandum of release ay susi.  Ang release order (na ii-issue ng superintendent) ay susunod na lang,” said Pangilinan.

    Earlier in the hearing, Faeldon denied signing a release order for Sanchez.

    “The document I signed is a memorandum for release. The release order, only a superintendent  can issue a release order,” he said.

    “That order was recalled by me, we stopped the process of release…I stopped it because I need to review again the GCTA granted to him that is after the strong objection of the legal officer that I cannot start the release of all those PDLs,” he added.

    “There is no release order because I recalled it, the process was never completed,” Faeldon said.

    But Senator Panfilo Lacson said a memorandum of release, signed for Faeldon by Technical Chief Supt Maria Fe Marquez, were issued for Alberto Caño, Ariel Balansag, and Josman Aznar who have been convicted for the abduction, rape, and killing of sisters Marijoy and Jacqueline Chiong.

    The three have already been released.

    “E di pareho din. ‘Yung release order kay Sanchez napigil lang because of the public uproar but in this case, this one got away because this was dated four days before the release order signed by you in favor of Antonio Sanchez,” Lacson said. 
  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    This particular Law does NOT grant AUTHORITY to anyone, or specifically, Director General, Warden, Chief JBMP, to order the release of any inmates whether they commit heinous crimes or minor offenses.





  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Si Sen. Drilon, pinipilit na si DG Faeldon ang may pakana sa pagbibigay ng GCTA for Sanchez’ during his period of detention, na kontra sa Sec. 1 ng RA 10592.

    First. Hindi si DG Faeldon ang BuCor nuon. Hindi siya ang nag grant nun.

    Second. Ayon sa Sec 5 ng RA 10592, once na grant ang GCTA, wala nang bawian.

    Yet somehow, for Sen. Drilon, kasalanan lahat ito ni Faeldon.

    Surprisingly (or maybe not surprisingly) Drilon doesnt mention na isa siya sa pumirma ng report at bumoto sa batas na ito.

    Nagagalit nga si senator na hindi alam daw ni DG Faeldon yung mga labag ni Sanchez sa batas. So patas lang. Hindi rin pala alam ni Senator yung epekto ng batas na pinasa nila, o yung mga nangyayari as a result of this law.

    Vote wisely, mga kababayan. Eto nangyayari pag hindi eh.

    Source: https://youtu.be/IV6SXSvUdbs
    RA 10592



  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jay Sonza post:



  • private-iprivate-i Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    “Our proposal was limited to counting preventive detention or imprisonment as part of an offender’s sentence if he is convicted. The bill on expanded GCTA came from senators,” Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez told The STAR.
    File



    ‘Expanded good conduct law was Senate idea’






    Jess Diaz (The Philippine Star) - August 30, 2019 - 12:00am

    MANILA, Philippines — The longer good conduct time allowance for convicts, which convicted rapist-murderer Antonio Sanchez wants to avail himself of so he can be freed early, was the idea of the Senate, one of the congressmen-authors of the GCTA law said yesterday.

    “Our proposal was limited to counting preventive detention or imprisonment as part of an offender’s sentence if he is convicted. The bill on expanded GCTA came from senators,” Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez told The STAR.

    He was referring to House Bill 417 and Senate Bill 3064, which were introduced in the 15th Congress and consolidated to become Republic Act 10592 signed by then president Benigno Aquino III on May 29, 2013.



    The STAR reviewed the history of the two measures and the law, and discovered that some senators who are fuming over the prospect of Sanchez walking out of New Bilibid Prison soon are among the law’s authors.




    Rodriguez said that although the longer good behavior allowance was not part of their bill, he is in favor of it as he pointed out that “our justice system should be reformative, not retributive.”

    “But those convicted of heinous crimes such as murder and rape, like Sanchez, the recidivists, escapees, and those who commit additional crimes while in prison, should not be qualified for GCTA. In fact, the law says so,” he added, noting that the victims of such convicts, other people and society in general would be exposed to danger if these offenders were freed early.

    “All the authorities have to do is to strictly enforce the law, especially the disqualifications for good conduct time allowance,” Rodriguez said.

    Aside from him, the authors of Bill 417 include then Aurora congressman and now Sen. Juan Edgardo Angara, Marlyn Aggabas of Pangasinan, Victor Francisco Ortega of La Union, Eduardo Gullas of Cebu, and Giorgidi Aggabao of Isabela. 

    Their bill was entitled, “An Act giving offenders the fullest benefit of preventive imprisonment, amending for the purpose Article 29 of Act No. 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal Code.”

    It specifically provided that “recidivists, habitual delinquents and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage” of the proposed law.

    Senate Bill 3064 was contained in Committee Report No. 82, which the committee on justice and human rights, and the committee on constitutional amendments, revision of codes and laws submitted on Nov. 17, 2011.

    The Senate version consolidated eight similar measures on counting the period of detention as part of a prison term and expansion of GCTA as provided in the Revised Penal Code. 

    The authors of the eight measures were then senators Manuel Villar Jr., Francis Escudero and Miriam Defensor Santiago.

    Villar, Escudero, Santiago, and colleagues Loren Legarda, Antonio Trillanes IV, Franklin Drilon, Ramon Revilla Jr., Sergio Osmeña III, Francis Pangilinan, Aquilino Pimentel III, Ferdinand Marcos Jr., Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Alan Peter Cayetano, the late Joker Arroyo and Edgardo Angara, Jinggoy Estrada, Teofisto Guingona III and Vicente Sotto III signed Report No. 82. 

    House Bill 417 was also fused into Senate Bill 3064.

    The Senate version became the basis of RA 10592. In fact, they had the same title: “An Act amending Articles 29, 94, 97, 98, and 99 of Act No. 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal Code.”

    Under Bill 3064 and the law, senators expanded good conduct allowance from five days to 20 days per month during the first two years of imprisonment, from eight days to 23 days from the third year to the fifth year, from 11 days to 25 days from the sixth year to the 10th year, and from 15 to 30 days during succeeding years.

    There is an additional good behavior allowance of 15 days “for each month of study, teaching or mentoring service time rendered.”

    In case of calamity or a catastrophe, and a prisoner “chose to stay in the place of his confinement,” he may apply for “special time allowance for loyalty” equivalent to “two-fifths of the period of his sentence.” 

    A congressman, who did not want to be named, urged senators to review the GCTA law.

    “They were so generous in giving all kinds of good conduct allowances. If all those GCTAs are given, a convict may end up walking out of prison a few days after walking in,” the lawmaker said.

    He said under the present law, if a convict shows good behavior during the first two years of imprisonment, he is entitled to 20 days of deduction from his sentence.

    “This means that he should be in prison for only 10-11 days each month. From the 11th year onwards, he is allowed 30 days in GCTA, which translates to no prison service or just one day in prison,” he stressed. 

    Aside from Sanchez, more than 11,000 other convicts were reportedly entitled to GCTA.

    Temporary suspension

    Secretaries Eduardo Año of the interior and Menardo Guevarra of justice yesterday signed a joint department order to suspend the implementation of the GCTA for 10 days.

    This would pave the way for a review by a joint committee of the Department of the Interior and Local Government (DILG) and Department of Justice (DOJ) following criticism on the implementation of RA 10592. 

    DILG Undersecretary and spokesman Jonathan Malaya said the review would tackle both the implementing rules and regulations (IRR) and the uniform policy and guidelines on the computation of credits and allowances under the law. 

    The joint committee is expected to determine if the policies currently being implemented are in line with the intent of Congress when the law was passed and if there are inconsistencies in the implementation. 

    Processing and computation of time credits and allowances will also be suspended following the issuance of the joint department order. 

    The 10-day review will give both departments time to revisit provisions in the IRR to either make adjustments within the guidelines or recommend possible amendments to Congress. 

    “Hopefully, the joint committee will be able to make the necessary adjustments to the IRR, if needed, so that we do not have to go to Congress or to the Judiciary,” Malaya said in a statement. 

    The joint committee, chaired by the DOJ and co-chaired by the DILG, will submit its report and the draft revised IRR and guidelines to the interior and justice secretaries within 10 working days. 

    Yesterday, the women’s group Gabriela claimed that the camp of Sanchez was already preparing a party for the former mayor’s homecoming.

     Rep. Arlene Brosas told reporters in a briefing at the House of Representatives that a “personal source” said the release order for the former mayor was dated Aug. 20.

    The town party, according to her, was to be sponsored by the municipal government. 

    “We challenge BuCor (Bureau of Corrections) and DOJ to produce the release order. They should show it. Where there is smoke, there is fire,” she said in Filipino.

    Rep. Alfred Vargas of Quezon City said this matter should be investigated thoroughly. “We should dig deeper into this report. If proven true, this bolsters everybody’s suspicion that certain quarters, ironically in government, are out to make Sanchez free.” 

     Rep. Jericho Nograles of party-list Puwersa ng Bayaning Atleta also made the same pitch, stressing the need to clarify three major issues: the truth behind claims by the family of Sanchez that his release papers has already been signed and approved; that Sanchez was seen roaming freely outside the NBP; and the connection of Sanchez’s release to the killing of Ruperto Traya Jr., chief of the BuCor Inmate’s Document Processing Division.

    “We need to know the existence of this document and who signed it. Too bad one of the people who can apparently shed light on this was murdered last Wednesday,” Nograles said, referring to Traya. – With Evelyn Macairan, Romina Cabrera, Delon Porcalla


    Read more at https://www.philstar.com/headlines/2019/08/30/1947658/expanded-good-conduct-law-was-senate-idea#GtlCLQ6BGXjc1PiO.99


  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Naareglo na? Antonio Sanchez’s wife: Faeldon said ex-mayor could be out in 2 months


    The wife of convicted rapist and murderer Antonio Sanchez claimed being told by Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon that the former mayor could be out of jail in two months if he was found to be qualified for release under the Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

    At the continuation of the joint Senate committee hearing on the law Tuesday (September 3), Elvira Sanchez admitted she and her children tried to see Faeldon at the BuCor headquarters on August 20 after learning that her husband would be released soon.

    Sanchez said she received information about her husband’s supposed release from an unknown mobile number.

    However, Sanchez said she only managed to meet with Faeldon on August 21.

    “Ang sabi po niya, first in, first out. Ang sabi ko naman, bakit si Aznar, nakalabas na, eh 1997 ‘yun. Sabi po niya, hindi ko alam ‘yun,” she said.

    Josmar Aznar is one of the seven individuals convicted over the rape and killing of sisters Jacqueline and Marijoy Chiong in 1997.

    “Ang sabi niya [Faeldon] sa akin, ‘pag talagang qualified ang asawa mo, makakalabas siya within two months. Eleven thousand kasi ang pinoproseso,” Sanchez said.

    Antonio Sanchez was sentenced to seven terms of reclusion perpetua or 40-year imprisonment over the rape-slay of University of the Philippines Los Baños student Eileen Sarmenta and the killing of her companion, Allan Gomez in 1993.

    Sanchez admitted to feeling impatient about having to wait for two months for her husband’s release.

    “Sabi ko ho, ang tagal naman, eh mayroon siyang katarata, hindi na siya nakakabasa, baka mabulag pa … Kung lalabas nga po siya, eh di maraming salamat, mapapagamot na namin siya,” she said.

    Antonio Sanchez’s supposed release was shelved due to public outrage. The Department of Justice has said he wasn’t qualified to benefit from the GCTA Law because of the violations he committed while in jail


  • buddywbuddyw Member PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Faeldon admits not seeking DOJ nod on prisoners’ release

    MANILA, Philippines — Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon admitted on Tuesday that he did not seek approval from the Department of Justice (DOJ) in releasing heinous crime convicts because he was not aware of a department order that required it.

    Faeldon made the admission at the Senate hearing on the implementation of the good conduct time allowance (GCTA) law.

    Senate Minority Leader Franklin Drilon had been pressing him on whether he sought for the approval of Justice Secretary Menardo Guevarra before releasing heinous crime convicts, including three men convicted for the rape-slay of the Chiong sisters in Cebu.

    Department Order No. 953, Drilon explained, high-risk convicts could not be released without the approval of the justice secretary.

    The order was issued in November 2015 by then-Justice Secretary Alfredo Caguioa.

    Faeldon said he could not “remember requesting clearance of releases of any PDL [person deprived of liberty] to the department.”

    “You have not remembered seeking clearance for any of the 816 instances when you ordered the release of prisoners convicted of heinous crimes?” Drilon prodded Faeldon.

    “Yes, your honor,” the BuCor chief said.

    Faeldon explained that he was not made aware of the said department order when he assumed office in 2018.

    “The Department Oder 953 was practically not familiar with me. I was not even apprised of that department order by anybody in the Bureau of Corrections in my entire stay there,” he said.

    He said it was his head executive assistance that informed him of the order.

    However, Drilon reminded Faeldon that “ignorance of the law excuses no one.”

    “Unfortunately, the written document indicates that you are aware of this Order 953 and that requires specific clearance of the Secretary of Justice,” the senator said.

    Drilon was referring to a memorandum signed by Faeldon on the release of convicted rapist and murderer Antonio Sanchez, a former mayor of Calauan in Laguna.

    “Now you are trying [to say] you are not aware of Department Order 953,” Drilon went on.




  • knorrknorr 8anned by Abmin PExer

    Misis, bakit nyo sinira ang cell phone at SIM card kahapon?





  • knorrknorr 8anned by Abmin PExer


    Mga Tabogs BASA para ma gets nyo


    Ping Lacson says;

    Sa mga nagsasabi na batas ang may problema, wag na nating pagtakpan ang mali at pagkukulang sa implementasyon. Kahit anong batas ay mapapalusutan kung corrupt o incompetent man ang nagpapatupad nito.

    Unang-una malinaw sa batas na hindi maaaring mabigyan ng GCTA ang nahatulan ng heinous crime. 7 life sentences ang pinataw kay Sanchez at may mga violation pa ito habang nasa kulungan. Ang kubol ay naka-aircon, may TV at nahulihan pa ng pinagbabawal na gamot. Naka relo pa at hindi sumusunod sa tamang uniporme ng isang bilanggo. Ano ang GOOD CONDUCT doon?

    Ibig sabihin nasa implementsyon talaga ang problema, katulad rin ng ano mang programa ng gobyerno o kahit sinong administrasyon pa yan, kahit gaano kaganda ang programa kung hindi maayos ang pagpapatupad o hindi matino ang nagpapatupad, malulusutan kahit gaano pa kaayos ang naipasang batas. Ganun ba kalabo ang isyu na ito kahit sobrang linaw na ng ebidensya at nakasaad sa batas?


  • azzkikrazzkikr None PEx Veteran ⭐⭐
    Ayos yung graph pataas ng pataas ah.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file