ABS-CBN's Upcoming Teleseryes

Gusto nyo bang malaman kung ano ang mga bagong teleserye ang hinahanda ng ABS-CBN para sa inyo, mga kapamilya? Dito ninyo unang malalaman yan!

Comments

  • okkimisbackokkimisback PEx Rookie ⭐

    Maja Salvador, magbabalik teleserye kasama sina Janella Salvador at Joshua Garcia bilang "The Killer Bride"

     June 3, 2019

    Noong Mayo 27, ginanap ang story conference at look test para sa kauna-unahang teleserye ng RDC Unit (Roda Catolico Dela Cerna) na former unit head ng 'MMK' (Maalaala Mo Kaya). Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina Joshua Garcia at Janella Salvador sa teleseryeng 'The Killer Bride' (tentative title) at pagbibidahan ito ng aktres na si Maja Salvador. Hindi pa kumpirmado ang pamagat ng teleserye at hindi pa sinasabi kung sino ang direktor ngunit kumpirmado na kasama sa cast sina Geoff Eigenmann at ang veteran actor na si Eddie Gutierrez.

    Ayon sa RDC Unit ang 'The Killer Bride' ay psychological romance thriller drama. Hindi nagbigay ng detalye ang unit tungkol sa magiging takbo ng serye dahil sorpresa ito para sa mga fans.

    Nakapagsimula nang mag- shooting ang The Killer Bride at ito ay ipapalabas sa 4th quarter ng 2019.

    Nasasabik na ba kayong makita si Maja Salvador na makatrabaho si Janella Salvador at Joshua Garcia?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file