Home PEx Business and Careers The Working Filipino
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Pinagbabantaan ako ng boss ko na ipapahold ang lastpay/clearance ko

Nag resign ako sa company na to (Di ko nalang papangalanan) pero 2 weeks lang ang na-render ko dahil meron pa kong 18 na Leaves(SL/VL). Nung nag resign ako nakiusap ako ng maayos sa boss ko na gagamitin ko nalang yung 18 leaves na yun para maaga ako maka alis sa company dahil hinahabol ko yung bago kong papasukan na trabaho need kasi nila ako ASAP. At nag ok naman sya basta maayos yung turnover.

Ang reason bakit nya sinabi na ipapahold ang clearance at last payko, dahil hindi ko daw na-iturnover ng maayos yung mga projects ko sa katrabaho ko (nag-iisa lang syang programmer dun). Hindi daw alam ang gagawin, e meron akong documentation na ginawa at inexplain ko sa kanya lahat, nag sabi ako na mag tanong sya kung may tanong sya at nag agree sya na ok na.

So ok na, wala na ko sa company, then makalipas ilang araw nag chat na sakin yung katrabaho ko pati yang boss ko nag chat narin na bakit ganyan, bakit ganito, bakit ndi gumagana, bakit hindi nya alam. Tapos ayun nga pinagbantaan ako na ipapahold yung clearance at lastpay ko.


Accoring sa Labor code satin dito sa pinas, correct me if I'm wrong, nabasa ko lang po, ndi po ako expert dito need ko po ng advice nyo, it requires 30 days na mag render. Ang kaso po sakin e 2 weeks lang po ako nag render kasi nga ginamit ko yung 18 ko na leaves.
1.) Q: Ako po ba yung dehado d2 kasi 10 or 12 days lang po ata ako nag render? e nag agree at pinirmahan naman po ng boss ko yung resignation at nag confirm naman po ang HR, and cleared na po ang clearance ko, hintayin ko nalang daw ng 1 month para dun sa lastpay at backpay ko.

2.) Q: Ano pong possible action na dapat kong gawin.

Ang reason pala bakit ako nag resign is hindi na healthy yung company at toxic yung mga katrabaho, kala mo ang gagaling laro lang namn ng laro, wlang growth at talagang mabigat po sa loob mag trabaho ayoko na talga. Nag counter-offer sakin pero ndi ko na tinanggap dahil mas mahalaga sakin legacy, worklife balance and growth. Money comes along the way.


TIA
Sign In or Register to comment.