GMA Network: MADRASTA (Thea Tolentino, Arra San Agustin & Juancho Triviño)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

Insta Scoop: Thea Tolentino and Arra San Agustin Star with Juancho Triviño in GMA's 'Madrasta'


Images courtesy of Instagram: kapusoprgirl

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Juancho, Thea and Jeric are the only one who succeeded dun sa Teen Gen series ng GMA dati. Glad to see Thea and Juancho here  
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Summer King

    There’s a new favorite in the Bench Body block and his name is Juancho Trivino! He’s boldly gracing the local brand’s underwear campaign this season – explicitly telling everyone that it’s perfectly fine to wear dem cotton undies on the beach as long as you’re as goodlooking as the endorsers.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    NEWEST KAPUSO ACTOR ANJO DAMILES TO BE PART OF ‘MADRASTA’

    • Anjo Damiles signed an exclusive contract with GMA Artist Center on July 15, 2019
    • The actor has already been given a project as part of the upcoming afternoon drama series of GMA Network,Madrasta
    • Damiles will be working with lead starsArra San Agustin, Juancho Trivino, and Thea Tolentino
    • He was a former Star Magic talent before he decided to transfer to GMA Artist Center

    Newest Kapuso actor Anjo Damiles will be part of the upcoming drama series of GMA-7. With a working title Madrasta, Damiles is set to work with headliners Arra San Agustin, Juancho Trivino, and Thea Tolentino.

    It was on July 15 when the former Kapamilya star inked an exclusive contract with GMA Artist Center. In just almost a week, the network already gave him his first Kapuso project.

    In an exclusive interview with GMANetwork.com the actor stated: “Sobrang blessed and happy po kasi ilang araw pa lang ako rito sa GMA nabigyan po agad ako ng proyekto and siyempre thankful na din po.

    “Gagawin ko po lahat ng best ko para hindi ko mabigo ang mga expectations ng mga viewers and supporters at sa lahat ng ibato sa ‘kin na eksena, gagalingan ko talaga,” he continued.

    Joseph Roland Beltran Damiles, popularly known as “Anjo Damiles” was a talent of Star Magic before he transferred to GMA Artist Center. In his five years stay with ABS-CBN, the actor appeared in several TV programs including Forevermore (2014), Doble Kara (2015), La Luna Sangre (2017), Wansapanataym, Ipaglaban Mo, and Maalaala Mo Kaya. 

    His character as Andrew “Andy” Delgado in the series Doble Kara opposite Julia Montes was considered as his big break in the showbiz industry.

    Madrasta is the upcoming afternoon drama series of GMA Network and the taping for the said series has already begun.

    Madrasta also marks the comeback of Almira Muhlach to the Kapuso Network. The show is also the replacement project of Tolentino after her other project, Rosang Agimat, was shelved. The upcoming show will also be the first time for San Agustin and Trivino to be the lead stars in a series.

    No airing date has been set as of this writing.

    Other cast members include Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Phytos Ramirez, Isabelle De Leon, and Divine.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Tuesday, August 6, 2019

    Insta Scoop: Ahron Villena Joins GMA's 'Madrasta'

    Image courtesy of Instagram: gmanetwork
  • wolfkiddwolfkidd PEx Influencer ⭐⭐⭐ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Madrasta BTS pics...










  • wolfkiddwolfkidd PEx Influencer ⭐⭐⭐ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    More BTS pics...










  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Insta Scoop: Meet the Cast of GMA's 'Madrasta'

    Image courtesy of Instagram: kapusoprgirl

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited October 1


    Juancho Trivino will not join bandwagon of actors who do butt exposures on film
    by Rommel Gonzales
    3 DAYS AGO
    “Ang dami namang puwedeng gawin, na siyempre kung nandiyan na sila, di masa-saturate na yung ganyang market," says Juancho Trivino about actors who do butt exposures on film. 
    PHOTO/S: @JUANCHOTRIVINO ON INSTAGRAM
     
     
    2K
    SHARES
      

    Maraming mga bagong lipat sa GMA-7, katulad nina Jon Lucas, Paul Salas (na parehong kasama sa Pinoy remake ng GMA ng Descendants of the Sun), Ahron Villena, at Anjo Damiles.

    Kasama ni Juancho Trivino sa Madrasta sina Ahron at Anjo.

    Bilang isang original na Kapuso, ano ang nararamdaman ni Juancho kapag may mga bagong tawid mula sa ibang TV network?

    “More friends! Si Paul naging close ko. Kasi ‘pag may lumilipat, may umaaalis din, e. May mga nawawala din.

    “Sa basketball, nakakalaro ko si Paul sa basketball,” sagot pa ni Juancho nang makapanayam namin sa lobby ng GMA Network nitong Lunes, September 16.

    Paglipat ni Paul ay naging close na agad sila ni Juancho. Okey lang raw kay Juancho kung may mga lumilipat sa GMA, hindi siya threatened.

    “As long as confident ka naman that, siyempre, iba pa rin naman talaga yung branding namin sa branding ng ibang tao.

    “And di ba? Parang kung alam mo naman kung sino ka at alam ng GMA siyempre, nasa kanila naman yung desisyon e, everytime.

    “The possibility of ma-lessen naman yung work, of course parang, may slight worry, hindi ko naman itatanggi, may slight worry dun, pero as long as ginagawa mo palagi yung best mo, professional ka palagi sa mga taong nasa paligid mo, hindi ka naman mawawalan ng show.”

    JUANCHO SAYS NO TO BUTT EXPOSURE

    Kung may offer kay Juancho na isang sexy and daring film tulad ng Glorious o Just A Stranger, tatanggapin ba niya? Kaya ba niyang makipag-lovescene tulad ni Tony Labrusca o magpakita ng puwet tulad ni Marco Gumabao?

    “At this point siguro hindi na muna, hindi ko naman priority yun.”

    Sumikat at pinag-usapan sina Tony at Marco sa ginawa nila sa kani-kanilang pelikula. Bakit ayaw ni Juancho?

    “Ito ang rason kung bakit ayaw ko.

    “I’m not afraid to be different, I’m always not afraid to be different and kung nandiyan na lahat ng tao, kung iyan ang palaging pinag-uusapan, kung iyan ang iniisip ng mga lahat ng tao, na ikasisikat ng mga artista, ako I don’t think that way, you know.

    “Ang dami namang puwedeng gawin, na siyempre kung nandiyan na sila, di masa-saturate na yung ganyang market. Ako, I’m not afraid to think out of the box.

    “Kaya ko naman, kaya ko naman, nagawa ko naman sa Wild and Free before, e. Nagawa ko na siya sa mga Bench shoot ko.”

    Ang Wild and Free ay pelikula nila ni Sanya Lopez noong 2018.

    “I’m not really… I don’t shy away from it, but mas gusto kong makita yung sarili ko elsewhere, na kakaiba ako.

    “Na hindi ako yung ‘one of the’, yung ‘one of the’ lang.”

    Ayaw niyang sumabay sa trend ng pagpapakita ng puwet among some young male stars?

    “I don’t think it’s a necessity naman. Well of course, it’s art and I have utmost respect sa mga gumagawa niyan and of course I did it before nga, e. Yung mga intimate na scenes, sa Wild and Free.

    “But baka naman may ibang mga paraan, di ba? Nandiyan na silang lahat, e.”

    Sa Madrasta ay gaganap si Juancho bilang si Sean Ledesma, si Arra San Agustin bilang Audrey, Thea Tolentino bilang Katharine, Gladys Reyes bilang Elizabeth Ledesma, Manilyn Reynes bilang si Grace, Almira Muhlach as Shirley, Isabelle de Leon bilang Judy, Ahron Villena bilang Gian, Anjo Damiles as George, Kelvin Miranda as Barry, Divine as Debbie, Faye Lorenzo bilang Joan, at Phytos Ramirez bilang David. Eere na sa GMA Afternoon Prime simula October 7, ang Madrasta ay sa direksyon ni Monti Parungao.


    • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

      Phytos Ramirez offered to do sexy indie film

      by Rommel Gonzales
      2 DAYS AGO
      “Open po ako sa mga ganun! Ever since, iyon po talaga yung gusto ko. Maging daring, yes!” says Phytos Ramirez. 
      PHOTO/S: @IAMPHYTOSRAMIREZ ON INSTAGRAM
       
       
      310
      SHARES
        

      Sa Madrasta ay may mga eksena si Phytos Ramirez na hubad siya.

      “Dahil nga si Juancho, medyo yung character niya is formal, balot. Yung character ko po is…” simula ni Phytos nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung September 16 sa pictorial ng Madrasta sa GMA Network building. Nabanggit pa niya ang kasama sa show na si Juancho Trivino.

      Magpapaseksi si Phytos sa Madrasta na ipapalabas na sa October 7. Sa pelikula ba ay handa rin siyang maging daring?

      “Open po ako sa mga ganun! Ever since iyon po talaga yung gusto ko. Maging daring, yes!”

      PHYTOS ON DOING DARING INDIE FILM

      Kaya niyang gumawa ng love scenes at magkaroon ng butt exposure sa pelikula?

      “May nag-offer sa akin for indie, pero hindi pa puwedeng sabihin. Wino-work out pa po namin with my handler sa GMA, kay Tita Becky, kasi yung schedule po nito is M-W-F-S,” sagot ni Phytos.

      Monday, Wednesday, Friday o Saturday ang taping ni Phytos para sa Madrasta. Alaga siya ng talent manager na si Becky Aguila.

      Sexy raw ang indie film na inaalok sa kanya.

      “As in matanda po yung babae… well, hindi naman po super-tanda, mga nasa forties,” kuwento ni Phytos.

      Magkakaroon sila ng love scene ng older leading lady niya at may butt exposure din si Phytos kapag natuloy na ang naturang indie film. Payag daw si Phytos na magpakita ng puwet.

      “Okey naman po sa akin, wala naman pong problema sa akin, e.”

      Kaya ba niyang higitan ang ginawa ni Marco Gumabao sa Just A Stranger? Nagpakita ng puwet at nakipag-love scene si Marco kay Anne Curtis sa nabanggit na pelikula. O kaya ba niyang higitan ang ginawa ni Tony Labrusca sa sexy film na Glorious kung saan kapareha ni Tony si Angel Aquino?

      “Ang napanood ko po yung kay Tony, yung kay Marco not yet po.

      “Kaya naman po. Depende po sa istorya, e. Hindi natin masabing kaya nating higitan or hindi natin kayang higitan. Kasi nasa flow pa din po ng story.

      “Ngayon po, nag-one-month workshop po ako kay Ms. Anna Feleo,” lahad pa ni Phytos.

      FAT MEMO

      At mabuti at pumayat na siya. May mga pagkakataon dati na mataba si Phytos. Pero hindi naman daw siya napadalhan ng “fat memo” ng GMA, na karaniwang ipinadadala sa Kapuso artists na medyo nagdadagdag ng timbang.

      “Pero alam ko po sa sarili ko na kaya paputul-putol yung shows ko is because of my weight. Naglalaro.

      “O, ‘pag may show, payat, after the show, lumalaki ako.”

      Mahilig ba siyang kumain?

      “Hindi naman po mahilig kumain, pero, parang ‘pag masyado mong dineprive yung sarili mo, masyado kang nagpatuyot. I think mapapagod yung utak mo, so gusto mong for a time, magpahinga ka.

      “’Tapos ang hirap ibalik, kasi yung mind mo sinasabi, ‘Gusto ko pang kumain, hindi pa ako tapos kumain, hindi pa ako tapos mag-enjoy!’

      “Pero at the end of the day, ito yung isa sa mga puhunan ng isang actor, kailangan maayos yung figure mo kasi nakikita ka ng mga tao, idol ka ng mga tao.”


      • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

        Madrasta star Arra San Agustin dreams of becoming the next MariMar

        by Rommel Gonzales
        3 DAYS AGO
        And of course, Arra San Agustin (left) wants to follow on the footsteps of Kapuso Primetime Queen Marian Rivera who was launched into stardom via the Pinoy remake of the Mexican teleserye MariMar. 
        PHOTO/S: @ARRASANAGUSTIN ON INSTAGRAM (LEFT) / GMA-7 (RIGHT)
         
         
        11.7K
        SHARES
          

        Sa Madrasta ay si Audrey na isang nurse si Arra San Agustin.

        “Galing po sa mahirap na pamilya, gustong tumulong sa pamilya, maraming utang yung pamilya, para maka-graduate, para mabuhay.

        “Walang tatay si Audrey, so nag-decide siya na magpunta ng Canada para magtrabaho. So dun po sa Canada sana ipu-fulfil niya yung dreams niya, yung gusto niya doon makapagtrabaho, pero may mangyayari po.

        “So iyon po yung magiging struggle niya,” ang patikim na kuwento ni Arra tungkol sa Madrasta na eere na sa GMA-7 sa October 7. Nakausap namin si Arra sa lobby ng GMA Network nung Lunes, September 16.

        Nasa Madrasta si Gladys Reyes bilang Dra. Elizabeth Ledesma, na ina naman ng karakter ni Juancho Trivino as Dr. Sean Ledesma, na leading man ni Arra. May kuwento si Arra tungkol sa mahusay na aktres.

        “Nakakatawa po si Ate Gladys, as in ano siya, ang dami niyang kuwento ‘tsaka nakakatuwa lang siya, ‘pag kunwari nasa dressing room kami gising na gising ako kapag kasama ko siya sa standby area kasi ang kulit niya,” at tumawa si Arra.

        “Masaya, masaya po na yung mga katrabaho ko magagaan lalo na si Ate Gladys kasi siyempre gaganap siya na parang, hindi naman antagonist, pero medyo kontra kay Audrey so malaking bagay na kasundo mo siya kapag wala sa kamera.”

        ARRA, TOO YOUNG TO PLAY MADRASTA?

        Hindi kaya magulat ang fans ni Arra na isa siyang madrasta o stepmom sa Madrasta?

        “Actually marami pong nagugulat or nagtatanong, ‘Parang ang bata mo for the role?’

        “Sabi ko, ‘E iyon nga yung challenge, kailangan maging mature.’

        “Magmukhang mature yung role.”

        Bata rin naman sina Juancho at Thea Tolentino; sila ang tunay na magulang ng mga batang si Arra ang stepmother.

        “At saka bata din po talaga yung mga bata.

        “E may mga age naman namin ngayon, I’m twenty-four, may mga friends ako na may anak na, so hindi rin naman po ganun kagulat-gulat.”

        May mga eksenang magsasakitan sila ni Thea, na gaganap bilang si Katharine. Namula ba ang pisngi niya sa sampal ni Thea?

        “Hindi ko lang po alam. Nag-init,” at tumawa si Arra.

        “Pero okey lang naman.”

        “Actually ang dami kong nakasampalan dito, si Isabelle de Leon din.”

        Gusto raw ni Arra na totohanan ang mga eksenang sampalan.

        “Kasi mahirap din po na sumalo ng peke. Pero pinag-uusapan naman namin. Kahit yung kay Isabelle, sabi namin,’ Totohanin natin, bigay natin.’

        “Kasi sayang yung eksena, maganda yung eksena, e. Kung pepekein namin baka magkulang.”

        Gaganap bilang si Judy si Isabelle sa Madrasta.

        Produkto ng season 6 ng StarStruck si Arra kung saan ang mga Ultimate Male and Female Survivor ay sina Migo Adecer at Klea Pineda. Sabay sila ni Klea na may launching project sa GMA. Si Klea ang bida sa Magkaagaw kapareha si Jeric Gonzales.

        WANTS TO BE THE NEXT MARIMAR

        Nais ni Arra na balang-araw ay sundan ang mga yapak ni…

        “Marian Rivera, siyempre! Grabe yung peak ng career ni Marian Rivera and yung kung paano siya as an actress.”

        Kung ire-remake ang MariMar na launching vehicle noon ni Marian ay mag-o-audition raw si Arra.

        “Kaya lang yung dancing! Hindi ako magaling sumayaw,” at tumawa si Arra.

        “Pero matututunan naman iyon.” Nasa cast din ng Madrasta sina Manilyn Reynes bilang si Grace, Almira Muhlach as Shirley, Anjo Damiles as George, Kelvin Miranda as Barry, Divine as Debbie, at Phytos Ramirez bilang David. Ang Madrasta ay sa direksyon ni Monti Parungao.

        Apat na taon na si Arra sa showbiz at ang Madrasta ang biggest break niya sa showbiz. Ano ang aasahan sa kanya ng audience sa Madrasta?

        “Mas binigay ko po talaga dito! Kasi po mas marami na po akong natutunan along the way. I mean siguro nung binigyan ako ng mga shows like EncantadiaMy Special Tatay, ibinigay ko pa rin naman pero kulang na kulang pa po yung mga kaalaman ko ‘tsaka kulang pa po sa experience.

        “Kasi kahit na nagwo-workshop kami, although malaking bagay po talaga yung workshop, iba pa rin po yung eksena, e.

        “Iba pa rin yung experience na umaarte ka ng may kamera, na may blocking, may director, na may mga kasama kang ibang artista.

        “Sa tingin ko naman po, mas marami po akong natutunan talaga ngayon.”


        • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

          Arra San Agustin, napaiyak dahil sa big break na bigay ng GMA-7

          by Jojo Gabinete
          11 HOURS AGO
          Kapuso actress Arra Agustin on landing the title role in Madrasta: "Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko." 
          PHOTO/S: NOEL ORSAL
           
           
          2K
          SHARES
            

          Pumatak ang luha ni Arra San Agustin sa grand presscon ng Madrasta kahapon, September 30.

          Pinasalamatan niya ang management ng GMA-7 dahil ipinagkatiwala sa kanya ang title role.

          Nag-umpisa ang showbiz career ni Arra nang sumali siya noong 2015 sa Season 6 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso Network.

          Noong 2018, si Arra ang leading lady ni Ken Chan sa My Special Tatay pero ang role ni Rita Daniela ang umangat at napansin.

          Ngayong 2019, si Arra ang napili ng Kapuso Network management para magbida sa Madrasta kaya tuwang-tuwa siya sa malaking break sa telebisyon na natanggap niya.

          "Sobrang thankful and grateful, lahat-lahat na to the most extreme level!” pahayag ni Arra tungkol sa bagong chapter ng acting career niya.

          "Gift po ito na para sa akin. In the future, hinding-hindi ko po talaga makakalimutan.

          "Palagi ko pong ilu-look back na ito po yung pinakamalaki na nangyari sa buhay ko.

          "Sobrang laking pasasalamat ko po sa GMA, at siyempre, sa buong production."

          Nagpasalamat din si Arra sa director ng Madrasta na si kay Monti Parungao "dahil inaalagaan po nila kami."

          Dugtong ng Kapuso actress: "Ito po yung first title role ko kaya sobrang overwhelmed, sobrang saya po ng nararamdaman ko.

          "Pero at the same time, siyempre po kinakabahan ako kasi, una, sa malaking tiwala na hinding-hindi ko po gustong ma-disappoint yung mga tao na nag-aalaga at nagtitiwala po sa akin."

          Nagbigay-pugay rin si Arra sa American acting coach na si Anthony Bova at sa aktres na si Ana Feleo dahil nakatulong daw ang dalawa para sa paghahanda niya sa kanyang role sa Madrasta.

          "Thankful ako na sobrang timely na dumating si Bova at kay Ate Anna na nag-workshop po sa amin.

          "Sobrang dami kong natutunan."

          Naniniwala rin daw siyang malaki ang naiambag ng mga previous shows niya at mga direktor na tumulong humubog sa kanyang pag-arte.

          Ano pa ang ginawa niyang preparasyon para sa Madrasta?

          "Aside from workshops, nanonood ako ng mga movie.

          Pinanood ko rin yung Madrasta na ginampanan po ni Ms.Sharon Cuneta," tukoy ni Arra sa 1996 Star Cinema film ng Megastar.

          Dagdag niya, "Although hindi naman siya remake pero as research.

          "Nanonood po ako ng movies at nag-o-observe ako ng acting nila."

        Leave a Comment

        BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
        Emoji
        Image
        Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
        Drop image/file