GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

Suliraning squatter at abot kayang tahanan

Maganda iyong usapan sa kabila ukol rito. Dito natin ilipat para hindi matabunan ng ibang paksa!
«1345

Comments

  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Start Manila from ground up. Panget ng urban planning.
  • Alpha_GreenAlpha_Green raise ur bloody standards PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Relocation means local gov officials losing votes. So.... ito ang pinaka hadlang sa solusyon na relocation. For corrupt officials these are their most loyal voters
  • Alpha_GreenAlpha_Green raise ur bloody standards PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Priority na dapat paalisin agad sa lugar nila ay yung mga nasa tabi ng waterways or dead rivers or streams. Baka eventually pati tubig natin madamay sa mga waste nilang tinatapon dun. Pag umeebak sila imagin niyo saan nila tinatapon yun. 
  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kasi nga hindi man lang mag-isip ang mga government officials na magpatayo ng isang common restrooms.. yung tunay na palikuran hindi katulad noong isang MMDA opisyal na nagpagawa ng walang running water at isa-isahan tao lang may diskriminasyon sa kasarian at sa dahilang walang ginawa para sa kababaihan na palikuran..hindi kaya iyon ang ikinatalo niya ng lumahok siya bilang pangalwawang president?

     Kailangan talaga na ang mismong gobyerno ang magpagawa ng mga palikurang pampubliko..kasi isang katutak na ang mga naglalakihang signs na "BAWAL ANG UMIHI DITO?" minsan nga may nagtanong saken na isang turista na kung anu ang English duon sa nakasulat na bawal..sinabi ko yata eh..duon yun sa mga gumagawa ng INDECENT EXPOSURES!!
  • ramblerrambler I wait for You, my Savior. PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited June 26
    If ever there was a socialist policy na medyo agree ako, iyon ay ang housing. Kasi ang space ang totoong "scarcity" na maitatawag. Ang ibang commodities like food, electronics, medical supplies, ito ay hindi scarce, depende lang talaga sa kung paano mo iplano ang zoning at i-harness ang powers ng capitalism. Ang capitalism kasi, boundless yan. You can create and produce as much as you want, basta planado ng maayos, meaning merong proper zoning.

    Ano ba ang zoning? It simply means making the best use of space. Meaning merong space allocated for housing, forests, parks, industrial areas, financial districts, etc. Kapag naplanong maigi ang isang city or area, capitalism will soar like it did in first world countries.

    Kaya pabor ako sa housing na may ayuda ng gobyerno. Pinag-aaralan ko ang lectures ni Thomas Sowell na isang prominent conservative economist, he argues that when the government set housing prices, it negatively affects the economy in the long run. So my suggestion is plan the city, but allow private contractors to build high-rises and residential buildings. In other words, ang gobyerno ang mag-zozone, pero private companies pa rin ang magpapatayo ng mga buildings. Or perhaps the government can allocate budget for housing at ipapa-bid sa private contractors kung sino ang kakagat ng presyo.

    Don't say na walang budget, kasi kung merong budget sa CCT at healthcare na hindi naman na dapat kargo ng gobyerno, surely may budget sa zoning and housing. Misplaced lang talaga ang priorities ng gobyerno natin, hindi alam ang trabaho nila. Ginagawa nila ang trabaho na hindi naman dapat gawin, at hindi ginagawa ang trabaho na dapat ay gawin. 

    If you practice proper zoning, automatically you're freeing up a lot of space. For example, sa mga slum areas natin, kung planuhin na imbes magsiksikan sa madumi at mabahong lugar, why not put up tall residential buildings, and use the remaining space for businesses, para ang mga nakatira dun ay merong space to put up small businesses. That way, you are automatically creating an economy. Other spaces can also be used to build parks and mini-forests, o di ba? 

    Again, wag sabihing walang pera. Kasi may napanood akong documentary sa GMA kung saan nagpatayo sila ng housing sa isang malayong probinsya, at puro one-storey housing lang at walang space to create businesses. Kaya ang mga nirelocate nagsisibalikan sa siyudad. O di ba hindi ba yan matatawag na malaking kabobohan. The problem with our government is that they don't think, they do things halfheartedly, and their priorities are misplaced. 

  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ Walang maayos na housing sa Pinas kasi malapit na ang End of Days LOL
  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang isa pang problema ay ang monopolizing ng mga lupain na napakalawak at hindi naman nagagamit sa pagpapaunlad ng ekonomiya..kakaunti lang ang mga taong nagmamay-ari ng napakalalaking lupain na nakatiwangwang at walang halos silbi dahil hindi nagagamit o tayuan ng mga gusali at malalaking  kumpanya ng sa ganon ay magkaroon ng trabaho ang mga tao..Napansin ko ang lupain sa Canlubang Laguna na pag-aari ng mga Yulo's na kapag pumasok kay ay pribadong-pribado na sisingilin ang bawat sasakyang gumulong sa loob nito ng beinte pesos  ..Akala ko ba ay may batas na bawal ang mag-may ari ng ganitong kalalaking lupain?ng at kaya nagkaroon ng mga Land Reform ay para maipasa sa mga nangangailangan ng lupa para mapakinabangan ng lahat , na ang mga sobrang ari-arian ay ipamamahagi sa mga dating magsasaka na gumagawa sa ganong kalalaking lupain..bilang empleyado.

    Marami pang lupain ang hindi nagagamit ng gobyerno dahil ito ay pag-aari ng iisa lang na tao o mga angkang nakakuha o nakabili..gaya ng mga Arroyo at mga Ortigas..Ginawa nilang pribado ang mga lugar na ito kung kaya ang gobyerno ay hindi na makagawa ng mga bagong daan para sa mga sasakyan..parang natatandaan ko na para maibsan ang trapiko lalong-lalo na sa Makati at Quezon City ay may nagpanukala noon na bubuksan ang malalaking kalsada na ipinasara ng mga pribadong mayayaman at ginawang ""PRIVATE GATE NO TRESPASSING" ng may-ari ng lupa..at isa pa si dating presidente Noynoy na parang noong kanyang termino(if Iam not mistaken) na nagsabing ang mga may-ari ng mga lupain na hindi napapakinabangan at di ginagamit ay bubuksan sa mga tao na para maupahan habang wala pa silang balak gawin sa kani-kanilang lupa! Isang magandang ideya, na imbes na naka-tengga ay marentahan ng mga taong gustong  magkaroon ng negosyo...hindi ba merong BOT ba yun?...Build,(Occupy),Turnover? ganon ba yun..este! BUILT,OPERATE,TRANSFER.

    Dapat lang na talakayin muli ang ganito dahil nasasayang lang ang mga lupa na nakatiwangwang imbes na napapakinabangan ay binakuran at walang kabuluhan...at upang lumuwag din ang mga daanan, sa mga kalsadang ginawang pribado ng mga mayayaman..

  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung kaya dumadami ang iskwater ay sa dahilan na ren at kagagawan ng mga may-ari ng mga malalawak na lupain na nakatiwangwang..at pinasok ng mga illegal settlers.

    Ang tabing ilog at mga tabi ng estero at malalaking kanal ay pag-aari ng gobyerno at sa dahilang walang mga ginagawang ideya para ito mapakinabangan ang mga illegal settlers ang nagkaroon ng magagandang ideya na tayuan ito ng barong-barong ng sa ganon ay mapakinabangan..Mabuti pa ang mga taong iskwaters na naunahan ang mga magagaling na THINK TANK  ng gobyerno sa pagpapaunlad ng ganitong lugar.

    .Hindi ba may kaalaman si Presidente Duterte na ang mga establisamento na nagtayo o magtatayo sa tabi ng mga ilog gaya ng Pasig River ay kailangang may sukat na dapat ay hindi nila masasaklawan dahil ito ay pagaari ng pamahalaan?..Kung nagawa ito sa Boracay at sa ibang parte ng Palawan! bakit hindi maipatupad sa mga iskwaters sa kamaynilaan? na inakupa ng illegal settlers ang buong kahabaan ng ilog ng Pasig at patungo sa mga estero sa loob ng Maynila at karatig bayan?..Batas ay batas! at kung manlalaban sila sa ganitong kautusan? dapat lang na pagdusahan ang lumabag sa pamamagitan ng pagkakulong o pagbayad ng fines (Multa) sa di pagbabayad ng milyar..kung palagay na 20yrs na sila duon? pagmultahin ng apat na libo bawat taon na kanilang itinigil  duon..Kaya mamimili sila magbayad o umalis..dahil iyon ay batas..
  • BunnygervoBunnygervo White Rabbit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    family planning pa rin ang solusyon. pag walang bahay dapat walang anak. kuhanin ng gobyerno ang mga sanggol at gawing farmer sa farm, mangingisda sa dagat, or sundalo. yung matatandang squatter mahirap ng turuan maging masipag at hindi umaasa sa instant money.
  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    family planning pa rin ang solusyon. pag walang bahay dapat walang anak. kuhanin ng gobyerno ang mga sanggol at gawing farmer sa farm, mangingisda sa dagat, or sundalo. yung matatandang squatter mahirap ng turuan maging masipag at hindi umaasa sa instant money.
    Ang sinasabing Family planning ay hindi ganyan..komo ba ang mga walang Bahay ay kukunin mo na ang kanilang mga anak? at hindi mo na bibigyan ng pagkakataong magdesisyon ang mga bata na lumaki at mamili ng kanilang dapat gawin sa kanilang buhay? Ano na iyong sinasabing "IT'S MY LIFE AND I CAN DO WHAT I WANT?"sa China ang One Child policy ay hindi yata umubra..kaya yung family planning na gusto ng gobyerno di ren nasunod..

    Hindi mangyayari sa Pinas ang ideya mo..dahil marami nga ang nangamatay na ang mga magulang ay hindi man lang nakapagpundar ng Bahay, at ang mga anak naman ngayon ang nagpupunyagi para magkabahay at napakalayo ding mangyari..una sa kadahilanang mag-aaplay pa lang ng housing loan kalabog na  bakit kamo?.."Tinanong ilang taon ka na sa trabaho?" kasagot-sagot.."Hanggang anim na buwan lang ho akong magtatrabaho..Endo na ho!"

    Kung noong unang panahon na ang kanilang magulang ay nahihirapang magpundar ng sariling tahanan?, triple ang hirap na dadanasin ng mga bagong magiging magulang..Dahil noon ay walang ENDO..ngayon pa kayang may kontrata ang trabaho? lol
  • BunnygervoBunnygervo White Rabbit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    art727 said:

    Mas mapapabuti pa nga buhay ng mga bata if lumaki sila ng may tamang gabay ng sa ganon mgbabago din pananaw nila sa buhay. Pde namn silang turuan ng tamang choice.

    parang ang hirap nga sa panahon ngayun kasi mas gugustuhin mo pang magparty, magtravel at mag inum kesa bumili ng sariling Bahay.

  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Medyo mahihirapan nang ayusin ang urban planning sa Manila. Yung mga streets masisikip. Yung mga illegal settlers naman parang mga daga. Ok lang sa kanila kahit dugyot ang paligid nila.
  • BunnygervoBunnygervo White Rabbit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited June 26

    Dun sa malapit sa min my tinayung bagong kalsada sa gilid ng palayan 7yrs ago. 3km ang haba, nung una 3 pamilya lang nakatira after a year andami na. last year napadaan uli ako aba mapupuno na siya at factory na ng bata. Ung kalahating kalsada parang sarili na nila. dun na nakalagay ang mga sinampay. tapus yung ibang barong barong my 2F na. Dapat talaga my batas na bawal tumira sa ganung lugar tabing estero pa naman. Di ko alam kung panu sila nabibigyan ng linya ng tubig at kuryente.

    Mga nakajumper mga yan.
  • Kent_210Kent_210 Member PEx Guru 🎖️🎖️
    edited June 26
    And rule of thumb kasi ay dapat not more than 30% of net income yung mortgage. Kung nasa P537 pesos ang minimum wage, that's only about Php11,000, less 15% tax (just an assumption), that's Php9,300. Kung parehong mag asawa ay nagtatrabaho at ang asawa ay kumikita ng another Php9,300, combined household income nila ay Php18,600. 30% is around Php5,500, eto ang dapat maging maximum mortgage ng isang household. 

    Now yung mga nasa squatters, let's say si Juan. Akala lang natin ay wala siyang binabayarang renta pero meron yan. Squatter is a scam actually, may landlord pa din yan na naninigil somewhere between 3000 to 5000 per month, it's more practical for Juan to squat than rent a small 1 BR condo for 30,000 per month or buy a house and lot in a suburb with a monthly mortgage of 15,000. 

    As to the question of how much should be the cost of a public housing unit? My educated guess is Php1.5M for a 50sqm house with 2BR. 5% DP or 75,000. Then monthly mortgage of 7,000 per month including property tax and home insurance. This is provided PAGIBIG loan interest is only 3% and the term is stretched to 30 years. This is the best option for Juan, at the end of the day, pag aari niya yung bahay. Malaking tulong din ito para mapalago ang kaban ng bayan, imbes na sa shadow economy mapunta ang pera, sa gobyerno ito napupunta.
  • Kent_210Kent_210 Member PEx Guru 🎖️🎖️
    edited June 26
    Ang ganda ng sagot ni rambler. He summarized the effect ng pagkakaroon ng government housing project. It is like saying, use the space for good use. We need space for access roads to counter traffic, we need space for public parks and recreational areas, space for businesses etc...
  • Kent_210Kent_210 Member PEx Guru 🎖️🎖️
    edited June 26
    LOL, I was suggesting for a public housing that is 50sqm, 2 BR for 1.5M when below is a 58sqm, 2 BR for freaking 9M! 

    https://www.lamudi.com.ph/for-sale-2-bedroom-condo-unit-at-the-silk-residences-tower-2-sta-mesa.html 

    Ofcourse, public flat does not need to have a luxurious amenities like pool, spa, gym, green landscape, cozy lobby. Just the basic amenities. And they don't necessarily need to be in prime location too. 

  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang Pagibig na sinasabi ng iba Kent ay hindi totoong 17 days to 30 days approve na ang loan..meron pa silang tinatawag na 90 days to complete the papers to release the money to the seller which is 70%-80% lamang ang in-approved at ang kakulangan ay ihahanap mo pa ulit ng bagong mauutangan na 20% pambayad sa seller...Ito ay sa kadahilanang hindi 100% na ibibigay sa iyo ng Pagibig ang whole amount na iyong naaplayan. Kaya problema pa ren sa bumibili kung saan kukuha para makumpleto ang bayad sa Bahay..lumalabas na parang pahirap pa Lalo sa umuutang...Di tulad sa bangko na kung magkano inaaplayan mong halaga yun ang ibibigay sa iyo..basta ayos  ang income bracket ninyong magasawa..Sa Pag ibig ayos o hindi income mo sila pa ren ang masusunod kung magkano ibibigay sa iyo..Ang hirap noh!
  • art727art727 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kaya ko alam yan! yung buyer ko sa Baguio..kinulang sa amount na presyo ko,dahil 80% lang na approved sa kanyang loan..at ipinahila sa akin ang kanyang kotse..pangdagdag o pakumpleto sa total price...ang siste! wala pa ren siyang pambayad sa capital gain kasi sa laki ng discount na ibinigay ko sa kanya..napagkasunduan namin na ihahandle niya ang BIR..Ayun! problema pa ren..kayapera ko nakabitin..pinalipat ko na kasi bata pa at natutuwa ako na may goal..na magkabahay...tulong na lang ba para di na magbayad ng upa sa kanyang landlord..at ng makaipon..
  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    These illegal settlers have proclivity to return to squatting even if you give them a decent housing. If they opted to choose loving in that housing, I bet you they would turn it into a sh1thole in no time. Mga burara kasi karamihan sa kanila.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file