Pre-Employment Medical Examination

Good day guys! I just want to ask something about PTB. Na-diagnosed po ako ng PTB last 2010~2012 I think. Then I take medication for 6 months on one TB DOTS Center sa area namin. Now, nag apply ako ng work sa isang known company and take their pre-employment medical exam and found out na may scar ako, then suggested to have checked by pulmo. Problem is wala na akong copy ng mga recent xray pero aware ako sa case ko and I know na cured ako dahil matagal na tong case kong to hindi nawawala. Any suggestion kung pano makakuha ng clearance sa pulmo doctor and kung anong ospital ang marerecommend nyo? Im from Fairview QC. 
Tagged:

Comments

  • Hi po! Newbie po
    May question po ako, na diagnosed po kasi ng PTB after lumabas result ng pre-employment exam ko. After ko po magconsult sa Pulmonologist, nagreseta siya sakin ng Fixcom4. 3 tablets per day sabay sabay inumin, 30mins before breakfast or 2hours after meal. Pwede na daw niya ako bigyan ng fit to work medical clearance after 2 weeks.
    Okay naman nung umpisa, tolerable yung hilo. But nung time na matatapos ko na continous na paginum ng gamot for 2 weeks naramdaman ko na na hinihingal ako, kapos sa paghinga, nahahapo. Grabe din yung hilo ko na hindi ako napapatayo ng matagal at sobrang hinang hina katawan ko. Pang 3 weeks ko na ngayon pero mukang habang tumatagal nanghihina at nahihirapan lNg ako huminga.
    Maayos pakiramdam ko at walang naramdamang sintomas ng tb bago ako na diagnosed pero after 1 week na paginum ng gamot sa tb tsaka ako nakaramdaman ng masama, sobrang pagkahilo, at hirap huminga. Nanginginig din ako at madalas lamigin kahit hindi naman malamig sa pwesto ko. 
    Ano kaya nanyayari sa katawan ko, sana may makasagot po. Nagpacheckup na po ako sa doctor kaso nagbigay lang ng gamot sa hirap ko huminga. Pero hanggang ngayon di pa umeepekto ata yung gamot kasi hinihingal pa rin ako.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file