COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Kasalanan bang tumanggi bilang ninang/ninong sa binyag?

Pasensiya na sa mga bagong magulang diyan, o may mga sanggol na malapit nang binyagan.

Napansin ko lang kasi na ugali ng mga Pinoy na kumuha/ilistang ninang/ninong ang naisin nila kahit walang paalam dun sa tao. Tapos may kasabihan pang, "Bawal tumanggi sa binyag kasi blessing ang baby". Ginawang dahilan pa ang bata.

Oh, tapos ng binyag, kapag no-show na yung mga kinuhang ninang/ninong, sasabihin, tinakasan sila? Eh sino ba kasing nagsabing kunin niyo sila in the first place? Wala man lang at least 1 month notice para mapaghandaan ang binyag, tapos lista lang kayo ng lista, malay niyo ba, baka naman may inaasikasong mas mahalaga yung tao 'di ba? Tapos sa susunod na linggo na yung binyag, eh paano kung may mahalagang trabaho yung tao na 'yun na naplano na?

Ang akin lang naman kasi, parang mas may karapatang magtampo ang mga magulang sa mga ninang/ninong na nagpresenta mismo sa kanila sa binyag, kaysa sa mga kinuha lang nila basta-basta. Ang hirap kasi sa atin, basta ka-close o matipuhan, pwede na. Hindi ba pwedeng i-assess muna yung tao bago kunin sa binyag? Yung tipong alam niyong magiging responsable talaga, yung magiging gabay talaga ng bata sa paglaki, maaasahan niyong nandiyan lang kapag kailangan, kasi hindi ba yun naman talaga ang purpose ng ninang/ninong, maging gabay at hindi human ATM tuwing dadalaw?

Pasensiya na talaga, pero para sa akin, sana naman hindi maging masamang tumanggi sa binyag. Malaking responsibilidad ang pagiging ninang/ninong, hindi ito basta-basta lang na kinukuha para lang mapunan ang baptismal certificate. Nawawalan na tuloy ng saysay ang dapat sana'y mahalagang parte ng buhay at magiging gabay ng bata sa kanyang paglaki.

Peace out. ;)

Comments

  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Dapat anumang gagawin ay may pahintulot ng iba. Ginawa akong ninong nang hindi ko alam, hindi ko na problema iyan. Malay ko ba....
  • hon3ykowhon3ykow Member PEx Rookie ⭐
    edited July 19
    Hello,pede po tayong tumanggi sa totoo Lang,isa pong rason ay kung hindi natin kayang gampanan ang pagiging pangalawang magulang sa mga bata,kung sakali Wala sa paligid ang mga biological parents.Pag tumatanda na tayo naiisip din natin ang kapakanan ng mga bata kaya tayo nagiging pangalawang magulang.Isa po ako dun.
  • chad_almightychad_almighty Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Walang masama kung mag no ka faith or prinsipyo wise.
  • 0627satogoro0627satogoro Member PEx Rookie ⭐
    hindi naman masama ang tumanggi... naaalala ko yung palagi akong kinukuha ng mga kaibigan ko para maging ninang ng anak nila...nagulat ako at napapasabi na lang ng "Huh? Bakit ako? Ano ba yan.. xD" at hinahayaan ko na lang din sila kahit ayaw ko talaga maging ninang kasi sila na mismo nagsabi saken na okay lang kahit wala akong maibigay. sabi nga nila mamalasin din ang bata kapag tumanggi ka pero hindi naman yun totoo kasi ilang beses ko na yun ginawa pero healthy at full of blessings naman yung mga bata. opinion ko lang naman, at based din sa na-experience ko. 
  • chocoholic09chocoholic09 PEx Rookie ⭐
    Pwede naman tumanggi.. hndi ka nmn nila pwedeng pilitin kung ayaw mo e..
  • gooseberrygooseberry very loosey 🐯 Tiger Squad🥈
    Sino  naman ang nagsabi na bawal tumanggi? 

    Just state your reason why you can't fulfill the obligation and move on.

    Ang sirap sa iyo eh ang daming drama at excuses. You overthink and make your life complicated. LOL. Good luck with that. 
  • phillyphilly Member PEx Expert 🎖️
    hon3ykow said:
    Hello,pede po tayong tumanggi sa totoo Lang,isa pong rason ay kung hindi natin kayang gampanan ang pagiging pangalawang magulang sa mga bata,kung sakali Wala sa paligid ang mga biological parents.Pag tumatanda na tayo naiisip din natin ang kapakanan ng mga bata kaya tayo nagiging pangalawang magulang.Isa po ako dun.
    best answer, in my opinion.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file